Chapter 34 - Memories

Biyernes ngayon at tatlong araw na akong nandito sa ospital. Bukas pa ako makakalabas dito. Nahimatay lang ako pero ang tagal kong na-confine dito. Ang dami pa kasi nilang isinagawang mga tests at wala pa rin ang resulta.

Hindi raw makakadalaw ngayong umaga sina Jannise dahil marami raw silang activities ngayon sa school. Kahit si Nick ay hindi rin makakadalaw dahil may practice sila ng basketball ngayon. Pero siguradong makakadalaw naman daw sila mamayang gabi. Si Tristan naman, nandito siya kanina pero no'ng makita siya ni Gabriel ay tinawag niya ito para kausapin. Kakausapin na siguro siya ni Cindy.

Naalala ko na naman tuloy 'yong nangyari kagabi. Kahit gano'n ang ugali niya ay naaawa pa rin ako sa kaniya. Bata pa siya pero malapit nang bawiin ang buhay niya. Napaisip tuloy ako. Paano kung matulad ako sa sitwasyon niya? Oo, nakakatakot pero hindi dapat tayo sumuko. Huwag aksayahin ang oras. Live life to the fullest sabi nga nila.

Maya maya'y napatingin ako sa pinto nang marinig kong umikot ang door knob. Napangiti ako nang makitang si daddy ito.

Ngumiti lang siya nang tipid 'tsaka lumapit sa akin.

"How are you, baby?"

"I feel better now. Thank you for visiting me dad." Ngumiti ako at tumingin sa likuran niya. Napabuntong-hininga ako nang hindi ko nakita ang gusto kong makita ngayon—si Mommy.

"Here, I bought you fruits," aniya sabay pakita ng isang basket na naglalaman ng mga iba't ibang prutas 'tsaka ito nilapag sa maliit na mesang katabi ng kamang hinihigaan ko.

"Thanks dad."

"I have to go. See you at home tomorrow." Then he kissed my forehead bago siya lumabas ng room.

Napabuntong-hininga na lang ulit ako. I don't hate my mom, pero gusto kong magtampo sa kaniya. Hindi ko talaga alam kung bakit gano'n ang trato niya sa akin at 'yon ang gusto kong malaman.

Humiga ako at pumikit. Gusto kong matulog na lang kaysa mag-iisip, baka lumala pa itong sakit ko. Ayo'ko rin namang matulog dahil hindi naman ako inaantok. I just want to play with my phone but it's not with me. It's still in my room, I guess.

Kahit na ayaw kong mag-isip ngayon ay naiisip ko pa rin parents ko. Dumalaw nga si daddy rito pero umalis din naman agad. Hinatid lang niya 'yong binili niyang fruits.

Bumangon ako at sumandal sa headboard 'tsaka nilingon 'yong basket ng prutas na nakapatong sa table. Inabot ko ito 'tsaka pinatong sa ibabaw ng mga hita ko. Tatanggalin ko na sana ang plastic na nakabalot dito nang mapansin ko ang isang papel na nakasabit sa gilid ng bitbitan nito. Kinuha ko iyon 'tsaka binuklat mula sa pagkakatupi. It's a letter from dad. Napangiti na lang ako. At least, dad really cares for me. Sinimulan ko nang basahin ang nakasulat dito.

'Nasha Grace, anak. Pasensiya ka na kung hindi ka masyadong nadadalaw ni daddy, lalo na ang mommy. Busy lang talaga ako sa work. Take care always, okay?'

Hanggang doon na lang sulat niya. Buti pa si daddy. Sana ganito rin si mommy.

Napa-angat ang tingin ko nang magbukas ang pinto at pumasok si Tristan. Medyo malungkot ang hitsura niya ngayon.

"Okay ka lang ba?" tanong nang makaupo na siya sa upuang malapit sa akin.

Tumango siya at bumuntong-hininga. "May tuberculosis si Cindy. Malala na ang sakit niya dahil napabayaan niya ito. She confessed to me." Nakatulala lang siya sa kawalan habang nababakas sa mukha niya ang pag-aalala. Siguro ay naging magkaibigan din sila noon kaya nag-aalala siya.

"She asked me to love her before she leave this world. Hindi ko alam kung papayag ba ako dahil hindi ko naman siya mahal. Pero... Ugh!" Marahas niyang ginulo ang buhok niya at napasandal na lang.

"Okay lang naman kung hindi mo siya mamahalin. Just tell her you can't love her but don't leave her. Stay with her and make her feel that you really care," sabi ko na lamang dahil hindi ko talaga alam ang mga ipapayo ko sa kaniya.

Bumuntong-hininga siya bago ako tingnan. Slight siyang ngumiti at pinagmasdan ako.

"Ma-s'werte talaga si kuya Brey dahil siya ang gusto mo."

Ngumiti ako. "'Wag kang mag-alala. Sigurado akong may mahahanap ka rin na tulad ko."

***

Hindi na natuloy pa ang pagdalaw ni Jannise dahil may importante pa siyang gagawin. Si Nick lang ngayon ang kasama ko. Kararating lang niya at may dala siyang pagkain para sa dinner.

"Maaga raw pupunta si Jannise dito bukas para siya na raw ang maghatid sa 'yo pauwi dahil baka hindi ka raw masundo ng daddy mo. Hindi rin kita mapupuntahan bukas dahil may game kami," paliwanag ni Nick.

Tumango lang ako 'tsaka kinuha 'yong pagkaing dala niya.

"Napansin ko lang. Bakit hindi ko nakikita 'yong parents mo na dinadalaw ka?" tanong niya pagkatapos kong iabot sa kaniya 'yong pagkain niya.

"Nagpunta naman si daddy dito kanina, saglit nga lang."

"May family problem ka ba?"

Napatingin ako sa kaniya nang tanungin niya iyon. Ayaw ko mang sabihin na oo ay napatango ako ng dahan-dahan at nilipat ang tingin ko sa pagkain ko.

"Hindi ba maganda ang trato nila sa 'yo?"

Napatingin ulit ako bigla sa kaniya dahil sa napaka-seryoso nitong tanong.

"H-hindi naman. 'Yon nga lang, hindi nila ako gaanong pinapansin. Lalo na ni Mommy."

May sinasabi siya nang pabulong pero hindi ko ito narinig. Hindi ko na rin siya tinanong dahil hindi naman ako ang kinakausap niya.

"Hindi dapat gano'n ang trato nila sa'yo. Dapat ay mahalin ka nila na para—" Hindi niya tinapos ang sasabihin niya.

Bumuntong-hininga siya at binaling ang tingim sa pagkain niya. "Hindi dapat ganiyan ang trato ng magulang sa anak. Dapat bigyan ka nila ng atensyon."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Bakit ganiyan siya umasta? Parang galit siya sa parents ko? Hayy... Ewan.

"Kumain ka na lang diyan," aniya na sinunod ko naman.

Nang matapos kaming kumain ay nag-kuwentuhan muna kami bago siya magpaalam. Masaya siyang kausap. Habang nag-uusap nga kami ay parang matagal na kaming magkakilala.

"Grasya..." Napahawak ako sa ulo ko nang ibulong ko iyon.

Ano bang mayro'n doon? Bakit sa tuwing nababanggit 'yon ay parang may mga ala-alang hindi ko alam kung panaginip lang ba o ano?

Napahawak akong muli sa ulo ko nang mga may eksena na namang biglang nag-flash sa isip ko.

"Promise mo 'yan, ikaw lang ang makakasama ko hanggang pagtanda ha?" sabi ng batang lalaking kamukha ni Nick.

"Ayaw ko nga!" Inirapan ng batang ako ang batang lalaki.

"Anong ayaw mo? Wala kang magagawa dahil hindi kita lulubayan hanggang pagtanda."

"Bahala ka!"

Napatili ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking ulo. Maya maya lang ay may may nurse na dumating at mabilis akong dinaluhan. May sinabi pa ito na hindi ko na narinig bago umalis para tawagin ang doktor.

***

Dumilat ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko nang mahigpit. Napatingin ako roon sa taong nakaupo sa tabi ko habang mahigpit ang hawak sa kaliwang kamay ko.

"Tristan?" Napatingin ako sa wall clock na nakabitin sa dingding. Alas dos na pala ng madaling araw.

"Bakit nandito ka pa? Akala ko ba umuwi ka na kaninang umaga?"

"Hindi muna ako umuwi dahil magdamag kong kinausap si Cindy nang masinsinan. Uuwi na sana ako ng alas nuwebe ng gabi nang biglang lumabas 'yong nurse sa kuwarto mo at nagmamadaling tinawag 'yong doktor kaya nag-alala ako. Nang lumabas na ang doktor matapos kang i-check, tinanong ko siya. Ang sabi niya ay hindi ka dapat masyadong nag-iisip para 'di ka ma-stress. Baka lalo raw lumala 'yong sakit mo."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tiningnan niya akong mabuti at halatang nag-aalala siya.

"Tinanong pa ako ng doctor kung nabagok daw ba ang ulo mo."

"Ha? Hindi naman nabagok ang ulo ko. Wala nman akong natatandaan eh," sabi ko na nakakunot ang noo.

"Sabi ng doktor... may amnesia ka raw."