Chapter54: Stalker

"Trina ang sabi ng mga kapitbahay may inuwi ka raw na lalaki dito sa bahay" si tiya Cynthia kay Trina na nakaupo sa sofa

"Kaibigan at kaklase ko po iyon tiya, si Justin po, nadumihan po kasi ang uniform ko kahapon kaya sinamahan nya akong umuwi para magpalit"

"Ganon ba?, oh basta yong paalala ko sayo ha wag mong kakalimutan?"

"Opo tiya makakaasa po kayo sakin na di ko kayo bibiguin" na ngumiti sa tiya

"Oh hala sige na, tumayo ka na dyan at ng makapag hapunan na tayo" na naunang humakbang papunta sa kusina, sumunod rin naman kaagad si Trina sa kanya

Bumaba ng sasakyan si Trina, "ingat po kayo sa pagmamaneho tiya"

"Salamat hija, ikaw din mag-iingat ka lagi"

"Salamat po tiya" na ngumiti sa tiyahin at isinara ang pinto ng sasakyan, at agad namang umalis ang kanyang tiya

"Good morning my beautiful lady" si Justin na nakangiti at humahakbang papalapit kay Trina

"Good morning Justin" si Trina na nakangiti din, ng makalapit na si Justin sa kanya ay agad nitong kinuha ang kanyang backpack, "Hoy! Ano na namang ginagawa mo?"

"Ako na magdadala ng bag mo" na nakangiti, "let's go", at tumango lang si Trina sa kanya, at sabay na silang pumasok ng gate

"Bakit ganyan ka kung makatingin sa babaeng yon?" si Carol sa kanyang kuya Zack, nasa loob sila ng kanilang sasakyan na naka park malapit sa may gate ng school

"Who is she?" si Zack

"Siya si Katrina, Trina for short, bakit interesado ka ba sa kanya??" na tumitig sa mukha ng kapatid

Tumingin si Zack sa kapatid at ngumiti, "i like her, she's my type"

"Really??" na tumawa

"Ba't ka natawa??"

"Di ka papasa sa kanya, di mo ba nakita may boyfriend sya?"

" Yong kasama nya ngayon? , di ba sya ang first love mo?, si Justin Rosales?" na tumingin sa kapatid

Kumunot ang noo ni Carol," mauna na ako sayo sa loob" na bababa na sana ng sasakyan

"Wait my dear sister, bakit kaya di na lang tayo mag tulungan?"

"Magtulungan saan??"

"Na mapasakin yang si Trina, at mapasayo naman si Justin??"

"At pano mo naman gagawin yan??" at nginitian lang sya ni Zack

"Tapos na ako, patapos ka na ba?" si Justin na bumulong kay Trina na nagsusulat pa

"Kunti na lang to" si Trina na binilisan ang pagsusulat

Nakatingin si Carol kina Trina at Justin, "mukhang gusto kong pumayag sa gusto ni kuya ah" sa kanyang sarili

"Hoy! Nong nangyayari sayo?, kinakausap mo na yang sarili mo?" si Annie

"Type pala ng kapatid ko yang si Trina " si Carol

"Ano!!, si Trina type ng kuya mo??"

"Aha " na ngumiti, "alam mo, sabi ni kuya sakin, kaya daw nyang gawing mapasa kanya si Trina at mapa sakin naman si Justin"

"Pano??"

"Ewan ko, di naman sinabe sakin ni kuya, pero sabihin ko nalang daw sa kanya pag pumapayag ako sa gusto nya, kase ako daw ang magdedesisyon eh"

"Ganon??, eh drug addict yang kuya mo eh baka kung ano yang pinaplano nya ha mapapahamak ka pa?"

"Tumigil ka nga!! Hindi totoong drug addict si kuya!!" na napataas ang boses, tiningnan naman sila ng kanilang mga kaklase

"Okay okay I'm sorry,, yon kasi yong mga naririnig kong sabi-sabi" si Annie

Tumayo si Carol, "gutom na ako maigi pa seguro ay kumain na tayo" at naunang lumabas ng silid, sumunod naman kaagad si Annie at ang dalawa pa nilang kaibigan

Napailing-iling si Justin, "todo tanggi pa sya eh totoo naman talagang drug addict ang kuya nya"

"Hoy!! Baka may makarinig sayo at isusumbong ka kay Carol" si Trina

"Totoo naman kasi, kaya malaya pa yang si Zack dahil tatay nila ang Mayor ng lungsod natin eh, at tsaka ito pa may na balitaan ako na yang si Mayor ay may malawak na taniman ng marijuana dito sa Bulacan" na pabulong

"Di ka rin tsismoso no?, hoy! Justin, kung ano man yang mga naririnig mo wag mo na lang pansinin baka mapahamak ka pa" na tiniklop ang notebook

"Basta ikaw my lady umiwas-iwas ka dyan sa kapatid ni Carol ha ilang beses ko pa naman nahuli yang nakatitig sayo"

"Ta-talaga??"

"Oo, naku wag talaga syang makalapit-lapit sayo bubugbugin ko talaga sya" at natawa naman si Trina sa kanya, "oh ba't ka tumawa?"

"Sa laki non kaya mong bugbugin yon? Tsaka laging nakabuntot ang mga kaibigan non sa kanya kaya nga kinatatakutan yan sila dito sa campus eh, tsaka anak sya ng Mayor"

"Siga-sigahan dito sa campus, 22 yrs old na senior high padin. Kung di lang anak ng Mayor yan dyos ko pinatalsik na yan dito sa campus"

"Naku yaan na natin sya buhay nya yan"

"Ah basta pag makasalubong mo yong lalaking yon umiwas ka kaagad ha?, maliwanag??, di maganda kutob ko sa lalaking yon eh"

"Salamat sa concern mo, pero tingin ko kailangan na nating mag lunch at kumakalam na ang sikmura ko" na ngumiti kay Justin

"Ako rin eh gutom na" na tumayo, "tara kain na tayo"

"Okay po" na ngumiti at tumayo narin

Linggo at maraming kailangang gawin sa shop ang tiya Cynthia ni Trina kaya di ito makakasama sa kanya sa pagsisimba, kaya niyaya ni Trina si Justin na samahan sya at pumayag naman ang lalaki

"Justin naiihi ako, CR lang ako saglit ha?" si Trina na bumulong kay Justin na seryosong-seryosong nakikinig sa wali ng pari

"Sige lang" si Justin na ngumiti kay Trina, agad naman na lumabas ng simbahan si Trina at nagtungo sa CR. Nang matapos na si Trina ay agad syang lumabas g Cr.

"Hi you look familiar, do i know you??" si Zack na nakangiti kay Trina

"Mag schoolmate ho tayo, baka nakita mo na ako sa campus kaya familiar ako sayo" mahinhing sagot ni Trina

"Ah yeah, you are my little sister's classmate" na tinuro si Trina, "you're Katrina Villegas right?"

Tumango lang si Trina, "hmm balik na ho ako sa loob" na ngumiti

"I'm Zack" na nilahad ang kanang kamay kay Trina, sinuklian naman ni Trina ang paglahad ng kamay nito, pinisil-pisil ni Zack ang malambot na palad ng babae habang tinititigan ng maigi ang magandang mukha nito

"Ang kamay ko po" si Trina

"Ah sorry" na ngumiti, "sabay nalang tayo pumasok" na binitawan ang kamay ni Trina

"Sige po" at naunang lumakad, nakasunod naman sa kanya si Zack na nakangiti at nakatingin sa likod nya, nang makapasok na sila ay dali-daling lumapit si Trina sa kinauupuan ni Justin, "Justin tara na"

"Ha?, eh di pa tapos ang misa ah?"

"Patapos narin naman eh, kaya sige na tara na" na hinila patayo si Justin

"Okay okay" na tumayo at nag sign of the cross, gumaya narin si Trina sa ginawa nya, "bakit tayo aalis agad?" si Justin habang hila-hila sya ni Trina palabas, sinundan naman sila ni Zack ng tingin

"Hoy!! Ba't di natin tinapos ang misa?" si Justin kay Trina ng nasa labas na sila

"Si Zack, nandito rin sya at malakas ang kutob ko na sinundan nya ako don sa Cr kasi paglabas ko nandon sya"

"Ano?? Gago yon ah, nasan nasan sya, pa flying kick lang ako"

"Tara na umalis na tayo" na hinila si Justin, "di ako komportable kasi sa kanya, nagpakilala sya sakin tapos pinisil-pisil nya ang palad ko, basta tumatayo mga balahibo ko kanina, kaya sige na Justin please.. Alis na tayo dito"

"Oh sige sige, halikana" na hinawakan ang kamay ni Trina at binuksan ang pintuan ng backseat ng sasakyan nya, pumasok naman kaagad si Trina at sumunod naman kaagad sya, "so saan na tayo ngayon?"

"Uwi nalang seguro tayo?" si Trina

"Manong sa bahay ho ni Trina tayo" si Justin sa kanyang driver

"Sige po sir" ang driver na agad namang pinaandar ang sasakyan,, nakatayo si Zack sa may pintuan ng simbahan habang nakatingin sa papalayong sasakyan na sinakyan nila Trina at Justin

"See you tomorrow my love" si Zack sa kanyang sarili at ngumiti

"Kamusta naman ang pag-aaral mo hija?" si tiya Cynthia kay Trina habang nag da-drive

"Okay naman po tiya" na ngumiti

"Nagpunta sa shop kahapon ang adviser mo, bumili sya ng kwentas panregalo sa anak nyang mag be-bertdey daw sa sabado, ang sabi nya sakin ang tataas daw ng grades mo, malabo raw na malampasan ka ng anak ni Mayor" na tumingin kay Trina

"Ganon po ba??"

"Sino nga yong first honor ninyo?"

"Si Justin Rosales po"

"Ah yong kaibigan mo" na inihinto ang sasakyan sa tapat ng gate ng school, "basta hija pagbutihan mo lang lagi sa klase ha, may honor ka man o wala basta mag-aaral ka lang ng mabuti ay okay na sa akin yon, proud na proud ako sayo hija" na ngumiti kay Trina, "at segurado akong proud na proud din ang mga magulang mo sayo"

"Salamtat tiya at di po ninyo ako pinabayaan" na yumakap kay Cynthia, "pangako ko po sa inyo mag-aaral po ako ng mabuti hanggang sa maabot ko ang mga pangarap ko sa buhay, at para masuklian ko po ang mga kabutihan ninyo sa akin"

Tinapik-tapik ni Cynthia ang likod ni Trina, "mag-aral kalang ng mabuti hija ay sapat na sakin, isang malaking karangalan para sakin ang makatulong sayo na maabot mo ang mga pangarap mo, kaya sige na pumasok ka na sa loob baka malate ka pa" na ngumiti

"I love you so much tiya" na humalik sa magkabilaang pisngi ng tiyahin, napangiti naman ng napakatamis ang kanyang tiya, "i love you too hija, kaya sige na pumasok ka na"

"Sige po tiya at ingat po kayo sa pag dadrive" at agad na bumaba ng sasakyan, isinara nya kaagad ang pinto ng sasakyan, inantay nya munang makaalis ang tiya tsaka pumasok ng gate, bumaba naman kaagad si Zack sa kanyang sasakyan at dali-daling sinundan si Trina, nang makalapit na sya sa babae ay agad nyang hinawakan ang kaliwang braso nito

"Ayy!!" si Trina

"Hi love, did you miss me??" si Zack na nakangiti kay Trina