Chapters 40 - Burning Cheeks
Kanina pa ako nakatitig sa kisame habang iniisip ang mga isiniwalat niya kahapon. Hindi ko inaasahan na magkakagusto siya sa isang tulad ko. Hindi ko alam na matagal na pala kaming magkakilala. Kung hindi lang siguro ako nagka-amnesia, malamang ay hindi ako maloloko ni Troy. Pero kahit na ganoon, talagang gumawa ng way ang tadhana para magkakilala kami. At mahalin namin ang isa't-isa. Mahal niya ako at mahal ko rin siya.
Namumula na ang mukha ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Pero sumimangot din ako dahil hindi pa nga pala niya alam na mahal ko rin siya. Gusto kong sabihin sa kaniya pero wala akong sapat na lakas ng loob para sabihin 'yon. At naiinis ako sa sarili ko dahil do'n.
"Nasha?"
Dumako ang tingin ko sa may pinto. Nakatayo si Ate Lianne doon hawi ang kurtinang nagsisilbing pintuan ng kuwarto ko.
"Bakit po ate?"
"Kanina ka pa riyan sa kuwarto mo. Apat na oras ka na riyan pagkatapos mong mag-almusal ng alas sais. Masama ba ang pakiramdam mo?"
Bumangon ako. "Hindi naman ate. Uhm, napagod lang ako kahapon. Kagigising ko lang po ulit. Babangon na sana ako eh saktong tinawag mo na ako."
"Ganoon ba? O siya, sige. Bumangon ka na riyan at hinahanap ka ni Nick at ng kaibigan mo," aniya at umalis na.
Tumayo na ako at inayos ang sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Nadatnan ko si Nick at Jannise na nagkukuwentuhan sa sala. Natigil ito nang makita ako.
"Nasha! Oh my! Na-miss kita!" At bigla siyang yumakap sa akin.
"Anong na-miss? Kahapon lang tayo huling nagkita sa cafeteria."
"Sakyan mo na lang. 'Sus, ito talagang bestfriend kong 'to hanggang ngayon ay :di pa rin sinasakyan ang mga trip ko. Hmp!" Humalukipkip siya at pabiro akong inirapan.
"Ewan ko sa 'yo Jannise. Ano nga pala ang ginagawa niyo rito?"
"Dinadalaw ka. S'yempre gusto kong makita ang bago mong tinutuluyan, 'no."
Napasulyap ako kay Nick at nang magtama ang paningin namin ay bigla siyang ngumiti. Iyong ngiting parang sobrang saya niya. Umiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko alam ang i-re-react ko.
"Pasyal din tayo para kahit papaano ay makapag-enjoy ka. Alam mo naman 'yong mga nangyari sa 'yo these past few days 'di ba?" aya ni Jannise.
Bago pa man ako makasagot ay hinila na niya kami ni Nick palabas. Nagpaalam na kami kay Ate Lianne na nasa bakuran habang nagdidilig.
***
Sa isang plaza na malapit lang sa tinutuluyan namin kami nagpunta. Sawa na raw kasi si Jannise sa na mamasyal sa mall kaya gusto niyang sa ganitong lugar pumunta. Gusto niya rin daw kasing i-try 'yong mga street foods na binebenta rito.
"Ang lawak pala ng plaza rito," react ni Jannise habang nililibot namin ang plaza.
Medyo kaunti lang ang namamasyal ngayon dito. Mga playgrounds, fish ponds, fountain, at auditorium lang kasi ang makikita rito. Pero malawak talaga ang plaza na ito. At may ilan ding street vendors dito.
"Parang trip ko tuloy mag-picnic dito! Dapat pala nagbaon tayo ng mga foods," ani Jannise at tiningnan kami ni Nick kasabay ng pagkunot ng kaniyang noo.
"Bakit parang ako lang ang dumadaldal dito? Ang tahimik n'yong dalawa. May something ba? Ha? Umamin na kayo."
"Wala ah. Kung anu-ano 'yang naiisip mo," sagot ko. Si Nick ay tumawa lang.
"May nakakatawa ba Nick?" tanong ni Jannise at pabiro niya itong sinamaan ng tingin.
"Wala naman. Masama bang tumawa? At least masaya 'di ba?"
"Ewan ko sa 'yo. Siya, maiwan ko muna kayo rito. Bibili lang ako ng meryenda natin," paalam ni Jannise na akmang aalis na.
"Teka! Samahan na kita, baka marami kang bibilhin eh. Mahirap na baka matapon mo 'yong iba, sayang," sabi ko dahil ayo'kong maiwan kasama si Nick.
Ewan ko ba, ang weird kasi niya ngayon at medyo naiilang akong kasama siya dahil sa nangyari no'ng nakaraang araw sa classroom.
"Ako na, ano ka ba? Kawawa naman si Nick kung mag-isa siya rito, wala siyang kakuwentuhan. Kung alam mo lang ang feeling ng nabobored."
"Oo ng," sabat ni Nick.
Napakamot ako sa ulo ko at 'di kalaunan ay pumayag na lang akong maiwan kasama sya. Tumakbo si Jannise patungo sa p'westo ng nagbebenta ng street foods.
Magkatabi kaming umupo ni Nick sa isang bench na malapit samin.
Sandaling katahimikan ang namayani bago siya nagsalita. "Tama ba 'yong pakiramdam ko na parang umiiwas ka?"
Nilingon ko siya. "Hindi naman sa iniiwasan kita... Ano kasi—"
"Gusto kitang ligawan, Nasha. I don't take 'no' for an answer," singit niya at ngumiti.
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung di-diretsuhin ko ba siya na wala siyang pag-asa o hahayaan ko na lang siya na manligaw. Pero ayo'ko namang umasa siya dahil si Brey ang mahal ko. At ayo'ko ring masira ang mood niya ngayon dahil mukhang masaya siya. Argh! Bakit ba kasi ang bait-bait mo Nasha? Bahala na.
"Pero Nick..."
"Please Nasha. Hayaan mong ipakita ko sa 'yo na mahal kita. Umaasa ako na mamahalin mo rin ako."
"P-pero—"
Bago ko pa masabi na may mahal na ako ay bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at nilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa maglapat ang mga labi namin. Marahan ang kaniyang paghalik at biglang pumasok sa isip ko si Brey. Hindi ko alam kung nagha-hallucinate lang ako o totoong si Brey ang humahalik sa akin. 'Yong paraan ng paghalik niya ay parang kay Brey kaya wala sa isip na napapikit ako't humalik sa kaniya pabalik.
Naramdaman ko pang ngumiti siya at nilaliman pa ang paghalik.
Naalala kong nasa isang public place kami kaya agad akong dumilat at marahang tinulak siya palayo.
"H-hindi mo dapat ginawa 'yon, Nick..."
Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti. "Hinalikan mo ako pabalik. Ibig sabihin ma—"
Bago pa siya makasagot ay tumayo na ako. "Nick, you've got the wrong idea. I'm sorry, I can't love you back even if you court me. I only see you as a friend." Nasabi ko na rin.
"No. Hindi ako susuko sa 'yo, Nasha. I'll make you fall for me kahit na may iba kang gusto. Feelings can change."
Hindi ako agad nakapagsalita dahil nawalan na ako ng sasabihin. Talagang determinado siya. Ano bang dapat kong gawin para itigil na niya ang panliligaw niya?
"Guys! Sorry kung medyo natagalan ako. Si manong vendor kasi, nagpiprito nang walang apoy. Nakalimutan palang sindihan." Nagpalit-palit siya ng tingin sa amin dahil napansin yata niya na seryoso ang usapan namin. "Okay lang ba kayo? May nangyari ba?"
Umiling ako at awkward na ngumiti. "W-wala naman. Ano kasi, nag-text si ate Lianne na kailangan niya ng katulong ngayon sa bahay kaya kailangan ko nang umalis. Sorry Jannise, I have to go. Maiwan ko na kayo."
Tumayo si Nick. "Hatid na kita"
Umiling ako. "Huwag na. Samahan mo na lang si Jannise dito."
"Teka nga, may something talaga sa inyong dalawa. Care to share?"
"Tomorrow na lang, kailangan ko na talagang umalis. Bye!" At tumakbo na ako palayo sa kanila.
Kasalanan ko 'to. Hindi dapat ako humalik pabalik sa kaniya. Dahil sa ginawa ko ay inakala niyang may pag-asa pang mahulog ako sa kaniya, which is impossible dahil alam kong mahal ako ni Brey at mahal ko rin siya. Pero hindi pa niya alam, at balak ko nang sabihin sa kaniya ngayon mismo.
Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot din niya.
"Hello, Nasha? Napatawag ka?" bungad ni Brey mula sa kabilang linya.
"Uhm... Brey, can I see you?"
"Right now?"
"Yes please."
"Okay, just text me kung nasaan ka."
Tinapos ko na ang tawag at nagsimulang magtipa para i-text kung saan kami magkikita. Medyo kinakabahan ako. Gusto ko na kasing sabihin sa kaniya na mahal ko rin siya. At sana ay itigil na ni Nick ang pag-pursue sakin.
After kong ma-send ang meeting place namin ay pumunta na ako sa basketball courtyard na malapit lang dito.
Papalapit na ako roon nang may humawak sa braso ko kaya napaharap ako.
"Nick? Bakit mo ako sinundan? Paano si Jannise doon? Mag-isa siya."
"Pinauwi ko na siya. Pinag-taxi ko na lang siya. I just want to make sure na nakauwi ka na, pero nakita kitang papunta riyan sa basketball courtyard," aniya. Nakahawak pa rin siya sa braso ko kaya bahagya ko itong hinila pero humigpit ang hawak niya sa'kin para hindi niya ako mabitawan.
"Nick, p'wede mo ba akong bitawan?"
"Not until you tell me the reason why you can't love me back. May iba ka bang gusto?"
Hindi ako nagsalita bagkus ay tumango lang ako bilang sagot.
"Then who? Is it Brey?"
Bago pa man ako makasagot ay narinig namin ang ugong ng sasakyan na papalapit sa amin at huminto ito sa mismong tapat namin. Bumukas ang sasakyan at lumabas si Brey mula roon.
Mabilis siyang lumapit at hinila niya ako, pero hindi niya ako tuluyang nahila dahil hawak pa rin ni Nick ang braso ko. Déjà Vu.
"P'wede bang bitiwan mo si Nasha?"
"Sorry Brey, but I can't. Sa'kin siya sasama." Hinila niya ako bigla kaya nabitawan ako ni Brey.
"She's not yours, Nick—"
"No, you're wrong. She's already mine just now. Nang halikan niya ako pabalik, ibig sabihin no'n ay may pag-asa ako sa kaniya."
"Nick!" saway ko. Gusto kong sabihin na hindi ganoon 'yon, pero pangalan lang niya ang nasabi ko.
"What? You kissed?" Kumunot ang noo ni Brey at napatingin sa'kin.
Kinabahan ako dahil ngayon lang niya ako tiningnan ng ganiyan. Kadalasan kasi ay maamo palagi ang mukha niya pag nakatingin sa akin, pero ngayon ay iba.
"Y-yes, but—"
"See? I told you Brey. Kaya kung ako sa 'yo ay lulubayan ko na kayo. Let's go Grace." At hinila niya ako papalayo kay Brey.
Sinundan lang niya kami ng tingin hanggang sa makapasok kami sa sasakyan ni Nick. Lalabas sana ako pero pinigilan niya ako at agad na pinaharurot ang sasakyan para hindi ako agad makalabas.
"Bakit kailangan mong magsinungaling, Nick? I told you already that I only see you as a friend. At lumagpas ka na sa bahay nila kuya." Malapit lang kasi 'yong bahay namin sa basketball courtyard.
Hindi siya sumagot. Nag U-turn lang siya. Nag-drive lang ng kaunti saka hininto sa tapat ng bahay namin.
Hindi ko na siya hinintay na magsalita at agad na binuksan ang pinto ng sasakyan niya at akmang isasara na ito nang magsalita siya.
"I'm sorry Nasha, but I really do love you." Malungkot siyang ngumiti bago ko sinara ang pinto ng sasakyan niya.
Hindi ko na hinintay na umalis siya at nagdire-diretso lang papasok sa loob ng bahay. Wala si Ate Lianne at mukhang may pinuntahan. Dumiretso ako sa kuwarto ko at binagsak ang sarili ko sa kama.
Ano ba tong nangyayari sa buhay ko ngayon? Ang daming mga nangyari this year. Parang mas gusto ko pa 'yong dati. 'Yong tahimik lang ang buhay ko at puro school lang nagpapa-stress sa akin.
Bumangon ako at saktong pagbangon ko ay tumunog ang cellphone ko. Chineck ko ito at nakitang may isang message. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mabasang galing ito kay Brey.
"I don't believed what he said. I'm sorry for glaring at you. I love you."
Mabilis na namula ang mukha ko sa message niya lalo na 'yong huling sentence. Pakiramdam ko kasi kami na kahit hindi. Dumapa ako at binaon ang mukha ko sa unan. Hindi na ako nakapag-reply dahil sa nararamdaman ko ngayon.