CHAPTER 60
Nasaktan kaya sya sa sinabi ko? Hala baka mag tampo si Steven sakin. Ambobo mo Trix! Dapat suportahan mo si Steven kasi best friend mo sya, sinusuportahan ka nga nya diba nung gustong-gusto mo si Ken nuong highschool at saka tinutulugan ka rin nya minsan!
"Heheh joke lang yun Steven ko, ikaw naman mag tatampo ka kaagad. Hmm may tanong lang ako gustong-gusto mo ba talaga sya?"
[Yeah.]
"Sus gustong-gusto mo pala eh, di agawin mo sya. Gusto mo turuan pa kitang mang agaw eh." Kung hindi nyo naitatanong expert ako pag dating dyan!
[Puro ka kalukuhan Trix, oo gusto ko sya pero di naman ako hahantong sa ganong na aagawin ko sya para ko naring pinagkait sa kanya yung kaligayahan nya. Mahal ko sya, mahal nya ang asawa nya at masaya sya kaya masaya narin ako para sa kanya.]
"Tsk, alam mo naaawa tuloy ako sayo! Hayst sino ba kasi ang babaeng yan! Gwapo ka naman tapos mabait pa, ba't di ka nya nagustuhan. Bulag siguro yung babaeng yun Steven tsk! Gusto sana kitang yakapin sa mga oras na 'to kaso wala ka naman dito--"
"Sino yan?!" Napatingin ako kay Ken ng bigla syang nag salita.
"Sinong yayakapin mo Trix?" Taas kilay nyang tanong.
[Si Ken ba 'yan princess?] Narinig kong tanong ni Steven sakin.
"Oo sya nga." Sagot ko naman.
"Di mo pa sinasagot yong tanong ko sayo Trixie." Matalim syang nakatingin sakin at sa cellphone na hawak ko.
"Si Steven lang naman to hubby, nanganga-musta sya sakin." Agad syang lumapit sakin at inagaw yung cellphone na hawak-hawak ko.
May pinindot sya bago binalik sakin yung phone ko.
"Oyy ba't mo naman pinatay yung tawag Ken, di pa nga kami tapos mag usap ni Steven ko eh!" Inis kong sabi at tatawagan ko sana si Steven ng bigla kong naalala na wala pala akong load. Wala nga akong pera eh... load pa kaya?!
"Kala ko ba makikipag chikahan ka sakin? Eh, bakit yata sa iba ka nakikipag usap?"
"Eh, naliligo ka pa naman kanin--" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng mapunta ang tingin ko sa katawan nya.
Shutangina di pa pala sya nag bibihis. Tanging tuwalya na nakapalibot sa bewang nya. Pansin ko pa yong basa nyang buhok.
Ang hot ni Hubby! Ba't ang init yata ng kwarto ni Ken? Biglang uminit dito sa loob!
Pinaypay-pay ko yung kamay ko. "Heheh ang init no? H-Hindi ba naka on yung aircon dito sa kwarto mo hubby?"
"Naka on yan Trix." Ngumisi sya sakin.
"Parang ikaw lang yata yung nakakaramdam ng init dito. Namumula pa yang pisngi mo oh." Nakapamewang pa nyang sabi.
"S-Sige labas nalang muna ako, ang init init k-kasi d-dito." Napakagat ako sa labi ng mapunta ang tingin ko sa abs nya. Shutangina talaga 'tong malandi kong mata! Wag kang tumingin jan, tukso yan Trix! Tukso yan!"
"Mukhang alam ko na kung bakit ang init dito." Sabi nya. Agad naman akong patingin sakanya, nag pipigil sya ng tawa ngayon.
"Ang hot ko kase." Pag mamayabang nya. Tumawa naman ako ng peke at seryoso syang tinignan.
"Hot ulol! Wag kang feeling bakla ka hindi ka hot, baka hotdog kamo! Mukha kang aso na mainit ganern!" Saad ko bago lumabas ng kwarto rinig ko pang tinawag nya ako pero di ko na 'yun pinansin.
Mabilis akong humiga sa kama ng makapasok ako sa kwarto ko.
Sh*t! Ang lakas ng kabog nitong puso ko.
Teka anong oras na b-- shutangina! Naiwan ko sa loob ng kwarto ni hubby yung phone ko!
Babalikan ko ba o hindi?
Bumangon ako at kinagat kagat yung kuko ko, hmm wag na nga lang di nya naman yon mabubuksan kasi may lock 'yun.
Busog na naman ako kasi kumain kami kani-kanina lang, matutulog na lang ako.
_
Ken Fernandez's Pov.
Pagkatapos kong mag bihis eh kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa table at tsaka umupo sa kama.
Nag taka naman ako ng maramdamang may naupuan yata akong bagay...
"Wait kay Trixie ba 'to?" In-open ko yun at nakita ko naman kaagad yong mukha ko na ginawang wallpaper ni Trix. Napangisi naman ako.
Humiga ako sa kama at tinignan-tignan na naman yung nasa gallery ni Trix.
At nahagip ulit ng mata ko yung may hawak syang gitara. Pinindot ko yun.
Kinalabit nya lang yung string.
"Pfft para talaga siyang tanga, sabi nya kanina marunong syang mag gitara." Napailing-iling nalang ako at pinindot yung back. Ayukong makita yung pagka sira ng guitar dahil sa pagkalabit nya, ang lakas-lakas kasing kumalabit parang puputulin nya yata yung string?
"Pfft, para talaga tong tanga. Sabi nya kanina marunong syang mag gitara." Napailing-iling nalang ako at pinindot yung back. Ayukong makita yung pagka sira ng guitar dahil sa pagkalabit nya, ang lakas-lakas kasing kumalabit parang puputulin nya yata yong string?
Ang dami nyang mga video dito na may hawak syang guitar, grabe taga isang video nya ibat-ibang guitar. Sa kanya ba yun lahat? Ano yun bumibili sya nang guitar tapos di naman pala sya marunong.
Laki din siguro ginastos ni Tita at Tito dun panigurado. Pangit siguro ng boses ni Trix kaya di sya kumakanta habang nag g-guitar, pangit na nga mag guitara tapos ampangit pa ng boses. Hay nako napaka talented nya ano.
Gusto ko sanang mag basa nung mga diary nya kaso nako-konsensya na naman ako kaya nilagay ko nalang sa gilid ng unan yung cellphone nya.
Ipipikit ko na sana yung mata ko ng biglang may nag text sa phone ko.
From love: Goodnight love, I love you. Kung ano man yung ikinagagalit mo sakin sorry na, bati na tayo ah love you.
Bigla naman akong napangiwi, di ko sya nireplayan. Natulog nalang ako.
_
Trixie Forteza Fernandez's Pov.
"Lumilipad ba yung sisiw hubby?" Biglang tanong ko habang ngumunguya ng pagkain.
"Lumilipad?" Nagtataka nyang tanong.
"Yung katulad nang ibon."
"Magka iba yung ibon at saka sisiw Trix!" Iling nyang sabi at sumubo ng kanin.
"Hala anong pinagkaiba nun eh pareho kaya silang may pak-pak, pano yung ibon nakakalipad tapos yung sisiw hindi?" Kunot noo kong tanong. Ang unfair naman yata num diba!? Dapat patas.
"Oo pareho silang may pakpak pero magkaiba sila okay. Nakakalipad din naman ang manok pero di nga lang katulad ng ibon na tatagal..."
"Teka-teka nga ba't nasali yung manok? Ang usapan natin eh, sisiw at saka ibon lang Ken. Yong utak mo kung saan-saan pumupunta!"
"Hay ewan ko sayo, ang hirap magpaliwanag pag bobo ang kausap."
"Sarili mo ba yong tinutukoy mo?"
"Oh, kita muna? Ang bobo talaga." Iling nya na namang sabi.
"Isang tawag mo pa ng bobo sakin, makakatikim ka nang sampal mula sakin Ken." Seryoso kong saad.
"Ah, bobo?" Agad ko syang sinampal, napahawak naman sya sa pisnging sinampal ko.
"Ba't mo ko sinampal!" Gulat nyang sabi at tinignan ako ng masama.
"Sabi ko naman sayo diba, tsk kala mo ba nag bibiro lang ako?!"
"Ikaw kaya sampalin ko bruha ka!"
"Sige subukan mong sampalin ako hahalikan talaga kita tamo!" Napalunok naman sya dahil sa sinabi ko.
"Tsk, takot ka naman pala eh, bakla talaga." Pabulong kong sabi at binaling na ulit ang atensyon sa pagkain.
"Asan nga pala yung cellphone ko Ken? Naiwan ko kasi sa kwarto mo kagabi, nakalimutan ko."
"Nandun pa rin sa kwarto, kunin mo nalang." Saad nya tumango-tango nalang ako.
Pagkatapos naming kumain eh nanuod muna ako ng palabas. Katabi ko si Hubby ngayon.
Bigla ko namang naalala si piggy.
"Ano pinakain muna ba ng kanin, Ken?"
"Sino?"
"Yung sisiw, alangan namang ako." Eh tapos na nga akong kumain diba? Hay nako Hubby syempre yung anak natin ang tinutukoy ko
"Tigas ng ulo mo, hindi nga kanin pinapakain sa sisiw eh!" Luh tinatanong ko lang naman kung pinakain nya na ba eh!
"Oh, relax lang. Wag masyadong magpa stress dahil sakin heheh."
"Mabuti naman at alam mong ikaw pala ang dahilan ba't ako na-i-stress!"
"Tinatanong ko lang naman eh kung pinakain mo na ba si piggy." Nakasimangot kong saad.
"Mas lalo akong na eh, stress dun sa pangalan ng sisiw na 'yun! Ba't kasi piggy pinangalan dun eh sisiw naman 'yun at hindi baboy!" Ang daldal ni Ken no?! Tsaka pake nya ba kung sa gusto kong piggy ang pangalang binigay ko dun sa sisiw!
"Ba't din kasi Ken ang pinangalan ni Tita sayo eh hindi ka naman lalaki!" Oh, ano ka ngayon hubby huh!
"Tsk, dinamay mo pa talaga pati yung pangalan ko."
Tumayo sya at kinuha yung remote, umupo sya ulit sa tabi ko.
"Pinakain ko na yun, okay?" Sabi nya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Bigla ko namang naalala na birthday nya na pala bukas, kaya napangiti ako.
"Hubby gusto mo ba ng bongga na birthday party?" Tanong ko kunot noo nya naman akong binalingan nang tingin.
Problema ng baklang 'to?!
"Ayoko ng mga ganyan sa birthday ko, gusto ko eh, tayo-tayo lang ng pamilya mo at pamilya ko, simple dinner lang na magkakasama tayo eh, sapat na sakin."
"Ah, taray sanaol simple lang ang gusto. Ako kase gusto ko talaga yong bongga, minsan lang naman ang birthday sa isang taon kaya lulubos-lubusin ko na." Wika ko.
Di naman sya nag salita. Tsk nagiging tahimik na naman sya.
"Hmm, yong sa gift ano ba talaga gusto mo hubby?"
"Wala nga akong gusto."
"Ayyst ba't naman wala, di ko tuloy maisip kong anong ibibigay ko sayong regalo. Hmm, di nalang kaya ako mag bibigay no? Heheh wala rin pala akong pambili."
"Tsk, mag re-regalo ka nga sakin pero pera ko den pinambibili mo ng regalo." Napakamot naman ako ng ulo at natawa ng mahina, oo nga pala pera ni hubby yong ipinambibili ko.
"Pa trabahoin mo kase ako para magka pera ako. Ano mag a-apply nalang kaya ako ng trabaho, maganda bang idea yon?"
"Di ka nga pinapayagan nila Tita at Tito, ako pa kaya?!"
"Saka tanga ka ba ha, di ka nga marunong mag laba, mag linis, mag hugas ng plato, mag luto tapos sasabihin mong mag a-apply ka ng trabaho? Kahit sa pagiging labandera walang tatanggap sayo!!"
"Waaa grabe ka hubby ang harsh mong mag salita sakin ah!!" Inis kung sabi at tinigan sya ng masama.
Sasakalin na talaga kitang bakla ka!!
"Oh, ano? Totoo naman kase---" di ko na sya pinatapos mag salita ng tinampal ko yong mukha nya.
"Arayyy ko naman! Ano ba ang sakit ng mukha ko ah!"
"Bwesit ka kase!" Sabi ko at inirapan sya.
"Galit ka ba?" Tanong nya at tinignan ang mukha ko pero agad akong tumalikod sakanya.
"Tsk, wag mo akong kausapan!!" Galit kung sabi, narinig kong inilapag nya yong remote na maliit na mesa.
"Wag ka ng magalit sabi mo nga diba kung totoo naman eh, dapat wala kang dapat na ikahiya."
"Ambobo mo naman Ken sa tingin mo nahihiya ako ngayon? Magkaiba yong galit sa hiya woy!!" Inis kong sabi pero nginisian nya lang ako.
Inangat nya yong kamay nya at kiniliti ako sa tagiliran.
"Hutangina! Hahah Ken haha ano ba!!" Tawang sabi ko at nag patuloy parin sya sa pag kiliti sakin.
"Hahah tumigil ka na!" Pinalo ko yong kamay nya kaya napatigil sya, nag hahabol hininga naman ako. Hutangina balak pa nya yata akong patayin.
"Hubby naman eh, alam mo namang ayaw kong kinikiliti ako sa tagiliran." Naka pout kong sabi.
"Wag ka ngang mag pout!" Nagtataka ko naman syang tinignan, luh anong problema nya kung mag pout ako? Bakit mukha ba akong pato tignan? Tsk, sabi kaya ni Steven, Mark, Merk at Davey ang cute kung tignan! Ikaw lang talaga ang naiiba Ken... oo nga naman naiiba talaga sya kase nga lalaki kaya yong apat na yon tapos sya bakla.
"Tsk, mag pout ka den dyan kung naiinggit ka Ken!" Sabi ko sabay irap sakanya.
"Gusto mo bang tusukin ko yang mata mo ha?!"