CHAPTER 63
"Oyy hubby tignan mo oh andaming handa diba tapos ang ganda ng mga design ehem, tumulong ako sa mga yan." Pag mamalaki ko. Nilingon nya naman ako ng nakangisi.
"Talaga tumulong ka? Baka naman tumulong ka lang kakatingin." Luh pano nya nalaman? Manghuhula talaga 'tong si Ken eh.
"Hindi no, tumulong talaga ako." Pag sisinungaling ko.
"Sinungaling." Saad nya at uminom ng wine.
"Pwede pahingi hubby?"
"Hindi! Tubig lang iinomin mo."
"Hala! Ba't ba pati sa iinomin ko pakikialaman mo!" Napalakas yata ang boses ko kasi yung iba napapatingin samin. Nabigla naman ako ng hinapit ni Ken ang bewang ko papalapit sa kanya.
"Hinaan mo nga yang boses mo, baka akalain nilang nag aaway tayo." Bulong nyang sabi. Napasimangot naman ako pero agad din 'yung napalitan ng ngiti nang mapatingin ako sa kamay nyang nakahawak sa bewang ko.
'Hindi kaya magagalit si Dave, pag nakita nya kaming ganito?' Asan kaya si Dave at Steven?
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko naman yung dalawa na nag uusap... Kasama nila yung sekretarya ni Ken. Ah yung malandi.
Hmm, nababanggit kasi sya ni hubby sakin. Nilalandi daw sya non pfft, naalala ko tuloy yong itsura ni hubby pag nag ku-kwento siya, parang nasusuka talaga.
Ehem lulubos-lubusin ko na 'to, minsan ko lang 'to magagawa at sigurado namang hindi papalag si hubby kasi maraming tao ang nakamasid samin.
Ipinalibot ko yung kamay ko sa bewang nya at niyakap sya, sinubsub ko yung mukha ko sa dibdib nya.
Ramdaman kong bigla syang na statwa. "H-Hoy ano ba m-maraming tao oh." Mahinang sabi nya.
Nilibot ko naman ang paningin ko. Hmm, yong iba e' napapatingin samin pero wala akong pake.
"Ang sweet talaga nila sir Ken at Ma'am Trix no?"
"Oo nga bagay na bagay sila."
"Pero bakit yata wala pa silang anak?"
"Pfft, baka mahina si Sir sa kama."
Napatingin ako dun sa mga babaeng nag bubulongan. Tsks nag bubulongan pero naririnig naming dalawa ni Ken hanep din pala kayo mag chismisan.
"Oy, hubby mahina ka daw sa kama pfft..." Sabi ko at nag pipigil ng tawa. Sinubsub ko ulit yung mukha ko sa dibdib nya para hindi nya marinig ang tawa ko.
"Tumahimik ka nga dyan, gustong-gusto mo talagang buntisin kita eh, no."
"Abay syempre, yun din naman ang gusto nila Tito at Tita. Gustong-gusto nila na magka apo kaso nga lang di pwede kasi ba--" Di ko na natapos ang sasabihin ko kasi niyakap nya ako ng mahigpit at saka hinawakan nya pa yung ulo ko at mas nasubsub 'yun sa dibdib nya.
'Sh*tangina! Di ako makahinga! Yawa papatayin yata ako ng baklang 'to!'
Pilit ko syang tinulak at nagawa ko naman, habol hininga naman ako. "Animal, muntik na akong mamatay!" Habol hininga kung sabi. Narinig ko naman syang tumawa ng mahina.
"Ikaw kaya eh, isubsub ko dito sa dibdib ko para di ka rin makahinga!" Nang-gigigil kong sabi. Napatingin naman sya sa dibdib ko at napalunok. Luh, anong iniisip ng baklang 'to?!
"Ikaw huh nagiging manyak ka na hubby ko." Pang aasar ko at bahagya syang binangga sa balikat.
"Tsk." Bahagya nya akong inirapan.
Ang taray talaga ng lola nyo ano? Attitude!
Tumingin-tingin ako sa paligid. Hmm mansion kasi 'tong bahay nila Tita at Tito kaya kasyang-kasya yung maraming tao.
Grabe yong ibang mga impleyado eh, ang takaw, gaya-gaya talaga sila sakin no? Idol siguro nila ako.
Napansin ko si Tita mula sa di kalayuan, nandun sya sa gilid ng stage. Heheh pinalagyan nila yun ng stage, hindi naman palakihin yung basta matungtungan lang okay. May ano daw kasi may inimbeta si Tita na banda, mag l-live. Hindi yung live porn ha, mali yang iniisip mo duh! Char!
"Hubby puntahan ko lang si Tita ah," Sabi ko at tumango lang sya. Kita ko namang may lumapit din sa kanyang lalaki at nakipag usap. Nakikipag harutan kaya si hubby? Eh, nandito kaya si Dave tapos ganyan sya, hay nako bahala ka na nga Ken buhay mo yan at hindi akin.
"Yung banda, hindi daw makakarating. May sakit yung isang member nila. Alam mo naman ang mga yun Madam pag wala ang isa, wala talaga lahat." Dinig kong sabi nung lalaki kay Tita. Matalas talaga pandinig ko.
"Okay sige naiintindihan ko, paki sabi nalang dun sa nagka sakit na sana wag na syang gumaling este sana gumaling na sya." Natawa ako ng mahina. Medyo may pagka lokaloka din pala si Tita, lumapit ako sa kanya at ngumiti.
"Pwede namang magpa music nalang diba Tita? Heheh sorry narinig ko kasi yung usapan nyo." Sabi ko. Bigla namang nalungkot yung mukha nya.
Ah... eh, dahil ba nakinig ako sa usapan nila? Hala dapat pala di ako nakinig eh! Hay nagiging bobo ka nanaman Trix!
"Nag request kasi ako ng kanta ija eh gusto kong marinig 'yun ng live." Nakahinga naman ako ng maluwag.
Akala ko pa naman yun ang dahilan.
"Ahm, anong kanta po ba yong gusto nyo?" Tanong ko.
"2002 by Anne Marie. Paborito ko 'yang singer." Masayang sabi ni Tita.
"Ahh, 2002." napakamot ako sa batok ko.
"May kakilala ka ba ditong marunong kumanta ija?" Tanong nya sa 'kin napakagat naman ako ng labi. Wala naman kasi akong kakilala ditong marunong kumanta.
"Heheh wala po... pero..."
"Pero ano?"
"Ahm, ano nalang Tita ako na bahala dito bumalik nalang po kayo dun sa upuan nyo ni Tito." Sabi ko.
"Ikaw na bahala dito? Sure ka ija?" Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Heheh h*tangina naman! Anong gagawin ko?!
_
Steven Buenavista's Pov.
"So mag iilang taon na nga ba kayo ni Kenny?" Pabulong kong tanong.
Sasagot na sana sya pero nabaling ang tingin namin ng biglang narinig ko yata yung boses ni Trix.
"Hi everyone! Good evez heheh." Parang nahihiyang sabi nya. Nasa stage sya ngayon.
"Pfft, anong ginagawa nya dyan?" Dinig kong tanong ni Dave sa sarili nya napatawa din naman ako. Ano na naman kayang kabaliwan ang naiisip nitong si Trix.
Rinig ko namang nag bubulong bulongan ang ibang tao dito.
"Anong ginawa ni Trixie dyan honey?" Dinig kong tanong ng Daddy ni Ken sa Mommy ni Ken. Magkalapit lang ang table namin. Kasama nilang nakaupo ang Mom at Dad ni Trixie.
"Sabi nya sya na daw bahala, di makakarating yung banda na dapat kakanta ngayon."
"Si Trixie ba ang kakanta?" Gulat na tanong ng Mom ni Trixie.
"Nako-nako baka magsi labasan yong mga bisita dito." Natatawang sabi ng dad ni Trix. Nagkatingin naman kami ni Dave at napatawa ng mahina.
'Sh*t! Ayokong lumabas dito, pfft... Dapat yata may pumigil kay Trixie ngayon.'
"Maganda naman siguro ang boses ni Trix." Sambit ni Dave kaya napahalakhak ako ng tawa.
"Kung alam mo lang Dave, narinig ko ng kumanta yang si Trixie, muntik na nga akong mabingi buti nalang talaga at napahinto ko sya." Napatawa din naman sya sa sinabi ko.
(Flashback)
_
"Class may bago kayong kaklase. Introduce yourself ija." Tinignan ko yong babaeng kakapasok lang galing sa pintuan.
"Ang ganda nya..." wala sa sarili kong sabi.
"Hi! I'm Trixie Forteza, you can call me love for short short or you can call me later hehe joke lang! Princess nalang itawag nyo sakin. Pang prinsesa kase yong beauty ko." Tumawa naman yong mga kaklase ko pati na rin si Ma'am.
"Anong nakakatawa?" Maarte nyang sabi.
Akala ko mabait, attitude pala 'to.
"Joke, sige tumawa lang kayo kung masaya kayo sakin." Ano ba talaga? Naguguluhan na ako kong mabait ba sya o kung ano.
"Okay, Ms. Forteza maupo ka don sa tabi ni Steven. Okay class, mukhang hindi na kayo ma-boboring kase napaka good vibes nitong si Trixie at napaka friendly pa." What?! Magkatabi kami? Tatabi sya saaking umupo simula ngayon?
Di ko namalayang nakaupo na pala sya sa tabi ko.
"Hi!" Ngiti nyang sabi at kumaway pa, kilala ako sa pagiging badboy at hindi ako friendly lalo na sa mga transferee na katulad nya.
"Okay, hello self."
"Pfft..." Sh*t! Di ko talaga mapigilang hindi matawa, para kase syang tanga na baliw ganon.
"Ano, nakakatawa ba ako Steven?" Ba't ang daldal nya? Tapos feeling close pa.
Steven? Alam nya pangalan ko?
"Pano mo nalaman ang pangalan ko?"
I ask coldly.
"Kakasabi nga lang ni Ma'am diba na umupo ako sa tabi ni Steven. So, sa hula ko ikaw si Steven." Ambilis nyang mag salita.
"Pano mo nasabi?"
"Ambobo naman nito, pang gwapo kase yong pangalan na Steven." Nakangisi naman akong tinignan sya.
"So, sinasabi mo bang gwapo ako." Saad ko sabay hawak pa sa baba ko.
"Oo." Tanging sabi nya.
*Dug dub dug dub*
*Lunok*lunok*
*Dug dub dug dub dug dub*
Puso ko ba yong maingay?
Marami namang babae ang nag sasabing gwapo ako pero di naman bumibilis ang tibok ng puso ko.
May sakit kaya ako sa puso?
"Pfft ano, kinilig naman atay mo?" Natatawa nyang sabi, napailing iling nalang ako.
"Baliw pala talaga 'to."
"Ha? Ano? Maganda ako? Alam ko naman yon pero salamat."
Napakamot nalang ako sa ulo.
Nandito ako ngayon sa hindi na ginagamit na classroom, luma na kase.
"Kanina ka pa ba nandito Steven the badboy." Maka badboy ka ah eh, mas badboy ka pa nga sakin! Gagong Merk to!
"Alam mo Merk para kang aso tapos yang kambal mo naman parang buntot mo. Sunod kase ng sunod kahit san ka mag punta." Mapang asar kong sabi.
"Ano suntukan na!" Hamon ni Mark sakin.
"Simulan na nating gago ka!" Saad naman nitong si Merk.
"Ano, isa laban sa dalawa na naman ba?" Ngisi kong tanong.
Sinuntok ako ni Merk sa pisngi, kaya sinuntok ko rin sya. Si Mark naman ang sunod na sumuntok sakin kaya gumanti rin ako sa pagsuntok.
"Padaan mga brad." Saad nong babae at dumaan sa gitna namin kaya napaatras na rin kami.
Problema ng babaeng 'to!!? Di ba sya natatakot na baka masuntok namin sya? At bakit sya nandito eh, sa pagkakaalam ko wala ng mga estudyanteng pumupunta dito except sa aming tatlo pag nag aaway kami.
At saka kanina pa ba sya nandyan nang di ko man lang napapansin?
"Sh*t! Hindi mo ba nakikitang nag aaway kami dito!" Galit na sabi ni Mark. Di yata nya napansin yong sinabi ni Mark kase busy sya sa kakabasa ng libro na hawak-hawak nya.
Lumingon yong babae saamin... Trixie??? Bago palang sya diba pero bakit parang alam na nya yata ang pasikot-sikot dito?
"Minura mo ako!? Mas sh*t ka! Sino bang nag sabing mag away kayo dito ha!" Pandak nga pero lakas naman ng boses.
"Wag ka ngang makisali Trixie!" Saad ko.
Baka madamay pa sya eh! 'tong dalawang to, walang pakialam kung babae ka man, kahit sino sinusuntok ng mga yan... Ah, ehhh, ganon rin pala ako pero isang beses lang naman ako nakasuntok ng babae.
Yong malandi kong kaklase noon, nilalandi kase ako eh.
"Oh, kilala mo pala ang babaeng 'yan?"
"She's my classmate."
"Classmate o crushmate?" Sabay tawa pa.
"What's funny?!! She's just my classmate okay! Don't be stupid Mark!"
"Hoy nakakasakit kayo sa ulo ha mga hutangina!! Di nyo ba nakikitang nagbabasa ako! Maganda na yong scene eh, nandon na sa part na-- basta!!" Pinagpapalo nya kami sa ulo gamit ang librong hawak nya.
"Arayyy!"
"Ouchhhh!"
"Aray ko!! Ano ba!!"
Tinignan namin sya ng masama.
"Ano gusto nyo isa pa ha?!!" Ikaw pa talaga may ganang magalit eh, kami nga pinagpapalo mo, di ka naman namin inaano!!
"Seducing...." Di ko na natapos basahin yong nakasulat sa librong hawak nya ng bigla mabilis nya 'tong itinago sa likod nya.
"Ano yan?"
"R18 story ba yan?" Tanong ni Merk.
"Pake nyo." Taas kilay nyang sabi.
"Nevermind." Sabi nong dalawa.
"Gusto nyo mag away diba, sige dali mag away na kayo pero wait lang heheh. Bibili muna ako ng popcorn-- hmm, basta yong nakakain."
"Aanhin mo naman yang pagkain?!" Tanong ko ba't nasangkot yong pagkain sa usapan! Ang gulo kausap ang babaeng 'to.
"Siguro itatapon ko pagkatapos kong bilhin." Aba pilosopo rin.
"Kakain syempre, ba't ambobo mo." What the, tinawag akong bobo! Anong karapatan niyang tawagin akong bobo ha?! Badboy lang ako pero matalino rin naman ako no!
"Matalino ka ba ah!" Inis kong sabi.
"Oo, bakit may angal ka?"
"Wow, nahiya naman ako."
"Dapat lang."
"Kapal den ng mukha." Saad nong dalawa.
"Ano naman ngayon kung makapal mukha ko? At least maganda ako." Pagmamalaki nya.
Proud ka pa talaga ah.
"Okay wait, wag muna kayong mag away hanggat hindi ako nakakabalik ah. Nag kakaintindihan ba tayo?!"
Wala sa sarili akong tumango at ganon den ang ginawa ng dalawa.
Tumakbo sya papalabas nitong classroom. Ilang minuto ang lumipas.
Di ko nga rin alam kong bakit den ako naghihintay. Bwesit! Baliw na yata ako at pati na rin 'tong dalawa, naghihintay den kase kagaya ko.
"Okay simulan na ang palabas." Nilingon namin yong baliw este si Trixie, may dala-dala syang bag...? Ano naman kaya laman nyan?
Umupo sya sa upuan na nandito sa gilid namin. "Tanga, lumang-luma nayan--*
Napatawa ako nang mahina ng masira yong inuupuan nya kaya sa sahig sya napa upo.
"Aray anong klaseng upuan to!"
Tumayo sya at humanap ng ibang upuan, tapos umupo ulit. Hmm, sayang hindi nasira tsk.
Nilagay nya yong bag nya sa arm chair at binuksan yong bag, kita ko naman ang mga junk foods at soft drinks na inilalabas nya galing sa bag nya.
Binili nya ba yan o dala-dala nya na talaga yan mula kanina pang umaga? Kaya pala mukhang punong-puno ang bag nya kase puro pagkain ang laman. Di ka pa nakakadala minsan ng ballpen pero pag pagkain always meron.
Napatingin ako don sa isa pang junk food na inilalabas pa nya sa bag n'ya.
'Chippy... favorite ko yan.'
"Oh, tinitingin-tingin nyo? Gusto nyo?"
"Pwede?" Tanong ni Merk na mukhang takam na takam na sa mga dalang pagkain ni Trixie. Takaw mo rin pala Merk tsk.
"Luh, asa ka!" Pfft, tangina talaga.
"Sayo bayan lahat? Lahat talaga?" Parang di makapaniwalang tanong ni Mark sakanya.
"Yeap."
"Akala ko naman mamimigay ka." Malungkot na sabi ni Merk, gusto mo pa yatang mag drama Merk?
"Luh, kong gusto nyong kumain bumili kayo ng sainyo no!"
"Takaw mo naman kong ganon." Sabi ko.
"I know." Di man lang nainsulto sa sinabi ko? Tigas rin talaga ng mukha niya ano? Di tinatablan ng salita.
"Mabuti at hindi ka tumataba sa takaw mong yan." Mark.
"Oo, mabuti nga." Sagot nya.
Nag umpisa na syang kumain habang kami nakatingin sakanya, para bang inaantay namin kong ano ang mga susunod nyang gagawin.
"Wala ka talagang balak mamigay?" Biglaan kong tanong. Seryoso? Ano to, titingnan lang namin sya?
"Wala ka bang awa samin?" Tanong ni Mark.
"Wala."
"Sh*t!"
"Punyeta!"
"Tangina!" Mura namin. Nakakainis naman kase ang babaeng 'to!!
"Isang mura nyo pa tatamaan kayo sakin!!"
"Bakit di ka ba nag mumura?!" Merk.
"Hindi." Tanging sabi nya at kakagatin na sana yong burger kaso nahulog 'to sa sahig.
Wait, what? Burger? Diba iba yong kinakain nya non tapos bakit biglang burger naman? May dala pala syang burger, di ko napansin yon ah. Ganon pala sya kabilis kumain.
"Hutangina nam---"
"Akala ko ba di ka nag mumura." Sabi ko.
"Oo nga." Ani ni Merk.
"Sinungaling." Giit ni Mark.
"H-Hindi yon mura mga gago!" Tsk, tsk lahat naman tayo nag mumura kaya wala ng dapat itanggi don.
"Mag away na nga kayo dyan! Kanina pa ako nag aantay dito oh!"
Napailing iling kaming apat, lumapit kami sakanya at umupo don sa sahig, syempre pinagpag muna namin yong sahig bago kami umupo.
"Oyy akin yan eh!" Inis na sabi ni Trixie ng kumuha ng isang pagkain si Mark.
Kumuha den ako nong paborito kong chippy, si Merk naman e' soft drink ang kinuha.
"Hoy mga gago bumili kayo ng sainyo!"
"Ang damot mo naman Trixie." Sabi ko.
Ganyan ba sya pagdating sa pagkain, madamot? Para namang mauubos niya to lahat eh, andami kaya.
"Anong Trixie! Princess itawag mo sakin kase prinsesa ako!" Eh, di wow.
Prinsesa saan? Prinsesa ng mga matatakaw ganon?
"So, dapat pala prinsipe tawag sa amin, tapos ikaw ang prinsesa namin." Saad ni Merk.
"Nope. Mga alagad ko kayo at hindi prinsipe, parang mga yaya ko kayo ganon bwahahah--ohoo hutangina tubig este soft drink." Napatawa naman ako ng mabulunan sya.
Binigay ni Merk yong soft drink na hawak-hawak nya.
"Nabulunan na nga, nag mumura pa rin." Mark.
Napahalakhak kami ng tawa habang sya umiinom ng soft drink.
"Tawa-tawa kayo dyan!! Nakikikain pa kayo, ang kakapal naman ng pagmumukha nyo! Akin na nga yan!"
"Matakaw na nga madamot pa!"
"Eh, akin to eh!!" Di namin sya pinansin at nag patuloy lang sa pagkain. Makapal na kong makapal. Kasalanan niya nag dala siya ng pagkain kaya makikikain kami no.
Napatingin kaming tatlo ng bigla syang humikbi.
"Umiiyak ka?" Taka kong tanong.
"O-Oy, ba't ka umiiyak?" Mark.
"Dahil ba kinain namin yong pagkain mo?" Merk.
"Huhuh, sabi ko bumili kayo ng sainyo eh! Susumbong ko kayo kay daddy huhuh."
"Tahan na, bibilhan ka nalang namin ng mga gusto mong pagkain."
"Oo nga, kahit ilan pa yan."
"Libre?" Iyak nyang tanong. Tumango kaming tatlo.
"Kahit ilan?" Tanong na naman nya.
Tumango ulit kami.
"Okay, oh ano pang hinintay nyo tara na. Manghahakot pa tayo ng mga pagkain." Muntik nang malaglag ang mga panga namin sa inakto nya.
'Diba umiiyak to kanikanina lang?'
"Di ko pa pala nasasabi sa inyo, magaling ako sa acting bleee naisahan ko kayo!" Sabay tawa pa nito ng malakas.
(End of flashback)
_
"Ahm, yong banda kasi eh, hindi makakarating kasi may sakit daw ang isang member nila kaya... Uhm, a-ako nalang ang k-kanta pag pasensyahan nyo na kasi di ako kasing galing nung mga napapanoon nyo sa tv." Wika ni Trix. Halatang halata na kinakabahan sya.
"This song is for my mother in law, she said that this is her favorite song kaya susubukan kong kantahin 'to para sa kanya." Kita kong huminga sya ng malalim at pumikit. Pag dilat ng mata nya eh, parang naging iba ang expression ng mukha nya.