“What did you say, you ugly fat girl?” Galit na nilapitan ni Benjie si Fiona at hinawakan sa kuwelyo ng blusa nito.
Hinampas ito ni Jenna sa kamay pero mukhang balewala ito ni Benjie. Nakita ni Cyler na kumislot ang mukha ni Fiona.
“Bitiwan mo ‘ko, Benjie!” Nagtatagis ang bagang ng dalaga na may babala sa tono.
“Kung hindi, ano’ng gagawin mo, Asawa ni Shrek? Are you going to call your husband, huh? Nasaan siya?” nanunuyang ani Benjie. Tumawa ito at ang mga kasamahan.
“Napupuno na ako sa ‘yo, Benjie, ah!” sabay hampas ng dalaga sa hawak na carton ng choco drink na bigay kanina ni Cyler at sa straw ng soft drink sa mukha ni Benjie. Tumusok ang matigas na maliit na straw sa butas ng ilong nito na ikinagalit ng huli.
Hindi na naghihintay pa si Cyler sa susunod na mangyayari. Bago pa dumapo ang kamay ni Benjie sa mukha ni Fiona ay kumonekta na ang sidekick niya sa tagiliran ng mapang-aping lalaki. Parang lata na natamaan ng tsinelas ang huli. Bumagsak ito sa baitang ng hagdan ngunit kahit papaano ay naalalayan ito ng dalawang kaibigang nandoon din.
“Cyler!” Galit na napatingin sa kanya si Benjie. Napaimpit ito nang bahagya dahil sa sakit. Alam niyang pilit nitong huwag mapaungol pero sapo nito ang tagiliran dahil sa lakas ng pagsipa niya.
Napabaling din sa kanya sina Fiona at Jenna na napanganga ngunit hindi tiningnan ni Cyler ang mga ito. Kay Benjie lang siya nakamasid at sa maaaring gagawin nito bilang ganti. Tumayo nga ito at saka sumugod sa kanya ng suntok pero nailagan niya.
“Pakialamero ka!” ani Benjie.
Sinuntok niya ito sa tiyan kaya napabaluktot ang kaklaseng basketbolista. Bumawi ito at sinuntok siya sa tagiliran pero hindi iyon masyadong masakit. Nakayanan niya. Nagpatuloy silang nagtapunan ng suntok at sipa habang nanonood ang ibang mga estudyante. Wala man lang makaawat sa kanila, takot na madamay.
“Cyler, tama na ‘yan!” Narinig niyang pakiusap ni Fiona na may pag-aalala sa boses nito.
“Buds, tirahin mo pa sa bandang ibaba,” turo naman ni Keith na parang boxing coach.
Dumapo ang suntok niya sa mukha ni Benjie. Susundan pa sana iyon ng isa pa ngunit bigla na lang siyang niyakap ni Fiona. Napatigil siya na parang biglang tumigas ang katawan. Nanlaki ang mga mata niya habang nasa ere pa rin ang kanyang kamao at nasamyo niya ang mabining halimuyak nitong pinaghalong waling-waling at rosas.
Parang huminto ang kamay ng orasan nang mga sandaling iyon at lumakas ang pagtibok ng kanyang puso. Kahit si Benjie ay tila napako sa kinaroroonan nito nang dahil sa ginawa ni Fiona. Wala siyang ibang nakikita kundi si Fiona. Wala siyang ibang naaamoy kundi ito. And it stirred something in his senses. Ramdam niya ang dibdib nitong nakadikit sa kanya at ang lambot pala ng katawan nito. Iyon ang napagtanto niya.
Wala pang nangahas na yumakap sa kanya. Kahit si Courtney o ang mga magulang niya ay hindi siya nakatikim ng yakap.
“What in the name of Christ happened here?” sigaw ng kanilang babaeng adviser na si Mrs. Delgado nang makita sila sa ganitong eksena. Palipat-lipat ang mga mata nito sa kanilang lahat, kita ang nakaamba niyang suntok kay Benjie sa duguang labi ng huli. “Go to the Principal’s Office. All of you. Now!”
Humiwalay sa kanya si Fiona na namumula ang pisngi at nakayuko, hindi makatingin sa kanya nang diretso. At parang noon pa siya nakahinga habang todo naman ang pagkabog ng dibdib niya.
***
Nakahilera nang nakaupo sina Cyler, Fiona, Jenna, Benjie, Keith, at ang iba pa sa harap ng principal nilang si Mr. Aranas. Isa itong matabang lalaki na may suot na salamin sa mata na nasa late fifties. Istrikto itong tingnan at nakasuot ng asul na long-sleeved polo na may top to bottom buttons, necktie na stripe blue and white, at itim na slacks at sapatos. Nakatayo naman sa isang tabi ang kanilang adviser nang nakakuros ang mga braso, isa-isa silang tiningnan.
The Principal’s Office was air-conditioned. It was a medium-sized room na kasya ang dalawang plastic bench na puti, dalawang visitors’ chairs, mahogany desk, at swivel chair nitong gamit. May bintanang salamin sa kaliwang banda nito kung saan sa gilid ay may isang silver filing cabinet na may flower vase sa ibabaw, at nasa tapat nito ang pintong gawa rin sa salamin na may horizontal bar handle.
“So, basically, Mr. de Guzman started the fight,” Mr. Aranas stated in conclusion.
“Hindi po. Si Benjie po,” pagtatama na anang Fiona.
“That’s bullshit!” sigaw ni Benjie na napabaling kay Fiona habang kapuna-puna ang pasa nito sa panga.
“Watch your mouth, Mr. Santos! Again, what happened? Will Miss Tangco care to tell us from the very, very beginning?” At saka bumaling ang principal kay Jenna.
Isinalaysay na nga nito ang buong pangyayari mula sa simula. Napabuntong-hininga si Mr. Aranas. Isa-isa silang tiningnan nang masama.
“So, Mr. Santos made some snide remarks and threatened Miss Torres, thus Mr. de Guzman’s actions.” Napailing ito. “I understand, but we never condone violence at our school. However, this is all your first time here, so I’m just going to let you all go with a verbal warning and detention after classes, which is to clean the toilets in your building for a whole month starting today. No one’s going to bail. Your adviser will monitor each of you. And, I must report this to your parents. No exceptions!” anito nang akmang magsalita si Benjie. Alam ng lahat na ayaw nitong madamay ang politikong ama nito na isang mayor. “I’m warning you, boys. Suspension na ang kasunod kapag nalaman kong may gulo na naman kayong ginagawa. Is that understood?” Isa-isa silang tiningnan sa mukha ng kanilang principal na sobrang disappointed sa kanila.
“Yes, sir,” mahinang tugon nila nang sabay-sabay.
Napilitan na lang si Cyler na sumagot pero kumukulo pa rin ang dugo niya kay Benjie. Papatulan ba naman sana nito si Fiona kanina kung hindi siya nag-react at walang ginawa? Ayaw niyang isipin kung ano sana ang sinapit ng dalaga kapag nagkataong wala siya nang mangyari iyon.