Chapter53: Trina's Past
Uminom muna ulit si Lexie ng tubig, "Mabait na bata si Trina, pinalaki sya ng kanyang mga magulang na may galang at may takot sya dyos. Housewife ang ina ni Trina at tricycle driver naman ang kanyang ama. Kahit na madalas silang kinakapos sa budget ay nanatili parin silang masaya, dahil tinuruan si Trina ng kanyang mga magulang na matutong makuntento sa kung ano lang ang meron. Nong dumating ang ika-sampung taong gulang ni Trina ay napagdesisyonan ng kanyang mga magulang na magsimba at mamasyal, nakaugalian na daw kasi nila ang magsimba tuwing may mag be-bertdey. At ang mahalagang araw na iyon na dapat sana ay masaya sila ay nauwi sa isang trahedya, habang sakay sila sa traysikel ng kanyang ama para mamasyal ay nakabanggaan nila ang isang malaking truck, tumilapon silang pareho. Binalot ng yakap si Trina ng kanyang nanay kaya hindi sya nagalusan at napano, at sa kasamaang palad ay binawian ng buhay ang kanyang mga magulang dahil nagrabihan ang mga ito"
"Kung ganon bata palang si Trina ay naulila na pala sya sa mga magulang?" si Cathy, at tumango lang si Lexie sa kanya, "Ano ng nangyari kay Trina pagkatapos non??"
Ang Nakaraan ni Trina
"Nanay, tatay bakit nyo po ako iniwan??, pano nalang po ako??" mangiyak-ngiyak na sambit ng sampung taong gulang na si Trina, nasa harapan sya ng kabaong ng kanyang mga magulang
"Kawawa naman ang bata" anang isang matandang babae na dumalo sa lamay
"Mayayaman naman ang mga kapatid ni Lorenzo, seguro naman di nila pababayaan iyang pamangkin nila" anang isang babae
"Eh balita ko mata pobre daw ang mga kapatid ni Lorenzo" ang matandang babae
"Anong gagawin natin dyan sa anak ni kuya?" si Lera bunsong kapatid ni Lorenzo na ama ni Trina
"Ay ewan ko, di pwede ang batang yan sa amin at ayaw ng misis ko, ayokong mag-away na naman kami" si Bryan, pangalawa sa kanilang magkakapatid
"Ay di rin pwede sa akin yan, tatlo na ang mga anak ko at unti-unti nang nalulugi ang negosyo namin, ayoko ng dagdagan pa ang mga palamunin ko" si Susana, ang panganay sa kanilang magkakapatid
"Ay mas lalong di pwede sakin yang batang yan" si Lera, "lagi akong naalis ng bansa alangan namang bitbit-bitbitin ko pa yang batang yan, at tsaka di pa nga kami nagkaka-anak ng Mr. ko dahil ayaw pa namin, tapos iuwi ko yan, no way"
"Ang titigas talaga ng mga puso ninyo no?" si Cynthia na narinig ang pag-uusap ng tatlo. kapatid sya ng nanay ni Trina, 42yrs old, walang asawa at anak
"Ba't di nalang kaya ikaw ang kumupkop sa batang yan, tutal matandang dalaga ka naman, para naman may katuwang ka" si Lera
Ngumiwi si Cynthia, "bastos ka talagang magsalita"
"Anong bastos don, eh matandang dalaga ka naman talaga" si Lera na nang-irap
"Lera kunting respeto naman" sita ni Susana sa kapatid, "Cynthia pasensya ka na, pero baka pwedeng ikaw nalang ang kukopkop kay Trina?"
"Ako naman talaga at alam kong pareho ninyong aayawan ang bata, mga wala talaga kayong puso, pamangkin nyo rin naman yan" at agad na tumalikod paalis
"Chee!!" si Lera
Nang matapos ang libing ng mga magulang ni Trina ay agad syang dinala ng kanyang tiya Cynthia sa bahay nito. May kaya sa buhay ang kanyang tiya, nag mamay-ari ito ng isang Jewelry Shop. Alas otso palang ng umaga ay nasa shop na ito at alas nuwebe na ng gabi kung uuwi, at dahil sa marunong sa mga gawaing bahay si Trina ay kaya na nito ang kanyang sarili. At dahil sa nais ng kanyang tiya na makapagtapos sya ng pag-aaral kaya di sya pinahinto nito, masayang-masaya si Trina sa piling ng kanyang tiya dahil tinatrato sya ng maayos nito. Tuwing linggo ay naglalaan ito ng oras sa kanya, nagsisimba sila, namamasyal, at kumakain sa labas, tinuring na sya ng kanyang tiya na parang sariling anak narin. Nang mag katorse na si Trina nasa Grade8 na sya, ay naging ganap na syang dalaga. Todo paalala ang kanyang tiya sa kanya na laging mag-iingat lalong-lalo na sa mga lalaki. Kaya tumandang dalaga ang kanyang tiya dahil ilang beses na nito naranasan ang maiwan at maloko, minsan ng nabuntis ang kanyang tiya noong 18yrs old palang ito, tinakasan ng nobyong nakabuntis sa kanya, kaya na depressed ng husto na naging dahilan na nakunan sya, kaya simula non di na nagtitiwala pa ang kanyang tiya sa mga lalaki. Lumaking magandang bata si Trina kaya di maiiwasan na marami ang hahanga at manliligaw sa kanya at isa na don ang puppy love nya simula Grade7 na si Justin. Crush ng campus si Justin, sobrang gwapong bata kasi talaga nito kaya kahit mga senior high ay napapahanga nito.
"Trina ano na kamusta na panliligaw ko sayo?" si Justin, nakaupo sila sa pinakadulong upuan ng kanilang silid
"Justin di ba ipinaliwanag ko naman na sayo na bawal pa akong makikipag relasyon ngayon at ayaw ng tiya ko"
"Sige na nga, basta promise mo sakin ha na pag pwede na sagutin mo ko kaagad" tinawanan lang sya ni Trina, "kita mo yan tatawanan lang ako, dami ko pa naman kaagaw sayo"
"Ikaw nga pati senior high ay napapa-ibig mo, kaya ka binansagang Crush ng Campus eh" na tumingin sa mga kaklaseng kababaihan na kanina pa nakatingin sa kanila, "Justin tsaka nalang tayo mag-uusap, pag tsi-tsismisan na naman tayo ng mga yan eh"
"Naku! Hayaan mo sila" na tumingin rin sa mga kaklaseng nakatingin sa kanila, "inggit lang sila sayo dahil ikaw ang nililigawan ko" na tumawa
"Wow ang yabang" na natawa narin
Naging mag best friend sina Trina at Justin, at di talaga maiiwasan na merong mga estudyanti na inggit na inggit sa kanila lalong-lalo na kay Trina, ang kaklase kasi nilang si Carol na anak ng Mayor ay gustong-gusto si Justin, kaya gumagawa sya ng paraan para ma bully si Trina.
Tahimik na kumakain mag-isa sa kanilang canteen si Trina, marami kasing inutos ang Principal kay Justin kaya di ito makakasabay ng kain sa kanya.
"Oy himala mag-isa lang sya ngayon?" si Annie kaibigan ni Carol, kakapasok lang ng grupo nila sa canteen at si Trina agad ang napansin nila, "where's your boyfriend girly?, ba't hinayaan ka nyang mag-isa lang ngayon??" na lumapit sa kinaroroonan ni Trina, pero di sila pinansin ni Trina at patuloy lang ito sa pagkain
"Annie don't bother her, kita mo namang gutom na gutom oh" si Carol na tumawa
Tumayo si Trina at dinampot ang tray ng pagkain nya, aalis na sana sya ng hinawakan sya ni Annie sa kanang braso nya, "where do you think you're going?"
"Bitawan mo ako" si Trina na tumingin ng deristo kay Annie
"Ay wow.. Matapang" na ngumiti, "alam mo kung di ka sana inampon ng tiya mo sana wala ka ngayon dito sa campus, edi sana si Carol ang nagugustuhan ni Justin at hindi ikaw, alam mo kung saan ka nararapat?, nararapat ka sa kalye pagala-gala at namamalimos, dahil don ka bagay, isa kang ulila, wala ng mga magulang, salot sa lipunan at higit sa lahat wala kang kwenta dapat kasama ka sa mga magulang mo, sana namatay ka nalang din!!", at agad na lumagapak ang pisngi ni Annie sa malakas na sampal ni Trina sa kanya
" Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan" si Trina, "alam mo kung sino ang mas bagay sa lansangan??, ikaw!! Ikaw ang bagay dahil basura ang ugali mo, patapon, kawawa ka, ginagawa mo lahat para lang mapabilang sa grupo ni Carol, ikaw ang pulubi, namamalimos ng atensyon"
Binuksan ni Carol ang bote ng juice na hawak hawak nya at ibinuhos sa ulo ni Trina, "oopss sorry" na ngumiti, "kusang gumalaw ang kamay ko eh" na tumawa, at gumaya narin ng tawa ang mga kaibigan ni Carol laong-lalo na si Annie, "deserve" si Annie
Basang-basa si Trina, at namamantsahan ang puting-puti nyang uniform, gustong umiyak ni Trina, pero pinipigilan nya ang kanyang sarili, "masaya na kayo?" na tumingin isa-isa kina Carol, "ikaw Carol di porket anak ka ng Mayor ay mag re-reyna reynahan ka dito sa Campus, ito tatandaan mo, hindi kita uurungan"
"Anong nangyayari dito?" si Justin na kakarating lang at agad na lumapit kay Trina, "anong nangyari sayo??" at ibinaling kay Carol ang tingin, "ikaw ang may gawa nito??" na tiningnan ng masama si Carol
"She deserve it" si Annie, "bakit kasi sya ang nagustuhan mo Justin, eh nandito naman si Carol, super rich pa"
"Kahit kelan di kita magugustuhan Carol, ang pangit ng ugali mo, maski aso di ka papatulan" si Justin na kinuha ang tray na hawak-hawak ni Trina at inilapag ulit sa mesa, hinawakan nya ang kaliwang kamay ni Trina at hinila palabas ng canteen, "pano na yang uniform mo ngayon?" ng nasa labas na sila
"Uuwi nalang seguro ako"
"Tatawagan ko lang ang driver ko, sasamahan kita pauwi sainyo para makabalik din kaagad tayo dito, di pwedeng aabsent ka mamaya may exam tayo sa english at science" si Justin na kinuha ang selpon sa bulsa nya, ngumiti si Trina habang pinapanuod lang si Justin sa ginagawa nito.