CHAPTER 68

Nandito nako sa labas ng bahay nang Mommy ni Steven, dito pa naman siguro sya nakatira diba? Di nya kasi kayang iwan yong Mom nya.

Mahal na mahal nya yon eh.

Pinindot ko yung doorbell.

May nagbukas naman at Mom 'yon ni Steven.

"Ija ikaw pala. Halika pasok." Masayang sabi nya at ngumiti kaya ngumiti din ako.

"Salamat Tita." Saad ko at pumasok.

"Uhm, Tita dito pa ba nakatira so Steven?" tanong ko.

"Oo, nandito parin sya sabi ko nga na bumukod na kasi kaya na naman nya pero ayaw nya talaga kasi wala daw akong kasama dito sa bahay." Wika ni Tita. Oh, diba mabait talaga na anak yung best friend ko.

"Sandali lang Trixie huh, nasa kwarto sya ngayon, matagal yung natulog kagabi dahil maraming tinapos na trabaho. Umupo ka muna tatawagin ko lang sya." Saad nya at nag lakad paalis. Mas nakokonsensya tuloy ako, dapat ba di nalang ako pumunta dito.

Matagal pala syang natulog, edi kung gigisingin sya ni Tita... hay di bale na nga lang.

Pagbalik ni Tita ay kasama na nya si Steven mabilis namang syang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Ipaghahanda ko kayo nang meryenda." Wika ni Tita.

"Trix na miss kita." Sabi nya at niyakap ako kaya niyakap ko din sya.

"Ba't ka nga pala nag punta dito sa bahay?"

"Di ka kasi nag paalam sakin nung birthday ni Ken, ba't ka nga pala umalis ng di nag papaalam Steven?" Nag tatampo kong tanong sa kanya.

"Ahh, ehh may emergency kasi, tinawagan ako ni mom na kailangan nya ko sa bahay. Kaya unuwi ako kaagad." Sabi nya tumango tango naman ako.

"Bakit nga pala di mo sinagot yung tawag ko kahapon?" Napakamot naman ako sa ulo.

"Heheh si Ken kasi eh, inagaw nya yung cellphone ko ng makita nyang may tumatawag."

"Okay lang mahirap talaga pag may asawa na." Saad nya. "Heheh oo nga eh," Uhm di ko maintindihan yung sinabi nya kaya sumang ayon nalang ako.

"Ohh, kain muna kayo." Saad ni Tita kaya lumawak ang ngiti ko. Mweheh pagkain daw kasi eh.

"Salamat Tita." Ngiting sabi ko at kumuha ng juice at tyaka slice bread. Ano bayan wala bang hotdog o di kaya... *Iling*iling* Ang gaga mo naman Trix! Ikaw na nga makikikain tapos mamimili ka pa.

Umupo si Tita sa harapan namin, magkatabi kami ni Steven sa upuan ngayon.

"Kamusta ka na pala Trix? Mga ilang taon den kitang di nakita."

"Heheh okay lang naman po ako Tita." Sagot ko naman. Tinignan nya kaming dalawa ni Steven, pabalik balik ang tingin nya saamin at ngumiti ng malawak.

"Nako sayang bagay pa naman kayo ni Steven, Trixie. Kala ko talaga nuon kayo mag kakatuluyan o di kaya nung si Merk or Mark." Sabi ni Tita kaya natawa ako. Grabe naman Tita kaibigan lang ang tingin ko sa kanila, para ko na nga silang kuya ganun.

"Oo nga ma eh, kung wala tong asawa si Trixie, liligawan ko 'to." Pabirong saad ni Steven. Tumawa lang ako.

"Nga pala ija kamusta na kayo nang asawa mo?"

"Ayon bakla parin." Bulong ko sa sarili. Hindi naman alam na ni Tita na bakla pala yung asawa ko.

"Okay lang naman kami Tita."

"Mabuti naman kung ganon. Ah eh, hindi ba ng bababae ang asawa mo?"

"Hahaha hindi naman sya ng ba-babae, lalaki meron." Natatawang sabi ko. Napatakip naman ako kaagad ng bibig, ang daldal talaga nitong bunganga ko my god!

"HAHAH!" Tawa ni Tita. Nakisabay naman si Steven sa pagtawa kahit peke naman yung tawa nya.

"Hindi ka talaga nag babago palabiro ka parin Trix." Natutuwang sabi ni Tita sa 'kin.

_

Ken Fernandez's Pov.

Mabilis akong napabangon ng makitang umaga na. Nilinga-linga ko yong paningin ko.

"Asan ba ang babaeng 'yun?" Oh my anong oras na ba?!

"Sh*t! It's already 9:21 am!" Shutangina late na ako sa trabaho!!

Dali-dali akong nag punta sa kwarto at naligo pagkatapos ay nag bihis. Bumaba ako ng hagdan at nag punta sa kusina, kailangan ko pang ipagluto ang babaeng 'yun... Ano to?!

Kumunot ang noo nang may nakitang itlog na sunog sa lamesa. Sinong nag luto nito?

Tinignan ko yung paligid, ba't ang tahimik yata? Teka nga wag nyong sabihin na si Trixie ang nag luto nito? Pinaglutuan nya ba ako? Eh papatayin nya yata ako sa ganito!

Napahawak ako sa ulo ko, 'to talagang si Trix nag aaksaya ng Itlog!

Kinuha ko yung rice cooker at binuksan, nanlaki ang mata ko ng makitang punong-puno 'yun ng bigas... Niluto ba 'to? Eh ba't yata hilaw?

May nakakalat pang oil at asin sa sahig. "Trixie!" Sigaw ko pero wala akong narinig na sumagot.

Pumunta ako sa kwarto namin, wala sya duon. Tinignan ko na lahat ng pwedeng tignan pero hindi ko talaga sya makita.

At napadpad naman ako dito sa garden nanlaki ang mata ko ng makitang may Itlog na sunog yata duon sa hapagkain ni piggy... Shutangina ka talaga Trix! Balak mo yatang patayin yung sisiw!!

Tinapon ko yung Itlog, mukhang di naman 'yun kinain ng sisiw. Bumalik ako sa kusina at tinikman yong niluto nyang Itlog.

Agad ko namang iniluwa 'yun kasi ang alat alat, tinignan ko ng mabuti yung Itlog... Sh*tangina binudburan nya lang ba 'to ng asin?

Kahit siguro elementary Trix kayang kaya mag prito ng Itlog. Oh, kahit mag saing man lang nang kanin.

Inangat ko yung plato at may nakita naman akong maliit na papel. Napataas ang kilay ko ng makitang may nakasulat duon.

'Good morning hubby ko, hindi na kita ginising kasi tulog na tulog ka eh. At saka alam mo ba na pag gising ko ay yung kamay mo nakayakap sa baywang ko pfft alam kung nandidiri ka na sa mga oras na 'to pag nabasa mo 'tong sulat. Oo nga pala pinagluto kita ng Itlog at saka nag saing na rin ako ng kanin. Ahm ewan ko nga lang kung tama ba pagkaluto nyan. By the way nandito ako sa bahay ni Steven ngayon.'

Napamura naman ako pagkabasa ko nung huli. Nasa bahay sya ni Steven?! Ano namang ginagawa nya dun?! Ba't hindi sya nag paalam sakin!?

Bigla namang tumawag si Dad kaya kaagad ko 'yung sinagot.

[Ken asan ka na ba?! Kailangan ka na dito sa kompanya!]

"Yeah, papunta na ako dyan."

_

Trixie Forteza Fernandez's Pov.

"Steven laro tayo dun sa Arcade." Aya ko sa kanya.

"Isip bata ka parin talaga Trix." Natatawang sabi nya, edi wow!

Tsk, hindi ba pwedeng gusto ko lang mag laro? Saka nung nakaraan nga nag laro kami este sila ni Ken at Dave, isip bata din ba sila? Marami kaya akong nakikitang naglalaro sa Arcade mga kaedad namin! Hay nako Steven, nagiging bobo na naman.

"May sinasabi ka steven eleven twelve!" Sigaw ko.

"Anong eleven twelve? Pinaglalaroan mo na naman pangalan ko Trix ah!" Parang naiinis nyang sabi.

"HAHAH magka hawig kasi sila, Steven tapos twelve." Natatawa kong saad.

"Sige tuloy mo pa yan di kita eh lilibre."

Sabi nya sabay lakad.

"Steveeeeeennnn!" Sigaw ko. Nag sitinginan naman yong mga tao sakin.

"Sige na nga eh, lilibre na kita!"

"Tignan mo oh, pinagtitingina ka nila, di ka talaga marunong mahiya." Dagdag pa nya. Tinignan ko naman sya ng masama.

"Tatahimik ka o sisigaw ako ulit."