CHAPTER 54

Hinanap ko yan ng hinanap kanina tapos nasayo lang pala! Pakialamera talaga 'tong si hubby kahit kailan ano.'

"Ikaw huh, pa secreto mo pala akong kinukuhanan ng litrato." Pang aasar nya.

"Eh, ano naman ngayon ha?! Kasalanan ko bang sobrang gwapo sarili ko na di ka kunan ng litrato! Di naman kita matitigan sa personal kaya sa picture nalang!" Napatulala naman sya bigla.

Eyy chance ko na 'tong makuha yong picture.

Dahan-dahan kong inangat yong kamay ko at kukunin na sana yong litrato na nasa kaliwang kamay nya pero bigla nalang nyang hinawakan ang kamay ko, nanlaki ang mata ko ng tinulak nya ang balikat ko pahiga at pinatungan ako.

"Ah ha ha! A-Anong g-ginawa mo h-hubby?? A-Ano ka ba pinapabilis mo nanaman yong tibok ng puso ko eh." Kinakabahan kong sabi sabay napalunok. Matutunaw na yata ako sa mga titig nya.

"Ba't ba sobrang honest mo pagdating sa nararamdaman mo para sakin Trix."

"E-Eh, g-gusto ko lang n-namang malaman mo yong n-nararamdaman ko t-talaga. Heheh gusto ko lang naman t-talagang mag s-share yon lang n-naman."

Ano bang masama kong mag share ako? Saka lagi ko namang sinasabi yon sakanya ah, di pa ba sya nasanay? Nasanay den naman akong binabalewa lang nya yong mga sinasabi ko nagtataka nga ako ngayon kong bakit ganyan sya... ewan di ko sya maintindihan.

"Alam mo ba kong anong epekto sakin non!" Kumunot naman yong noo ko.

"Epekto? Saan?" Tanong ko.

"Oh my, nag da-drugs ka hubby?" Di makapaniwala kong tanong sabay nag takip ng bibig. Sinong nag tulak sakanya para mag drugs sya? Si Davey ba?! O di kaya si Steven? Pero di naman sila close ni Steven eh, parang hate nga ni hubby si Steven kaya imposible yon!

Umalis sya sa pagkakapatong sakin at umupo ng maayos sa kama, inis nyang sinabunutan yong buhok nya at binalingan ako ng masamang tingin.

"Alam mo ang manhid mo!! Sarap mo talagang paluin ng kaldero sa ulo!"

"Damn ba't nakapangasawa pa ako ng bobo." May binulong pa sya pero di ko narinig.

"Aba ang sakit mong mag salita ah! Kong ikaw nalang kaya ang paluin ko ng kaldero sa ulo baka sakaling maging lalaki ka na!!"

"Di mo na ako kailangang paluin ng kaldero kase... kase..."

"Kase ano???!"

"Ayy ewan matutulog na ako!!"

"Bago ka matulog akin na muna yan."

Sabi ko at tinuro yong litrato na nasa kamay nya.

"Anong akin?"

"Ibigay mo sakin yan, yan oh." Sabay turo ulit nong litrato, ambobo mo naman hubby tagal mong makaintindi. Tinuro ko na nga yang litrato na nasa kamay mo tapos di mo parin gets?

"Eh? Sigurado kang sayo to?" Nakangising tanong nya at itinaas yong picture.

Napahawak ako sa ulo ko, kong hindi sakin yan eh kanino yan huh... sayo? Ang gagu pag sinasabi kong akin, akin okay!

"Oo ako nga kumuha ng litrato na yan bwesit ka, akin na dali!" Nilahad ko yong kamay ko at tinitigan lang ng baklang 'to yong kamay ko.

Hutangina naman! Ano tinitignan mo sa kamay ko, kuto?! Nilahad ko yong kamay ko para ibigay mo sakin yan, hindi yong mag hanap ka ng kong ano sa kamay ko!

"Eh, kanino bang mukha to?"

"Sayo?" Patanong kong saad. Syempre sakanya, alangan namang sabihin ko na ako. Halata namang mukha nya ang nandyan.

"Oh, edi akin to." Sinamaan ko naman sya ng tingin. Oo mukha mo ang nandyan pero di yan sayo gagu!

"Ano ka ba naman hubby!! Madami akong mga picture mo don sa kwarto, yon nalang ang kunin mo basta wag lang yan!"

"Ano bang special dito ha??!"

"Eh, ang gwapo mo dyan at saka cute pa, yan ang paborito ko sa lahat!!" Parang bata kong sabi. Para naman akong inagawan ng candy nito.

Nagulat ako ng bigla nyang hinila ang kamay ko papunta sakanya, napaluhod ako at napahawak sa balikat nya sya naman ay nakahawak na sa bewang ko.

H*tangina grabe ka na sakin hubby! Papatayin mo na yata talaga ako sa kilig!

"Ba't kailan mo pa 'tong litrato kong nandito naman ako mismo sa harapan mo."

"A-Ah, nagagalit ka kaya s-sakin pag tinititigan kita." Saad ko sabay iwas ng tingin. Hinawakan nya naman yong panga ko at hinarap ang mukha ko sakanya. Naramdaman kong mas idinikit pa nya yong katawan namin.

Sh*t mamamatay na talaga ako, nakakalaglag ng panty yong titig ni Ken sakin! Oh, no maluwag pa naman yong panty na suot ko baka malaglag na talaga!

"M-Matutulog k-ka na d-diba?" Utal-utal kong tanong. Napalunok ako ng hindi nya nag salita. Tinitigan nya lang yong labi ko kaya napagakat labi ako.

"Inaakit mo ba ako Trix?" Luh? Inaakit? Di ko naman sya inaakit ah, parang na walan yata ako ng time mang akit sayo hubby.

"H-Hindi ah, wag ka ngang feeling. Ngayon ka pa talaga mag tatanong kong inaakit kita eh, nong time naman na inaakit kita wala kang pake." Ang gulo mo rin hubby, naguguluhan na ako sayo.

"T-That was before."

Before? Eh ngayon kaya? Ahm ibig sabihin ba non eh wala syang pake noon pero ngayon meron na??

*Iling*iling*

'Wag kang mag assume Trix, wag kang mag assume okay!'

"Okay." Wala sa sarili kong sabi.

"Okay? Yon lang sasabihin mo?"

"Ah eh ano ba dapat sabihin ko?" Bulong kong tanong sa sarili.

"S-Sige matulog ka na at matutulog narin ako." Inalis ko yong kamay nya na nakahawak sa bewang ko at bigla nalang nadulas yong tuhod ko kaya natulak ko si hubby pahiga este kaming dalawa... pero nakapatong ako sakanya.

Anong klaseng kama 'to? Ba't madulas yata, hutangina di ko inaasahan yon ah---

Napamulat ako agad ang mata ko ng na realized ko na parang may labing nakadikit sa labi ko...?

Agad na nanlaki ang mata ko at ganon den sya. Ilalayo ko na sana yong mukha ko kaso bigla nyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan...

Sh*t! Sh*t! Sh*t! Anong gagawin ko!! Tutugunin ko ba yong halik ni hubby??? Hutangina may isa akong problema!

HINDI AKO MARUNONG HUMALIK SHIT!!

Ang tanging nagawa ko lang ay ang titigan sya, di ko naman kase alam ang eh, r-react.

"S-Sorry, di ko sinasadya. Kalimutan mo nalang na nangyari 'yon."

Umayos sya at humiga ng maayos aa kama at saka kinumotan ang sarili. Habang si me eh, tulalersss langgg!

'S-Sorry, di ko sinasadya. Kalimutan mo nalang na nangyari 'yon.'

'S-Sorry, di ko sinasadya. Kalimutan mo nalang na nangyari 'yon.'

Sorry? Sorry daw?

Inis kong sinabunutan yong sarili ko at inis na tinignan si hubby na ngayoy nakapikit! Natutulog na ba sya?!!

Narinig ko syang humilik kaya mas nainis ako.

Agad-agad ah!! Nakakatulog ka pa talaga sa ganitong sitwasyon!! Hutangina mababaliw na ako!!

Bwesit na sorry yan!

So ano yon! Hindi nya sinasadyang hawakan ang pisngi ko at halikan ako sa labi??! Hindi nya sinasadyang halikan ako!?? Aba di ko yata matatanggap yang sorry mo Ken!

Sinabi mo pa talagang kalimutan ko nalang ah! Sa tingin mo ba makakalimot ako? Pwes sa tingin mo lang yon bakla ka! Hutangina gusto ko ng umiyak! Okay na sana eh kaso nag sorry pa ang animal!

Humiga nalang ako sa tabi nya, tinitignan ko yong mukha nya. Nang-gigigil ako sayo sarap suntukin nyang mukha mong gagu ka!

Napatingin ako sa labi nya. Kikiligin na sana ako kanina eh kaso nag sorry ka pa! Tsk, pag gising mo bukas di tayo bati!! Bahala ka sa buhay mo!

_

Ken Fernandez's Pov.

Dinilat ko yong isang mata ko, inilayo ko naman ng kaunti yong ulo ko. Ang lapit lapit na kase nong mukha ni Trix sa mukha ko.

Napataas ang kilay ko, natutulog na ba sya? Nakakatulog pa talaga sya ah! Akala ko pa naman mamamatay na sya sa kilig, akala ko di sya makatulog dahil don.

Sh*t mukhang ako yata ang hindi makatulog nito!! Ba't ko ba kase yon ginawa?!! Hayst nababaliw ka na Ken! Pang ilang halik na ba yon? Ilang beses ko na bang nahalikan si Trixie?

Ah, oo tatlong beses. Una yong kasama namin si Steven sa kwarto yong tinulak ng gagong yon ang ulo ko. Pangalawa yong pinatikom ko yong bibig nya pero daldal parin ng daldal, napatutula sya non kaya naisipan kong sabihin sa kanya na baka guni-guni nya lang yon, tsk naniwala naman sya. Tapos 'to naman yong pangatlo. Hayst ba't sunod-sunod yata?

Hmm may nakain o nainom kaya akong di maganda kaya ako nagkakaganito? O baka naman ginayuma ako nitong si Trix??!

Speaking of gayuma, di naman ako naniniwala dyan.

Pinikit ko nalang yong mata ko, kahit di ako inaantok eh pumikit parin ako. Nakapikit nga ako pero yong gawi ko gising na gising.

Damn! Di talaga mawala sa isip ko yong pag halik ko kay Trix! Ewan ko ba pero naiisip ko na gusto ko syang halikan ulit...?!

*Iling*iling*

'Bakla ka Ken! Bakla ka! Tandaan mo yan!