CHAPTER 57
"Trix?" Tanong naman ni Davey. Napakagat ako ng labi, pano ba 'to? Pag di ako papayag magtatampo si Davey sakin... pag papayag naman ako eh magagalit si Ken sakin.
"Ah ha ha okay lang yun syempre, mas masaya nga yon kase tatlo tayong mag... da-date..." Narinig kong napamura si Ken at may binulong bulong pa sa sarili.
"Woah, magiging masaya 'to. Car ko nalang ang gagamitin natin, ako na mag da-drive."
Lumapit ako sa kay Davey. Syempre mauuna na akong sasakay.
"You look gorgeous, Trix." Manghang sabi ni Davey saka ngumiti sakin. Ngumiti din naman ako sakanya.
"Ikaw talaga bolero ka Davey." Natatawang sabi ko. Inilapit ni Davey yung mukha nya at akmang hahalikan na nya ako sa pisngi ng biglang hinarang ni Ken ang palad nya.
Naramdaman ko nalang na mahina nyang tinampal ang pisngi ko.
_
Ken Fernandez's Pov.
"May lamok kasi." Seryoso kong sabi. Tinignan naman ako ni Trixie ng masama.
Ano gusto mo talagang mag pahalik kay Dave?! Kung maka tingin sakin ng masama wagas! Gusto nya siguro talagang magpahalik eh!
"Pumasok ka na nga dyan. May kamay ka naman diba, inaantay mo pa talagang pag buksan ka pa ni Dave ng pinto!" Inis kong sabi. Tinaasan nya naman ako ng kilay.
"Ang oa mo, mabuti nga si Davey gentleman eh ikaw... Tsk di ka pala matatawag na man kasi bakla ka bleeh." Saad nya bago sumakay.
Yung babaeng yun! Kanina pa talaga ako naiirita sayo ah! Tsk bwesit kaming dalawa ni Trix, date namin to eh diba? Ah, ehh hindi naman sa ayaw kong nandito si Dave pero... pero ano ahhmm... diba nga sinabi ni Daddy na kailangang may maipakita akong litrato sa kanya para may proof na nag date nga talaga kaming dalawa... Oo tama-tama yun lang yun, yun lang ang dahilan okay!
"Musta ka na love? Sorry di ako nakatawag sayo, busy kasi." Malungkot na sabi ni Dave. Pero bakit feeling ko umaacting lang sya? Hay baka feeling ko lang yun.
"Okay lang." Tanging sabi ko. Yayakapin na nya sana ako at hahalikan sa labi pero umiwas ako kaagad kaya sa pisngi nya ako nahalikan...
Ewan ko ba pero parang kusa nalang umiwas 'tong ulo ko eh.
"May problema ba love?"
"W-Wala naman. Ano lang, di ako nakapag toothbrush heheh." Sabi ko napakamot naman ako sa batok ko. Teka nag papalusot ba ako? Nakapag toothbrush naman kasi talaga ako eh iwan ko ba bakit ko nasabi yun!
Di ko na inantay na pagbuksan nya ako nang pinto kasi ako na ang kusang nag bukas at sumakay.
_
Trixie Forteza Fernandez's Pov.
"So san tayo pupunta?" Tanong ni Davey ng mag simula na syang mag maneho.
"Mall." Excited kong sagot.
"Mall?" Tanong nilang pareho. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Ken, pero kaagad ding bumalik ang tingin ni Davey sa daan.
"Ahm, amusement park nalang." Sabi ko habang napapaisip.
Gusto ko kasi talagang bumalik don, gusto kong sakyan si hubby este gusto kong masakyan lahat ng mga rides dun.
"Amusement park?" Eyy ba't sabay sabay kayo kung mag tanong tapos pareho pa. Nako ayaw kong sabihin sa inyo yung word na meant to be no, kasi para sakin lang yun at kay hubby ang word na 'MEANT TO BE'
"Ano 'to? Repeat after me? Ba't nyo ba inuulit yung sinasabi ko? Tsk sa ano na nga lang..."
"Sa ano?"
"Mall."
"Ano naman gagawin natin dun?" Kunot noong tanong ni Ken sakin.
"Siguro tatae tayo sa mall o di kaya matutulog." Pilosopong sagot ko kay hubby.
Matalim nya naman akong tinignan.
"Heheh gusto ko lang mag ikot-ikot dun, tumingin-tingin tapos pag may pagkain eh..."
"Pfft, syempre di naman talaga mawawala ang pagkain pag mag da-date lalo na kung ikaw ang kasama Trix." Natatawang sabi ni Davey.
"Grabe ka sakin Davey, pinamumukha mo talagang matakaw ako." Nakasimangot kong saad.
"Hahah 'to naman, matakaw ka nga pero di ka mataba no. Saka ang cute mo nga pag kumakain ka."
"Aheheh ano bayan masyado kang bolero Davey. Sige ka baka mahulog ako say..." Napatingin ako kay Ken na ang sama-sama ng tingin sakin, parang gusto na nya akong patayin sa oras na 'to. Napalunok naman ako dahil dun.
Gusto ko munang mag pakasal sa simbahan bago mamamatay Ken.
"I mean, baka mahulog ako sa upuan kung di ako mag seatbealt... ah ha ha naka setbealt na pala ako." Tumahimik nalang ako hanggang sa makarating kami sa mall.
_
"Waaa ang ganda naman nito!" Sabi ko habang tinitignan yung mga ibat-ibang hairpin.
Kung may pera lang sana ako eh bibilhan ko talaga to lahat. Kung highschool pa ako ay mabibili ko talaga tong lahat kase syempre may baon eh, pumapasok lang naman ako sa school dahil sa baon pero nung simula kong makita si Ken. Heheh dalawa na ang dahilan ko para pumasok, dahil sa baon at saka para makita si Ken araw-araw.
"Gusto mo ba yan?" Nagulat ako ng may nag salita sa likuran ko. Hay si Davey lang pala, tumingin ulit ako dun sa mga hairpin.
"Oo... Sana..."
"Gusto mo bang bilhin ko yan para sayo?" Nakangiting tanong nya sakin. Si Davey talaga eh pala ngiti sya. Hindi ko pa sya nakikitang nagalit, paniguradong marami ang nagkakagusto sakanya nung highschool pa sya kasi bukod pagiging gwapo, mabait pa.
"Talaga Davey?" Mas lumawak ang ngiti ko ng tumango sya. Oh kita nyo na ang bait nya diba, lalong-lalo na sakin.
"Ako na ang bibili nyan para sa kanya. Ito gusto mo rin ba 'to? O yan nalang kaya lahat bilhin natin, gusto mo?" Tanong ni hubby na kakarating lang.
Galing sya sa banyo gusto nga sana syang samahan ni Davey pero 'tong baklang to ayaw naman, tsk nuon nga kahit nag papasama sya. Nag away kaya sila? Kita ko rin kanina yung pag iwas nya nung hahalikan na sana sya ni Davey.
Sus, pakipot talaga eh no, nag tatampo siguro sya. Ah, ano bang pake ko kung ano man yung dahilan ba't sya nag tatampo?!
"Hindi na love, ako na ang bibili nyan para sa kanya. Regalo ko na 'to sa kanya." Sabi ni Davey. Kumunot nama yung noo ni Ken.
"Regalo? Di nya naman birthday!"
'Grabe hindi ba pwedeng advance Ken? Pati ba naman sa pag bili ni Davey sakin ng hairpin ay ipag dadamot mo pa.'
"Ah, oo nga pala birthday mo na ngayong Monday. Nag tatampo ka ba sakin dahil dun love? Gusto mo rin ba ng hairpin? Ikaw nalang ang bibilhan ko nito, okay lang ba sayo yun Trix?"
"Ha? Ahh, oo... Okay lang naman, h*tangina sanay naman ako."
"Sh*t! Anong tingin mo sakin bakl-- I mean ayoko ng ganyan Dave."
"Ano bang gusto mo?"
"Na umalis ka."
"Ano?"
"Sabi ko wala, wala akong gustong regalo." Sagot ni hubby. Tumango-tango nalang si Davey at saka ngumiti sa kanya.
"Pumili ka na ng gusto mo dyan sa mga hairpin na yan Trix, para mabayaran na natin." Sabi nya kaya pumili na ako... Heheh di na pala ako pumili kasi kinuha ko na lahat, lahat kase gusto ko eh, pake nyo ba duh! Char!
Natawa naman si Davey sakin. "Mukhang lahat pala gusto mo." Habang si Ken naman ay naka kunot lang ang noo habang pabalik-balik ang tingin sa amin.
Galit ba si Ken saming dalawa ni Davey? Ba't ba bad mood yata sya ngayon? Tsk di ko sya maintindihan! Binayaran namin yun este ni Davey heheh.
Napunta naman kami dun sa may mga display na guitar.
Napatitig ako dun sa kulay itim na guitara.
"Hmm, na miss ko tuloy yong mga guitara ko. Tagal ko na rin hindi nakakahawak ng guitara." Saad ko sa sarili.
"Ba't mo ba gustong mag punta dito Trix? Oh, you know how to play guitar?" Tanong ni Davey. Napatawa naman ako.
"Hindi ah, gusto ko lang tumingin-tingin Davey."
"Tsk, titingin-tingin lang pala." Pag paparinig naman ni Ken at tumingin tingin din sa mga guitara.
Tsk, kala mo naman ako lang tumingin sya rin kaya.
"Oo nga pala love, marunong kang mag guitara diba?" Tumango-tango lang si hubby bilang sagot.
"Ano plano mo bang bumili ng guitar, gusto mo bang ako na bumili para sayo? Tell me?"
"Wag na."
"Ako bilhan moko Davey." Saad ko sabay taas ng kamay, agad ko namang binaba yung kamay ko ng seryoso akong tinignan ni Ken.
Luh, ayaw nyang magpa bili di ako nalang. Sayang yong offer no.
"Aanhin mo? Di ka naman marunong diba." Kumunot naman 'tong noo ko dahil sa sinabi ni Ken, para kasi syang nang aasar!
"Marunong kaya ako!"
"Diba sabi mo kanina hindi?" Napakamot ako sa ulo, ba't kasi paiba iba yung sinasabi mo Trix?! Yan tuloy nagugutom sila, baka sabihin nilang napakasinungaling kahit totoo naman talaga este hindi totoo.
"I mean, marunong ako pero... pero kunti lang."
"Ahaha yon naman pala eh, kunti lang. Marunong din akong mag guitar gusto mo bang turuan kita?" Di ko naman kailangan magpa turo eh. Ano kaya isasagot ko nito?
"Ako na ang mag tuturo sa kanya Dave." Sabi ni hubby. Teka nga kanina ko pa talaga napapansin yang tawag ni hubby kay Davey. Ba't yata si Davey lang ang tumatawag kay Ken ng love, simula pa kanina? Di bale na nga lang.