Chapter 23-I, L, Y

"Hoy! Tama na 'yang landian niyong dalawa!" singit ni Paizel.

Unti-unting kumalas ang kamay ni Kavez sa akin. Nakakainis 'to si Paizel eh! Imbis na nakayakap sa'kin HUHU.

"Let's go, punta tayo sa teammates ko," anyaya ni Kavez sa akin.

Nagpatianod ako sa kaniya pababa ng court, sumunod naman sina Paizel at Arielle sa'min.

"Pre, ang galing mo! Wala ka bang pakain diyan? Celebrate naman tayo!" ani ng isa sa kateam niya.

"Oh, sige ba! Punta kayo sa bahay namin, we will celebrate," sagot ni Kavez.

Tumakbo siya papunta sa bench at hinugot ang cellphone niya mula sa kaniyang bag. Patakbo ulit siyang bumalik sa kinatatayuan ko.

"I will call Aling Lanie, papahanda lang akong pagkain," tinutukoy siguro ang kasambahay nila.

Tumango-tango ako sa kaniya. Sinumulan niyang pumindot sa kaniya cellphone at ilang sandali lang ay may kausap na siya sa kabilang linya,

"Hello, Aling Lanie? Pwede po bang magluto kayo ng pagkain? Nanalo po kasi kami sa game..... Yes, Thank you po...... Sige po, nandyan na po siguro kami makalipas ang isang oras."

Ilang minuto ring nagkuhaan ng litrato ang team nina Kavez.

"Arielle and Paizel can go to our house. I brought my car, doon na tayo sumakay," sabi ni Kavez sa'kin.

Humarap ako kina Arielle at Paizel.

"Sumama na kayo," pag-anyaya ko sa kanila.

"Sasama ka ba, Arielle?" tanong ni Paizel.

"Oo, wala naman akong gagawin pag-uwi sa bahay eh."

Sabay-sabay na kaming nagtungo sa sasakyan ni Kavez, sa biyahe ay tahimik lang kami. Ipinarada ni Kavez ang kotse niya sa kanilang parking lot. Dumating na rin ang ibang kateam niya.

"Pasok kayo!" sigaw ni Kavez sa lahat.

Sinalubong kami ng kasambahay,

"Mayroon na pong mga mesa at upuan sa garden, doon na po kayo tumuloy."

Dumiretso naroon ang iba, samatalang naiwan naman kami ni Kavez sa may pintuan. Sina Arielle at Paizel ay dumiretso na rin sa loob, kilala naman nila ang mga tao at nandoon din naman si Sercide, kateam kasi ito ni Kavez.

"Where's mommy and daddy?" tanong niya sa kanilang kasambahay.

"Wala po eh, pero napaalam na po namin na magcecelebrate kayo rito," mahinang sagot ng babaeng kasambahay.

Tumango lamang si Kavez at hinila na ako papunta sa kanilang garden. Umupo kami sa isang mesa na para sa aming dalawa lang ata. Ilang saglit pa ay inihain na ang pagkain. Amoy pa lang nito ay nasisiguro kong mabubusog talaga ako.

"What do you want?" tanong ni Kavez, kita ang kasiyahan sa kaniyang mata kahit na hindi naman siya nakangiti.

"Tuna pasta, parang masarap eh," abot tainga ang ngiti ko.

"Okay, coming," tumuwa siya ng bahagya, mahina rin akong humalakhak.

Umalis siya sa tabi ko dahil ang mga pagkain ay nasa isang mahabang mesa na tatlong dipa ang layo sa'min. Dumako ang mata ko sa pintuan papasok ng bahay nina Kavez. Nakita ko ang pagpasok ni Kyline kasama ang mga kabarkada niya. Kumunot ang noo ko, inimbita pala ito ni Kavez?

Inilapag ni Kavez ang tuna pasta sa harapan ko, ang mga mata niya ay nakapukol kung kanino ako nakatingin.

"Selos ka na naman?" ngiting-aso niyang sambit.

"Hindi ah, inimbitahan mo pala sila rito?"

"Hindi raw selos," pabulong na aniya kaya hindi ko ito masyadong narinig.

"Ano?"

"Sabi ko, hindi ko na natanggihan. Isinasama kasi no'ng isa sa kateam ko," mahinahon niya sinabi.

"Oh, okay," lang nasabi ko.

Punong-puno ng kuwentuhan at tawanan ang gabing 'yon. Matapos ang kainan ay naglabas naman ang mga kasambahay ng mamahaling wine. Umalis na rin ang mga kaibigan ko pagkatapos kumain.

"Kavez! Dito ka naman! Shot tayo!" bigalng sigaw ni Kyline.

"Hindi, ayoko," sagot ni Kavez, natatawa.

Nag-iwas na lang ako ng tingin nang may naramdamang kirot sa dibdib.

"Punta tayong labas?" narinig ko ang bulong ni Kavez.

Ipinukol ko ang mga mata ko sa kaniya.

"Ano namang gagawin natin do'n?" kuryosong tanong ko.

"Basta."

Bigla na lamang niyang kinuha ang kamay ko at dinala ako sa labas ng bahay nila kung nasaan ang parking lot. Mas lalong kumunot ang noo ko nang buksan niya ang kaniyang sasakyan at pumasok doon, lumabas siya ng may dalang isang maliit na carpet. Hindi ko inaasahang mayroon siya no'n sa kaniyang kotse.

"Para saan yan?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot at sa halip ay inilatag niya ang carpet sa damuhan, malapit pa rin sa kaniyang sasakyan.

"Halika, umupo ka rito," aniya matapos umupo roon.

Sinunod ko ang sinabi niya. Mula sa aming kinauupuan ay tanaw ang mga bituin sa kalangitan. Hindi ko tinanggal ang mata ko roon. Namutawi sa'min ang katahimikan, pinagmamasdan ang magagandang bituin.

"43, 53, 93," biglang sambit niya ng mga numerong 'yon sa gitna ng katahimikan.

"Huh?" nasabi ko sa pagtataka.

"I, L, Y," hindi ko ito sinagot, hinintay ko siyang magpaliwanag.

"I, L, Y. 'Yon ang ibig sabihin ng numero, phone code 'yon. Naalala mo lagi kitang nakakachat dati? I, L and Y means I Love You, I translate it to phone code... dahil ang feelings ko ay mas lalong lumala simula no'ng nagkaroon tayo ng communication sa Facebook."

Ang baduy na naman ng galawan niya pero hindi ito nakababawas sa nararamdamang kong kilig sa bawat ginagawa niya, sa totoo lang mas lalo pa ata akong nahuhulog. Ewan ko ba.