Chapter 39 - Lizard Kiss
Maaga akong nagising kinaumagahan ng Lunes. Simple lang ang almusal namin — pandesal at sinangag. Kahit puro pang-mayaman ang nakakain ko nang magka-amnesia ako, hindi ko pa rin nakakalimutan ang palagi naming inaalmusal noong nabubuhay pa ang mga magulang namin.
"Nasha, sasabay ka na ba sa 'kin?" tanong ni kuya na ngayon ay nagsasapatos na.
Umiling ako. "'Wag na kuya. Mauna ka na, baka ma-late ka pa sa trabaho mo. Mamaya pa naman ang klase namin."
"O sige. Mauna na ako." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Lumapit din siya kay ate Lianne 'tsaka siya hinalikan sa lips.
Matapos kong magsipilyo ay naligo na ako. Pagkatapos, nagbihis na rin ako at ready na akong pumasok.
Nagpaalam na ako kay ate Lianne bago lumabas ng bahay.
Saktong paglabas ko ng gate ay nagulat ako nang biglang tumalon si Nick sa harap ko.
"Good morning." Ngiting-ngiti siya na halos nakapikit na ang kaniyang mga mata. Ang guwapo talaga nito. Kung hindi ko lang nakilala si Brey, malamang nagkagusto na ako sa kaniya.
"'Wag ka namang manggulat, Nick."
"Sorry. Tara, sabay na tayong pumasok." Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinila ako patungo sa sasakyan niyang naka-park na sa tapat ng gate nila.
Hindi pa lang kami nakakalapit sa kotse niya nang mag-ring ang phone ko. Hinila ko 'yong kamay kong hawak ni Nick 'tsaka hinugot 'yong phone sa bulsa ko.
"Nick, saglit lang ha? May tumatawag eh."
Ngumiti lang siya at tumango 'tsaka dumiretso sa sasakyan niya. Binasa ko 'yong caller ID. It's Jannise.
"Hello?"
"Nasha! Bakit wala ka sa bahay niyo? Mga maid niyo lang ang tao roon at sinabi nilang naglayas ka raw? Ano bang nangyari?"
"Mamaya ko na lang ikukuwento sa 'yo. Papasok na kami sa school. Baka ma-late pa kami."
"Sige. Ikwento mo 'yon ha?"
"Oo. Sige na, bye."
Binulsa ko na 'yong phone ko at tumakbong lumapit sa kotse ni Nick 'tsaka pumasok.
"Sino 'yong tumawag?"
"Si Jannise. Magpapakuwento na naman."
Hindi na siya nagtanong at pinaharurot na lang niya ang sasakyan.
***
Puro discussion lang ginawa ng mga instructors sa bawat subjects namin ngayong Monday. Nang mag-lunch time na ay hinila na ako ni Nick palabas ng classroom. Nagulat pa nga ako nang masalubong namin si Cindy. Maputla na ang balat niya, 'di gaya ng dati. Nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko't tinawag ko siya.
Nilingon niya ako at kumunot ang kaniyang noo na tila ba handa akong tarayan.
"What?" masungit nitong tanong.
Hindi ako agad nakapagsalita. Ano nga bang sasabihin ko?
"You're wasting my time. Don't to talk me again, please," anito 'tsaka tinalukuran kami at naglakad palayo.
"Tara na. 'Wag mo na lang siyang pansinin," aniya. Inakbayan niya ako at nagsimula na kaming maglakad patungo sa cafeteria.
Nang makarating kami sa cafeteria, nadatnan namin sa isang bakanteng table si Jannise na may mga naka-reserve nang pagkain para sa amin.
"Aba. Salamat naman at pina-reseve mo kami ng lunch," tuwang-tuwang sabi ni Nick at agad na lumapit sa puwesto ni Jannise.
Hindi siya pinansin ni Jannise. Nang makaupo ako ay nagpakuwento siya agad. Kaya ayon, kinuwento ko lahat sa kaniya hanggang sa matapos na ang lunch break.
"Ba't ang bilis lumipas ng oras ngayon? Kainis naman! Buti sana kung magkaklase tayo e 'di magdamag sana tayong magchichikahan," reklamo ni Jannise sabay tayo dala ang shoulder bag niya.
Tumayo na rin kami at sabay-sabay na umalis ng cafeteria.
***
Last subject na namin ito ngayong hapon. Gaya ng mga nauna ay discussion ulit, at isa pa mahinhin magsalita 'yong instructor namin sa subject na ito kaya naman halos kalahati sa mga kaklase ko ay nakatulog na. Kahit si Nick ay nakatulog din. At dahil masipag akong estudyante, nakikinig ako kahit na ako rin ay inaantok na.
Nawala ang konsentrasyon ko sa pakikinig nang maalala ko si Brey, n'ong sinabi niyang gusto niya pa akong turuang humalik. Wala sa sariling napakagat sa labi ko sabay hawak nito dahil parang nararamdaman ko pa rin na hinahalikan niya ako. Ang hirap pala maka-get over sa wet kiss na iyon.
Napatingin ako kay Nick nang bahagyang umaangat ang ulo niya para tingnan kung tapos na ba ang klase. Pero nang malamang hindi pa pala ay umub-ob ulit siya para matulog.
Naalala ko bigla 'yong sinabi ni Brey na layuan ko si Nick. Parang mas maganda nga kung gawin ko iyon para tigilan na niya ako. Siguro sasabihin ko na rin na wala siyang pag-asa sa akin para hindi na siya umasa.
Naramdaman kong nag-vibrate 'yong phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko para basahin ang message.
"Ako na maghahatid sa 'yo pauwi. Nasa parking area na ako ng school niyo," sabi sa message.
Nakaramdam naman ako ng excitement pagkatapos kong basahin 'yon. Kahit nagkita na kami kahapon, nami-miss ko pa rin siya at gusto kong araw-araw siyang nakikita.
Maya maya pa'y natapos na ang klase. Nagising na si Nick at nagligpit na ng mga gamit. Bumaling siya sa akin bago tumayo.
"May homework ba tayo?" tanong niya.
Umiling lang ako at tumayo na matapos kong maligpit ang mga gamit ko. Tumayo na rin siya at susunod na sana siya sa akin nang pinatigil ko siya.
"Nick, may pupuntahan pa kasi ako eh. Mauna ka na lang."
"Sasama na lang ako sa 'yo."
Umiling ako. "'Wag na. Matatagalan ako eh, maiinip ka lang."
"Okay lang. Isama mo na ako."
Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa kakulitan niya. Paano ba 'to?
"Importante ang pupuntahan ko eh. Next na lang tayo na magsabay na umuwi."
Bumuntong-hininga siya. "Sige na nga. Mag-iingat ka ha?" Napaatras ako nang humakbang palapit sa akin. Ngayon ko lang napansin na kami na lang pala ang tao rito.
"Papayag akong hindi tayo magsabay ngayon, kung papayagan mo akong halikan ka." Ngumisi siya.
"A-ano--"
Naputol ang sasabihin ko nang halikan niya ako. Smack lang 'yon. Ngiting-ngiti siya 'tsaka ako iniwang nag-iisa sa classroom na tulala sa ginawa niya. Kinabahan ako. Pakiramdam ko kasi nagkasala na ako kay Brey.
Pinilig ko na lang ang ulo ko at inalis sa isipan ko iyon. Lumabas na lang ako ng classroom para puntahan na si Brey sa parking area.
Nang makarating ako roon ay nakita ko siyang nakasandal sa tabi ng kotse niya. Lumapit ako sa kaniya kaya napansin niya ako. Ngumiti siya at ewan ko ba't kinakabahan ako.
"Ayos ka lang?"
Tumango ako. "Oo, okay lang ako. Tara na," sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse niya para pumasok sa loob.
Pumasok na rin siya at pinaandar na ang sasakyan.
"Nasha, p'wede bang iuwi muna kita sa amin?"
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Ewan ko ba at palagi na akong nininerbyos ngayon.
"'Wag kang mag-alala, wala akong gagawin sa 'yo. Ituturo ko lang 'yong susunod na halik sa 'yo."
Hindi na ako umimik. Kung alam mo lang kasi Brey ang nararamdaman ko sa 'yo. Bakit ba kasi kailangan pa niyang turuan akong humalik? Tapos in love pa ako sa kanya. Brey naman, pinapahirapan mo na ako.
Maya maya, nakarating na kami sa mansyon nila. Binuksan ng guard nila 'yong gate para maipasok itong sasakyan sa garahe. Nang mai-park niya ito roon ay bumaba na kami 'tsaka pumasok sa mansyon.
Umupo ako sa sofa at ganoon din siya.
"Lizard Kiss ang susunod kong ituturo sa'yo."
Napatingin ako sa kaniya habang ang noo ko. Lizard kiss? Mayro'n ba n'on?
"It's weird pero, matutuwa ka."
Hindi na niya ako pinagsalita. Kinabig niya ang batok ko. Akala ko ay maglalapit ang mga labi namin pero huminto siya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"Just stick out your tounge as I stick out mine. Ready?" he asked in husky voice.
Geez! Ang bango ng hininga niya. Tapos 'yong husky voice niya! Nate-tempt tuloy ako.
Kahit 'di ko masyadong na-gets 'yong sinabi niya ay ginawa ko na lang. Ginagaya ko na labg ang ginagawa niya. We we're kissing using only our tounge like a lizard. Weird nga pero natatawa na lang kami.
Natapos din ang lizard kiss namin pero magkalapit pa rin ang mga mukha namin. Nagtitigan lang kami na parang kinakabisa namin ang mukha ng bawat isa.
"Sht. You're so beautiful," bulong niya na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko.
"Hindi ko kayang isipin na mapupunta ka sa iba. Malakas na yata ang tama ko sa'yo simula nang una kitang mahalikan."
Hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko. Masyadong busy ang puso ko ngayon sa pagtibok. Parang gusto ko nang sumabog.
Hinawi niya ang strands ng buhok ko at inipit ito sa likod ng tainga ko.
"Alam mo ba? Simula nang makausap kita nagustuhan na kita. Noong malapit na akong mag-grade 4 at malapit ka nang mag-grade 3, nag-decide si daddy na sa ibang bansa na lang ako mag-aaral. Nalungkot ako noon. Nawalan na rin ako ng balita sa 'yo simula nang umalis kami rito sa Pilipinas." Bahagya siyang ngumiti.
"Pero nang mag-grade 9 na ako, 'tsaka ko lang nalaman na na-aksidente ka no'n at nagka-amnesia ka na, nabulag ka pa. Kaya nga pinilit ko ang parents ko na dito nalang ako mag-aaral. Tuwang-tuwa ako nang makita kita pero hindi kita magawang malapitan. Ewan ko ba, nahihiya ako. Pero no'ng malaman kong nagda-date kayo ni Tristan, sinundan ko kayo. Nakita ko rin ang paghalik niya sa 'yo.
"Parang gusto na nga kitang yakapin sa mga oras na 'yon na nasasaktan ka. Kaya gumawa ako ng paraan para magkita tayo.
"Sumulat ako sa isang box ng sigarilyo tungkol sa tutoral. Ang weird 'no? Pero wala eh, gustung-gusto na kitang makausap." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mga mata.
"Grace... Matagal ko nang gustong sabihin ito sa 'yo. Matagal na rin itong nararamdaman ko. I love you, Nasha Grace." After he said that, our lips met.
Napaiyak na ako dahil nararamdaman ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.
Dahan-dahan ay hiniga niya ako sa sofa without breaking our kiss.
I love you too, Brey Simpson.