“Revenge, I think. It’s nonsense and childish, isn’t it?” Napangiti nang hilaw si Cyler kay Fiona. And she could see the hurt, sadness, and longing in his eyes. Ewan niya ba pero ito ang nakikita niya.
Napalunok si Fiona. “Hindi maganda ang relasyon n’yong mag-anak, gano’n ba?”
“Truth is… I have a dysfunctional family. Our parents still stay together with us, but we… we were never a real family. My dad’s been cheating on my mom and vice versa.” Kumibit ang binata.
“Huh? T-totoo ba ‘yan? Paano mo naman nalaman?” Namilog ang mga mata niyang nakatingin sa lalaki. “Baka nagkakamali ka lang, Cyler.”
Medyo umismid ang lalaki. “Well, I… have my sources. Anyway, enough about it. I don’t know why I’m telling you all this. I didn’t even tell Keith about it. It’s not something to brag about.” Medyo napahiya ito ngayon. Napakamot ito ng batok.
Umiling siya at ngumiti nang matipid kay Cyler. “Paminsan-minsan, kailangan din kasing ilabas mo ang nasa sa loob mo para gumaan ang pakiramdam mo, Cyler. At paminsan-minsan… mas nasasabi mo ang ilang bagay sa taong hindi mo naman ka-close kaysa sa mga taong malapit sa ‘yo. May mga ilang bagay kasing pumipigil sa ‘yo, katulad ng ayaw mong magiging pabigat sa kanila o kaya naman ay ayaw mong mag-aalala sila sa ‘yo. ‘Yong gano’n.”
Napatitig sa kanyang mukha ang lalaki. “I don’t know why, Fiona… but I want to be close to you.” His voice became husky.
Napaawang ang mga labi ng dalaga sa kanyang narinig. Hindi man lang niya inasahan ang mga salitang iyon. Ilang saglit pa silang nagkatitigan na dalawa ng lalaki. Naalala niyang itikom ang bibig pagkatapos at saka napaiwas ng tingin nang nakatawa nang mapakla. Pinaypay niya pa ang sarili gamit ang palad. Bakit kasi biglang uminit sa de-aircon na AVR? Ang lakas pa naman nito.
“Ha! Grabe ka naman kung makapagbiro ng ganyan, Cyler.” Tumayo siya at saka iginala ang paningin sa paligid. “A-ano… sa bintana na lang kaya tayo dumaan para makalabas?” pag-iiba niya ng paksa.
“May bintana ka bang nakikita rito?” marahang pakli ng lalaki. May ngiti ito sa labi. Tila may kasiyahan sa mga mata nitong nakatunghay sa kanya.
Napatikhim siya, point taken. “S-sa exhaust doon sa banyo? Baka… baka kasya tayo… I mean, at least ikaw? Ang laki ko, eh. Ay, teka. Phone mo? Ba’t hindi mo gamitin para nga may matawagan ka,” aniyang sumulyap sa lalaki at agad ding napaiwas ng tingin.
“Nag-lowbat na rin ang phone ko. I don’t have a power bank with me. Kanina pa kasi kami tawag nang tawag sa ‘yo ni Jenna,” anitong hindi man lang tsinek ang phone.
“Patingin ng phone mo kung lowbat nga,” aniyang lumapit sa lalaki at inilahad ang kamay.
Napatawa ang lalaki. “What? You don’t believe me?”
“Eh… baka prank lang ‘to, ‘no?” Ngumuso pa siya. “Sige na, ipakita mo sa ‘kin.”
Tumayo ang lalaki sa kinauupuan. “Lagi sigurong nagsisinungaling sa ‘yo ang mga tao, ‘no?” anang lalaki saka hinugot ang cell phone upang ipakita sa kanya.
Patay ang screen nito. “I-on mo nga.”
Bumuga ng hangin sa mukha ang lalaki at tumalima sa kanya.
Lumaylay ang balikat ng dalaga. Ayaw ngang mag-on ng mamahaling aparatong hawak ng binata.
Napalunok na lang ang dalaga. “Paano na tayo ngayon?” Nag-angat siya ng tingin kay Cyler.
“Well… we’ll just have to wait until someone opens that door for us.” Kumibit ito.
“Ano? Paano kung wala? Eh, ‘di…?”
Pumihit ang lalaki at saka tsinek ang banyo. “As I’ve said, we’re locked in,” anito.
Sinilip din niya ang banyo at nakitang maliit lang ang exhaust doon at wala ring bintana. Wala silang nagawa kundi ang maghintay kung sino ang makakapansin na may tao pa sa AVR kahit late na. Bukas din naman ang ilaw nito kaya malamang mapapansin yaon ng magpa-patrol na school guards o kahit na sinuman dahil sa giwang sa ilalim ng pinto, kapag alam na hindi dapat ginagamit ngayon ang silid na ito.
Sumiksik sa isang sulok si Fiona nang unti-unti nang nararamdaman ang ginaw. Nakahalukipkip siya at napansin ito ng binata.
“Where’s the remote control?” tanong nito.
“Only God knows where,” mahinang tugon niya.
Napansin niya ring naapektuhan na si Cyler sa ginaw ng silid. He rubbed his arms to heat his skin up. Umupo ito sa tabi niya.
“Are you all right?” usisa nito nang marahan.
Tinitigan niya lang ito. Kahit sa taba niya, ginawin din siya.
“Come on. Come here,” alok ng lalaki. He spread his arms.
Namilog ang mga mata ng babae. “Huh? Ayoko, baka…” ‘Baka ano?’ Hindi niya maituloy dahil hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin.
“Are you afraid I might kiss you or something?”
Napalunok siya at napakurap-kurap ng mga mata. “Huh?”
‘Bakit napunta sa kiss?’
He smiled at her teasingly. Para siyang nasisilaw dahil dito kaya napapikit siya. Ang puti at ang pantay ng ngipin nito. Naalala pa niyang ang lapit-lapit ng mukha nito sa kanya noon sa loob ng movie theater. Iyon ang nagpaparigudon sa puso niya.
Naramdaman na lang niyang lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa batok. Napasinghap siya nang pagdilat niya ng mga mata ay ang lapit-lapit ng mukha nito sa kanya. Langhap na langhap na niya ang mabango nitong hininga at pabango. Ramdam naman niya ang mainit nitong palad sa batok niya at todo ang pagpintig ng kanyang puso. Tuluyan na siya nitong niyakap para mag-amot ng init sa katawan.
“I may have thought about kissing you, but I won’t, unless you want me to,” dagdag ng lalaki nang pabulong. His voice was even huskier.
Parang hinimay-himay siya sa bawat saglit na lumilipas. Para nang bibigay ang tuhod ni Fiona. Buti na lang nakatupi ito sa harap at yakap niya. Hindi man lang siya maka-ek bilang reaksyon dito.
“What if I’ll tell you I like you, Fiona?”
His voice was even more and more huskier as he asked this question.
Hindi nakapagsalita si Fiona dahil sa lakas ng pagsipa ng puso niya sa kanyang dibdib. Parang gigibain na nito ang rib cage niya.
‘Diyos ko Lord! Seryoso ba talaga siya?’