Chapter 27: Graduate
Isang katok ang narinig ko, hindi ko pa man ito pinahihintulutan na pumasok sa aking kwarto ay dumiretso na ito. Inaayos ko ngayon ang hikaw ko, nakasuot na ako ng toga. Gragraduate na ako!
Mula sa salamin ay kitang-kita ko ang abot-taingang ngiti ni mommy. Nangunot ang noo ko nang makita ang kislap sa gilid ng mata niya.
"Bakit po, my?"
"I'm so proud of you anak, nakatapos ka na."
"Thank you po," sumilay rin ang ngiti sa aking labi.
Nanlaki ang mga mata ko nang makaharap na ako kay mommy. Lumandas sa kaniyang pisngi ang luha. Kumuha agad ako ng tissue sa maliit na mesa na nasa aking kwarto. Pinunasan ko ito ng dahan-dahan. Naalala ko pa noon pinupunasan ni mommy ang luha ko tuwing ako'y umiiyak, ngayon ang pinupunasan ko naman ay ang kaniyang luha. Uminit ang gilid ng mata ko ngunit pinigilan ko ang pagbagsak ng aking luha.
"Bakit po?"
"Wala lang anak, magtatrabaho ka na kasi at alam kong ang susunod ay magkakapamilya ka na. Mamimiss lang kita."
Nginitian ko ulit si mommy, "Kahit po magkapamilya na ako, hindi ko po kayo makakalimutan. Tandaan niyo po 'yan," nagtaas pa ako ng isang kamay na parang nanunumpa.
Natawa si mommy dahil sa ginawa ko. Pinunasan din niya ang luha niya gamit ang kaniyang daliri.
"Ayt! Tama na ang drama! Baka mahuli pa tayo."
Sabay kaming bumaba ni mommy. Nasa kotse na si daddy, naghihintay sa amin.
Mabilis kaming nakarating ng Lozano. Tumambad sa amin ang mga college students, parents, teachers at iba pang panauhin. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag magtatapos ka na. Trabaho naman ang iintindihin ko sa susunod.
"Arabelle, Yexie Larina B."
Bawat pagtapak ng aking paa sa sahig paakyat sa stage ay lumalakas ang palakpakan. Wala mang cum laude, suma cum laude, o magna cum laude ay proud ako sa sarili ko. Marami akong pinagdaanan pero heto ako nasa stage kinukuha ang minimithing diploma.
Nang si Kavez na ang tatawagin ay pumalakpak ako ng todo. Cum laude si Kavez, alam ko may utak talaga siya, hindi lang siguro siya nagiging honor noong high school dahil sa pagiging badboy niya niya.
Matapos ang seremonya ay lumapit agad sa amin si Kavez at ang kaniyang daddy. Magkakilala na naman sila mommy, daddy at tito Louie, kaya wala ng problema. Napag-usapan na namin noon ni Kavez na kakain na lang kami sa isang restaurant pagkatapos ng graduation kasama ang aming mga magulang.
Nagtaka ako nang hindi ko makita ang mommy ni Kavez.
"Kavez, where's your mom?" tanong ko sa kaniya.
Napatingin ako kay mommy at daddy ng sabay silang matunog na lumunok. Anong meron? Ibinalik ko ang tingin kay Kavez.
"May urgent meering siya sa States, hindi niya pwedeng hindi daluhan," pagpapaliwanag niya.
Tumango na lang ako. Humiwalay na ako kina mommy at daddy sa sasakyan, kay Kavez na ako sumabay. Ang daddy niya ay may dala namang sariling sasakyan.
Nakarating kaagad kami sa restaurant na aming pagkakainan dahil malapit lamang ito. Pumwesto kami sa malaki-laking table. Umorder kami ng maraming pagkain, ang sarap talaga kapag ganito. Habang kami ay kumakain ay nagkukwentuhan naman sina mommy, daddy at tito Louie.
Naramdaman ko ang kamay ni Kavez na humahawak sa kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Katatapos lamang naming kumain. Dumako ang mata ko sa kaniya.
"Tito, tita, labas lang po kami ni Lar," paalam niya kay mommy at daddy.
"Okay," nakangiting sagot ni daddy.
Kahit na nagtataka kung saan kami pupunta ay tumayo pa rin ako at sinundan siya. Dumating kami sa kaniyang sasakyan. May kinuha siya roon. Nalaglag ang panga ko ng inilahad niya sa akin ang isang kahon, sa tatak pa lang nito sa unahan ay alam ko na agad na airpods 'yon. Humalakhak siya ng mahina ng makita ang pagkabigla ko.
"For you, Congratulations Lar."
Dahil sa tuwa ay niyakap ko siya. Hindi ako bumibili ng gano'n dahil may earphones naman ako, kailangan kong magtipid kahit na may trabaho si mommy at daddy. Tinanggap ko ito, tinitigan ko pa ito ng ilang saglit at iniangat ang tingin kay Kavez.
"But I don't have any gift for you. Dapat ikaw ang binibigyan ng regalo dahil cum laude ka," halata ang lungkot sa tono ko.
"Okay lang 'yon. I don't need any material gift. Ang makasama ka ay sobra-sobrang regalo na para sa'kin" sagot niya, malawak ang ngiti.