CHAPTER 62

[Nye nye use your brain too!] Parang batang sabi nya bago pinatay yung linya.

Damn! Sa sitwasyong 'to eh, nagagawa nya pa talaga ang ganyan!?

Dali-dali akong lumabas ng bahay. Binilisan ko ang pag da-drive.

Nilingon ko yung gate, ba't walang guard dito? San ba yung mga bantay dito? Saka yung mga maid?

Kumunot naman ang noo ko ng wala akong makita.

"Sh*t!" Ba't nakapatay ang ilaw? Sabi ni Trix nandito sila?! Hmm, baka nasa hospital na? Pero ambilis naman yata?!

"Trix?" Tawag ko pero ang tahimik.

Baka nga nandun na sila sa hospital.

Tatalikod na sana ako ng biglang bumukas ang ilaw at...

"HAPPY BIRTHDAYYYY!" Napalingon ako bigla.

Damn, ang daming tao! Di ko namalayang napagitnaan nila akong lahat. Teka pamilyar yung mga hayop este yung mga taong nandito ah.

Sh*t! Kaya pala maagang nagsi uwian yung mga impleyado sa kompanya kasi halos lahat eh, nandito.

Sino bang may pakana nito? Ayaw ko ngang may ganito sa birthday ko, di ako sanay na maraming tao.

"Happy birthday son." Nakangiting sabi ni Dad sakin at niyakap ako.

"Happy birthday anak." Niyakap din ako ni Mommy. Teka diba sabi ni Trix na inataki si Mommy? Eh, bakit nandito sya ngayon sa harapan ko at okay na okay?!

"Happy birthday ijo." Sabay na sabi nila Tita at Tito.

Nilinga-linga ko yung paningin ko.

"Ako ba hinahanap mo?" Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Trix sa harapan ko.

She's wearing a crop top and skirt...?

Ba't ang iksi yata nyan?! Saka ba't sya naka crop top! Kitang-kita tulog yong tyan nya oh!

Birthday na birthday ko tapos ganyan suot nya, tsk!

"Happy birthday hubby." Nakangiting sabi nya at hinalikan ako sa pisngi... bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa ginagawa nya.

"Pfft kala mo nakalimutan ko no?" Natatawang sabi nya. Kumunot naman ang noo ko. Tsk, nag papanggap lang pala sya kanina na hindi nya maalalang birthday ko ngayon tapos, ginawa nya pang dahilan yung Mommy ko para makapunta ako dito, plinano siguro nila lahat 'to.

"Oh ba't na bad mood ka yata dyan bigla?" Nakangusong sabi nya.

Napatingin ulit ako sa suot nya.

"Yong suot mo!"

"Ano na naman problema mo sa suot ko huh, tsk inaano ka ba?! Inggit ka siguro no?" Mag sasalita na sana ako ng biglang sumingit si Mommy.

"Ija let's go to my room may ibibigay ako sayo. Son pwede ko bang mahiram saglit ang asawa mo?"

"Yeah, sure." Sagot ko kay Mommy at ngumiti. Kahit wag mo na syang ibalik Mom okay lang sakin.

"Happy birthday, love." Bigla namang nagsitaasan ang balahibo ko. Woah! Ba't ang creepy yata nun, pag naririnig ko ang word na love.

"Oh, sh*t!" Mura ko ng pag harap ko, ba't nandito si Dave?! Kala ko guni-guni ko lang yung narinig ko.

"Gulat na gulat ka yata, di ka ba masaya na nandito ako?"

"Who invites you here?"

"Si Trix." Sagot naman nita. Yong babaeng 'yun! Kung sino-sino nalang ang iniimbita!

"Hi Kenny, happy birthday." Tinignan ko naman si... What the Steven? Papalapit sya samin ngayon. Ano naman ginagawa nya dito?! Hayst inimbita din ba sya ni Trix!

"Shut the f**k up, Steven!" Tinignan ko sya ng masama nang tumawa sya. "Don't call me Kenny in here, madaming tao nakakahiya!" pabulong kong sabi sa kanya.

"Ah pag walang tao okay lang?" Kumunot naman yung noo ko sa tanong nya. Di yata nakakaintindi ang gagung 'to!

"Ikaw ba yung best friend ni Trix? Ikaw ba si Steven?"

"Ah oo ako nga. Hmm, are you Dave? Ken's boyfriend?" Pabulong nyang tanong kay Dave sa huli. Tumingin pa sya sakin para bang nang aasar.

"Yeah, you're right."

Parang sila yata yung bagay, kayo nalang kaya siguro magka tuluyan magiging masaya pa ako.

"Hubby... Oh Steven, Davey! Nandito na pala kayo! Tignan nyo oh maganda ba ako? Este yung suot kong dress maganda ba? Para akong prinsesa no?" Napatitig ako kay Trix. Napansin ko ding napatitig din yung dalawa sa kanya.

"Prinsesa ka naman talaga Trix." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Steven.

"Eh, di yan ang gusto kong sagot."

"You're so beautiful tonight, Trix." saad ni Dave, naiyukom ko naman ang kamao ko. The way he look at her... Argg bakit parang iba yung mga tingin nya kay Trixie?!

"You mean she's always beautiful." Hirit ni Steven.

"Right."

Umiinit yata dugo ko sa dalawang 'to! Panay puri nyo sakanya ah! Lumalaki tuloy ulo ng babaeng yan!

"Ampangit mo." Sabi ko. Napatingin naman sila sakin. Napatawa naman yung dalawa sa tabi ko.

"Ganyan talaga sya eh."

"Oo nga. Wag mong damdamin yung sinabi ni Ken, Trix maganda ka totoo yun. Inggit lang talaga sya sa beauty mo."

"Narinig ko yon Steven!" Sabi ko sabay matalim syang tinignan.

"Eyy sorry sis... Este pre..."

_

Trixie Forteza Fernandez's Pov.

Inimbetahan ko si Steven dito at pati narin si Davey, pumayag naman si Tito na imbetahan ko si Davey kasi sabi ko eh, friends kami at saka sila rin ni hubby. Sabi ko na friends lang talaga, friends lang period.

"Ano handa na ba ang lahat?" Tanong ni Tita.

"Pasensya na kayo ah, antayin lang nating ng kunti ang anak ko." Dagdag pa ni Tita. Andaming tao dito ngayon halos lahat ay impleyado ng kompanya. Heheh hulaan nyo kung sino nag imbita sa kanila... Syempre walang iba kundi ako.

Mas masaya naman kasi kung marami diba, saka ngayong araw lang naman to eh, gusto kong the best birthday to ni hubby ko.

"Ayy shutangina sino ba 'tong tumataw-- ayy si hubby pala. Tita tumatawag na si hubby!" Sigaw ko dahilan para mapatingin silang lahat sakin.

Sumenyas si Tita na sagutin ko at senenyasan nya rin yung mga tao dito na tumahimik.

Yong tawag lang talaga ni hubby ang inaantay namin kanina pa.

[Trix? Asan ka ba, bakit wala ka dito sa bahay? Gumala-gala ka ba nang di nag papaalam sakin?!] Sunod-sunod nyang tanong, pinipigilan ko namang hindi matawa.

"K-Ken p-pumunta ka dito dali," Kunwaring natatarantang sabi ko. Kinagat-kagat ko naman 'yung kuku ko, maniniwala kaya sya?

[What? Anong nangyayari, okay ka lang ba?] Luh nag aalala ka sakin hubby? Sa tono kasi mg boses mo ay nag aalala siya.

"Si Tita i-inataki sa puso, K-Ken t-tulungan mo ko di ko alam ang gagawin ko!" Napakagat ako nang labi. Eh, kasi naman sa akin lang sila nakatingin lahat. Para naman akong nag s-shooting sa isang pelikula.

[Inataki? Sino? Si Mommy? Wala namang sakit sa puso si Mommy.] Ayy hindi Ken, ikaw yung inaataki tsk malamang yung Mommy mo! At saka acting lang 'to, hindi naman talaga totoo na inataki sya.

"Bilisan muna! Gusto mo yatang mamatay Mommy mo eh!" Bagot kong tanong. Kung pumunta na kaya sya kaagad dito hindi yung tanong pa sya ng tanong parang tanga!

[Asan ka ba? Asan ba kayo? Ba't mag kasama kayong dalawa?] Oh kita nyo na. Nag tatanong na naman 'tong baklang 'to!

"Nandito kami sa bahay nyo, andami mong tanong bilisan mo na nga at pumunta ka na dito!"

[Call an ambulance! Mag aantay ka pa talaga sakin na makarating jan! Use your brain Trix!] Bulyaw nya sa 'kin.

"Nye nye use your brain too!" Sabi ko at binabaan sya ng linya.

"Ano kamusta ija?" Tanong ni Tito.

"Ah, papunta na yun dito Tito." Sabi ko.

Ilang minuto ang lumipas may nagsabi samin na nanduon na daw sa gate si Ken at papasok na dito. Dali-dali naman naming pinatay ang ilaw sa loob.

Ilang minuto pa ay narinig kong tinawag ni hubby ang pangalan ko.

"HAPPY BIRTHDAYYYY!" Sigaw naming lahat. Kasabay nun ang pag bukas ng ilaw.