CHAPTER 69
"Ito na nga tatahimik na." Nung papasok na sana kami duon ay bigla akong huminto kaya napalingon sya sakin. "Oh, bakit?" Nagtatakang tanong nya.
"Wag nalang," Sabi ko.
"Anong wag nalang?"
"Wag nalang tayong mag laro nakakapagod... Teka..." Nagkasalubong ang kilay ko ng parang may nakita akong dalawang lalaki na pamilyar.
"Shutangina!" Agad namang hinampas ng mahina ni Steven ang bibig ko, sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Yung bunganga mo kas-- arayy!" Daing nya ng pitikin ko yong tenga nya.
"Tignan mo nga oh," Sabay turo ko dun sa dalawang lalaki na nakatalikod, pumipili yata sila ng damit.
"Oh, bakit anong meron sakani-- teka..." Nagkatinginan kaming dalawa at napanganga.
"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Pareho naming tanong sa isat isa.
Unti-unti naming nilapitan yong dalawang lalaki para makita at masiguradong sila nga 'yon.
"Tignan mo Merk, maganda ang design nya."
"Ang pangit 'to oh mas maganda."
Nakatalikod sila saamin ngayon di yata nila kami napansin si Steven.
Boses palang alam na alam ko ng sila na nga 'to.
Binatokan ko silang dalawa, si Steven ay nakatingin lang sa 'kin habang napapatawa ng mahina.
"Ouch! Ikaw ba yun!" Inis na sabi ni Mark kay Merk.
"Anong ako! Palusot ka pa eh, ikaw kaya binatokan mo ako!"
Mga tanga talaga di nila parin ako sa napansin, nasa gilid nila ako ngayon.
"Ako yun." Saad ko. Napalingon naman si Merk sakin at sumunod naman si Mark.
"What the heck!" Nanlaki ang mata nila.
"Princess!" Parang bata nilang sabi at kaagad akong niyakap.
"Ehem wala man lang ba akong yakap dyan." Pag paparinig ni Steven na nasa likuran ko.
Agad naman syang nilingon nung dalawa. "Magkasama pala kayong dalawa. Kamusta ka na bro."
"Ito okay lang single parin,"
"Same." Saad nong dalawa. Nag tawanan naman kami at nag yakapan.
"Na miss ko talaga kayong dalawa." Nakangusong sabi ko.
"Akala namin kinalimutan nyo na kaming dalawa ni Merk." Saad ni Mark. Hinampas ko naman sya sa braso. "Gagu ka ba, ba't naman namin kayo kakalimutan ni Steven."
"Oo nga pala, kailan pa kayo nakabalik dito."
"Nong isang araw lang."
Nandito kaming apat ngayon sa sasakyan ni Steven, nasa parking lot lang kami nag chi-chikahan.
Bigla naman kaming natahimik ng marinig na may nag ri-ring na phone.
"Oyy sagutin nyo na!" Inis kong sabi. Binaling naman nila sa 'kin yung paningin nila.
"Cellphone mo yata 'yun princess." Sabay nilang sabi. Luh sabay talaga? Konektado ba yung mga dila nyo?
"Heheh cellphone ko pala yong nag riring." Agad ko 'yung sinagot ng makitang si hubby yun.
"Hello hubby," Nanlaki naman yong mga ni Merk at Mark.
[Trix...]
"HUBBY?" Gulat nilang tanong. Senenyasan ko naman sila na tumahimik.
[Wait, sino yon? Akala ko ba si Steven lang ang kasama mo, ba't yata may dalawa pang lalaki kang kasama?!] Na ilayo ko naman ng kaunti yung cellphone, ang lakas kasi ng boses nya. My god! Galit ba sya? Dahil ba... Hindi ko sya sinama?
"Ah, eh si Merk at Mark lang naman 'yun, nag sama-sama kaming tatlo ngayon, nag kita kasi kami dun sa mall."
[Tsk, anong oras ka ba uuwi?!]
"Siguro hindi ako makakauwi." Pabirong sabi ko.
[Subukan mo lang na hindi umuwi Trix... Ako mismo ang pupunta kung nasan ka ngayon at kakaladkarin kita pauwi sa bahay!] Bigla naman akong natakot sa sinabi nya. Grabe si hubby nag bibiro lang kaya ako.
"Heheh 'to naman, binibiro lang kita eh."
[Sir, may meeting po kayo...] Rinig ko yung boses ng sekretarya ni hubby sa kabilang linya.
[Okay bye, marami pa akong gagawin. Mag iingat ka dyan, I love you.] Napatulala naman ako.
Ahh ehhh ano daw?
'I love you'
'I love you'
Sinabi nya bang I love you? Sinabi nya talaga yun?!
"Hoy princess!"
"TRIXIE!"
"Shutangina ba't ba kayo sumisigaw!"
Di ko namalayang binabaan na pala ako ni Ken ng linya.
"Di ka kasi nakikinig, natulala ka nalang dyan bigla. Saka nga pala sino ba yung hubby na kausap na?" Takang tanong ni Merk.
"Asawa nya." Si Steven na ang sumagot.
"What?! May asawa na ang prinsesa namin?!"
"Sino naman ang mas swerteng lalaking 'yan?"
"Si Ken."
"Teka-teka nga Steven di naman ikaw yung tinatanong namin eh."
"Eh, ang tagal ni Trixie sumagot, kaya ako nalang." Natatawang sabi ni Steven.
"Sino nga ulit yung asawa mo?" Tanong nilang dalawa ulit.
"Ken."
"Ken? Hmm parang pamilyar ang pangalan nya... Oh, no! Ibang Ken naman siguro yan diba."
"Sandali, hindi naman siguro si Ken Fernandez. Yung crush mong bakla nung highschool. Pfft napaka impossible naman kasi nun..." Nagsi tawanan silang dalawa habang kami ni Steven seryoso lang.
"Si Ken Fernandez nga yung asawa ko, yung crush ko nuon." Seryosong sabi ko. Napanganga naman sila pareho.
"D-Diba bakla 'yun?" Naguguluhang tanong ni Mark. Tumango-tango naman ako.
"Pano? Pano kayo nag pakasal? Kung bakla sya ibig sabihin... Lalaki ang gusto nya hindi ba?"
"Baka naman bisexual si Ken."
"Hindi rin. Pure bakla 'yun... pero I think magiging lalaki na talaga yun. Soon." Napatingin naman ako kay Steven.
"PANO MO NASABI?" Sabay naming tanong.
"Gusto ka na yata ni Ken si Trix." Napahalakhak naman ako ng tawa dahil sa sinabi ni Steven.
"Pfft, palabiro ka talaga Steven." Tawang sabi ko. Sabay hampas sa braso nya.
_
Marami pa kaming ginawa, kumain kaming apat, nag laro, tapos chikahan na naman hanggang sa napansin naming 10:00 pm na pala, kaya hinatid nila ako pauwi.
"Babye, kita tayo sa susunod pag papayagan ako ni Ken." Saad ko sakanilang tatlo. Ngumiti naman sila. Hinalikan ko sila sa pisngi isa-isa.
_
Steven Marquez's Pov.
Hindi dinala ni Mark at Merk yung kotse nila kaya nakisabay lang sila sakin, ako yung mag hahatid sa kanilang dalawa.
'Tsk, akalain nyo yon ginawa pa akong driver. Mabuti sana kung may sweldo kaso wala.'
"Grabe di ko akalaing may asawa na pala si Trix." Dinig kong sabi ni Merk na nasa passenger set. Magkatabi silang dalawa ni Mark.
"Ba't yata malungkot yung mukha nyo dyan?" Natatawang tanong ko sa kanila.
"Plano ko pa naman sanang ligawan na si Trix, nag ipon pa naman talaga ako ng kakapalan ng mukha." Eyy pareho pala kaming dalawa may gusto kay Trix.
"Sh*tangina gusto mo sya?!" Gulat na tanong ni Mark.
"Oh, bakit hindi ba pwede?! Kagusto-gusto namang babae si Trix ah!"
"Gagu ka talaga sa lahat-lahat ng babaeng pwede mong magustuhan si Trixie pa talaga! Hay ano bayan gusto ko din sya eh."
"Tang*na mo pala gusto mo rin sya, kailan mo pa sya gusto?" Ang lakas-lakas ng boses nila. Nabibingi na ako dito.
"Nong first year highschool pa.
"Pareho pala tayo." Napapatawa nalang ako sa kanilang dalawa.
"Pfft, pano ba yan may asawa na yung babaeng gusto natin. Wala tayong pag asa kasi inlove na inlove yon kay Ken."
"What the heck! Gusto mo rin pala si Trixie, Steven?"
"Yeah, since first year highschool din." Sagot ko.
"Nako, kawawa naman tayo single since birth. Minsan na nga lang tayo magkakagusto sa babae tapos yung may gusto pa talaga sa iba. Ang mas worst pa eh, iisang babae lang ang gusto natin." Wika ni Merk.
"Pero okay lang kung masaya naman si Trixie, susuportahan ko sya." Saad ni Mark na ikinangiti ko. Dapat ganyan din si Dave, yung matutunan nyang tanggapin na si Ken lang ang gusto ni Trix.
"Me too. Ang kaligayan ni Trixie ang mas mahalaga para sakin."
'Kasi kung totoong mahal nya si Trixie eh, pababayaan nya 'tong maging masaya sa piling ng taong mahal nito.'
"Mag inoman muna tayong tatlo." Aya ko sa kanila mabilis naman silang tumango.