“Naghihintay sila sa ‘yo sa library ng daddy mo,” bungad ni Manang Kiki nang sinalubong si Cyler sa tarangkahan pagdating niya sa bahay sa gabing iyon.
Napakunot-noo man ay hindi na siya nagtanong o nagsalita. Nag-aalala sa kanya ang kasambahay pero wala na itong ibang sinabi kundi ay ang umalis na patungong direksyon ng kusina upang maghanda ng hapunan.
Dumiretso na siya sa library ng ama na nasa kaliwang banda niya at dumaan siya sa ilalim ng grand staircase. Nakita niyang bukas ang pinto. Gawa ito sa mamahaling kahoy na may nakaukit na librong disenyo sa ibabang bahagi at pluma naman sa itaas. It was a clear sign what the room was.
Nandoon na si Mr. and Mrs. de Guzman, kasama si Courtney. Ironically, they had the tendency to see each other in this room. It was not even to teach him and Courtney their assignments at school, let alone some good manners. It was only to scold them whenever they made mistakes. Just like now. Dahil may ginawa siya sa kanilang paaralan. Alam niyang nakarating na sa mga ito ang sumbong ng kanilang principal.
Wala man lang siyang nadaramang takot. Sa halip ay inis ang bumangon sa kanyang dibdib. Naiinis siya sa kanyang mga magulang dahil tila naghihintay lang ang mga ito ng pagkakataon upang mapangaralan siya. O silang magkakapatid.
“I know what I did,” bungad niya sa mga magulang nang matabang. Ni hindi man lang niya binati ang mga ito. Ano ba ang puwede niyang sabihin? ‘Good evening, Mom, Dad’? Halata naman kasing hindi good ang evening na ito para sa mga magulang. Their aura and expression on their faces said it all.
Nakakuros ang mga braso ng ina niyang nakasuot pa rin ng office attire na beige slacks na tenernuhan ng blazer sa parehong kulay at cream-colored blouse ang nasa ilalim. Naka-bun ang buhok nito. Hindi humulas ang makeup at palaging maganda. Ito ang pinagmanahan nila ni Courtney kung hitsura ang pag-uusapan.
Nakatayo ang inang si Megan malapit sa isang bookshelf na puno ng mga libro. Samantalang ang matangkad na ama nilang si Carter ay nakasuot ng puting polo na may short sleeves at naka-tuck in sa itim na slacks. Napakakintab naman ng itim nitong mamahaling sapatos na suot. Nakapamulsahan itong nakatayo malapit sa mahogany desk nito. Siguro ay ito ang pinagmanahan niya sa ganoong mannerism. Si Courtney naman ay prenteng nakaupo sa pang-isahang couch at nakaekis ang mga hita at nagkuros din ang mga braso. She looked grim as she watched Cyler, too.
“Is this your way of getting our attention, Cyler? Well, you are successful, son,” ani Mrs. de Guzman. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya at nakalinya ang mga labi.
“I don’t need your sarcasm, Mom,” inis na pakli niya. Pilit niyang huwag tumaas ang tono pero bahagya yaong tumaas.
“Courtney, what have you been doing?” baling naman ng kanilang ama sa kapatid niya. Lumaki ang butas ng ilong nito.
“She has nothing to do with it, Dad,” iritableng sansala niya, dinepensahan ang kapatid. Nakasimangot siyang nakatingin sa ama.
Umigkas ang ulo ni Carter sa direksyon niya. “She’s your older sister for heaven’s sake! If your mother and I aren’t there, she should guide you well, Cyler!” wika nito sa malaking boses.
Nagkatinginan silang magkapatid. They both snorted. Tila bored din ang tingin ni Courtney sa kanya.
“Then, she should have been my mother!” pakli niya sa ama. “You and Mom weren’t there for us, anyway. You are always not around, except this kind of times.”
“So, you did this on purpose? Gano’n ba?” singit ng ina. Humakbang itong papalapit sa kanya. Dahil matangkad siya at kahit na naka-high heels ito ay napaangat ito ng mukha.
Sinalubong niya ang mga mata ni Megan. “No, Mom! I only did it to help someone,” pagtuturan niya.
Hindi nakapagsalita ang mga magulang nila. Saglit na nagkatinginan ang mga ito sa isa’t isa. Unang beses na narinig ng mga ito ang paliwanag niya. Noon ay ni hindi siya nagpapaliwanag kahit wala naman siyang mali, sa tingin niya. Hinahayaan niya lang na pagalitan siya pero ngayon ay iba na. He had had enough of putting up to this façade.
“If you don’t mind, I’m going to my room. This has nothing to do with me, right?” sabi ni Courtney nang marahan. Tumayo ito nang hindi tiningnan ang mga magulang.
“Hold on, young woman,” anang Megan kaya napatigil si Courtney. “Since we’re all here, we’ll dine together,” dagdag na sabi ng kanilang ina nang marahan.
Hindi umimik ang magkapatid, kahit hanggang sa dinner nila. Kahit na nagpakita ng concern ang mga magulang sa binata ay hindi pa rin niya maramdaman ang pagmamahal ng mga ito. Ewan niya. Naging manhid na yata siya o kaya ay nasanay na.
‘This is nothing. They don’t really care that much, unless their image is dragged into the mud.’
“So tell us what really happened, son,” mahinahong utos ng ama niya. He was seated at the head of the table.
Kumibit lang siya at umiling. Hindi na lang siya pinilit ng mga magulang na magsalita at nagpatuloy sa pagkain habang si Manang Kiki ay nagsisilbi sa kanila.
“Sa tingin ko ay hindi naman sa walang rason kapag may ginagawa ‘yang si Cyler, eh,” anito sa mga magulang niya. “Mabait naman itong si Cyler, Sir, Madam. Kaya lang…”
“Manang Kiki,” Cyler warned her.
“Eh, tumulong ka nga lang, ‘di ba? Wala namang masama sa pagtulong sa kapwa mo.”