CHAPTER 61

"Tusukin mo na kahit anong parte ng katawan ko basta wag lang 'tong mata ko, okay! Nakapa importante nitong mata ko kase kung wala ang mata ko hindi kita makikita no!"

"Para kang baliw, kung ano-ano nalang ang sinasabi mo!" Saad naman nya.

"Tsk, akin na nga lang yong phone ko!!"

"Nandon nga sa kwarto ko diba? Alangan namang kukunin ko pa para sayo? Ano ka sinuswerte?"

"Ang tamad mo Ken!"

"Ikaw yong nakaiwan don ka kunin mo at saka cellphone mo yon hindi sakin."

"Oo na, dami mo pang daldal dyan!" Saad ko at tumayo. Nag punta ako sa kwarto ni Ken.

"Asan na ba yon?!" Nilibot ko yong paningin ko at nakita ko namang nakapatong lang 'yon sa gilid ng unan ni Ken.

Kinuha ko yon at aalis na sana ng mapansing nandito pala yong mga pinamili nila sakin.

Luh, baliw 'tong si hubby ah! Sa kwarto nya dinala imbis na sa kwarto ko!

Kinuha ko yong stuff toy na nasa loob nong isang paper bag. Yong nakuha ko naman ay yong kay Davey, yong nakuha nyang stuff toy sa machine.

Niyakap ko 'yon at lumabas ng kwarto.

"Hindi mo naman siguro binuksan yong cellphone ko diba? Ken?" Tanong ko nang makaupo na ako sa tabi nya.

"Oo naman syempre di ko binuksan yan, di ko naman kase alam yong password mo na 'KEN'." Kunot noo ko syang tinignan.

"Pano mo nalaman ang password ko huh!?"

"Kahit naman siguro sino eh makakaalam dyan sa password mo, at saka grabe ha pangalan ko pa talaga ang ginawa mong password."

"Luh, pano mo nasabing pangalan mo 'to huh? Bakit ikaw lang ba ang Ken dito sa buong mundo?" Mapang asar kung tanong, bigla naman sumama ang tingin nya sakin.

"Eh, di sinong Ken ba yan?!!"

"Heheh ikaw syempre, joke lang yon eh ano ka ba." Bawi ko sakanya.

"Ano bang tinignan mo dito sa cellphone ko hubby?"

"Gallery. Nakita ko yong video mo na nag g-guitar ka pfft... hahaha pasensya na pero natatawa talaga ako, ang pangit mo kaseng mag guitara." Tawang sabi nya, seryoso ko naman syang tinignan.

"E di wow, ikaw na yong magaling mag guitar nahiya naman ako sayong bakla ka." Inirapan ko sya, tsk biro-biro lang naman yong pag g-guitar ko non eh!

"Saka nga pala nabasa ko yong diary mo..." Mabilis ko syang nilingon.

"... Pero di ko naman lahat binasa ah, dalawa lang ang nabasa ko, promise cross my heart."

"Pero nag basa ka pa den! Pakialamera ka talaga no, ako lang dapat nag babasa non eh, kase diary ko yon!"

"Pano bayan eh nabasa ko na yong iba, wala ka nang magagawa." Kibit balikat nyang sabi.

"Sarap putulin nyang kamay mo!" Iritang sabi ko.

"Wow nahiya naman ako sa hindi pakialamera den. Pinakialaman mo nga yong cellphone ko noon diba? Binasa mo pa nga yong mga message namin ni Dave!" Wika nya napatikom naman ako ng bibig.

"Heheh ang ganda nong palabas hubby no?" Pag iiba ko ng topic.

"Palusot ka den eh, pag umabot na tungkol sayo ang usapan iniiba mo..."

"Okay sige-sige anong gusto mo ha, gusto mo bang ulitin ko yon? Tsk naaalala ko pa kaya yong mga text nyong dalawa, di ko nakalimutan yong 'i love you love, ikaw lang sapat na. Mahal na mahal kita di kita ipagpapalit mwuah. Kahit sa mata ng tao e mali ang pag iibigan natin, ipaglalaban kita---"

"Tama na nga!!" Napatawa naman ako ng nagtakip pala sya ng tenga.

"Teka lang di pa ako tapos hubby, marami pa nga yon eh wala pa ako sa kalahati, umpisa palang yon." Sabi ko at nagpipigil ng tawa.

"Mag salita ka pa ulit, di kita papakainin mamaya!" Sabi nya kaya napatakip ako ng bibig.

Hindi ako nag salita hanggang sa nag gabi nalang.

Sabi ni hubby na di ako mag salita diba? Gusto kung kumain kaya ginagawa ko 'to kahit 'tong bibig ko eh gustong-gusto ng dumaldal, nangangati na talaga yong dila ko.

_

Ken Fernandez's Pov.

Maaga akong gumising para mag luto at para maaga akong makapasok sa trabaho.

Ano kaya ang regalo ni Trix sakin ngayon?

*Iling*iling*

Baka wala kase nga sinabi kong wala akong gustong regalo sa birthday ko diba.

Hmm pero nong nakaraang birthday ko eh, sinabi ko rin namang wala akong gustong regalo pero binigyan nya parin ako.

"Good morning hubby." Napalingon ako sa likuran ko, kakagising nya lang siguro. Halata naman.

"Good morning...." Saad ko.

"Ano ulam natin?" Tinigan nya yong niluluto ko.

"Chicken, fried chicken." Sagot ko, tsk tinignan nya nga eh, tapos mag tatanong pa.

Hay nako Trixie.

"Ahh..." Tango-tango nyang sabi at umupo sa upuan tinignan nya lang ako habang nag f-fried.

Teka wala ba syang sasabihin?

Ilang minuto ang lumipas hindi sya nag sasalita. Tinapos ko na yong niluto ko at saka inilapag sa lamesa.

"Ahm anong araw ba ngayon?" Basag ko sa katahimikan.

"Hmm..." napapaisip nyang sabi. "Monday yata." Sabi nya. Nilagyan nya ng kanin yong plato nya at kumuha ng isang manok.

"Eh, yong petsa. Anong petsa ba ngayon?"

"November 5." Deretsong sagot nya.

Napakamot ako sa batok ko. "Wala ka man lang bang sasabihin?" Tanong ko.

"Ano sasabihin ko?" Taka nyang tanong, kumonot naman ang noo ko.

Ano sasabihin ko??!

Like happy birthday hubby, wala ka bang sasabihing ganyan?!

"Ah, alam ko na..." saad nya at para bang naalala na.

Ngingiti na sana ako kase akala ko naalala na nya talaga...

"Advance Merry Christmas, hubby."

Napatampal ako sa noo ko, what the f**k!!

'Advance Merry Christmas, hubby.'

Advance Merry Christmas???

Nakalimutan nya ba ang birthday ko?!! Talaga lang huh!

Kakainis ka huh! Talaga bang nakalimutan nya o pinagtritripan nya lang ako?! Di ako makapaniwala na si Trixie makakalimutin ang birthday ko? Sa lahat ng tao sya talaga!

Tumayo nalang ako. "Kumain ka na dyan," sabi ko at tatalikuran na sana sya.

"Di ka, kakain hubby?"

"Ma la-late na ako sa trabaho kailangan ko ng maligo." Sabi ko at tuluyan na syang tinalikuran.

"Ah, sige. Ba-bye iingat ka."

"Yon lang?"

"Asus oh sige na nga I love you hubby, ingat ka." Sabay nag flying kiss pa sya.

Kahit hindi man yon ang gusto kong marinig eh bumilis ang tibok ng puso ko dahil don. Kailangan ko na talagang magpa tingin sa doctor!

Tumalikod ako sakanya, nilingon ko sya baka sakaling nakatingin parin sya sakin pero... napatampal lang ako sa noo, busy sya sa kakakain ng fried chicken.

Tsk, pag yang si piggy naging manok, yan lulutuin ko sa susunod!

Naligo na ako at nag bihis. Pagkababa ko ay nakita ko si Trix sa nanonood ng movie.

Kinalimutan nya talaga yong birthday ko? Kahapon pa nga eh panay pa ang tanong nya tungkol don sa birthday ko tapos ngayon... hayst, si bale na nga!

Pagkarating ko sa companya, parang normal paring nag ta-trabaho yong mga empleyado dito. Di ba nila alam na birthday ko?! Imposible! Nong nakaraang birthday ko nga e pagka gising ng pagka gising ko e andami nang nag me-message sakin.

"Sir may meeting ka po ngayong 10:30 am tapos ngayong hapon nama--"

"Wala ka bang nakakalimutan ngayon?" Tanong ko sa secretary ko.

"Nakalimutan sir? Uhm lahat naman ng inutos mo e nagawa ko at saka..."

"Nevermind, you can go now."

"Wait sir di ko pa nasasabi kong ano oras yong meeting mo sa ha--"

"Give me that, ako na ang titingin. Makakaalis ka na." Sabi ko at tinuro ang pinto, lumapit naman sya sakin at binigay muna 'yon bago lumabas.

Napahawak ako sa ulo ko.

"Argg why do everyone didn't even remember that today is my birthday? Like duh birthday woyy!!"

"Arggg! Nakaka bwesit naman!" Sinipa ko yong table ko, napadaing naman ako.

"Shit!!" I think this is my worst birthday ever!

Hanggang sa pag uwi ni isang tao o hayop man dyan eh wala talagang nag sabi man sakin na happy birthday!!

Kahit si Mommy wala man lang akong natanggap na tawag mula sakanya, tsk di na ako aasa kay Dad kase makakalimutin talaga sya, di nya naman naalala pag birthday ko lagi nyang nakakalimutan 'yon.

Alas 6:40 pm palang e umuwi na ako. Wala na namang ibang gagawin don sa kompanya at saka yong mga empleyado don mas maaga pang nagsi-uwian kesa sakin? Sabay-sabay pa talaga sila ah? nahiya naman ako tanging natira lang don eh, yong mga guard!

May holiday ba? Wala naman diba! Nag p-party kaya ang mga yon kaya maagang nagsi uwian? Pati nga yong secretarya ko e' maaga deng nawala ni anino nya di ko nakita pag patak ng ala una!

Pagka uwi ko sa bahay e nagtaka ako na sobrang tahimik. Natutulog na kaya sya?

Pumunta muna ako ng garden at tinignan si piggy yong sisiw ah, wala naman kaming baboy dito... uhm, meron pala si Trixie.

Natutulog si piggy, tapos na kaya 'tong kumain? Pinakain na kaya 'to ng babaeng 'yon? Hmm siguro nga pinakain nya na to kase kung hindi eh dapat kanina pa to maingay.

Umakyat na akong ng hagdan at papasok na sana sa kwarto ko ng mapansing bukas ng kaunti yong pintuan nya. Di talaga marunong mag lock ang babaeng 'to! Puputulin ko na talaga yang kamay mo sa susunod, kahit sa pag lock lang ay ang tamad-tamad...

"Asan sya?" Tanong ko sa sarili ng makitang wala sya sa kwarto nya.

Baka nasa banyo, pinakinggan ko baka naliligo lang sya pero wala akong narinig kahit patak ng tubig, binuksan ko yong pinto at wala naman sya sa loob.

Dali-dali akong lumabas at nag tungo sa pool pero di ko sya makita, bumalik ulit ako sa loob at tinignan yong kwarto naming dalawa baka don lang sya tumatambay... pero wala den.

Sumilip den ako sa kwarto ko pero wala, napakagat ako ng labi at napahawak sa ulo.

"Asan ka ba Trix!" napasabunot nalang ako sa sarili kung buhok. May dumukot kaya sakanya? O di kaya... di bale na nga lang!! Kung ano-ano nanaman ang sumasagi sa isip ko!

Kinuha ko yong cellphone ko sa bulsa at tinawagan ang number nya, nakahinga hinga naman ako ng maluwag ng kaagad nya 'yong sinagot.

"Trix? Asan ka ba, bakit wala ka dito sa bahay? Gumala-gala ka ba nang di nag papaalam sakin?!" Di ko mapigilang hindi magalit, pano ba kase di man lang sya nag paalam, di nya ba alam na nag aalala ako sakanya!

[K-Ken p-pumunta ka dito dali,] natatarantang sabi nya sa kabilang linya.

"What?? Anong nangyayari, okay ka lang ba??" Kinakabahan kung tanong, ano ba kaseng nangyayari sakanya??

[Si Tita i-inataki sa puso, K-Ken t-tulungan mo ko di ko alam ang gagawin ko!] Kahit hindi ko nakikita ay alam kung napapakagat sya ng kuko.

"Inataki? Sino si Mommy? Wala namang sakit sa puso si Mommy."

[Bilisan muna! Gusto mo yatang mamatay Mommy mo eh!!] Nailayo ko naman ng kaunti sa tainga ko yong cellphone, napalakas kase yong boses, hayst para syang kambing na hindi mapakali.

"Asan ka ba? Asan ba kayo? Ba't mag kasama kayong dalawa??" Sunod-sunod kung tanong sakanya.

[Nandito kami sa bahay nyo, andami mong tanong bilisan mo na nga at pumunta ka na dito!!] Galit nyang sabi, abay tarantado 'tong babaeng to ah! Ba't nagagalit sya sakin!

"Call an ambulance! Mag aantay ka pa talaga sakin na makarating dyan! Use your brain Trix!" Bulyaw ko sakanya.