CHAPTER 67
_
Ayys ano bayan hindi ako makatulog.
Ayaw talagang pumikit nitong mata ko.
"Sh*tangina!" Dinig kong may nag mura.
Napabangon naman ako sa pagkakahiga. "Oh, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko hubby?" Tanong ko ng bigla syang pumasok sa kwarto ko.
"May epis sa kwarto ko." Saad nya napatakip naman ako ng bibig.
"Pfft... Hahahah... Ehem, sorry di ko mapigilang... Hahah pfft... Sorry ulit."
"Anong nakakatawa?!" Napatikom naman ako ng bibig kasi ang seryoso ng tingin nya sa 'kin.
"So anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Seryoso kong tanong. Sinusubukan ko kayang maging seryoso.
"D-Dito ako matutulog."
"Hala eh, may isang kwarto naman doon. Yong kwarto nating dalawa dun ka matulog."
"Sa tingin mo ba di ako nag iisip?! Syempre pumunta ako dun pero lumabas din kaagad kasi ano... kasi may epis!"
"Waaa talaga? Eh, bakit dito sa kwarto ko lang wala?"
"E-Ewan ko!"
"Tignan mo nga ulit baka wala na," Saad ko. Kunot noo nya naman akong tinignan.
"Meron nga di pa umaalis yun."
"Sus takot ka lang eh, sige na nga ako nalang ang titingin." Sabi ko at tatayo na sana.
"Malaki yung epis."
"Ah, ehh inaantok na pala ako."
"Malinaw ang pagkakarinig ko dun Trix, sinabi mong ako ang nag bigay nyan... Sayo."
"Pano namang nangyaring ako ang nag bigay nyan?" Dagdag pa nya. Napakamot naman ako sa ulo. Uhm sasabihin ko ba? Nakakahiya naman kasi.
"Uhm, ako yong babaeng nakabangga at naapakan mo yung cellphone ko non kaya nasira. Naka hoody ako nun na kulay pula, magagalit na sana ako nun kasi naapakan mo ang phone ko kaso nung nasulyapan ko ang mukha mo eh agad akong kinabahan, gustong-gusto pa rin kaya kita non. Sinadya ko talagang hindi ipakita yung mukha ko para di mo ako makilala."
"Ah naaalala ko na, ikaw pala 'yun. Binilhan kita ng cellphone nun diba? At... Ito yun, kaya pala pamilyar yan eh kasi ako pala bumili. Ba't yata andaming mga nangyari nung highschool tapos ngayon lang natin nalaman."
"Baka kasi di pa talaga yon ang oras na malaman ang totoo."
"So, pano yan? Wala ka bang balak palitan yang phone mo nang bago?"
"Wala, ayos pa naman to eh. Magaling kaya akong mag alaga... Hala!"
"Oh, bakit?" Gulat nyang tanong.
"Kailangan na nating umuwi ngayon."
"Bakit naman nag mamadali ka yata?"
Hinampas ko naman sya likod, napadaing sya nang kaunti.
"Yung anak natin! Sya lang mag isa sa bahay wala syang kasama!"
"Anak? Gaga ka ba? May tao ba na nag kakaanak ng sisiw?"
"May tao din bang nag kakaanak ng bakla?" Sinamaan nya naman ako ng tingin.
"Sinasabi mo bang hindi tao ang Mom ko?!"
"Sinasabi mo rin bang hindi tayo tao?!"
"May sayad ka talaga no."
"May sayad ka talaga no." Panggagaya ko sa kanya.
"Teka bago tayo umalis mag dala tayo ng isang guitar ko ah. Uhm, yan oh yung kulay pink na guitar pakiabot naman nun hubby." Saad ko sabay tinuro yong nakasabit na guitar.
"Magpa tangkad ka kasi," natatawang sabi nya. Sarap mong batukan animal kang bakla ka! Hindi nga ako pandak eh!
Nakauwi na kami ng bahay. Agad ko namang pinuntahan si piggy.
"Waaa piggy na miss mo ba si Mommy ah?"
"Oo na miss kita Mommy."
"Yieee talaga? Mas na miss kaya kit--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang nag salita sa likuran ko.
"Para kang baliw." Agad ko namang nilingon si hubby.
"Pake mo ba?! Noon pa nga baliw na baliw na ako sayo tapos wala ka namang pake!"
"Oh ba't biglang napunta dyan ang usapan ha, kung ano-ano nalang talaga ang naiisip mo." Tumayo ako at hinarap sya.
"Pakainin mo si piggy ah." Sabi ko at lalagpasan ko na sana sya pero bigla nyang hinawakan yung siko ko.
"Ba't yata ako nalang lagi ang nag papakain nyang sisiw eh, alaga mo yan. Sayo yan diba?!"
"Kaninong pera ba ginamit pambili nyan?"
"Sakin." Sagot nya naman.
"Oh sayo pala eh." Natatawang saad ko. Bwahaha nakaganti din ako sayong bakla ka! Nun palagi mong sinasabi kung kaninong pera ginamit, lagi mo akong sinusumbatan. Tsk ano ka ngayon blee!
"Teka nga eh, ikaw kaya nagpa bili nyan kaya binilhan kita!"
"Oo nga, bakit may sinabi ba akong hindi ko gusto yang si piggy?" Takang tanong ko. Kumunot naman ang noo nya.
"Hayst! Ang gulo mong kausap!" Sabi nya at iniwan ako dito sa garden mag isa.
'Wows nahiya naman ako sa kanya.'
"Halika na kain na tayo!" Dinig kong sabi nya kaya agad naman akong tumakbo. Kakain na daw kase eh, alam nyo naman basta't pagkain ang pag uusapan game na game ako.
"Hubby pakiabot naman nung hotdog mo." Saad ko tinignan nya naman ako ng masama.
Ay shutangina mali yata yung pagkasabi ko nun ah!
"Este pakiabot sakin yang hotdog heheh."
"Ang takaw-takaw mo," Alam ko naman yun, di mo na kailangang sabihin pa sakin yun duh!
"Syempre masarap yung hotdog..." Bumaba ang tingin ko sa short nya.
"Gusto mo bang mawalan ng mata?"
"Hindi." Iling kong sabi.
"Kung ayaw mo palang mawalan ng mata wag kang tumingin-tingin kong saan-saan Trix." Sabi nya kaya binaling ko nalang yung tingin ko sa plato.
Hindi ako pwedeng mawalan ng mata no! Pano ko makikita ang napaka gwapong mukha ni hubby at ang hot nyang katawan!
_
Ayys ano bayan hindi ako makatulog.
Ayaw talagang pumikit nitong mata ko.
"Sh*tangina!" Rinig kong may nag mura.
Napabangon naman ako sa pagkakahiga. "Oh, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko hubby?" Tanong ko ng bigla syang pumasok sa kwarto ko.
"May epis sa kwarto ko." Saad nya napatakip naman ako ng bibig.
"Pfft... Hahahha... Ehem sorry di ko mapigilang... Hahha pfft... Sorry ulit."
"Anong nakakatawa?!" Napatikom naman ako ng bibig kasi ang seryoso ng tingin nya sa 'kin.
"So anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Seryoso kong tanong. Sinusubukan ko kayang maging seryoso.
"D-Dito ako matutulog."
"Hala! Eh, may isang kwarto naman doon yng kwarto nating dalawa dun ka matulog."
"Sa tingin mo ba di ako nag iisip?! Syempre pumunta ako dun pero lumabas din kaagad kasi ano... kasi may epis!"
"Waaa talaga? Eh bakit dito sa kwarto ko lang wala?"
"E-Ewan ko!"
"Tignan mo nga ulit baka wala na," Saad ko. Kunot noo nya naman akong tinignan.
"Meron nga di pa umaalis yon."
"Sus takot ka lang eh, sige na nga ako nalang ang titingin." Sabi ko at tatayo na sana.
"Malaki yung epis."
"Ah ehh inaantok na pala ako."
"Uhm, inaantok na rin ako." Nagulat naman ako ng bigla syang humiga sa tabi ko.
"Oyy!"
"Oh bakit?"
"A-Ah, w-wala." Sabi ko. Sh*tangina kinakabahan ako. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko, nako tumahimik ka dyan puso baka marinig ka ni hubby.
"Matulog ka na Trix... Wag mong sabihin na hindi ka makatulog kasi kinikilig ka?" Natatawang tanong nya.
Alam mo naman pala tapos tinatanong mo pa.
"Pake mo ba kung kinikilig ako!" Sabi ko at tinalikuran sya.
"Goodnight, wife."
"Ano?" Gulat kong tanong. Ba't yata parang may narinig akong wife sa huli nyang sinabi.
"Sabi ko goodnight."
"Hindi may sinabi ka pa yong last..."
"Bingi-bingi ka Trix, goodnight lang kaya yung sinabi ko."
"Ah, ganon ba. Sige goodnight din hubby." Kailangan ko na sigurong mag linis ng tenga, kung ano ano nalang kasi ang naririnig ko.
***
Pag mulat ko ng mata ko ay kaagad kong nakita ang mukha ni Ken, ang lapit-lapit lang ng mukha namin.
Luhh ba't yata magkadikit yung katawan namin. Napatingin ako sa kamay nya na nakayakap sa... baywang ko?
Pfft pag nagising talaga to eh, paniguradong mandidiri sya.
"Hoy!" Sabi ko sabay palo ng kamay nya pero mas hinapit nya pa ang baywang ko ng mas papalapit sa kanya at mahigpit na niyakap.
Wag nyang sabihin na iniimagine nyang ako si Dave? Kikiligin pa naman sana ako.
Ano na bang oras?
Kinuha ko yung cellphone sa gilid ko at tinignan.
"5:01 am." Basa ko nanlaki naman ang mata ko. Waa himala! Maaga yata akong nagising pero 'tong si hubby tulog pa rin, teka matagal ba syang natulog kagabi?
Dahan-dahan kong inangat yung kamay nya at inaalis sa baywang ko, bumangon na ako. Hindi naman sya nagising.
Lumabas ako mg kwarto at nag punta sa kusina.
Heheh it's time naman na ako ang mag luto para sa hubby ko.
"Hmm ano kaya ang pwedeng lutuin dito?" Tinignan ko yung laman nang ref.
Itlog nalang kaya no? Ah sige-sige itlog nalang. Ayy hala mag sasaing pa pala ako ng kanin.
Hinugasan ko yung rice cooker, hugas lang wala nang sabon-sabon.
Nilagyan ko yon nang bigas... teka ilang bigas ba dapat lutuin? Bibilangin pa ba? Pero nakakapagod naman kung mag bibilang pa ako.
"Hay nako ang hirap naman!" Kumuha ako ng baso at ipinangtakos ko 'yun ng bigas.
Ilang tubig ba ilalagay dito? Ah bahala na nga, basta makakain parin sya okay na okay.
"Ano nga yung kailangan pag nag luluto ng itlog?"
"Hoy sumagot ka! Animal naman 'tong itlog na to! Walang mudo!" Napahawak ako sa ulo ko, ano bayan nakaka-stress!
Oo nga pala nakita ko ng nag luto si hubby nito, may nilagay muna syang oil pagtapos eh nilagay yung itlog at then unti-unti na yung naluto.
Niluto ko na 'yung itlog pagkatapos nilagay ko 'yun sa plato.
Kumunot naman ang noo ko kasi naging kulay itim yung ibang parte. Bakit yata yung kay hubby ay hindi naman ganito yong resulta pagkatapos nyang lutuin?!
Hmm siguro mas masarap yung akin kase naiiba.
Hala! Lalagyan pa 'to ng asin diba?
*Kamot ulo*
Kumuha ako ng asin at binudburan 'yun. Okay na siguro 'to.
Umupo muna ako sa upuan at inantay ng ilang minuto na lumabas si hubby sa kwarto.
Ang boring, may trabaho si hubby ngayon diba? Hmm, so wala akong kasama sa bahay... este meron pala so piggy.
Pinuntahan ko muna si piggy at nilagyan ng niluto kong itlog ang hapagkainin nya, di ko naman kasi alam kung san nilagay ni hubby ang pagkain nitong anak nya kaya 'to nalang, masarap naman siguro yan diba? Oo dapat lang masarap yan kasi ako nag luto eh.
Bumalik na ulit ako sa loob.
"Kung pumunta kaya ako kila Steven no?" Tanong ko sa sarili. Nakokonsensya kasi ako dahil di ko nasagot ang tawag nya at saka nung birthday ni Ken ay umalis sya ng di man lang nag papaalam sakin.
Pumasok ako sa kwarto ni hubby, heheh asan kaya yung pitaka nya... Ay, ayon!
Kinuha ko yung pintaka nya at binuksan.
"Hmm, ilan kaya ang kulunin ko este uutangin pala. Aha mga five thousand nalang." Kumuha na ako ng pera at pumasok ulit sa kwarto tulog pa din sya.
Naligo na ako at saka nag bihis.
Hmm may trabaho si hubby ngayon, sino kaya mag papakain kay piggy? Eyy kaya nya naman sigurong mag luto ng pagkain nya, may kamay este may paa naman sya eh.
Bago umalis ay may iniwan muna akong sulat kay hubby.