Chapter55: Nawala si Trina
"Zack??" si Trina na nagulat
"Hi!" na nakangiti, "can we talk?" na nakahawak parin sa braso ni Trina
"Ah, a-a-ano kasi, marami pa'kong assignments na kailangan tapusin, ma-maybe next time" na pilit ang ngiti, at inalis ang kamay ni Zack sa pagkakahawak sa kanya
"My lady!!" si Justin na patakbong lumalapit sa kinaroroonan nila
"Justin!!" na ngumiti
"Hina harass ka ba ng lalaking to?" si Justin na tumingin kay Zack
Tumawa si Zack, "kalma gusto ko lang makipagkaibigan sa girlfriend mo"na ipinasok sa magkabilaang bulsa ang mga kamay
" Pwes naiilang ang girlfriend ko sayo, kaya kung pwede ay wag mo na syang lalapitan pa, maliwanag? "natawa lang si Zack sa sinabe nya," my lady halikana"na hinawakan ang kaliwang kamay ni Trina at agad naman silang umalis, nakangiting nakatanaw ng tingin si Zack sa kanila, "magiging akin karin balang-araw my love"
"Ano bang kailangan ng lalaking yon sayo ha?" si Justin kay Trina, naglalakad sila papuntang silid
"Ewan ko, natatakot talaga ako sa kanya"
"Tingin ko inaabangan ka nya lagi, kailangan mo talagang mag doble ingat Trina, di naman sa nambibintang ako, pero masama talaga kutob ko sa lalaking yon"
"Salamat Justin at dumating ka kanina" na tumingin sa kaibigan at ngumiti
"Wala yon" na gumanti ng ngiti, "basta mag-ingat ka talaga lagi, di natin alam kung anong kalokohan ang pwedeng papasok sa kukuti ng Zack na yon" humigpit ang hawak ni Trina sa kamay ni Justin
"Hindi komportable sakin ang kaklase mong si Trina" si Zack na nakatayo sa harapan ni Carol, "at yong first love mo di ko gusto, lagi nalang na sulpot pag dumidiskarte na ako kay Trina"
"Wag na wag mong gagalawin si Justin, napag-usapan na natin yan" si Carol na naka de kwatro ng upo
"Don't worry my dear sister, tumutupad naman ako sa pangako" na umupo sa tabi ng kapatid, "ano kayang magandang gawin para mapa sakin na si Trina??"
"Kung di madala sa santong dasalan, edi daanin mo sa santong paspasan" na tumingin sa kapatid at nakangiti
"Brilliant idea" na ngumiti, "i like that, genius ka talaga my dear sister"
"Syempre" na nakangiti
Sabado at napagkasunduan nina Trina at Justin na mamasyal, gusto sanang sunduin ni Justin si Trina pero umayaw ang babae dahil baka makita na naman sila ng mga tsismosa nitong kapitbahay at mag rereport na naman sa tiya nya, kaya napagkasunduan ng dalawa na magkita nalang sa mall. Dali-daling lumabas ng bahay si Trina, nakasukbit sa kanyang balikat ang maliit nyang sling bag, naka blue simple dress lang sya at naka flat shoes, nakalugay lang ang hanggang pwetan nyang medyo blonde na buhok. Nang makalabas na sya ng gate ay agad-agad nya itong sinara, at patakbong umalis papuntang sakayan ng mga tricycle, habang natakbo sya ay may maitim na kulay Van na nakasunod sa kanya, kaya mas binilisan pa nya ang kanyang pagtakbo, natingin-tingin sya sa dinaanan nya, tahimik ang mga kanto at wala pang mga tao. Bumilis rin ang takbo ng itim na Van at huminto ito sa gilid ni Trina, bumukas naman kaagad ang pinto ng sasakyan.
"Hi!" si Zack na lumabas ng sasakyan at nakangiti pa ito, "need a ride??"
"Hindi, hindi, salamat" si Trina na hinihingal at pilit ang ngiti
"Why? , are you afraid with me??" na deritso lang ang tingin sa babae
"Afraid??, hi-hindi ah,, bakit naman ako matatakot sayo??"
"So kung ganon, pumayag ka ng ihatid kita"
"Wag na, susunduin rin naman ako ni Justin eh"
Tumawa si Zack, "ah Justin, your boyfriend??"
"Oo boyfriend ko sya, oh sige mauna na ako ha??" akmang aalis na sana
"Guys get here" si Zack, at agad na bumaba ng sasakyan ang dalawang kaibigan ni Zack na sina Angelo at Drew, hinawakan nila sa magkabilaang braso si Trina at sapilitan na isinakay sa sasakyan
"Bitawan nyo ko!!, tulong!! Tulong po kikidnapin nila ako!! Tulong!!!" "pagsisigaw ni Trina
" Shut up! "si Zack sabay suntok sa tiyan ni Trina, dahilan ng pagkawala ng malay nito," ihiga nyo yan dyan" utos ni Zack sa dalawa, at agad naman na sinunod ng dalawa ang utos ni Zack sa kanila, sumakay kaagad si Zack sa driver's seat at agad na pinaharurot paalis ang sasakyan
Tatlong oras na ang nakalipas mula nang mag-antay si Justin kay Trina sa may food court ng mall, kanina pa nya tinatawagan ang selpon number nito pero di nya makontak, unti-unti ng nakakaramdam ng kaba si Justin, di na sya mapakali. Dali-dali syang lumabas ng mall, napagdesisyonan nyang puntahan ang tiya Cynthia nito sa shop.
Nagising si Trina at ramdam nyang nakahiga sya sa isang malambot na kama, inilibot nya ng tingin ang buong sulok, naramdaman nya ang sakit ng kanyang tiyan dulot ng pagsuntok ni Zack sa kanya kanina. Bumangon si Trina sa pagkakahiga, ng biglang bumukas ang pinto ng silid, "Hi my love, gising ka na pala??" si Zack na nakangiti habang papalapit kay Trina
"Wag ka lumapit sakin, dyan ka lang" si Trina na tumayo at umaatras palayo kay Zack
Tumawa si Zack, "takot ka talaga sakin no??" na tumigil sa pag hakbang, "don't worry love, di kita sasaktan kung susunod ka lang sakin"
"Ano bang kailangan mo sakin??"
"Ikaw.. Ikaw ang kailangan ko" na umupo sa kama, "matagal na akong humahanga sayo, at ang kapatid ko naman ay matagal naring may gusto sa boyfriend mo, kaya nag team up kami, para matupad na ang matagal naming pinapangarap na mapasa amin kayo" na tumingin kay Trina
"Baliw kayo parehas!!, palabasin mo ko dito, hahanapin nako ng tiya ko!!"
"At sa tingin mo ay paaalisin kita dito??" na tumayo at humakbang papalapit kay Trina
"Wag kang lumapit, dyan ka lang" na umatras ulit, pero wala na syang maatrasan pa at nasa pinakadulo na sya ng pader
Ngumiti si Zack, at nakalapit narin sya kay Trina, "my love, simula ngayon ay akin ka na, at hinding-hindi ka na makakaalis pa sa tabi ko, magsasama na tayo habang-buhay" na hinimas-himas ang mukha ni Trina
Tinampal ni Trina ang kamay ni Zack, "tigilan mo ko, manyak ka!!"
Tumawa ng napakalakas si Zack, "manyak talaga?, don't worry my love, mamaya ipapakita ko sayo kung gaano ako ka manyak" na bumulong sa tenga ni Trina, agad naman syang itinulak ni Trina
"Bastos ka!!, pag ako nakalabas dito ipapakulong kita!!"
"Kung yon ay makalabas ka??" na tumawa. "oh sige na my love, magpahinga ka na muna para may lakas ka mamaya para sa laban nating dalawa"
"Laban saan??"
"Laban natin sa kama mamaya" na tumawa
"Bastos ka talaga!!" na binato ng sapatos si Zack, "lumabas ka!! Labas!!!!"
Tumawa ulit si Zack at agad na lumabas ng silid, umupo sa kama si Trina at umiiyak.
"Ano!! Hindi sumipot si Trina sa usapan ninyo??" si tiya Cynthia kay Justin
"Opo tiya, tatlong oras na po akong nag-aantay sa kanya doon sa food court, di naman nya gawain ang wag tumupad sa usapan eh, tsaka kinakabahan po ako"
"Dyos ko, kailangan nating maireport ito sa mga pulis, nang matulungan nila tayong hanapin ang pamangkin ko, baka kung ano na ang nangyari don" na dinampot ang brown shoulder bag nya na nasa mesa
"Sige po tiya, halikana po" si Justin na naunang lumabas ng shop, sumunod naman kaagad si tiya Cynthia sa kanya
"Kailangan kong makaalis dito, paneguradong nag-aalala na sina Justin at tiya sa akin ngayon" si Trina sa kanyang sarili at tumayo, lumapit sya sa may pinto, pinihit nya ang doorknob, pero di nya ito mabuksan, "Pano ako makakaalis nito?, hmm..." na nag-iisip, "Zack!! Zack nandyan ka ba!!, gutom na ako, pede ba ako makahingi ng pagkain??!!!, Zack!!!" agad naman na bumukas ang pinto kaya nauntog ang noo ni Trina, "Arayy!!" si Trina na napasapo sa kanyang noo
"Oh I'm sorry" si Zack na nilapag sa kama ang dalang tray na may pagkain, at binalikan agad si Trina, "I'm so sorry love" na tiningnan ang noo ni Trina
"Dahan-dahan naman kasi eh" si Trina
"Eh di ko naman alam na di ka pa naalis sa may pinto, sorry na"
Sinipa ni Trina ang masilang parte ng katawan ni Zack, namilipit sa sakit si Zack, at agad naman na tumakbo si Trina, "dammit!!" si Zack na paika-ika sa paglakad,, "Angelo!, Drew! Nakatakas si Trina, habulin nyo sya!!!, lagot ka talaga sakin babae ka..."
Tumakbo ng mabilis si Trina, bubuksan na, sana nya ang gate ng biglang may humampas sa ulo nya, kaya nawalan sya ng malay.
"Not so fast girly" "si Carol na hawak hawak parin ang batota na pinampalo sa ulo ni Trina
" Carol!! Anong ginawa mo?? "si Zack na paika-ikang lumapit kay Carol, nakasunod naman kay Zack ang dalawang kaibigan nito
" Hay! Naku kuya, ano ba yan natatakasan ka lang ng isang babae?" na umiiling-iling," ayan na sya oh, iakyat nyo na ulit" na tinuro ng batuta ang walang malay na si Trina, at tumingin ulit sa kapatid, "haha mukang mababaog ka na nyan kuya, pano nalang kayo magkaka-anak ni Trina nyan"
"Shut up!!" si zack, "kayong dalawa buhatin ninyo si Trina pabalik ng kwarto nya"
"Yes boss" anang dalawa, at agad naman na binuhat si Trina
"Ano naangkin mo na ba??" si Carol
"Hindi pa"
"Di mo pa pala naangkin tapos pumayag kang sipain nya yang betlog mo"
"Tumigil ka nga,, mag-isa ka lang ba??"
"Oo syempre"
"Mabuti"
"Ano ng plano mo ngayon kuya??"
"Gagawin ko na ang dapat kung gawin" na ngumiti
"Aba dapat lang" si Carol na ngumiti din, "at ako mapapasakin na si Justin"
"Ano!! Mag-aantay na muna tayo ng 24hrs!?, anong klaseng mga pulis kayo??" si tiya Cynthia sa mga pulis
"Madam pasensya na ho, yon ho talaga ang patakaran eh" anang isang pulis
"Pano kung may masama ng nangyari sa pamangkin ko"
"Madam pasensya na ho, antay nalang ho tayo ng 24hrs"
"Justin??"si Lourdes ina ni Justin, at secretary ng Mayor," anong ginagawa mo dito?? "
" Nawawala ang kaibigan ko ma, tapos sabi ng mga pulis na to antay daw muna sila ng 24hrs pag wala parin daw ang kaibigan ko don na daw sila tutulong sa paghahanap"
"Eh ganon naman kasi talaga ang patakaran hijo" si Mayor Renan Caballero
"Anong klaseng patakaran yan, pano kung may masama nang nangyari sa kaibigan ko?"
"Hijo kumalma ka lang, wag mong ipagdasal na may masama ng nangyari sa kanya di maganda yan"
"Justin umuwi ka na sa bahay, hayaan mo na ang pamilya ng kaibigan mong maghanap sa kanya"
"Kaibigan nya po ako ma, at tutulong po ako sa paghahanap sa kanya"
"Mabait na kaibigan pala tong anak mo Lourdes?" si Mayor na ngumiti, "sana ay mahanap nyo na sya agad hijo, Lourdes halikana at may lakad pa tayo" at naunang umalis
"Justin umuwi ka ng maaga ha" at sumunod kaagad sa Mayor
"Secretary pala ng Mayor ang iyong ina?" si tiya Cynthia
"Opo tiya, tiya halikana po, kailangan na nating hanapin si Trina"
"Oo hijo" at sabay sila ni Justin na naglakad papuntang sasakyan