Chapter 24-Second
"How's your day, Lar?" kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya habang sinasabi 'yon.
"Fine, How 'bout you? I bet your busy, ngayong gabi ka lang nakatawag sa'kin eh," humalakhak ako ng mahina.
Malapit na ang pasukan namin bilang 4th year college. Ang bilis nga naman talaga ng panahon, dati-rati ay kapapasok ko pa lang sa Lozano ngunit ngayon malapit na akong makatapos.
"I'm also fine. Medyo busy nga lang nitong mga nakaraang araw, sinasanay na kasi ako sa pagmamanage sa company namin," malalalim na hininga ang pinakawalan niya matapos sabihin ang mga katagang 'yon.
"Okay, just take care of yourself," pagpapaalala ko sa kaniya dahil baka magkasakit siya.
"I will."
Malungkot ako dahil hindi man lang ata niya natatandaan ang anniversary namin pati ang kaarawan ko at sarili niyang kaarawan pero okay lang, siguro ay masyadong nalunod ang kaniyang isipan sa kompanya nila.
Second Anniversary na namin bukas, tatlo ang selebrasyon kung tutusin. Noong nakaraang taon ay dinala niya ako sa Palawan, doon kami nagcelebrate. Ngayong taon hindi ko alam kung ano ang pakulo niya o wala talaga siyang plano.
"By the way, I will fetch you tomorrow, 5:00 pm. I need to go. Bye! I love you!" pagmamadali niyang sabi sa kabilang linya.
"I love you too!"
May kaunti akong lungkot na naramdaman dahil hindi na naman kami nakapag-usap ng matagal ngunit nanaig sa aking kalooban ang saya dahil makikita ko na siya bukas at baka may gagawin siyang selebrasyon para sa aming dalawa.
Mabilis din akong nakatulog ng gabing 'yon. Kinabukasan ay naghanda agad ako ng aking susuotin kahit na alas-singko pa ng hapon ang pagkikita namin ni Kavez. Hindi ko maipagkakaila na naiinip na ako sa kakahintay sa pagdating ng tamang oras na susunduin na niya ako.
Bawat patak ng tubig sa aking katawan ay iniisip ko kung ano kaya ang gagawin namin ni Kavez mamaya. Matapos maligo ay agad akong nagbihis, pinatuyo ko rin ang buhok ko gamit ang blower at naglagay ng light make up. Papatayo na sana ako sa aking kinauupuan ng marinig ko ang sigaw ni manang Lerma.
"Yexie! Hinihintay ka na ni Kavez sa baba!"
"Opo," mahinang sambit ko at binuksan na ang pintuan.
Nakita ko ang pamimilog ng mga mata ni manang.
"Ang ganda mo, Yexie. Ayos na ayos ka ah? May pupuntahan kayo ni Kavez ano?" may halong birong tugon niya.
Hindi ko alam kung para saan ang tonong pabiro niya, sa tanong ba niya o sa pagsasabi sa akin na maganda ako.
"Salamat manang," banggit ko, hindi sinagot ang kaniyang tanong.
Nakatingala na agad si Kavez sa akin hindi pa man ako tuluyang nakababa sa aming hagdan. Kitang-kita ko ang kislap sa kaniyang mga mata, hindi talaga siya nagsasawang pakatitigan ako. Nang makalapit ako sa kaniya ay bigla na lamang siyang lumapit sa aking tainga,
"You're so beautiful," namamaos niyang sabi.
Dahil doon ay may kung anong kiliti akong naramdaman. Humarap siya kay manang na hindi ko namalayang pinagmamasdan pala kami.
"Manang Lerma, alis na po kami ni Lar," abot tainga ang ngiti ni Kavez.
"Sige, mag-iingat kayo," masiglang ani ni manang.
Naramdaman ko ang medyo magaspang na kamay ni Kavez na hinahawakan ang kamay ko.
"Let's go," nakangiti pa ring aniya.
Sumakay agad kami sa kaniyang kotse. Isusuot ko na sana ang seatbelt ko nang magsalita siya.
"Can I do that?"
Dumako ang mga mata ko sa kaniya, kahit nagtataka ay pinaunlakan ko naman ang kaniyang gusto.
Pinanood ko ang mukha niya habang nagsusuot siya ng seatbelt sa akin. Parang tumigil ang oras. Pinakatitigan ko ang lahat ng malalambot na parte ng kaniyang mukha, magmula sa makakapal niyang kilay, mga mahahabang pilik-mata, kulay dark-brown na mata, hindi katangusan ngunit hindi rin kapanguang ilong, hanggang sa mapupulang labi nito. Tumingin siya sa akin saktong nakatingin ako sa mga labi niya, kahit hindi tingnan ang mga mata niya ay alam kong nakatingin din siya sa aking labi.
Naestatwa ako at namilog ang mga mata nang maramdaman ko ang malalambot na labi niya. Ang sarap pala sa feeling no'n, hindi ko pa kasi nararanasang halikan ako ni Kavez sa labi, puro pisngi lamang ang naranasan ko sa nagdaang dalawang taon namin sa pagiging magkakasintahan. Ilang segundo lang siguro itong nagtagal ngunit ang pangyayaring iyon ay dala ko hanggang sa makarating kami sa aming paroroonan.
"Lar?"
Napatalon pa ako ng tawagin niya ako. Inilibot ko agad ang tingin sa buong paligid ng mapagtantong tumigil na ang sasakyan. Nasa Lertes Beach kami! Ang paborito kong lugar simula ng ipinasyal niya ako rito. Tumingin ako kay Kavez na ngayon ay maganda ang ngiti sa akin.
"Halika na, manonood tayo ng sunset."
Walang pag-aalinlangan akong bumaba ng sasakyan nang pagbuksan na niya ako. Masaya ako kahit simple lang ang inihanda niya, sobra pa nga ata ito para sa'kin ngunit nang makalapit sa dagat ay nalaglag ang panga ko.
Mayroon doong isang barko kung saan makikitang may lamesa at may mga nakahaing pagkain do'n. May mga kandila ring nakapalibot sa barko. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko. Ang emosyonal ko naman.
Humarap ako kay Kavez habang pinipigilan ang pag-iyak ngunit hindi ko na kayang pigilan ito, mabilis na tumulo ang mga luha ko.
Namilog ang mga mata niya ng makita ang luha ko. Dali-dali siyang humugot ng panyo sa kaniyang bulsa at saka pinunasan ang mga luha kong patuloy sa pagbagsak.
"Do you hate my surprise? I'm really so--"
Inilapit ko ang hintuturo ko sa kaniyang labi.
"Shhh... I really like it," nakangiting saad ko.
"But why are you crying?" nakakunot-noo niyang tanong.
"Because I'm so happy," medyo natatawa kong sabi, tumigil na ang pagpatak ng aking luha.
Unti-unti na ulit siyang ngumiti sa akin. Hinila niya na ako papunta sa dagat. Inalalayan niya rin ako upang makasakay sa barko. Dumiretso siya sa upuan na nakarap sa view ng sunset. Pinaupo niya ako roon, umupo rin naman siya sa tabi ko.
Kay gandang pagmasdan ng papalubog na araw habang narito kami sa barko, pinalilibutan ng malamig na simoy ng hangin. Bawat alon ng tubig ay sumasayaw ang barko.
Sa kalagitnaan ng panonood ay biglang nagsalita si Kavez,
"Happy second anniversary Lar! 43, 53, 93," nakatingin sa aking aniya.
Itinuon ko rin sa kaniya ang aking mga mata bago sabihing, "Happy second anniversary too Kavez! 43, 53, 93, 81, ILYT," at ibinalik ko ang tingin sa araw matapos ang ilang segundo naming pagtitigan.
Gumalaw ang mga kamay niya, dumako sa likod ng aking balikat. Namalayan ko na lang na ang ulo ko ay nakasandal na sa balikat niya habang pinagmamasdan ang magandang tanawin dahil sa paglubog ng araw.