CHAPTER 58

Dave Marquez's Pov.

"Ah, hindi ako na. Alam ko namang bus--" di ko natapos ang sasabihin ko ng mag salita si Ken.

"Mas busy ka kesa sakin."

"May free time naman ako next week..."

"Ako may free time bukas, pano yan next week pa yung sayo." Kanina pa talaga ako nag pipigil na mainis sa baklang 'to! Pano ba naman kasi eh, kanina pa ako tinatarayan?! Wala naman akong natatandaan na nag away kami. Nong nakaraan na pumunta ako sa bahay nila ay okay naman kami ah?!

Pag ako talaga nainis ng husto masusuntok ko 'to!

Pasalamat lang talaga sya at nag titimpi lang ako dahil nandito si Trixie dahil kung hindi kanina ko pa sya sinakal.

Ano ba kasing nangyayari sakanya? Parang nag bago sya, ngayon kung mag lakad sya eh, parang lalaking lalaki. I mean, yong kilos nya kumpara noon.

"Still tuturuan ko parin sya love." Diin kong sabi at ngitian sya. Tumingin ako kay Trixie.

"Alin ba yung gusto mo Trix?"

"Ahm 'to oh." Sabay tinuro yong itim na guitara.

Yeah, I like Trixie. Ginamit ko lang si Ken para mapalapit kay Trix.

Nung una eh ginamit ko si Ken para sa pera, mahirap lang ako nuon, maaga akong naulila. Ako lang nag papakain sa sarili ko at nag papa-aral... then one day I met Ken. Alam ko na nung unang kita palang namin eh gusto na nya ako, sinikap kong daanin sya sa mga matatamis kong salita, hanggang sa naging kami.

Binibigyan nya ako ng allowance araw-araw, sinikap kong makatapos sa pag aaral. Pagkatapos eh nalaman ko nalang na ikakasal sya kay Trixie, sinabi nya 'yun sakin, okay lang naman sakin kasi nga pera lang din naman ang habol ko sa kanya, wala akong nararamdaman para sakanya.

Nakilala ko si Trix, nung nagkausap kaming tatlo, pumayag sya na kahit ikasal sila eh, kami parin ni Ken. Nakiusap kami na sekreto lang 'yun na kami lang ang makakaalam.

Ewan ko ba unang kita ko palang sa kanya, binihag na nya kaagad ang puso ko. Pag ngumingiti sya napapangiti din ako.

And then naisip ko na pano kaya ako magugustuhan ni Trixie? Kung sa itsura lang ay pareho lang kami ni Ken na gwapo, ang tanging wala lang naman sakin ay pera. Kaya nag hanap ako ng trabaho, pinasok ko lahat ng pwede kong mapasukan na trabaho, nag ipon ako, hanggang sa makapagtayo ako ng sarili kong negosyo hanggang sa lumago ng lumago 'to.

Di man kami mag kaseng yaman ni Ken pero sisikapin ko namang maibigay lahat ng gusto mo Trix. Gagawin ko ang lahat para mapasakin sya. Aagawin ko sya kay Ken!

At sisimulan ko na yun ngayon, kasi feeling ko kasi eh unti-unti na 'tong tumitino 'tong si Ken. Damn! nagkakagusto na yata sya kay Trix! Lalaki ako kaya alam ko!

Hayst! Sino ba kasing lalaki ang hindi magkakagusto kay Trix?

Maganda na, cute, sexy, mabait pero minsan din eh mataray, palabiro pa. Di man perfect na babae si Trix... pero sya talaga ang tipo na babae ang gusto ko.

"Davey? Oyy Davey?" Bigla naman akong natauhan ng tinawag ako ni Trix.

"Ha bakit?"

"Heheh bibilhin natin to diba? Ba't natutula ka dyan bigla? Hindi ba kasya sa dala mong pera?" Napatingin ako kay Ken na nagpipigil ng tawa.

Pinipigilan ko namang hindi mainis. Anong akala nya sakin? Kagaya ng dati na kahit isang kilo na bigas eh walang pambili?!

"Hindi ah, may naalala lang ako. So 'to lang ba gusto mong bilhin? O baka gusto mo 'tong lahat nalang." Diin kong sabi at tinignan si Ken.

"Ako nalang ang bibili para sayo Trix, baka di na talaga kasya sa perang dala ni Davey. Ayuko namang mapahiya yung love ko." Di ko mapigilang hindi mapakunot ang noo.

Inaasar ba ako ng baklang 'to?!

"Ate pahinging pera pang bili lang nang pagkain." Tinawag kitang Ate tapos tatawagin mo rin ako ng Ate? Gaya-gaya sya no?

"Ah sige-sige bibigyan kita, pero 100 lang pera ko eh."

"Okay na po yan." Ah eh po? Mas matanda pa sya sakin eh tapos gagamit sya ng po? Eyy!

"Pero may itatanong muna ako." Sabi ko at ngumiti ng pilit. Sino namang ngingiti ng totoo sa sitwasyon kong 'to? Di ko alam kung nasan yung asawa ko at boyfriend nya... Eyy ang pangit naman pakinggan yung asawa nya ako tapos may boyfriend sya. Para tuloy naging two timer si hubby.

"Ano po yun?" Tanong nya pero ang mata eh, nakatingin sa 100 pesos na nasa kamay ko.

"Ahm nakita mo ba yung dalawang lalaki na kasama ko kanina?"

"Ah, yon po ba. Umalis po sila."

"Ano?"

"Nagtaka nga ako kasi sumakay na sila sa sasakyan tapos di ka kasama."

"Umalis sila? As in?"

"Opo." Tango nitong sabi.

"Ha ha ha nice-nice, iniwan ako ng mga p**angina. Sige Ate salamat 'tong 100 pesos oh kainin mo este ipambili mo ng pagkain ah." Tumango sya at kinuha yung pera.

So pano 'to? Di ko pa naman alam kung pano umuwi! Wala rin akong perang pamasahe, binigay ko na kay Ate eh huhuh malas!

"Ah, upo ako sa tabi mo ah okay lang ba?"

"Aalis na rin naman po ako, ikaw nalang ang pumalit sakin." Pumalit? Saan? Sa panglilimos? Peste!

Tinignan ko yung oras sa phone ko, 2:01 pm na.

Ilang oras pa ang lumipas, nandito parin ako nakaupo sa semento este may kariton pala kaya di ako masyadong madudumihan. Yung ibang tao napapatingin sakin tapos nag bubulongan. Akala kaya nila nanlilimos ako?

Inangat ko yung kamay ko, para kasing umuulan...

"Ang ganda mo pa naman ija, oh 'to pambili mo ng pagkain." Saad nung matandang babae at nilagyan ng pera yong kamay ko.

Taka ko syang tinignan hanggang sa makaalis na sya. Binigyan nya ako ng pera? Teka ba't kinakaawaan nya ako? Hmm, di bale na nga ang importante eh, nagka pera ako heheh.

Tinignan ko yung pera na binigay nung matanda, wow 500? Kung dito nalang kaya ako tumambay araw-araw no? Magkakapera pa ako, umupo lang ako dito tapos nagka 500 na ako.

"Hi miss, wala ka bang matutuluyan?"

Napatingin naman ako sa lalaking nasa harapan ko. Mga nasa 25 or 26 na yata sya.

"Ano?" Di ko masyadong narinig yung sinabi nya eh.

"Oyy pare ba't di mo kami inanta-- woah sino 'tong magandang babae na kasama mo bro? Chix mo ba huh?" Tanong nung lalaking kakalabas lang, magkaibigan yata sila.

"Anong pangalan mo Miss? Gusto mo bang sumama samin, birthday kasi ng isang kaibigan namin nag pa-party sya sa bahay nila, baka gusto mong sumama?"

"Eh? Hindi okay lang ako."

"Maraming maiinom dun at saka pagkain, kahit anong gusto mong pagkain nandun." Saad nong lalaki na ikinangiti ko.

Heheh nag banggit sya ng pagkain eh.

Napatayo naman ako. "Talaga maraming pagkain?? May fried chicken ba don? Spicy ba?" Sabik kong tanong.

Nagkatingin silang dalawa nung kaibigan nya at saka ngiting binalingan ako ng tingin.

"Oo, meron don marami."

"Sige tara, asan ba yung bahay na pupuntahan nyo?"

"Basta kami na bahala sayo, sumakay ka nalang sa kotse namin." Saad nung lalaki at nag simulang maglakad, inakbayan naman ako nun kaibigan nya at nagka simula na rin kaming sumunod dun sa kainin nya.

Pinag buksan ako ng pinto nung lalaki, papasok na sana ako ng biglang may humawak sa pulsuhanan ko.

"San nyo sya dadalhin?" Malamig na tanong ni Hubby.

"Oh, sino yan? Sino ka ba pare?"

"Oo nga sino ka ba ha?!"

"I'm her husband!"

"Ah, ikaw youg asawa ng pulubi na babaeng 'to?" Natatawang sabi nung lalaki.

Pulubi? Ako? Sinabihan nya ako ng pulubi?! Abay gagu napagkamalan talaga ako na pulubi!

"Akala ko nga pokpok 'to eh." Dagdag pa nya.

H*tangina pokpok?

"Pulubi? Tsk napagkamalan nyo lang siguro na pulubi ang asawa ko."

"Ah, so di kayo pulubi."

"Kayo? We're not poor okay... baka kayo, look at your car ang daming gasgas, wala ba kayong pambili ng bago? Gusto nyo bang bigyan ko kayo ng pera pambili ng bago?"

"Aba ang yabang mo ah!"

"Mayabang na kung mayabang, wala akong pake. At subukan mo ulit tawagin na pokpok ang asawa ko, babasagin ko yang pagmumukha mo!" Hinila ni hubby yung kamay ko at pinapasok sa kotse nya.

"Ano bang pumasok dyan sa utak mo at pumayag kang sumama sa kanila!"

"Birthday daw kasi nung kaibigan nya tapos marami daw pagkain don."

"Di mo naisip na baka may gawin silang masama sayo! Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan! Di ka nag iisip!"

Napakagat nalang ako ng kuku ko, grabe sya maka tawag ng tanga sakin ah!

(End of flashback)

"Si love talaga yong may kasalanan nun Trix, sabi nya sakin na babalikan ka nalang daw namin. Nag date kasi kami non gusto akong suluhin ni love."

"Binalikan naman kita diba?! Kung di kita binalikan baka nga may masama ng nangyari sayo."

"So, dapat pala magpa salamat ako kasi binalikan mo ako? Kung di mo sana ako iniwan dun... hayst! Tara na nga lang tapos na akong kumain."

"Trix sandali lang," Tawag ni Davey sakin pero nag patuloy parin ako sa paglalakad. Napahinto ako ng may humawak sa siko ko.

"I'm sorry okay, sorry kase niwan kitang mag isa. Sorry din kase nasigawan kita, nagalit lang naman kasi ako dahil di ka nag iisip. Alam mo bang marami ng masasamang tao sa mundo, ambilis mo naman kasing magtiwala sa isang tao dapat di ka sumama pag di mo kakilala lalo na kung lalaki." Wika ni Ken. Napabuntong hininga naman ako.