Chapter 25-Painting
Argggh! Dami naming gagawin. Ano pa nga bang aasahan ko? 4th year colloge na ako. Tiyaga-tiyaga lang, gragraduate rin ako.
Sinimulan ko nang impisin ang mga gamit ko. Tapos na ang klase namin sa araw na 'to pero marami pa akong gagawin.
"Susunduin ka ba ni Kavez?" kuryosong tanong ni Paizel.
Doon ko napagtantong baka naghihintay pala sa akin si Kavez sa parking lot, "Oo, wait lang ha. Sasabihan ko na mauna na, may gagawin pa tayo eh," hindi ko na sila hinayaang magsalita pa, agad na akong tumungo sa parking ng aming school.
Nang makalapit ako sa sasakyan niya ay namataan ko nga siya roon na nakasandal.
"Kavez?" tawag ko sa kaniya habang kinakapos pa ng hininga.
"Oh? Lar? Bakit hinihingal ka?" napatuwid siya sa pagkakatayo.
"Mabilis akong naglakad papunta rito eh. By the way, mauna ka na."
"Why?" tiim-bagang niyang tanong.
"I have lot of things to do here," sagot ko sa kaniya.
"I will wait, then."
"No, you can go home now. I'm fine," ngumiti ako ng malaki sa kaniya.
"Lar, I'm your boyfriend. I'm willing to wait even though I have to bide many hours," tugon niya, seryoso ang mukha.
Bumuntong hininga ako, "Okay, okay. Sumama ka sa'kin sa library," ani ko sa tonong sumusuko.
Bakit kasi nagpumilit pa siya? Ayoko namang makaabala pa sa kaniya kahit boyfriend ko siya. Baka mamaya ay marami pala siyang gagawin.
"May gagawin ka bang projects or something?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad.
"I don't have."
Tumango-tango na lang ako. Pagdating sa library ay nakita kong naroon na si Arielle at Paizel. Gagawa kasi kami ng thesis, buti na lang silang dalawa ang kagrupo ko.
Umupo ako sa tabi ni Paizel, si Kavez ay nakipagkwentuhan na muna sa mga barkada niyang nandoon din sa library.
Siniko ako ni Paizel nang malakas kaya dumako ang tingin ko sa kaniya habang nakabusangot ang mukha.
"Bakit?" mahinahon ko pa ring tanong.
"Akala ko ba papaunahin mo na 'yon? Eh bakit nandito?" saad niya habang nakanguso kay Kavez.
"Gusto niyang maghintay eh," nagkibit-balikat ako.
Napatalon ako ng humampas ang isang libro sa aming lamesa. Ano ba yan? Library 'to ah bakit gumawa ng ingay?
"Paizel! Yexie! Gumawa na tayo, hindi tayo matatapos niyan," ani Arielle sa tonong parang guro.
Kapag talaga tungkol sa pag-aaral ay napakaseryoso ni Arielle at hindi niya kami pinagbibigyan.
Ilang oras ding tumagal ang pangangalap namin ng impormasyon para sa thesis namin. Buti na lang at hindi pa rin umaalis ang mga kabarkada ni Kavez, hindi siya nabagot sa kakaintay sa akin.
"Tara na," sabi ko sa kaniya.
Mabilis kaming nakarating sa kaniyang sasakyan, agad akong sumakay. Kalalabas pa lang namin ng Lozano ay may tumawag na kaagad sa akin. Sinagot ko naman ito,
"Hello Sercide?"
Napatingin ako sa gawi ni Kavez at nakita kong nakakunot ang kaniyang noo.
"May meeting tayo bukas, okay lang ba?"
"Okay, what time?"
"10 am."
"Okay, I will be there."
Matapos no'n ay binaba ko na ang linya. Kagrupo ko si Sercide sa isang project na kailangan naming gawin sa isang major subject. Bukas ay paplanuhin namin kung paano namin 'yon gagawin.
"Who's that?" pagalit na tanong ni Kavez na siyang ikinagulat ko.
"Ah, si Sercide. May meeting kasi kami bukas para sa project namin."
"Kahit Sunday?"
"Ahmm, Yes."
"Hindi ba sisimba tayo no'n?"
"8 na lang tayo sumimba, 10 ang meeting namin eh," suhestiyon ko sa kaniya. Kadalasan kasi ay 10 talaga kami sumisimba.
"Okay, can I come with you? To the meeting?"
"Oo naman."
Tumigil ang sasakyan. Bumaba agad siya at pinagbuksan ako.
"Thank you, Bye. Take care," pagpapaalam ko sa kaniya nang nasa tapat na ako ng gate namin at binuksan na niya ang makina ng kaniyang kotse para makaalis na.
"I will, 43, 53, 93!" pahabol na sigaw niya bago tuluyang pinaharurot ang kotse.
Pagkalabas ng simabahan ay kumain muna kami ng agahan ni Kavez. Na-late kasi kami kanina kaya hindi ko na siya nayayang makapag-agahan sa'min. Hindi rin ako nakakain dahil sa pagmamadali.
Tumungo agad kami sa bahay ni Elyss, isa sa kagrupo ko, roon kasi kami magmimeeting para sa aming project. Bumaba ako ng sasakyan at papasok na sana sa bahay nila nang mapansin kong hindi sumusunod sa'kin si Kavez.
"Halika na, pasok na tayo."
"I will wait here, okay na ako rito," nakangiting sagot niya.
"Talaga?" nag-aalangan kong tanong.
"Yes," hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.
"Sige, pasok na ko ha," sinuklian ko ang ngiti niya at pumasok na ako sa loob.
Tumagal din ng kalahating oras ang meeting namin. Kadalasan ay natagal 'yon ng isang oras, buti na lang ngayon ay hindi.
Umuwi kami ni Kavez sa bahay namin. Sanay na si Kavez na papasok siya sa aming bahay pagkagaling namin sa simbahan kaya ganoon na nga ang ginawa niya nang makarating na kami.
"Manang? Nandito na po kami."
Dumiretso si Kavez sa sala namain at umupo siya sa sofa. Hinarap ko naman siya.
"Kunin ko lang ang laptop ko sa taas."
Ihahakbang ko na sana ang paa ko nang magtanong siya,
"May gagawin ka pa?"
"Yes, yung thesis namin."
"Okay."
Umakyat na agad ako sa itaas. Mabilis kong kinuha ang laptop ko.
"I can help, para mas mapabilis ang gawain mo."
"Talaga? Sige, chapter 1 ang gagawin ko eh, kina Paizel na ang iba," masaya kong tugon sa kaniya.
Ipinakita at ipinaliwanag ko sa kaniya kung tungkol saan ba ang thesis namin. Binigay ko rin sa kaniya kung ano ang mga pwedeng gagawin niya.
"Kavez, Yexie, mamaya na 'yan kain muna kayo," napatingin ako sa malaking orasan na nasa aming harapan. Hindi ko namalayang 12 na pala, kailangan na naming kumain ng tanghalian.
"Kavez, halika na kain na muna tayo."
"Wait, matatapos na."
Nauna ako sa dining area para matulungan si manang sa paghahain. Ilang sandali ay pumasok na rin si Kavez sa dining. Umupo ako sa isang upuan at tinabihan niya naman ako.
"Manang, kain na rin po kayo," alok ko kay manang na lalabas na sana ng dining.
"Hindi na muna, busog pa ako."
Tinanguan ko na lang siya. Narinig ko ang kalam ng sikmura ko. Sinakop ng mga halakhak ni Kavez ang aking tainga.
"You're hungry," sabi niya habang natatawa pa.
Nilagyan niya naman ang pinggan ko ng kanin at menudo na niluto ni manang. Ito talaga ang paborito ko sa lahat ng mga niluluto ni manang.
Naiwan sa ere ang kutsarang puno ng kanin at ulam na isusubo ko na sana nang magsalita si Kavez. Ano ba yan, kung kailan gutom na ako eh HUHU.
"Natapos mo na ba lahat ng gagawin mo?"
"Oo," at sinubo na agad ang kutsara.
Kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsubo niya. Tumingin ulit siya sa akin pagkatapos no'n.
"My dad gave me condo, do you want to see it?"
Tumango ako ng mabilis, hindi ko mabuksan ang bigbig ko upang magsalita dahil ngumunguya pa ako.
"Okay, pupunta tayo pagkatapos nito," sagot niya bakas ang saya sa tono.
Dahil excited akong makita ang condo ni Kavez ay agad akong bumaba nang makarating na kami roon. Sumakay kami ng elavator, pinindot niya ito sa 12th floor. Ilang segundo lamang ay tumunog na ang elavator hudyat na nasa tamang floor na kami. Agad akong lumabas doon.
Habang binubuksan ni Kavez ang condo ay hindi ako mapakali, hindi ko alam kung bakit. Iginala ko agad ang paningin ko ng tuluyan niya na itong mabuksan. Ang buong condo ay kulay puti lamang. Natuon ang paningin ko sa isang painting na siyang nagbibigay-kulay sa condo ni Kavez. Lumapit kaagad ako rito.
"Ang ganda!" napasigaw ako nang sabihin iyon dahil sa paghanga.
"Pinagawa ko 'yan, I'm really sure you will like it."
"Oh! Gustong-gusto ko talaga."
Huli ko na napagtanto na ang painting ay Lerte's beach. May dalawang taong nakatalikod doon na nanonood ng sunset habang nasa barko. Sigurado akong kaming dalawa 'yon.