CHAPTER 55
Third Person's Pov.
Minulat ni Trix ang mata nya at tinitigan ang mukha ni Ken na natutulog.
Di parin talaga mawala sa isip nya yong nangyari.
Pinikit nya yong mata nya at pinipilit nanamang makatulog.
Samantalang si Ken naman ay minulat nya ang kanyang mata at tinignan si Trixie na nakapikit. Ang buong akala nya ay natutulog na si Trixie at ganon den naman ang akala ni Trixie na tulog na si Ken.
Wala silang ibang ginawa kundi ang pumikit at minulat ang mata pagkatapos ay titigan ang isat-isa.
Sabihin na nating para silang mga TANGA.
'Anong oras na kaya?' Tanong ni Trixie sa isip nya.
'Anong oras na ba? Sa tingin ko umaga na yata? Mukhang kailangan ko ng mag luto.' Tanong den ni Ken sa isip nya.
'Tulog pa naman siguro si Ken.'
'Tulog pa naman siguro si Trixie.'
Sabay nilang minulat ang kanilang mga mata, nagka tinginan sila sa isat-usa dahil sa gulat ay napapikit sila ulit. Isama mo na rin ang kahihiyan, naalala na naman nila yong nangyari kagabi.
'Kagigising nya lang ba?'
'H*tangina naman! Nakalimutan kong maaga palang nagigising si hubby!'
_
Trixie Forteza Fernandez's Pov.
'Hala baka mag taka sya kung bakit ang aga kong nagising. Eh? Ay mali-mali anong nagising ang pinagsasabi ko eh hindi nga ako nakatulog!'
Minulat ko yong mata ko at bumangon, shit! Ba't sabay naming minulat yong mata namin at sabay deng bumangon?! Meant to be nga talaga kami shems!
"G-Gising k-ka na pala, s-sige maiwan muna kita dito m-mag luluto muna ako." Ba't nauutal utal sya? Pfft, gusto ko na sanang matawa sa etchura nya e' kaso naalala ko na naiinis pala ako sakanya dahil kagabi.
"Okay sige, matutulog lang ako ulit. Gisingin mo nalang ako pag kakain na." Mataray kong sabi at humiga ulit, pinikit ko yong mata ko.
Narinig ko naman yong pag bukas at pag sara ng pinto, unti-unti kong minulat yong mata ko at sinilip kong wala na ba talaga sya dito sa kwarto.
Nakahinga naman ako ng maluwag, nang wala na nga talaga sya.
"Hooo mamatay na ako sa sobrang kaba... wait, ba't ka naman kakabahan Trix? Tsk, saka ba't ka naiilang huh?! Di mo naman kasalanan yong nangyari kagabi. Nadulas lang yong tuhod mo kaya natumba ka este kayo, dumampi yong labi mo sa labi nya at saka di mo rin kasalanan yong pag halik nya sayo no!"
Para na naman akong baliw, kinakausap yong sarili. Gutom lang siguro 'to.
"What the! H*tangina! 8:10 am na pala!" Napakagat ako sa pang ibabang labi ko.
Shems! Akala ko 5 or 6 am pa lang. Animal di ako makapaniwala na di ako nakatulog hanggang 8:10 am?!
H*tangina! Eh, ang Ken na yun naghihilik pa matulog kagabi mukhang komportable na komportable pa sya, samantalang ako walang tulog!
Ang unfair naman! Dapat di rin sya nakatulog ehhh! Nakakabwesit!
Tumayo ako at tinignan yung sarili ko sa salamin.
Sh*t! Laki ng eye bags ko. Nag mukha akong zombie na walang tulog... ah eh natutulog pa ba ang zombie? Pero kahit mukha akong sinuntok sa mata eh maganda parin naman ako duh!
Lumabas ako ng kwarto at bumababa.
"Oh, k-kala ko ba matutulog ka ulit?" Tanong ni Ken.
"Joke lang yun," Ganda rin ng palusot mo Trix, di talaga halata hayst.
"Anong lulutuin mo?" Tinignan nya ako sa mata at kaagad din namang umiwas. Kumunot naman yong noo ko ng mapansing malaki ang eye bags nya kagaya nitong sakin.
Eyy ba't ganyan? Nakatulog naman sya ng maayos kagabi hindi ba? Ano bang pake mo Trix? Syempre meron na medyo wala.
"Pancit canton lang muna tayo ngayong umaga."
"Spicy?" Tanong ko. Tumango naman sya. Mas gusto ko kasi yung maanghang.
"Okay." Sabi ko at umupo sa upuan.
"Wait san mo pala nakuha yang pancit canton?" Nagkamot naman sya ng ulo, nako Ken baka malagyan ng kuto yan!
"Sa kwarto mo." Seryoso ko syang tinignan.
"Anong sa kwarto ko?"
"Eh wala na tayong ulam na natitira sa fridge at tyaka wag ka ngang madamot! Kala mo naman ako lang kakain nito eh kakain ka rin naman, siguro nga 99% yubg makakain mo tapos akin eh, 1% lang." Wika nya.
Waa grabe ka den Ken! Pinapamukha mo talaga sakin na sobrang takaw ko ah!
"May pa 99% at 1% ka pang nalalaman kung sabihin mo nalang kaya sakin ng deretso na matakaw ako!"
"Eh, di masasaktan ka nun." Sabi nya. Tumawa naman ako ng pagak dahil dun.
"So, dapat pala na magpa salamat ako sayo kasi may malasakit ka sakin! Kapal mo din." Mananakal na talaga ako ng bakla! Nangangati na nga yung kamay ko oh, gustong-gusto na daw manakal.
"Oh!" Sabay bigay nya sakin nung plato na may lamang pangit canton.
"Aanhin ko 'to?" Tanong ko at tinaasan sya ng kilay.
"Itanim mo baka sakaling tumubo." Pilosopong sabi nya sinamaan ko naman sya ng tingin. Ipalamon ko to sayo ng buo pati na 'tong plato tamo!
"Kakainin mo yan malamang, gamitin mo din kasi yang utak mo paminsan minsan!" Kahit gusto ko man syang pilosopohin din pero wag nalang kase... Basta wala akong ganang makipag-talo!
"Ako lang ba kakain nito?!" Bagot kong tanong. Nilagay ko muna yung plato sa mesa at naka crossed arm syang tinignan.
"Ayaw mong mamigay diba?!" Kumonot naman ang noo ko dahil dun. Ayaw mamigay? May sinabi ba akong ganun? Bingi ka rin pala Ken.
"Bakit sinabi ko ba?!"
"Parang ganun na din yun! Kumain ka na dyan mabulunan ka san--" Di ko na sya pinatapos mag salita.
"Di ka kakain?" Seryoso kong tanong.
"Hindi na! Nawalan na ako ng gana!"
Ikaw pa talaga yung may ganang mag sabi ng ganyan huh! Kaloka ka bakla, kala nya siguro nakalimutan ko yung ginawa nya kagabi! Nakakawalang gana kaya yun!
Akmang tatalikuran na nya ako...
"San ka pupunta?!"
"Sa kwarto ko alangan namang sa kwarto mo diba!" Aba-aba lumalaban na sya huh! Isang pamimilosopo mo pa sakin Ken pipitikin ko na yang bunganga mo.
"Sasamahan mo akong kumain o sasamahan kita sa kwarto mo?"
"Ano?"
"Kakain ka o kakainin moko?"
"What?" Malapit na akong mapuno sayo Ken! Bingi ka ba o nag bibingi-bingian lang?!
"Kakain ka dito o ako ang kakain sayo!"
'H*tanginang ang bingi-bingi mong bakla ka! Sasakalin na talaga kita pag nag tanong ka pa!
"S-Sabi ko nga eh, k-kakain ako." Kinakabahan nyang sabi, nakahinga naman ako ng maluwag.
"Masunurin ka naman pala eh."
Nag simula na kaming kumain may bigla akong naalala.
"Hala!"
"Oh, bakit?" Gulat nyang tanong, napahawak pa sya sa dibdib nya.
"Si piggy? Kumain na ba sya? Pinakain mo ba sya? H*tangina baka namatay na yun!" Parang naiiyak kong sabi, ano bayan ayokong mamatayan ng anak! Kakaanak ko pa nga lang sakanya tapos mamamatay na sy-- eyy di ko nga pala yun anak.
H*tangina nag kakaanak ba ang tao ng sisiw? Baliw ka rin Trix, tanga-tanga ka.
"Ang oa mo, nandun parin sya sa garden buhay na buhay, okay? At saka pinakain ko na yun, kaya wag ka nang mag alala."
"Anong ulam nya? Pancit canton din ba?"
"Hayst! Ewan ko ba sayo Trix, di naman tao 'yung. Manok 'yun ok--"
"Mali ka Ken! Sisiw yun hindi manok, ambobo mo!" Bulyaw ko sakanya. Dapat ako yung mag sabi sayo na gamitin mo din yang utak mo paminsan-minsan!
"Pag lumaki ang sisiw ano ba tawag don?"
"Manok...?"
"Oh, diba. Ikaw na nga mismo nag sabi!" Napatampal ako sa noo ko.
"Hayst bobo na nga tanga pa, eh maliit pa nga yun kaya sisiw. Hindi pa naman sya lumalaki diba?! Ang advance mo din mag isip eh no!"
"Okay sige tama ka na, ako na yung mali. Kumain ka na dyan."
"Tsk, mabuti naman at alam mong mali ka."
"Oo na nga eh kumain ka na dyan, para makaligo ka na." Taka ko naman syang tinignan.
"Maliligo? Eh ayuko mamaya na ako maliligo!" Wait nga... gusto yata akong patayin ni Ken eh! Wala akong tulog tapos papaliguin ako?! Gano na ba talaga sya ka desperada na mawala ako sa buhay nya?
"Maliligo ka dahil aalis tayo." San naman kami pupunta? Ba't ba sinasabi ni Ken aalis kami pero di ko naman alam kung saan.
"San tayo pupunta?"
"Mag da-date tayo."
"Na naman?"
"Bakit ayaw mo ba?"
"Ahm, hindi naman sa ganon..."
"Anong hindi naman sa ganon, may pupuntahan ka ba? May lakad ka? Kasama mo ba si Steven? May date ba kayong dalawa?!"
"Luh, grabe ang daming tanong, isa-isa lang Ken malakas ang kalaban este mahina pala."
"Ano nga?!" Galit nyang sabi. H*tanginang gagu! Ba't ba sya nagagalit sakin?! Eh, wala naman akong ginawang masama takte!
"Wala naman akong lakad at saka ba't nasali sa usapan si Steven?" Tanong ko. Umiwas naman sya ng tingin sakin.
"Nevermind. Oh, saka nga pala ako yung mag de-desisyon kung saan tayo mag da-date, ako yung masusunod, maliwanag?!" Luh, ba't naman sya ang masusunod? Hindi ba pwedeng ako?
"Hindi. Ako yung masusunod kase ako yong babae." Saad ko.