“What?” taas-kilay na tanong ni Jenna nang ma-corner ito nina Keith at Cyler sa locker room.
Sadya nilang hinarangan ang babaeng papalabas na sana at mag-isa lang ito ngayon. Tinayming nila ito dahil nga may gustong malaman si Cyler mula sa kaibigan ni Fiona. Hindi nito kasama ang huli dahil nagsimula na raw maglinis sa CR habang ito ay may tsinek sa locker. Hindi pa rin kasi sila tapos sa kanilang detention pero malapit na rin naman na at makakahinga na sila nang maluwag. He was tired of meeting and seeing Benjie’s face every time, even after classes.
“Tell me who’s the bastard that broke Fiona’s heart,” walang ligoy-ligoy na usisa ni Cyler kay Jenna.
Napamaang ang babae sa narinig. “What the hell? Ano’ng alam mo tungkol do’n?” Halos mag-fencing na ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya.
“She didn’t say anything kaya kita tinatanong, Jenna,” napatiim-bagang na sagot ni Cyler. Nagtitimpi lang siya. Nakumpirma na nga niyang may salbaheng nanakit kay Fiona noon kaya ganito na lang ang pag-iwas ng dalaga sa kanya at hindi man lang siya pinaniniwalaan kahit nag-confess na siya ng damdamin para dito. Hindi siya pinaniwalaan, kahit na totoo naman siya. Hindi niya palalagpasin ang sinumang gagong iyon. Hindi niya ito palalagpasin kahit na wala pa siya sa buhay noon ni Fiona nang mangyari iyon.
Kumislot ang mukha ng kinausap na dalaga. “Okay. So…” Bumuga ito ng hangin bago nagpatuloy sa pagsasalita, “We were in ninth grade. Our classmate Orwin pretended that she cared for her. Ipinaglaban si Fiona sa mga bullies niya at niligawan siya. Sasagutin na sana niya si Orwin nang malaman niyang pinagpupustahan lang pala siya ng mga kabarkada ni Orwin. Narinig niya kasing nag-usap ang mga iyon somewhere sa campus. Iyan ang summary sa nangyari. It’s cliché, in fact. ‘Di ba? So?”
Napakuyom ng mga palad si Cyler at nagbabaga ang mga mata.
“I think I know that guy,” sansala ni Keith na bumaling kay Cyler.
Napabaling din siya sa kaibigan. Tumalikod na siya kay Jenna nang hindi nagsalita.
“Huy, Cyler! Taekwondo player ‘yon, ah!” pahabol ng dalaga pero hindi na niya iyon pinansin.
“Sabi ko na nga bang kilala ko ‘yon, eh! Natalo mo na ‘yon noong isang taon sa Taekwondo tournament, buds,” anang Keith na humabol sa kanya ang kaibigan at sumabay sa kanya papuntang parking lot ng hapong iyon.
He smirked at that.
‘I’ll make you sorry for breaking her heart. I’m so going to hurt you, asshole!’
***
“Emergency, best!” sumbong ni Jenna kay Fiona na naglilinis sa CR ng mga babae.
“Huh?”
“Magpa-excuse muna tayo kay Mrs. Delgado. Anyways, last day na natin ‘to sa detention natin. Another day won’t matter naman, ‘di ba?”
“Bakit nga? Ano’ng emergency ba ‘yan kasi, best?” Gamit ang sleeve niya ay pinunasan ang noo dahil sa pawis habang hawak ng isang kamay ang mop.
“Ano kasi… tinanong ako ni Cyler tungkol sa ano…” Hindi ito mapakali.
Lalong kumunot ang noo ng dalaga. “Ano ba? Huwag ka ngang pautal-utal kung magkuwento, best! Hindi ka naman sinto-sinto,” pambabara niya sa kaibigan.
“Aisht!” anito sabay bigla na siyang hinila at naiwan ang mop sa sahig. Nakiusap na lang ito sa janitor na kanilang nadaanan na iligpit iyon saka nagpasalamat. “Babawi po kami sa inyo later! May emergency lang ho.”
Tumango lang ang janitor kahit na nagtataka.
“Hoy, ano ba kasi ang nangyayari at hinihila mo ako? Ano’ng emergency ba ang pinagsasabi mo?” usisa niya sa kaibigan habang humihingal na. Malapit na sila sa may parking lot kung saan nakaparada ang kotse nito.
“Kailangan nating puntahan si Orwin!” anang Jenna.
Tumigil siya sa pagtakbo at kaya napahinto na rin ang kaibigan. Nilingon siya nito.
Parang gusto niyang magha-hyperventilate nang marinig ang pangalang iyon. “B-ba’t tayo pupunta roon? I mean, bakit natin siya pupuntahan?” May bakas na takot at pag-atubili sa mga mata niyang nakatingin sa kaibigan.
“Wala na akong oras para magpaliwanag sa ‘yo, best! Kailangan ka talagang nandoon, eh. Maniwala ka sa ‘kin!” Nagsusumamo ang mukha ng kaibigan.
Umiling siya sa kausap. “Hindi. Ayoko nang makita si Orwin. Isa siya sa mga dahilan kung bakit hindi ako nagpatuloy ng senior high sa school na ‘yon, eh. Kaya nga dito ko piniling tapusin ang high school, ‘di ba? Naalala mo naman siguro ‘yon, ‘di ba?” Parang sumisikip ang dibdib niya kahit maisip man lang ang nangyari noon.
Humakbang papalapit sa kanya si Jenna. “Of course. Alam ko na naman iyon, bestie, pero importante kasi ito. Alam mo namang hindi ko kayang makita kang nasasaktan, ‘di ba? Kaya lang, kailangan ngang pumunta tayo roon sa school nina Orwin dahil… dahil alam kong susugurin siya ng suitor mo.”
Napakurap-kurap siya at parang natauhan ngayon. Agad na pumasok sa isip niya si Cyler. “A-ano? Ano’ng sinabi mo?”
Napangiwi ang kaibigan. “Sa naikuwento ko na sana… kung hindi ako nagkandautal-utal kanina… Eh, ano nga kasi… tinanong ako bigla ni Cyler kung sino ang nanakit sa ‘yo noon, best.”
Napamaang siya sa sinabi ng kaibigan. Bigla na lang siyang kinabahan ngayon lalo nang hindi makita ang sasakyan ng lalaki sa parking lot.
‘Talaga bang umalis na siya para sugurin si Orwin? Hindi. Hindi ito pupuwede! Bakit ba kasi susugurin niya si Orwin? Ano’ng gagawin niya? Taekwondo player pa naman ang buwisit na Orwin na ‘yon!’
Ayaw niyang magkakaroon ng gulo at ang maglilikha nito ay mismong si Cyler. Ayaw niya ring mapahamak ang lalaki. Ayaw niyang may masamang mangyayari sa binata. Ano ba naman ang laban ng baseball varsity player sa Taekwondo player na sobrang sama ng ugali?
Ayaw niyang isipin na mabubugbog si Cyler nang dahil sa kanya. At lalong ayaw niyang ma-suspend, worse, mapatalsik sa eskuwelahan ang binata nang dahil sa kanya. Hindi maaari, baka masira ang kinabukasan nito nang dahil sa walang kuwentang Orwin na iyon na minsang nagpahiya at sinaktan siya.
Umakto na si Fiona nang mabilis at siya na ngayon ang humila sa kaibigan niya. Hindi niya hahayaang may mangyayaring masama kay Cyler nang dahil lang kay Orwin. It was not worth it. Nag-aalala na siya ngayon sa maaaring mangyayari sa pagitan ng dalawa kapag hindi nila naabutan ni Jenna. It would be a huge disaster!