CHAPTER 70

_

Trixie Forteza Fernandez's Pov.

Pagka alis nila ay agad na akong pumasok sa bahay.

Pagka bukas ko ng pinto ay nagulat ako kasi nasa harapan si hubby na nagkasalubong ang kilay.

'Oh my, galit ba sya? Heheh halata namang galit nga sya... Siguro...

"Heheh hello hubby." Saad ko sabay nag kumaway sa kanya.

"Anong oras na ba't ngayon ka lang umuwi!" Kunot noo nyang sabi.

"Uhm, buti nga kase umuwi pa ako--"

"Ang ibig mo bang sabihin ay wala ka talagang balak umuwi ngayon! Tapos sinong kasama!? Yong tatlong 'yun!" Pasigaw nyang sabi. Shutangina di man lang ako pinatapos mag salita.

"Luh, ba't ang oa mo naman yata Ken. Ano naman sayo kung matagal akong umuwi, saka wala namang masama kung magsama kaming tatlo, mga kaibigan ko naman sila." Saad ko.

Para syang tanga, di ko alam kung anong ikinagagalit nya.

"Kahit na! Lalaki parin ang mga yon!"

"Eh, wala naman akong kaibigan na babae! Sila nga lang tatlo ang kaibigan ko! Ba't ba ang weird mo ngayon Ken?!" Pasigaw kong sabi. Nakakainis kasi sya eh, palagi nya nalang talaga akong inaaway!

Lagi nalang syang nagagalit sakin everytime na kasama ko silang tatlo o ibang lalaki pa dyan! Bakit gusto nya bang sya lang ang pwedeng sumama sa mga lalaki ganon?! Kasalanan ko din bang wala akong kaibigan na babae kasi di nila gusto ang ugali ko?!

"A-Ang tagal mo kasing umuwi! Mag e-eleven pm na ng gabi. Nag alala lang naman kasi ako baka may masamang manyare s-sayo." Saad nya na ikinabilis ng tibok nitong puso ko.

Naalala ko tuloy yung sinabi nya kanina sa tawag, yung nag I love you sya... uhm, totoo ba talagang sinabi nya yun o baka na mali lang ako ng dinig?

"Nag aalala? Sakin? Kaylan pa natutong mag alala-- oo nga pala nag aalala ka kasi baka mapagalitan ka ni Tito pag may masamang mangyari sakin. Okay gets ko na, sige bye matutulog na ako." Lalagpasan ko na sana sya ng bigla syang humarang sa dadaanan ko.

Dadaan sana ako sa gilid nya pero humarang na naman sya dun.

"Ano bang problema mo?" Kunot noo kong tanong.

"Di pa tayo tapos mag usap Trix." Seryosong saad nya. Bumuntong hininga muna ako bago nag salita.

"Ano pa bang pag uusapan natin?" Tanong ko.

"Iwasan mo sila."

"Sinong sila?"

"Si Steven, Merk at saka si Mark." Ano?!

"Gagu ka ba? Ba't ko naman gagawin yun huh?!" Iritang sabi ko.

"Basta! Ayaw kong lumalapit-lapit ka sa kanila okay!"

"No, it's not okay! Bakit ayaw mo na lumalapit ako sa kanila huh?! As if naman na nag seselos ka." Pabulong kong sabi sa huli at saka nag crossed arm.

"O-Oo! T-Tama ka nagseselos ako!" Oh oww narinig ba niya yung sinabi ko at ano daw nag seselos sya?

"Heheh narinig mo pala yon?" Tanong ko at nag kamot ng ulo. Hay nako ako na naman ang nag tatanong ng obvious ngayon.

"Oo, dinig na dinig ko!"

"HAHAH joke lang naman yun eh, ano ka ba." Tawang sabi ko. Half joke, half hindi talaga yon.

"Hindi ako nagbibiro sa sinasabi ko Trix." Sabi nya kaya natigilan ako sa pag tawa.

"Ang alin yung nagseselos ka?" Nalilito kong tanong.

"Hay sinasabi ko na nga ba." Iling-iling kong saad. Nanlaki naman ang mata nya.

"A-Alam m-mo na?" Utal nyang tanong. Tumango naman ako.

"So, sino ba ang gusto mo sa kanilang tatlo?" Tanong ko at ngumiti ng nakakaloka.

"What?!" Gulat nyang tanong. Abay bingi ka ba o nag bibingi bingian?!

"Ang tanong ko eh, sino ba sa kanilang tatlo ang gusto mo? Nag seselos ka kasi akala mo aagawin ko sya sayo? Oo nga pala pano na si Davey, di mo na ba sya gusto?"

"What the f**k are you talking about Trix?!" Napatampal ako sa noo. My god Ken! Pinapasakit mo ang ulo ko.

"Eyy di bale na nga lang. Okay lang naman sakin kung ayaw mo pang sabihin." Hmm, susubukan kong intindihin ka hubby kasi mahal kita.

Nag lakad na ako palayo sakanya at umakyat ng hagdan.

Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kwarto ko kaso bigla may humawak sa kamay ko at pinaharap.

Mag sasalita na sana ako ng bigla-bigla nya nalang akong hinalikan sa labi na ikinalaki nang mata ko.

"G-Goodnight." Parang nahihiyang sabi ni Ken. Kita kong namumula ang mukha nya.

"G-Good... Night den..." Sabi ko. Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at ganun din sya.

*Dug dub dug dub*

"Hoo kalma lang Trix... Shutangina! Pano ako kakalma kung hinalikan ako ni Ken?!" Para na akong baliw kinakausap ang sarili ko. Humiga ako sa kama at nagpa gulong-gulong.

"Ano kaya ibig sabihin non? May ibig sabihin kaya yong pag halik nya sa 'kin?" Shit! Mababaliw na ako kakaisip!

Mas kinikilig pa ako kesa don sa mga nangyaris shems!

_

(Flashback)

Akala ko pa naman talaga na mahahawakan ko na si baby junjun ni hubby ko. Matagal ko ng pinapangarap yon huhuh, alam na alam yun ng mga bulate ko sa tyan at mga kuto ko sa ulo, pwera don sa tatlo yong kuto at bulate rin yong pinagsasabihan ko ng mga iba ko pang secreto, may tiwala kase ako sa kanila na hindi nila ipagsasabi kay Ken.

"Kumain ka nalang Trixie please. Baka kong ano pa yong magawa ko sayo!" Irita nyang saad sabay kumuha ng plato at kanin, nilagay nya 'yon sa tapat ko.

Ano kaya ang gagawin nya sakin? Na c-curious tuloy ako matanong nga.

"Anong gagawin mo sakin Ken? Gagahasain? Okay lang naman sakin di mo na kailangang humingi ng permiso."

"May sayad ka na naman Trix, kahapon lang ang init-init ng ulo sakin! Tapos ngayon nag gagaganyan ka na! May problema ka ba sa buhay o sa utak?!"

"Pwede both?" Tanong ko.

Hindi sumagot si hubby, napailing-iling lang sya. Siya yata yong may sayad sa utak hindi ako.

"Kumain ka na rin hubby."

"Kahapon Ken tinawag mo sakin, ni hindi kita narinig na tinawag mo akong hubby tapos ngayon hubby na ulit!" Parang galit nyang sabi.

Luh! Ba't ganyan sya? May ginawa ba akong masama huh? Kase sa pagkakaalala ko wala naman.

"Galit ka ba?" Tanong ko sabay subo ng pagkain.

"Hindi ako galit!" Hindi daw eh, halata naman sa tono ng pananalita nya. Anong akala niya sakin bobo?

"Oh, okay. Asan nga pala si Steven ko?"

Pag iiba ko ng topic, baka kase mag away lang kami dahil don.

"Ba't mo ba sya hinahanap!!?" Ayy ano bayan ba't galit ka na naman hubby, iniba ko na nga yong topic eh.

"Kase ano... kase pag gising ko wala sya sa tabi k---" hay naguguluhan na tuloy ako kong ano ang sasabihin ko.

"Hindi kayo magka tabi!" Relax ka nga lang hubby ko, yong beauty mo baka masira.

"Eh, di magkatabi sa kama...? Okay na ba yon?"

"Tsk."

"Pero asan nga sya Ken?? Di man lang kase ako nakapag paalam at saka miss ko na sya uli---"

"Sumama ka nalang sana sakanya!!" Napahilamos ako sa mukha.

May holy water kaseng tumalsik-talsik sa maganda kong mukha, grabe Ken sa mukha ko talaga! Anong akala niya sa mukha ko may dumi kase kailangan basain! Ang bad naman ata niya sakin!

Hmm, pero okay lang kase mabango naman yong laway mo heheh. Parang pabango sana all, sakin kase parang inidoro di joke lang.

"Oo nga no? Hmm, nice idea ka Ken pero huli na ang lahat kase nakaalis na sya." Malungkot kong sabi sa huli.

"So, pag nandito pa sya sasama ka sakanya ganon ba Trix?!" Dahan-dahan akong tumango.

Nag taka naman ako ng tinignan nya ako ng masama? Problema ni Ken?

Wag nyang sabihin na nag seselos sya??

Huhuh hutangina ka talaga Ken!! Nag seselos siguro sya kase kung sasama ako kay Steven ko baka akalain nyang may gagawin kaming masama. Grrr gusto nya siguro na sya ang sumama! Asa ka Ken! Hindi ako papayag kong ganon no! Kakasabi ko lang kahapon na hindi kayo bagay kase mas bagay tayo okay, isaksak mo yan dyan sa masarap mong abs at muscles!

Tumango kang ako at bumalik sa pag subo ng kanin pero nailuwa ko yong kinakain ko ng biglang hinampas ni Ken yong lamesa.

"Kumain ka na rin kaya Ken, gutom lang yan." Tinignan nya lang ako ng masama, at kinuha yong phone nya at doon na binaling yong atensyon.

Natapos na akong kumain at tinignan sya cellphone lang ng cellphone ang bakla!

"Kain ka na sabi eh!" Galit kong sabi pero sya busy sa pag c-cellphone, itapon ko kaya yan sa basurahan!

Ano ba kase yang ginagawa nya sa phone nya? May relasyon ba sila ng hutanginang cellphone nayan?! Abay kailangan ko ng itapon yan, habang maaga pa!

*Iling*iling*

Nababaliw ka na naman Trix! Ano bang nakain mo at naisipan mong may relasyon sila nong cp? Gaga ka ba gadget yan hindi tao.

"Hubby tignan mo oh, kalapati." Sabay turo ko sa ibabaw nya.

"Anong kalapati ang pinagsasabi!?" Inis nyang tanong unti-unti syang tumingala. Napabuka ng kaunti yong bunganga nya kaya napangisi ako.

Galit ka pa dyan tapos titignan mo rin naman pala.

"Pano naman makakapasok sa bahay yong--- hmm..." Ipinasok ko yong hotdog sa bunganga nya.

Masarap ba hubby?

"Sabi ko sayo kumain ka na diba." Nakangiti kong sabi. Pero sya kunot noo akong tinignan.

"Kaya kong kumain mag isa di ko kailangang magpa subo sayo! May kamay ako okay!!"

"Alam ko may kamay ka eh, pano ka naman makakapag cellphone dyan kong wala kang kamay diba."

"Daldal ka ng daldal tapusin mo na nga yang kinakain mo!"

"Tapos na akong kumain." Tsk, di nya man lang napansin. Busy kase siya sa kabit niya kaya pano niya mapapansin hindi ba hmmp!

"Ambili--- ahh, matakaw ka pala muntik ko ng makalimutan." Gusto ko sanang magalit pero wag nalang kase totoo naman yong sinabi ni hubby natakaw ako, binigyan ko lang nang napaka tamis na ngiti.

Nag umpisa ng kumain si hubby habang ako nakatitig lang sakanya, pag lulunokin na sya yong kinakain nya napapalunok rin ako hutangina! Kung ako nalang kaya yong kainin mo Ken? Masisiguro ko sayong mas masarap ako kesa dyan at---

"Nagugutom ka pa ba?" Biglaan nyang tanong.

Mabilis akong umiling. Ngee nakatingin na pala si hubby sakin? Ba't di ko napansin yon? Sobrang lutang ko yata hutangina.

"Eh, bakit tumutulo laway mo??" Pinahiran ko yong baba ko at may naramdamang basa, laway nga hutangina! Sobrang nakakahiya ka Trixie pero okay lang yan sanay na naman si Ken sayo.

Tinitigan ko si Ken at ngumiti sakanya.

"Hubby, ibibigay mo ba sakin lahat ng gusto kong kainin?"

"Oo kong mamimilit ka." Sagot nya at sumubo ulit ng pagkain.

"Hubby, gusto kitang kainin please."

Pakiusap ko. Shems gusto ko ng tumawa, natatawa na talaga ako di kase maipinta yong mukha ni hubby dahil siguro sa sinabi ko pfft.

"E-Except lang pala sakin bruha ka! Shutangina mo talaga dinadamay mo ako!! Hindi siguro lagnat yong sakit mo kahapon, kundi sakit sa utak."

"Heheh trip-trip ko lang talaga yon lahat hubby, yong sinabi ko sayo lahat kahapon at pati narin yong gabi na magka tabi tayo, joke lang yon. Naniwala ka ba talaga na titigilan kita pfft kahit mamatay man ako ikaw lang yong lalaki este baklang mamahalin ko, cross my heart mamatay man yong mga lalaki at babaeng may gusto sayo."

"Dinamay mo pa talaga sila huh!"

"Aba! So sino yong gusto mo don sakanila ha! Sabihin mo ililibing ko yon ng buhay! Dali na Ken nangigigil ako sa mga 'yan!!" Gigil kong sabi sabay kagat kagat pa ng kuko ko, ganyan ako ka gigil.

"Sino ka ba para magalit huh Trix?!"

"Sino ako? Tao lang naman ako na may pakiramdam at nasasaktan, ako yong taong simula pa nong una ay mahal ka na, na kahit anong mangyari di ka iiwan hanggang sa huling hininga mo." Wika ko.

Pfft, hutangina mo Trix may pa speech ka ah.

"Haba ng sinabi mo ah."

"Tsk, mahaba nga yong sinabi ko pero di mo man lang na appreciate, dapat kiligin ka Ken."

"Tsk, anong magagawa ko eh. Wala naman talaga akong nararamdamang ganon."

"Sobrang manhid mo, ang manhid manhid mo talaga."

"Speaking of manhid, hindi ako ang manhid ikaw yon Trix." Aba bakit ako yong manhid huh? Ba't sakin napunta yong pagka manhid mo!

"Pano mo nasabi huh Ken?"

"Basta!"

"Anong basta ka dyan hubby, anong klaseng sagot yan."

"Ititikom mo yang bibig mo oh, ako mismo magpapa tikom nyan?!" Banta nya. Tsk, kala nya naman matatakot ako, hahah nakakatawa ka hubby.

"Tinatanong ko lang naman kung pano mo nasabing akon yong manhid hubby, tapos sinagot mo lang eh 'basta' so nagtataka lang ak---"

"Ititikom mo yang bibig mo oh, ako mismo magpapa tikom nyan!!!" Pag uulit nya.

"Ano ba kase-- hmm..."

Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa nya. Parang sasabog na naman yong puso ko dahil sa sobrang bilis.

T-Tang*nang first kiss ko!!!

"Hoy."

"Hoy Trix!" Agad naman akong nabalik sa wisyo.

Nabingi yata ako saglit. Hmm, kakalinis ko lang ng tenga nung nakaraang buwan ah? Di joke lang hehe.

"H-Ha?"

"Ba't tulala ka jan? Kanina ka pa." Ani ni Ken na ikinataka ko.

What? Ano daw?

"What?? Ako tulala?" Sabay turo ko sa sarili. Luh? Kanina pa ako tulala? Di ko maintindihan hubby.

"D-Diba hinalikan moko...?" Naguguluhan kong tanong.

Tumawa sya ng malakas kaya napakamot ako sa ulo. Anong nakakatawa sa tanong ko?

Sagot mo ang gusto kong marinig Ken hindi yung tawa mo.

"What!? Ano bang pinagsasabi mo dyan Trix, baliw ka na!" Tinignan nya ako ng hindi makapani-paniwalang.

"So, imagine ko lang yun?" Di maka paniwalang tanong ko sa sarili.

"Abay ewan ko sayo Trix, nakakadiri ka ini-imagine mo bang hinalikan kita ha?!"

IMAGINE? AS IN IMAGINE KO LANG YUN? TALAGA BANG IMAGINE KO LANG YUN? HUHUH P*TANGINA NAMAN!!! AKALA KO TOTOO YUN EH!

Pero imposible yun! Imposibleng imagine ko lang yun, may imagine ba na parang totoo?

"Eh? Imagine talaga? Ano bayan, di yun imagine eh, totoo yun parang totoo talaga." Saad ko sabay hawak sa labi.

(End of flashback)

_

Ano ba yan kinikilig ako! Bakit ba kada kiss namin eh, feeling ko first kiss ko lahat heheh, gusto ko na tuloy siyang halikan ulit.