CHAPTER 56

"Eh, ano naman kung babae ka?!" Ay oo nga pala babae din sya tsk.

Nakapamaewang syang tumayo at seryoso akong tinignan.

"Pag sinabi kong ako yung masusunod, ako talaga ang masusunod. Naiintindihan mo?" Sabi ko at tumayo din saka nag crossed arm ako.

"Pano kung ayaw ko? May magagawa ka ba dun... Hmm...?" Nanlaki ang mata nya sa ginawa ko.

"Ay sorry di ko sinasadya, kalimutan mo nalang na nangyari yun." Nakangising sabi ko.

Tsk, binawi ko lang naman yung halik okay.

Ninakawan mo ako ng halik kaya ninakawan rin kita ng halik. Pero di ko yon sinasadya ah, gaya nong sabi mo sakin na di mo yon sinasadya.

"A-Anong di s-sinasadya ha! Gaga ka! Isampal ko kaya yung sorry sa pagmumukha mong bruha ka!"

"Mas oa ka pa pala sakin eh no, yung kagabi? Nung hinalikan mo ako... Ano ba sinabi mo sakin?" Bigla naman syang natahimik.

"Sabi mo 'Sorry, di ko sinasadya. Kalimutan mo nalang na nangyari 'yun.' Nasaktan ako dun kasi nag sorry ka pagkatapos mo akong halikan, gustong-gusto kong tumalon-talon dahil sa sobrang saya pero nung sinabi mo yun para mong pinamukha sakin na nagsisisi ka sa pag halik sakin. Alam mo naman gustong-gusto kita diba? Di ko na alam kung aasa ba ako dahil dun o siguro nga wala lang talaga yun..." Napakagat ako sa ibabang labi ko, oa ko ba? Ang oa ko na ba? Eyy, yakkkss ba't ganyan ka Trix?!

"Tsk, kita mo yang eye bags ko! Di ako nakatulog dahil don! Di ako makatulog dahil sayong bakla ka!" Sigaw ko sakanya. With pag talsik sa laway pa yan para mas feel nya!

"S-Sa t-tingin mo ba ikaw lang y-yung di n-nakatulog ha!" Utal-utal nyang sabi. Tsk may pa utal utal ka pang nalalaman dyan! Di bagay sayo!

"Aba anong sinasabi mo ha! Na hindi di ka rin nakatulog kagabi?! Wag kang mag sinungaling kasi dinig na dinig kitang humihilik!"

"Hayst! Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan!" Bulyaw nya sakin bago umalis.

"Hayst! Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan. Tsk, nye nye nye bakla talaga!" Kausap ko sa sarili at ginaya-gaya pa sya.

Tinapos ko muna yung natitirang kanin at ulam sa plato ko pagkatapos eh umakyat na ako sa taas.

Nag haft bath lang ako. Hay may nakapag sabi kasi sakin na di maganda ang maligo pag walang tulog ganon. Ah basta marami pa akong narinig tungkol dun eh ayaw ko namang may masamang mangyari sakin no!

Kailangan kong alagaan ang sarili ko no, dapat healthy ako. Hindi dapat ako kumakain ng junk foods at saka umiinom ng soft drink tapos dapat kain ako ng kain ng gulay.

Teka parang baliktad yata yun ah, heheh lagi akong kumakain ng junk foods at umiinon ng soft drink, minsan lang din ako kumakain ng gulay...

SIGE TRIX! IPAGPATULOY MO LANG YAN!

DRINK SOFT DRINK EVERYDAY PARA HEALTHY LIVING, EARLY LIBING!

Hmm ayuko naman ng ganon, siguro babawas-bawasan ko na ang pag iinom ng ganun at pagkain din ng junk food no?

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong mag bihis, nilingon ko naman si Ken. Sabay pala kaming lumabas sa mga kwarto namin.

Awieee meant to be talaga kami eh sabi ko na sainyo diba.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa tapos paa hanggang ulo naman. Nako Ken nahihilo na ako dahil sayo ba't ba ganyan yong tingin mo sakin.

Nilingon ko yung suot ko, hmm may mali ba sa suot ko? May dumi ba? O baka naiinggit lang sya sa dito?

Nakasuot ako ngayon ng whole dress, kulay red. Favourite color ko talaga ang red. Kita pa yung cleavage ko sa damit na 'to. May pa cleavage ako diba mainggit kayo charott!

"Mag palit ka dun." Diin nyang sabi. Napakamot ako sa ulo p**angina madami-dami na siguro talaga 'tong mga kuto ko sa ulo no?! Magpa kalbo nalang kaya siguro ako para walang zoo dito sa buhok ko, feeling ko kasi hindi lang kuto ang nakatira dito... Heheh joke.

"Ha? Bakit? May mali ba sa suot ko?"

"Tignan mo nga oh kitang-kita yang cleavage mo! Paniguradong pag titingan ka ng mga lalaki!"

"Eh, ano naman kung pag titinginan nila ako? Tsk, gusto nya sigurong sya ang titigan ng mga lalaki." Bulong kong sabi sa sarili pero parang narinig nya yata yun kasi tinignan nya ako ng masama.

"Mag bihis ka na dun!" Sabi nya at binuksan yung pinto ng kwarto ko saka ako tinulak papasok sa loob, nagtaka naman ako ng pumasok din sya sa kwarto ko.

Nag tungo sya sa cabinet ko.

"Anong ginawa mo sa cabinet?"

"Kinakamusta ko sya."

"Kanina ka pa talaga namimilosopong bakla ka! Ano nga?!"

"Nag hahanap ako ng susuotin mo, okay?" Sabi nya at inarapan ako.

"Luh, ba't pati sa susuotin ko eh ikaw ang mag de-desisyon!" Maktol ko na parang bata. Ano bang nakain ni Ken at ganyan sya! Tsk, di naman nya pinapakialaman kung ano yong sinusuot ko eh. Wala naman syang pake sakin! Parang hindi na sya yong baklang Ken na kilala ko!

"Tumahimik ka nga dyan, tsk para kang bata!" Tumahimik ka nga rin dyan! Para kang tatay! Tsk, kung maka asta daig pa yung Daddy ko.

"Pano nalang kung magka anak tayo, ano ganyan ka pa din? Baka pag laki ng magiging anak natin eh mas matured pa sya mag isip kesa sayo..."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya, nanlaki din yong mata nya... Na realized nya siguro yung pinagsasabi nya..

"T-Teka ba't n-napunta ang usapan sa a-anak..." Di ko talaga mapigilang hindi mautal, pano bayan kinakabahan kasi ako.

"O-Oh 'to yung s-suotin mo. S-Sige l-labas muna ako, m-may nakalimutan lang a-akong kunin sa k-kwarto." Utal nyang sabi at binato sa mukha ko yung damit na susuotin ko. Mabilis naman syang lumabas ng kwarto.

Sakit ng mukha ko h*tangina! Ba't kailangang ibato sa mukha ko kung pwede namang ibigay nya ng maayos, diba? Tsk pupunta sa kwarto ulo! Ang sabihin mo pupunta ka sa c. r para sumuka, sigurado namang nasusuka sya dun sa pinagsasabi nya. Ano ba kaseng pumasok sa isip nya at napunta yung usapan sa anak anak na yan?

Gustong-gusto na niya ba talagang maging Mommy? Ang gagu so sinong Daddy? Ako? H*tangina gusto pa yata akong gawing Daddy ah! Sabi nya kasi kanina na 'NATIN' diba? So anak nga naming dalawa.

Tinignan ko yung damit na binato ni Ken sakin.

H*tangina! Jacket? Jacket talaga?! Baliw talaga 'tong si Ken eh, tsk bahala ka dyan di ko susuotin tong jacket at saka pantalon! Nakakasawa na kaya ang ganyan!

Kala ko ba walang pakialaman!

Iniwan ko lang yumg jacket at saka pantalon sa kama. Nag salamin muna ako saka tinignan ng mabuti yung suot ko.

"Tsk, okay naman ah. Ang ganda ko nga eh, duh! Inggitira lang talaga ang baklang 'yun."

Lumabas ako ng kwarto nagulat naman ako ng nasa harapan ko pala si hubby.

"PASOK!" Diin nyang sabi. Mabilis naman akong umiling.

"Kala ko ba walang pakialamanan huh! Ipapaalala ko lang sayo yung sinabi mo sakin nun nakaraa--"

"Oo na sige na!" Galit nyang sabi at tinalikuran ako. May sayad na siguro sa utak si hubby no?

Mabilis akong sumunod sa kanya.

"San ba tayo mag da-date?" Tanong ko.

"Akala ko ba ikaw ang masusunod!?"

"Sinabi ko ba yun?"

"Tanga-tanga ka din, wala ka talagang kwentang kausap kahit kailan." Iling nyang sabi.

"Mas tanga ka! Kala mo naman may kwenta din syang kausap!" Pabulong kong sabi sa huli.

Pinagbuksan ako ni hubby ng pinto, napangiti naman ako pero agad din yong nawala kasi naalala ko na naiinis pala ako sakanya.

Papasok na sana ako nang biglang...

"Love." Napalingon kaming dalawa.

"D-Dave?"

"Anong ginawa mo dito... Ah tama sabado nga pala ngayon." Oo nga naman sabado pala ngayon, ano ba yan ba't ambilis ng araw? Parang kahapon lang nong nag punta dito si Davey eh.

"Mukhang may lakad kayo ah." Nakasandal ngayon si Dave sa sasakyan nya. Ang gwapo nya talaga my god, kung di ko lang naunang nakilala si Ken eh siguro dito ako nagka gusto?

Ano kaya sasabihin ko? Magagalit naman si hubby sakin pag sinabi kong mag da-date pala kami, baka mamaya pag uwi namin eh sabunutan ako ng baklang 'to!

"Ah, eh may bibilhin lang sana kami sa ma--"

"Mag da-date kami ni Trix." Agad akong napatigil kay Ken. Sinabi nya ba talagang mag da-date kaming dalawa? Sinabi nya talaga dyan mismo sa bibig nya?

*Iling*iling*

Baka gusto nya lang maging honest kay Davey ngayon Trix, wag kang mag isip ng kung ano dyan!

"Ah ganun ba, pwede bang sumama sa inyo? Mag date tayo, tayong tatlo." Ngiting sabi nya.

Mas guma-gwapo rin si Davey pag naka ngiti. Siguro kung may ibang babae dito eh, laglag na yong panty nun.

Teka nga anong sabi nya?

"Kaming tatlo? Si Davey, si Ken at saka ako? Baka gawin lang nila akong third wheel nyan." Bulong kong sabi sa sarili. Napasimangot naman ako saka napakamot sa batok.

Hmm, okay lang naman siguro yun, para namang first time naming tatlo magkasama. Di rin naman ako ma o-op kasi di hinahayaan ni Davey na ma op ako pag kasama ko silang dalawa.

"U-Uhm, okay lang ba sayo yon Trix?" Tanong ni Ken sakin. Tumingin ako sakanya. Kita kong parang naiinis sya... Teka kanino sya naiinis? Sakin? Kasi ba mag da-date kaming tatlo? Baka iniisip ni Ken na sagabal lang ako sa kanilang dalawa.