Chapter 66

"Oo naman, isa kaya 'to sa paborito ko."

"Pareho pala tayo, sa totoo lang... ikaw pa lang din ang nakarinig saking kumanta."

"Waa talaga? Swerte ko naman kung ganun." Sabi nya kaya napahalakhak ako ng tawa. Parang yan din kasi ang sinabi ko kanina.

"Marunong ka bang mag guitar?" Tanong nya.

"Oo," Sagot ko naman.

"Ako din."

"Woah, talaga?"

"Yeah."

"Sino nag turo sayo?"

"Ahaha walang nag turo sakin, nanonood lang ako ng mga videos yung mga tutorial ganon. Mabilis rin naman kasi akong matoto lalo na pag porsegido ako at gustong-gusto kong matutunan ang isang bagay." Wika nya.

May pagka madaldal din pala sya but anyway ang sarap nyang kausap kasi nag kakaintindihan kaming dalawa.

"Oh, I forgot to ask. By the way, what's your name miss?" Bigla naman syang natahimik saglit.

"Heheh pwede bang wag kong sabihin? Di ko rin aalamin ang pangalan mo. Nakakahiya naman kasi eh."

"Okay, kung yan ang gusto mo." Syempre hindi naman ako mamimilit, like duh!

"Ahm, itong tanong nalang ang sagutin mo. Estudyante ka ba dito?"

"Aba malamang! Anong tingin mo sakin teacher?"

"May pagka pilosopo ka din pala, rooftop girl." Natatawang sabi ko.

"Rooftop girl?"

"Ayaw mo namang sabihin ang pangalan mo kaya rooftop girl nalang itatawag ko sayo."

"Sige, ikaw bahala." Natatawang sabi nya rin.

Mga ilang minuto pa kaming ganun. Kinabukasan nun eh, bumalik ulit ako dun sa rooftop kung anong oras ko syang narinig na kumanta ay ganong oras din akong pumupunta duon pero hindi ko sya nakita.

(End of flashback)

_

"You're that girl? Are you?" Hindi ako pwedeng magkamali, magka boses na magka boses silang dalawa nong babae sa rooftop.

"Pinagsasabi mo?" Nagtatakang tanong nya.

"Rooftop girl, you're that rooftop girl... Am I right?" Paniguradong tanong ko. Bigla naman syang tumawa.

"Rooftop girl?" Dinig kong tanong nya sa sarili nya.

"Ah, yon ba." Saad nya at nag pipigil pa ng tawa. Nilapag nya yung guitar at isinandal sa sahig.

What the alam nya?!

"Wait, alam mo?" Gulat kong tanong.

"Oo." Tango nyang sabi.

"Alam mo ring ako yun?"

"Syempre naman."

"Ba't di mo nababanggit sakin? Ba't hindi mo sinabi?"

"Hindi ka naman nag tanong eh at saka pano ko sasabihin sayo? Na ako yung rooftop girl, na ako yung nakipag kantahan sayo, share ko lang. Ganun ba?" Pilosopo din talaga 'tong babaeng to kahit kailan.

_

Trixie Forteza Fernandez's Pov.

"I just can't believe na ikaw pala 'yun."

Saad nya napatawa naman ako ng mahina.

"Sa tingin mo ba na hindi ako marunong kumanta? Na pangit ang boses ko?"

"Yes, that's what I thought. Akala ko nga eh, pag narinig kitang kumanta eh, baka mabasag yong eardrums ko." Sinuntok ko naman ng mahina yung braso nya.

"Grabe ka naman, mababasag talaga? Alam mo para kang si Steven."

"Ba't napunta nanaman sa Steven na 'yun ang usapan?!" Kunot noo nyang tanong.

"Luh, ba't bad mood ka yata dyan bigla hubby? Inaano ba kita? Saka ba't ba lagi nalang umiinit yang ulo mo pag naririnig ang pangalan ng Steven ko?"

"Wala!" Saad nya sabay inirapan ako. Tumayo sya at may hinawakan na kung ano sa gilid ng maliit na table.

"Wait, sayo 'to?" Sabay may ipinakitang maskara.

"Ah oo, yan yung maskara na sinuot ko nung prom. Tsk naalala ko tuloy bigla yung nangyari nun, nakakabwesit!"

"What the f**k? This looks familiar..." Napataas naman ang kilay ko.

"Ang ano?"

"Itong maskara, parang ganito din yung suot-suot nung babaeng nakasayaw ko sa prom..."

"Kulay blue ba yung maskara mo sa prom? Yung may silver dust sa gilid-gilid ganun?" Tanong ko.

"Yeah, ikaw ano bang suot mo non? Wait is it color a dress and it's color red?"

"Damn! Ikaw pala yon!"

"Ah, ikaw din pala yon!"

"Ikaw pala yung babaeng tatanga-tanga, yung biglang napada at tutulungan ko sanang tumayo kaso imbis na ako ang humila sa kanya ay sya yung humila sakin kaya natumba ako at nahalikan..."

"Sh*tangina di ko pa naman kinonsidera na first kiss kasi hindi ko alam na ikaw pala yun! Waaa meant to be talaga tayo hubby eh, akalain mo yun first kiss pala kita."

"At first kiss din kita." Sabi nya kaya nabigla ako.

"F-First kiss mo din yon?"

"Yeah."

"Heheh buset kinikilig ako." Kinikilig kong sabi sabay napapatalon pa. Shutangina wala akong pake kung mukha akong baliw.

"Hayst! Ba't ba kailangan mo pang sabihin talaga sa harapan ko yan!"

"Ah, ehh sorry naman."

Nabigla naman ako ng may tumawag sa cellphone ko, sasagutin ko na sana yun kaso biglang nyang inagaw sakin ko at pinindot yung decline.

"Luh, ba't di mo yon sinagot. Abay gagu si Steven pala yun eh." Inagaw ko sa kanya yung phone ko at nadulas naman yon sa kamay ko kaya nahulog sa sahig.

"Animal! Huhuh yung cellphone ko." Dali-dali ko 'yung kinuha at niyakap.

"Mas mahal mo pa yata yung cellphone mo kesa sa 'kin ah."

"Syempre, ikaw nag bigay nito

eh."

"Ako?" Nag tatakang tanong nya.

"Ah ha ha sinabi ko bang ikaw? Heheh mali ka lang ng dinig hubby." Sabi ko seryoso nya naman akong tinignan kaya umiwas ako ng tingin.

"Malinaw ang pagkakarinig ko dun Trix, sinabi mong ako ang nag bigay nyan... Sayo."

"Pano namang nangyaring ako ang nag bigay nyan?" Dagdag pa nya. Napakamot naman ako sa ulo. Uhm sasabihin ko ba? Nakakahiya naman kasi.

"Uhm, ako yong babaeng nakabangga at naapakan mo yung cellphone ko nun kaya nasira, naka hoody ako nun na kulay pula, magagalit na sana ako nun kasi naapakan mo ang phone ko kaso nung nasulyapan ko ang mukha mo eh agad akong kinabahan, gustong-gusto pa rin kaya kita nun. Sinadya ko talagang hindi ipakita yung mukha ko para di mo ako makilala."

"Ah, naaalala ko na, ikaw pala 'yun. Binilhan kita ng cellphone nun diba? At... Ito yun, kaya pala pamilyar yan eh kasi ako pala bumili. Ba't yata andaming mga nangyari nung highschool tapos ngayon lang natin nalaman."

"Baka kasi di pa talaga yun ang oras na malaman ang totoo."

"So, pano yan wala ka bang balak palitan yang phone mo nang bago?"

"Wala, ayos pa naman to eh. Magaling kaya akong mag alaga... Hala!"

"Oh, bakit?" Gulat nyang tanong.

"Kailangan na nating umuwi ngayon."

"Bakit naman nag mamadali ka yata?"

Hinampas ko naman sya likod, napadaing sya nang kaunti.

"Yung anak natin! Sya lang mag isa sa bahay wala syang kasama!"

"Anak? Gaga ka ba? May tao ba na nag kakaanak ng sisiw?"

"May tao din bang nag kakaanak ng bakla?" Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Sinasabi mo bang hindi tao ang Mom ko?!"

"Sinasabi mo rin bang hindi tayo tao?!"

"May sayad ka talaga no.

"May sayad ka talaga no." Panggagaya ko sa kanya

"Teka bago tayo umalis mag dala tayo ng isang guitar ko ah. Uhm yan oh yung kulay pink na guitar, pakiabot naman nun hubby." Saad ko sabay tinuro yong nakasabit na sakanya.

"Magpa tangkad ka kasi," natatawang sabi nya. Sarap mong batukan animal kang bakla ka! Hindi nga ako pandak eh!

Nakauwi na kami ng bahay. Agad ko namang pinuntahan si piggy.

"Waaa piggy na miss mo ba si Mommy ah?"

"Oo na miss kita Mommy."

"Yieee talaga? Mas na miss kaya kit--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang nag salita sa likuran ko.

"Para kang baliw." Agad ko namang nilingon si hubby.

"Pake mo ba?! Noon pa nga baliw na baliw na ako sayo tapos wala ka namang pake!"

"Oh ba't biglang napunta dyan ang usapan ha, kung ano-ano nalang talaga ang naiisip mo." Tumayo ako at hinarap sya.

"Pakainin mo si piggy ah." Sabi ko at lalagpasan ko na sana sya pero bigla nyang hinawakan yung siko ko.

"Ba't yata ako nalang lagi ang nag papakain nyang sisiw eh, alaga mo yan. Sayo yan diba?!"

"Kaninong pera ba ginamit pambili nyan?"

"Sakin." Sagot nya naman.

"Oh, sayo pala eh." Natatawang saad ko. Bwahaha nakaganti din ako sayong bakla ka! Nun palagi mong sinasabi kung kaninong pera ginamit, lagi mo akong sinusumbatan. Tsk, ano ka ngayon blee!

"Teka nga eh, ikaw kaya nagpa bili nyan kaya binilhan kita!"

"Oo nga, bakit may sinabi ba akong hindi ko gusto yang si piggy?" Takang tanong ko. Kumunot naman ang noo nya.

"Hayst! Ang gulo mong kausap!" Sabi nya at iniwan ako dito sa garden mag isa.

'Wows nahiya naman ako sa kanya.'

"Halika na kain na tayo!" Dinig kong sabi nya kaya agad naman akong tumakbo. Kakain na daw kase eh, alam nyo naman basta't pagkain ang pag uusapan game na game ako.

"Hubby pakiabot naman nung hotdog mo." Saad ko tinignan nya naman ako ng masama.

Ay shutangina mali yata yung pagkasabi ko nun ah!

"Este pakiabot sakin yang hotdog heheh."

"Ang takaw-takaw mo," Alam ko naman yun, di mo na kailangang sabihin pa sakin yun duh!

"Syempre masarap yung hotdog..." Bumaba ang tingin ko sa short nya.

"Gusto mo bang mawalan ng mata?"

"Hindi." Iling kong sabi.

"Kung ayaw mo palang mawalan ng mata wag kang tumingin-tingin kong saan-saan Trix." Sabi nya kaya binaling ko nalang yung tingin ko sa plato.

Hindi ako pwedeng mawalan ng mata no! Pano ko makikita ang napaka gwapong mukha ni hubby at ang hot nyang katawan!