Chapter52: Kahawig

3 Years Later

"Hello again Philippines" si Miggy na nakangiti at nakahawak sa hawakan ng travel bag. Ngumiti di si Cathy, buhat-buhat nya ang natutulog na batang babae, si Mara, ang isang taong gulang  na anak nila ni Miggy. "Baka nangangalay ka na kay Mara hon, akin na muna habang nag-aantay tayo ng sundo natin" si Miggy

"Okey lang hon, baka magising pa si baby eh" na ngumiti sa asawa

"Papa can we visit daddy, before we go home?" si Elaine

"Yeah sure baby" nakangiting sagot ni Miggy, tumunog ang kanyang selpon, sinagot naman nya kaagad ito, "yes po nandito na kami, ah sige sige po" at ibinaba ang selpon

"Ano hon papunta na ba ang sundo natin?" si Cathy

"Yes hon, malapit na daw si manong, hmm are you guys hungry?" sa dalawang bata

"Yes papa" si Lucas na medyo matamlay

"Are you okay son?" si Miggy

"I'm tired papa"

"Oh sige hali na kayo at ng makakain na muna tayo, umidlip ka nalang mamaya sa sasakyan ha?"

"Okay papa" na ngumiti kay Miggy

Kumatok si Audrey sa pintuan ng  opisina ni Andrew, "sir Andrew nandito po si maam Carla"

"Let her in" sagot ni Andrew sa loob

"Sige na po maam, maaari na po kayong pumasok" ngiting sabi ni Audrey sa babaeng malaki na ang tiyan

"Salamat Audrey" ngiting tugon ni Carla, at agad na pinihit ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto at pumasok naman sya kaagad

"Anong ginagawa ng misis ko dito?" si Andrew na nakangiting nakatingin sa nobya na isinara ang pinto

"Dinalhan kita baon" na itinaas ang lunch box na dala at unti-unting lumalapit sa may mesa ng lalaki

"Di ka na dapat nag-abala pa bhey" si Andrew na tumayo at humakbang papalapit sa nobya

"Bakit ayaw mo na sa luto ko??" sa tonong may pagtatampo, "seguro nandidiri ka ng makita ako no?, kasi ang bundat-bundat ko na di na ako sexy" na mangiyak-ngiyak

Tumawa si Andrew at niyakap ng mahigpit si Carla, "naku ang baby ko talaga napaka matampuhin" at hinalikan sa noo ang babae, "ayoko lang kasing napapagod ka bhey, kasi ayan oh tingnan mo ang laki laki na ng tiyan mo", na hinimas-himas ang maumbok na tiyan ng nobya, "bawal sayo ang ma stress di ba sabi ng doktor"

"Hindi naman ako naiistress sa pagdadala ng baon sayo eh, gustong - gusto ko nga eh na pinagsisilbihan ka" na tumingin sa mukha ng nobyo

Ngumiti si Andrew at hinalikan sa labi ang babae, "ang swerte ko talaga sayo, oh halikana sabayan mo ko kumain ha" na kinuha ang lunch box at inilapag sa mesa, hinila ang couch papunta sa may mesa, "oh sige na bhey maupo ka na" na inalalayan ang nobyang umupo

"Thank you bhey" nakangiting sabi ni Carla

"I love you" na humalik sa noo ng babae

"Love you too"  na ngumiti sa nobyo

"Hello daddy we're back na po" si Elaine na nilapag ang bulaklak sa harapan ng puntod ng ama

"You know what dad, ang dami pong suitor ni Elaine don sa Canada kaya tama lang na nag decide sila mommy at papa na bumalik na kami dito ng Pilipinas, and we're staying here for good na dad" na ngumiti, "madalas ka na po naming madadalaw"

"We miss you so much daddy" si Elaine

"With honors lagi itong mga anak mo, at sobrang proud kami ni Cathy sa kanila, and we know that you're proud of them also" si Miggy, "nga pala, nakita mo tong bata na kandong kandong ni Cathy?, syanga pala ang bunso namin, si Mara ang likot-likot ng batang to sobra haha 1yr old palang to" na umakbay kay Cathy, "ka mukhang - ka mukha ni Cathy no?" na ngumiti, "sana Mike, masaya ka para samin"

"Masaya sya para satin" si Cathy na ngumiti kay Miggy

"Wala ka bang sasabihin kay Mike hon??" si Miggy

"Alam na ni Mike kung anong gusto kong sabihin sa kanya"

"So pano yan Mike alis na kami ha, dadalaw nalang ulit kami sa susunod" si Miggy

"Ba-bye daddy" sina Elaine at Lucas

"Alis na kami Mike" si Cathy na humawak sa lapida ni Mike

"Tara na hon" si Miggy

"What?? Bumalik na sila?" si Andrew may kausap sya sa selpon nya, "ang daya naman ng mga yon, ba't di sila nagsabi edi sana ako na ang sumundo sa kanila, oh sige mommy lagot talaga sakin yong mga yon haha, geh mom bye ingat kayo ni tito dyan" at ibinaba ang selpon nya

"Si mommy mo ba yon?" si Carla na hinimas-himas ang malaking tiyan nya

"Yes bhey, eh itong sina Cathy at Miggy nandito na pala sa pilipinas di man lang nagsabi satin" na umupo sa dulo ng kama

Umupo rin si Carla sa tabi nya, "ay ganon? Seguro balak tayong isorpresa" na tumingin sa mukha ng nobyo

"Wait, alam mong uuwi sila no?" si Andrew na tumitig sa nobya

Ngumiti si Carla, "sabi kasi ni ate secret lang namin eh"

"Ay! Wow.. Nakakatampo kayo" na tumingin sa may pinto

"Eh ikaw nga dyan ayaw mo pumayag na sabihin ko sa kanila ang tungkol satin at tsaka tungkol dito sa pagbubuntis ko" na nakanguso, "segurado ako pag nalaman nila ang totoo mas magtatampo sila satin"

Napatingin si Andrew sa nobya at yumakap, "Hehe kung ganon patas-patas lang"

"Heh! Ewan ko sayo"

Nagising si Cathy na mag-isa nalang sa kama, wala na sa kanyang tabi sina Miggy at Mara, agad syang bumangon, nagsuklay na muna sya ng buhok tsaka lumabas ng kwarto.

"Good morning maam Cathy" ngiting bati ni nanay Nena

"Nay si Miggy at ang mga bata po?"

"Nasa sala sina Elaine at Lucas maam, si sir Miggy at Mara naman nasa kusina nagluluto ng almusal"

"Po?, sige po nay pupuntahan ko lang sila" at dali-daling bumaba ng hagdan

"Oh ano baby bilib ka na naman ulit kay papa, galing galing magluto no?" si Miggy na kinakausap ang anak na nasa stroller, habang nagluluto sya ng pancake, tawang-tawa naman ang bata habang pinapanuod sya

"Hon??" si Cathy na kakapasok lang ng kusina

"Oh hi hon good morning" na nakangiti sa asawa, "nagluluto ako ng pancake, gusto mo bang tikman??" na kumuha ng tinidor, lumapit naman si Cathy sa bata na nasa stroller, "Good morning sweetie" si Cathy na humalik sa noo ni Mara

"Tikman mo to hon oh" si Miggy na lumapit kay Cathy dala-dala ang tinidor na may nakatusok na pancake

"Thanks hon" na kumagat ng pancake

"Masarap ba?" si Miggy

"Aha.. Sobra" na ngumiti sa asawa

"Pero mas masarap ako" si Miggy na kumindat kay Cathy

"Loko-loko andito anak mo oy" na natawa

"Don't worry hon, di pa naman tayo naiintindihan ni baby eh" na tumawa narin

"Ewan ko sayo, ah nga pala hon, mag go-grocery ako mamaya"

"Oh sige sasamahan na kita"

"Di na hon, ako nalang dito nalang kayo ng mga bata sa bahay at sobrang init sa labas, lam mo na summer na naman"

"Segurado ka??"

"Yes hon" na ngumiti

Tanghali na ng matapos mag grocery si Cathy, nakakaramdam narin sya ng gutom, pero nangako sya sa mga anak nyang magsasabay sila sa pag tatanghalian, kaya dali-dali syang nagtungo sa parking lot kung saan naka park ang kotse nya, nakasunod naman sa kanya ang bagger na may dala ng mga pinamili nya. Binuksan nya kaagad ang likuran ng kanyang kotse para mailagay ang mga pinamili nya, "thank you" sabi nya sa bagger

"You're welcome maam" nakangiting sagot ng bagger

"Heto oh para sayo" na inabot sa bagger ang 500 pesos

"Naku maam bawal po eh"

"Sige na, itago mo na lang"

"Sige po maam salamat" na tinanggap ang tip

"Naku wala yon" na ngumiti

"Sige po, balik na po ako sa loob"

"Sige lang" na isinara ang likuran ng kotse nya

"Yes kuya pabalik na kami ni tita mommy, bye kuya" anang babae na nasa di kalayuan ni Cathy may kausap ito sa selpon

"Excuse me" si Cathy na lumapit sa babae

"Yes?" anang babae

"You look familiar, Trina??"

"Pasensya na po pero di po Trina ang name ko, I'm Kisha Marie po" na ngumiti kay Cathy

"Pasensya na kahawig mo kasi ang kakilala ko noon" na ngumiti din sa babae

"Seguro si mommy Katrina ang tinutukoy po ninyo?"

"Mommy Katrina??"

"Kisha!!" si Lexie

"I'm here tita mommy" nilapitan naman sya kaagad ni Lexie

"Cathy??" si Lexie

"Kilala mo ako?" si Cathy

"Lagi kang binabanggit ni Trina sakin noon at pinakita nyarin sakin ang larawan mo, at ikaw ang ex wife ni Mike di ba?"

"Oo ako nga"

"Si mommy nga ang tinutukoy nya" napatingin naman si Lexie kay Kisha, "tinawag kasi nya akong Trina kanina tita"

"Kahawig nya kasi si Trina" si Cathy

"Ahm.. Kisha mauna ka nang umuwi hija" si Lexie

"Okay tita" na humalik sa pisngi ni Lexie, "mauna na po ako sa inyo tita Cathy, nice meeting you po" na ngumiti kay Cathy

"Sige ingat ka" na ngumiti din kay Kisha

"Thank you po" at binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay

"Cathy pwede ba kitang yayain mag lunch?" si Lexie

"Yeah sure" na nakangiti

"Nagulat ka seguro no sa nalaman mo ngayon na may anak si Trina" si Lexie na uminom ng tubig

"Oo nga eh" si Cathy na ngumiti sa kaharap

"Gusto mo bang malaman ang kwento ni Trina?, at kung bakit sya nagkaroon ng anak?"

"Okay lang ba kung ikwento mo sa akin?" ngumiti naman si Lexie sa kanya