CHAPTER 59

"Okay sige inaamin ko mali din naman ang ginawa ko, nadala lang talaga ako don sa sinabi nyang may pagkain, nagutom ako bigla."

"Kakakain lang natin non tapos nagugutom ka na naman bigla?" Tanong ni Ken at nagpipigil pa ng tawa.

"Anong nakakatawa dun? Di ko kasalanan yon okay. Sisisihin mo yong tiyan ko ambilis makaramdam ng gutom!"

"Ano bayan ba't iniwan nyo ko," Napatingin ako kay Davey na hinihingal. Bigla namang binitawan ni Ken ang pagkakahawak nya sa siko ko tsk, dahil siguro nandito na yung love of my life nya.

"Heheh pasensya na Davey."

"San mo pa ba gustong pumunta Trix? Sabihin mo na malapit ng mag gabi oh."

"Ahm, sa ano sana eh, gusto ko masubukan yung arcade heheh."

"Arcade?" Tumango lang ako bilang sagot.

_

Ni-load-an muna nila ang card namin bago nila hinawakan ang kamay ko hinila sa kung saang dapit ng arcade.

Si hubby nakahawak sa kaliwang kamay ko tapos si Davey eh nakahawak sa kanang kamay ko.

Eh? Diba dapat magka holding hands sila ngayon at hindi yung kamay ko ang hinahawakan nila sa mga oras na 'to. Uhm, akala kaya ni hubby na kamay ni Davey ang hinahawak nya ngayon? At akala rin siguro ni Davey na kamay ni Ken ang hinawakan nya ngayon? Ay ang gulo!

"Anong gusto mong laruin?" Tanong nilang dalawa sabay tinignan ako. Napalunok naman ako, ang g-gwapo kase nila sh*t!

Yung ibang nag lalaro nga dito ay napapatingin samin este sa kanilang dalawa, syempre mga babae yung tumitingin sa kanila tapos sakin naman eh napapatingin din sakin yung mga lalaki dito.

Lumibot naman ang mata ko sa loob bago tumigil sa machine kung saan may maraming stuff toy na kailangan mong kunin. Malaki ang ngiting iginawad ko sakanila bago itinuro 'yun.

"Kunan nyo 'ko ng stuff toys please." Pagmamakaawa ko. Di ako marunong nun eh kaya sila nalang.

Napakamot sa ulo si Davey. "Sh*t, di pa ako nakakalaro ng ganito, di ko alam pano 'to."

Si Ken naman eh napahawak sa batok nya at napakagat ng labi. "Simula bata palang eh na b-bwesit na akong laruin to, kasi di talaga ako marunong."

"Ah may sinasabi ba kayong dalawa?" Nagtataka kong tanong.

"Ha ha wala, wala Trix. San ba dito ang gusto mo?"

"Ah, kahit ano heheh hindi naman ako mapili."

Nilagutok pa ni Ken at pati narin si Davey yung leeg at kamay nila bago sabay si-nwipe yung card.

Shems! Ba't yata lalaking-lalaki si hubby ngayon? Ah siguro kasi maraming tao ang nasa paligid, natatakot siguro sya na may makakilala sa kanya. Malay nyo naman kung may isa sa mga empleyado ng kompanya ay nag punta dito diba? Tamang-tama mas mabuti na yung nag iingat.

Napapatitig ako sa kanilang dalawa habang seryoso sa pagkuha nang stuff toy.

Lumawak ang ngiti ko ng makakuha ng isang stuff toy si Davey agad nya 'yung binigay sakin, niyakap ko naman sya dahil sa sobrang saya.

Kita kong napatingin si Ken samin at kunot noong binaling ulit ang tingin sa nilalaro.

"Ang dali lang naman pala nito, akala ko mahirap." Pag mamayabang nya napatawa naman ako dahil dun.

"First time mo palang laruin yan Davey?" Tumango sya.

"Wow ang galing mo naman." Manghang sabi ko.

"Oh, ito." Napatingin ako kay Hubby, nakakuha din sya nang isang teddy bear na kulay puti.

"Waaa salamat Ken." Niyakap ko din sya.

"Tsk, mabuti pa ako nauna." Rinig kong sabi ni Davey.

"So ano pang gusto mong stuff toy Trix? Ituro mo lang, kukunin ko."

"Ano gusto mo ba yan lahat Trix? Sabihin mo lang, kung gusto mo pati yang machine bibilhin ko. Ilalagay natin dun sa bahay." Muntik ng malaglag yung panga ko dahil sa sinabi ni Hubby. Bibilhan nya talaga ako? Lahat? Waaa ambait naman nya yata ngayon.

"Tsk, unbelievable." Bulong na sabi ni Davey pero narinig ko parin.

"Luh, talaga? Papayag kaya silang bilhin natin yang isang machine na puno ng stuff toys?" Tanong ko.

Wait! Wait! Wait! Kung wag nalang kaya no? Baka kasi may hingin pang kapalit si Hubby sakin!

"Ay wag nalang."

"What? Why?"

"Ah ehh di ko naman gusto yan lahat talaga na stuff toys, ang gusto ko lang dyan eh yang kulay puti, pula, pink yun lang."

"Eh, di yong gusto mo lang ang bibilhin natin."

"Sinabi na nyang ayaw nya Love, wag mo ng pilitin."

Ah ba't parang feeling ko eh may galit sila sa isat-isa? Ibang-iba kasi yung mga titig nila, parang ilang segundo nalang eh mag sasakalan na sila... Oh no! Baka madamay pa ako! Ayuko pang mamatay duh!

"Umuwi na nga lang tayo. Pagod na ako eh at saka... hmm, malapit nang mag 5 pm." Sabi ko. Bigla namang tumunog yung tyan ko.

"Nagugutom ka na naman?" Gulat nilang tanong pareho.

"Heheh hindi ako, yung tyan ko okay, wag kayong ano dyann!" Sabi ko.

Napatawa naman sila pareho.

Nakulangan siguro sa pagkain yung mga bulate ko sa tiyan. Tsk ang takaw-takaw nila diba?! Pasalamat sila kasi pinapakain ko sila este pinapakain sila ni Hubby!

***

"Sige bye Davey, ingat ka pag uwi." Nakangiting sabi ko at kumaway sakanya.

"Bye Trix, bye Love." Sabi nya at nag flying kiss pa kay Ken bago pinaandar yung sasakyan nya.

Mapang-asar ko namang tinignan si hubby at sinundot-sundot yung tagiliran nya.

"Ayieee kinilig ka dun no?" Pang aasar ko at humagikgik ng tawa.

"Kilig? Tsk ulol!" Binitbit nya lahat ng pinamili namin at yung stuff toys ko naman eh nilagay ko sa loob ng paper bag.

"Asus kunwari ka pa eh, alam ko namang kinilig ka dun." Asar ko ulit, inirapan nya lang ako at pamasok sa loob ng bahay. Sumunod naman ako sa kanya.

Umakyat sya ng hagdan at pumasok sa kwarto nya, malakas nyang sinira yung pinto.

"Hubby antayin mo naman ako. Hoy buksan mo yung pinto" Saad ko at sinubukang buksan yung pinto ng kwarto nya.

"Ano bang ginagawa mo dito?!"

"Heheh pwede dyan ako tumambay sa kwarto mo? Amboring kasi sa kwarto ko eh wala akong kasama. Sarili ko lang ang kausap ko, para akong tanga."

"Tanga ka naman talaga ah." Tinignan ko sya ng masama, grabe sya!

"Sige na! Papasukin muna ako Hubby, di naman ako matutulog dyan eh tatambay lang ako saglit... Uhm, ano nalang heheh gusto kung makipag chikahan sayo." Masayang sabi ko. Pinapasok naman ako sa kwarto nya, dali-dali akong nag lakad at umupo sa kama.

"Wala ka bang planong mag bihis Trix?" Bagot nyang tanong.

"Uhm, mamaya na ako mag bibihis." Sabi ko at tumingin tingin sa paligid.

"Maliligo lang ako, wag kang maninilip ah!" Napatawa naman ako sa sinabi nya.

"Grabe sya, di kita sisilipan woyy! Pero kung gusto mong gawin ko yun mweheh walang problema sakin."

"Baliw ka talaga ano?" Tumango naman ako at tumawa.

Humiga ako sa kama.

Hayst, ang lambot talaga ng kama ni Hubby. Ba't yata ibang-iba yung kama nya sa kama ko? Tsk, ang unfair! Yung kanya maganda tapos sakin pangit!

Nanlaki ang mata kong nakita ko syang hinubad ang polo nya at pantalon, tanging suot nya lang ngayon e boxer short.

Napalunok naman ako. My god! Shutangina!

Please lang tukso! Lumayo ka sakin! Nakikiusap ako sayong tanginang tukso ka lumayo ka! Sh*t baka magahasa ko ang baklang 'to!

"Yung mata mo Trix, kung saan-saan nakatingin."

"H-Ha? Di n-naman ako n-nakatingin kung saan ah." Tanggi ko.

Ito kasing mata ko eh ang tigas-tigas ng ulo! Teka may ulo yung mata? Chariz. Di marunong makinig sakin!

Pinikit ko nalang yung mata ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng narinig ko yung pag bukas ng pinto nung banyo ni Hubby.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat. May tumawag kasi bigla sa cellphone ko, grabe ang lakas nung tunog!

"Oh, Hello Steven eleven!"

[Hi Trixie! Kamusta na ang prinsesa ko huh?]

"Okay lang maganda parin naman ako." Narinig ko namang tumawa sya sa kabilang linya.

[May ibabalita ako sayo princess, paniguradong matutuwa ka]

"Waa talaga? Ano yang magandang balita nayan? Nagka girlfriend ka na o di kaya nakabuntis ng babae tapos papakasalan mo sya para sa anak nyo?"

[Woah, woah ba't yata ang lalim ng imagination mo princess, at saka wala pa akong planong magka girlfriend.]

"Tsk, ang tanda-tanda mo na Steven, impossible namang wala ka ni isang nagugustuhang babae ngayon, kung may nagustuhan ka man ligawan mo kaagad. Wag kang torpe okay?!" Rinig kong tumawa na naman sya, may nakakatawa ba sa sinabi ko?

[Di ko sya pwedeng ligawan princess.]

"Bakit naman? Di ba sya tumatanggap ng manliligaw? May boyfriend na ba sya?" Sunod-sunod kong tanong.

[May asawa na sya] May halong lungkot ang pagka sabi nya nun.

Napahalakhak naman ako ng tawa. "Gagu ka pala eh, pfft... Sa lahat-lahat na pwede mong magustuhang babae, yun pang may asawa na? Ang gagu wag kanang umasa Steven, mag move on ka nalang." Natatawang sabi ko, ilang minuto ko syang hindi narinig na mag salita.