Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

Chapter 31

Isang hapon, hawak ang isang bowl ng strawberries galing sa canteen at naglalakad sa pathway, biglang umambon kahit na may araw.

“Haist!” nausal ni Fiona sa sarili na napayuko. “Bakit ba umaambon na lang bigla?”

“That’s called sunshower,” sabi ng isang pamilyar na boses sabay lagay nito ng hinubad na uniform sa ulo niya.

Biglang lumundag ang puso ni Fiona nang makita si Cyler. Napahinto siya sa paglalakad at lumingon dito. Naka-white shirt na lang ito dahil nasa kanya ang polo ng lalaki.

“S-share na nga lang tayo,” aniyang napaiwas ng paningin at naglalakad pero nahuli niya ang ngiti nito.

“Ikaw ang may sabi, ah?” anitong itinaas ang polo para hindi rin maulanan.

Hindi siya umimik pero conscious na conscious siya dahil paminsan-minsan ay kumikiskis ang braso niya sa tagiliran ng lalaki. Namanguhan talaga nito.

“Aanhin mo nga pala ang strawberries?” tanong ng lalaki.

“Para sa Biology class natin ni Mrs. Delgado mamaya. Ako ang pinakiusapan niyang kunin ‘to sa canteen dahil ipinalagay niya sa ref para hindi malanta. Remember we’re going to extract DNA from a fruit? Ikaw, saan ka ba galing?” Napakagat-labi siya nang mapagtanto ang huling sinabi. Bakit ba siya nagtanong kasi? Pakialam niya kung saan ito galing at kung ano ang ginawa nito?

Sinulyapan niya ang mukha ng lalaki at nakita itong nakangiti nang matamis sa kanya at nanunudyo ang mga mata.

“Kinausap si Coach para sa nalalapit na laro namin. You know what? I like hearing you ask me questions. That way, I’d think you’re really interested in me.” Nakangisi pa ito at parang matutunaw si Fiona.

“Aba! Walang malalim na dahilan ‘yon, ah! N-na-curious lang ako kung bakit nasa labas ka rin dahil hindi pa recess, ‘no?” palusot niya.

“Still, you can ask me questions no matter how personal they are. Remember that I’m courting you, Fiona. I give you the right to ask me anything. Anything at all.”

Para nang gustong lumabas sa dibdib niya ang kanyang puso. Kahit diretso lang itong nanliligaw sa kanyang hindi man lang siya tinanong kung gusto niya o hindi ay… well, Cyler is Cyler.

‘Pakilig ka naman, Cyler, eh! Hay, tukso. Lumayo ka nga sa ‘kin!’ piping anang isip niya.

***

“Waahh! Tingnan mo nga ang suitor mo,” anang Jenna na siniko si Fiona habang tumatakbo sila sa track field sa PE class nila.

Unconsciously, napalingon nga siya sa baseball field kung saan nagpa-practice ang varsity players.

‘Jusmiyo! Ba’t siya nakahubad ng shirt?’ Nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita ang tumambad na half-naked na si Cyler. His skin was sweaty, and it glistened under the afternoon sun. It was like he was showing off his well-toned body.

Napalingon sa kanyang direksyon ang lalaki at mabilis siyang nagbawi ng paningin. Takot siyang baka may ibang maisip ang lalaki dahil sa pagtitig niya. Ayaw niyang bigyan nito ng kahulugan iyon kahit na ba nagre-react ang puso niya.

‘Please lang. Sana hindi niya ako nahuling nakatingin sa kanya! Nakakahiya!’

Namumula siyang lumampas sa area na iyon ng binata. Sumipol naman si Keith pero hindi na niya pinansin. Pinilit niya talagang pigilan ang sariling leeg upang huwag itong gumalaw papunta sa direksyon ng mga lalaki.

“Wala na. Nilaglag ka na ni Keith,” sabay tawa ni Jenna. Kumaway ito sa dalawang lalaki.

Nagpatay-malisya na lang siya habang napansing titig na titig si Shiloh sa direksyon ni Cyler. Parang lumalabas na ang hearts sa mga mata nito at kinikilig ang mga minions nito para sa kaklase nila. Nilampasan din nila ang nakatanga na lang na si Shiloh at nauntag ito nang pumito ang kanilang PE teacher.

“Girls, stop ogling the baseball pitcher! Run, now!” anitong pumalakpak nang malakas para kunin ang atensyon ng mga nakatayo lang. “Bibigyan ko kayo ng minus points kung ‘di pa kayo kikilos!”

Doon na natauhan ang mga ito at nagptuloy na sa pagtakbo sa field pero palingon-lingon pa rin sa direksyon ni Cyler ang mga ito.

***

Kumakain ng burger si Fiona nang mag-isa sa rooftop nang breaktime nila. Binigyan niya ng crumbs ang mga kalapati na nandoon na naman. Nasanay na ang mga itong pumunta roon dahil sa kanya. Napangiti naman siya habang nakamasid sa mga ito.

“Buti pa kayo wala kayong problema, ano?” mahinang sabi niya.

“Have they ever talked back to you?”

Nagulat siya nang biglang tumabi sa kanya sa pag-upo sa rough flooring ng rooftop si Cyler. Itiniklop nito ang mga tuhod at ipinatong doon ang mga braso at napalingon sa kanya. Kapwa sila nakasandal sa pader.

“S-sinusundan mo ba ako?”

“Obsessed na yata ako sa ‘yo,” nakangiting sagot nito. “Hinahanap-hanap kita kapag hindi man lang kita natatanaw.”

Napaiwas na siya ng mukha. Naglikot ang mga mata. Sobra na ang pagwawala ng puso niya sa loob ng kanyang rib cage. Sisirain na yata ang dibdib niya.

Nagpatuloy na lang siya sa pagkain ng burger kahit conscious siya dahil nakatitig pa rin ito sa kanya. Ramdam na rin niya ang pagkalat ng init sa mukha niya habang pinuno na ang baga niya sa mabangong lalaki… este mabangong amoy nito.

Bakit ba kasi ganito na lang ang epekto ni Cyler sa kanya? Hindi nga ito tumitigil sa panliligaw sa kanya at wala siyang planong sagutin ito dahil natatakot siyang isang laro lang ito ng binata. Kumbaga baka isa lang siyang quest nang lingid sa kaalaman niya. Malay niya ba kung nagpupustahan pala ito at si Keith? It would be a great humiliation for her. Kahit hindi na bago sa kanya ang pagkapahiya sa harap ng mga tao, masakit pa rin iyon sa heart. Hindi niya yata makakaya iyon lalo na’t si Cyler ito.

Her experience in the past taught her not to trust anyone with her heart. Maliban na lang sa best friend niyang si Jenna. They had been through thick and thin. Hindi siya ni minsan binigo ng kaibigan. O kaya pamilya niya na sadyang mahal siyang talaga.

“Kailan mo ba ako sasagutin, Fiona?” tanong ni Cyler. Humina ang boses nito.

“Kailan mo ba balak na tigilan ako?” ang sabay na aniya sa binata.

Nagkatitigan silang dalawa.

“Why don’t you trust me, Fiona?” Nagsusumamo ang mga mata ng binata.

“Just because you defended me a number of times from my bullies doesn’t mean you earned my trust, Cyler.” Medyo matigas ang boses niya.

His eyes wavered. She could clearly see the hurt in those beautiful dark eyes of his. Pero hindi ito nagbawi. Sa halip ay nagsusumamo pa rin ito sa kanya. Knowing him as a tough one, she could not seem to believe he would show her this side of him. Vulnerable. Pitiable. Kulang pa naman ito sa pagmamahal ng mga magulang.

Parang may kung anong sumundot sa puso niya dahil sa ekspresyong bumahid sa mukha ng lalaki.

“May pinagdaanan ka ba?” diretsahang tanong nito.

Hindi siya nakapagsalita. Nag-iwas ng paningin.

“I can read you like a book, Fiona. Huwag mo nang itago sa ‘kin ang dahilan mo. You can either talk to me about it or I can ask around. I think Jenna would be a big help, though. At least, I know she trusts me enough to tell me the story. Iyan ang paniniwala ko.”

Napakurap-kurap si Fiona nang hindi makatingin sa binata. Umiinit ang sulok ng kanyang mga mata nang bigla na lang. She felt torn. Kailangan ba niyang ikuwento ang nangyari o hindi? Baka naman ay lalaitin lang siya nito o huhusgahan. Masakit iyon. Nagpakatanga kasi siya. Sobra siyang nagtiwala. Sa tingin niya, iyon ang pinakamalaking katangahang nagawa niya sa buhay niya.

Hindi niya alintana ang pagtiim-bagang ni Cyler at ang paghigpit ng mga kamao nito.

“Excuse me,” anitong tumayo na at iniwan siya.

Napasunod lang ng tingin ang dalaga sa binata. Ewan niya pero mabigat ang loob niya. Feeling niya kasi ay “iniwan” na siya ng binata.

Chương trướcChương sau