Chapter 33: She's Sick?
"Nasha Grace Pineda? Bakit ang haba naman ng pangalan mo?" tanong ng isang batang lalaki na sa tantya ko ay pitong taong gulang pa lamang.
"Hindi ko rin alam. Ikaw ba? Maikli lang ba ang sa 'yo?" tanong ko gamit ang batang boses ko.
Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa akin kaya napatitig ako sa mga mata niya. Chinito siya pero hindi halata kapag nasa malayo siya.
May lumapit na isang lalaki mula sa likuran ng batang lalaki kaya napaangat ang tingin ko rito.
"Brey?" Hindi na ang batang boses ko ang lumabas kun'di ang boses ko sa kasalukuyan.
Napangiti ako at sabik siyang nilapitan 'tsaka niyakap ng mahigpit. "Saan ka ba nanggaling? Na-miss kita."
Niyakap niya ako pabalik at bigla na lang akong napadilat.
Puting kisame ang bumungad sa harap ko.
"Nasha! You're awake! Thank God!" Agad akong niyakap ni Jannise.
"Nasaan si Brey?" tanong ko dahilan para bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Jannise.
Napatingin naman ako sa dalawang lalaking nakatayo mula sa likuran ni Jannise. Palapit sila sa amin at tumabi sa kaniya.
"Di ba hindi nagpaparamdam si Brey? Bakit mo siya hinahanap?"
Umiling na lang ako at napatingin sa buong paligid.
"Tumawag si tito sa akin at sinabi ang nangyari sa 'yo. Nandito siya kanina pero umalis din agad dahil may aasikasuhin pa raw siya," sagot ni Jannise bago pa ako makapagtanong.
"S-si mommy?"
Napabuntong-hininga siya bago sumagot. "Si tito lang ang naabutan ko rito e."
Tumango na lang ako at binaling ang paningin sa kisame. Wala nga talagang pakialam sa akin si mommy.
"Gutom ka na ba? Bibilhan ka namin ng pagkain," sabi ni Jannise na may halong pag-aalala.
Tumango lang ako dahil nararamdaman kong kumakalam na ang sikmura ko. Hindi na kasi ako nakapag-dinner kagabi dahil bigla na lang akong nawalan ng malay.
Tumayo si Jannise at magpapasama sana kay Nick pero umiling ito.
"Kay Tristan ka na lang magpasama. Babantayan ko si Nasha," aniya at lumipat sa kaninang pywesto ni Jannise.
Napatingin ako kay Nick. Nakita ko namang tumango si Jannise at inaya si Tristan na sumama. Tumayo na siya at sumunod na sa kaniya sa labas. Nang sumara na ang pinto ay saka siya nagsalita.
"Okay na ba ang pakiramdam mo? Nag-alala ako, alam mo ba 'yon? Kahapon lang no'ng tinawagan kita okay ka pa naman. Ano bang nangyari sa 'yo?"
Naalala ko na naman ang binanggit niya no'ng tumawag siya. Pati ang mga ala-alang hindi ko alam kung totoo o gawa-gawa lang ng imahinasyon ko dahil sa sakit ko.
"You called me Grasya," mahina kong sambit.
Ngumiti siya pero hindi 'yong ngiting-ngiti. Bumuntong-hininga siya at nanahimik saglit bago sumagot.
"'Yan ba ang dahilan kung bakit ka na-ospital?"
Tumango-tango lang ako habang nakatingin sa kaniya. Habang nakatingin ako nang matagal sa kaniya, lalo siyang nagiging pamilyar sa akin. Pakiramdam ko tuloy nawala ang mga ala-ala ko tungkol sa kaniya.
"Nang banggitin mo ang salitang 'yon, bigla na lang nagkaroon ng mga eksena sa isipan ko na hindi ko naman alam kung nangyari ba talaga 'yon o ano. Hindi ko alam kung ikaw rin ba ang batang 'yon pero kamukhang-kamukha mo siya."
Ngumiti siya nang sabihin ko 'yon. "Malapit na," aniya na ikinakunot ng noo ko.
"Malapit na? Ang alin?" naguguluhan kong tanong.
Imbes na sumagot, ngiti lang ang sinagot niya. Magsasalita pa sana ako nang magbukas ang pinto at pumasok ang isang nurse hawak ang kaniyang clipboard.
"Sir, lumabas po muna kayo," sabi ng nurse na agad namang sinunod ni Nick.
***
"Grabe, ang takaw mo Nasha. Hindi ka pa nag-dinner nang mahimatay ka 'no?" sabi ni Jannise.
Ngayon lang kasi niya akong nakitang kumain nang ganito. Pagdating kasi nila ay mabilis kong nilamon 'yong mga pagkaing binili nila sa isang fast food.
Breakfast at lunch ko na ito dahil malapit na ang lunch time nang magising ako. Sina Nick at Tristan ay nasa sofa sa gilid habang kumakain ng mga pinamili nila. Katabi ko naman si Jannise.
Pagkatapos naming kumain ay nagkuwentuhan muna kaming apat bago magpaalam si Nick na uuwi na dahil kailangan na niyang pumasok. Hindi pala siya pumasok ng umaga nang mabalitaan ang nangyari. Pagkalabas niya ay nilingon ko ang dalawa.
"Wala ba kayong pasok?"
"Mayro'n akong pasok. Mamaya na lang dahil vacant hour namin ngayon. Ewan ko lang dito kay Tristan."
Napatingin ako sa kaniya. Napakamot siya sa kaniyang ulo. "May klase kami pero hindi ako papasok ngayon."
"Bakit? Don't tell me, dadamoves ka kay Nasha? Aba, Tristan, porque hindi ikaw si Troy hahayaan kita sa kaniya? Bata ka pa at maraming iba riyan na ka-edad mo. Nandiyan naman si Dovee. Alam kong age doesn't matter pero, hindi kasi nababagay kay Nasha ang mas bata sa kaniya. Mas bagay sila ni Brey 'no."
Pinandilatan ko naman ng mata si Jannise. Kung anu-ano ang pinagsasabi ng babaeng ito. Kahit kailan talaga, napakadaldal.
Napayuko naman si Tristan habang napapakamot sa kaniyang batok. Napahiya tuloy 'yong tao.
Maya maya pa'y napatingin si Jannise sa kaniyang relos. Tumayo siya at inayos na ang mga gamit.
"Malapit na 'yong next subject namin. I have to go," aniya at sinukbit ang shoulder bag sa balikat niya.
"At ikaw Tristan, pumasok ka na rin. 'Wag kang magpapaiwan," aniya sabay hila kay Tristan patayo at hinila hanggang sa makalabas na sila.
Natawa na lang ako sa kanila. Dati lang e galit na galit si Jannise kay Tristan dahil sa ginawa niya sa amin. Pero nang malaman naming 'yong kakambal pala niya iyon ay naging malapit na sila na parang magbarkada. Kawawa pala si Tristan tapos magagalit kami sa kaniya e wala naman pala siyang ginagawang masama.
Humiga ako at tumitig sa puting kisame ng ospital. Naalala ko na naman si Brey noong ma-ospital ako. Namiss ko rin 'yong mga halik na tinuturo niya sa akin. Shy, Butterfly, Angel, Cheek, Single-lip, Eskimo, Upside-down, Breath, Air, at French kiss. Namiss ko lahat ng mga tinuro niya at gusto kong turuan niya pa ulit ako, pero this time hindi para gumanti. Gusto kong turuan ako ng taong mahal ko at sa kaniya ko gagawin ang mga tinuro niya.
Natigil ako sa pag-iisip nang pumihit ang door knob. Bahagya itong bumukas at lumitaw ang ulo ni Tristan na nakadungaw sa akin. Kumunot ang noo ko 'tsaka ako bumangon. Pumasok siya saka sinara ang pinto.
"Bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?"
Umiling siya at lumapit sa akin. Umupo siya roon sa isang mono block chair na ginamit kanina ni Jannise at hinila ito patungo sa gilid ko.
"Wala ka talagang balak pumasok?"
"Wala. Babantayan kita. At isa pa, may sasabihin ako sa 'yo."
"Ano namang sasabihin mo? Teka, alam ba ni Jannise na bumalik ka rito sa ospital? 'Tsaka, nagpaalam ka ba kay Dovee? Baka nag-aalala na 'yon dahil hindi ka pumasok."
"Alam na ni Dovee. 'Tsaka ang akala ni Jannise ay pumasok na ako. Sabay kaming pumasok sa school, at nagmadaling pumasok kaya hindi na niya ako napansin o naalala kaya nakahanap ako ng tiyempo na bumalik."
Tumango-tango ako. "Ano nga pala 'yong sasabihin mo?" tanong ko.
"About kuya. Alam ko na kung nasaan siya. He's in Korea with ate Olivia. Doon na siya nag-aaral."
Hindi ako nakapagsalita agad. Nasa Korea siya? Ibig sabihin, malayo na siya sa 'kin.
Parang nanikip ang dibdib ko dahil sa narinig.
"Hey, don't cry yet. Na-contact ko siya through email and I told him what happened to you. Hindi ko lang alam kung nabasa niya iyon dahil I'm sure na busy siya roon."
Hindi pa rin ako nagsalita at napatitig na lang sa kisame. I really miss him. Gustung-gusto ko na siyang makita pero ang layo na niya.
Nagulat na lang ako nang hawakan ni Tristan ang pisngi ko at hinawi ang mga luha kong pumatak na pala gamit ang dalawang hinlalaki.
"Sabi ko 'wag kang umiyak. Malay mo mabasa ni kuya 'yon at agad na uuwi dito para lang madalaw ka."
"Paano kung hindi? Noong huli ko kasi siyang nakita ay para siyang galit."
"Tiwala lang Nasha. Makikita mo rin ulit siya."
***
Binantayan ako ni Tristan hanggang 4PM. Dumating naman sina Jannise at Nick nang mag alas sais na. Sinamahan muna nila akong mag-dinner bago sila nagpaalam na uuwi na.
Nag-iisa nalang ulit ako dito habang kumakain ng mansanas. Nang maubos ko ito ay umalis ako sa kama para itapon ito sa basurahan na katabi ng sofa. Nang maitapon ko ito ay napatingin ako sa pinto. Gusto kong lumabas. Nababagot na rin kasi ako rito sa loob ng silid na ito. Lumapit ako sa pinto at hinawakan ang door knob. Saktong pagbukas ko ng pinto ay may nurse na naglalakad at nakita ako kaya lumapot siya sa akin.
"Miss, bawal po kayong lumabas."
"Saglit lang po ako. Magpapahangin lang ako kasi hindi ako gaanong ka-komportable rito sa loob. Saglit lang po talaga ako, promise."
"O sige. Pero 'wag kang magtatagal. Baka mapagalitan kami."
Tumango ako at umalis na. Hindi naman gaanong marami ang mga taong naglalakad rito sa hallway dahil gabi na rin naman. Alas otso na kasi nang umalis sina Jannise at siguro ay malapit nang mag alas diyes.
Huminto ako sa paglalakad nang madaanan ko ang isang kuwarto at nakabukas ang pinto nang bahagya. May mga nag-uusap sa loob at pamilyar sa akin ang boses na iyon.
Naririnig kong umiiyak 'yong babae. Sigurado akong siya ang babaeng nasa loob ng kuwartong ito � si Cindy. Kausap niya si Gabriel. Ayo'kong mang eavesdrop pero curious ako kung bakit umiiyak si Cindy. Lumapit ako at sumilip sa maliit na siwang ng pintong bahagyang nakabukas. Iyak siya nang iyak habang nakaupo sa hospital bed at suot ang hospital gown gaya ng suot ko. Yakap-yakap siya ni Gabriel at pilit itong pinapatahan.
"A-ayo'ko na... Gabriel, please gusto kong makausap si Tristan. I... I want to say sorry," sabi niya habang humihikbi.
"Shhh... Don't cry, please. I'll talk to him. Just please, don't cry."
"M-malapit na akong mawala sa m-mundong ito. Sana mapatawad ako ni Tristan sa ginawa kong pagkampi sa k-kakambal niya. Ang gusto k-ko lang naman ay mahalin niya r-rin ako." Mas lalo pa siyang napahagulhol. Niyakap lang siya ni Gabriel at pilit ba pinapatahan.
Umatras ako palayo sa pinto at napahawak ako sa bibig kong ngayon ay nakaawang na.
May sakit si Cindy?