Chapter 22-Game

Okay na kaya ito?

Pabalik-balik na tanong ko sa aking sarili. Tinititigan kong mabuti ang suot kong dress. Weekend ngayon at may game sina Kavez. Blue dress ang suot ko, blue kasi ang kulay ng jersey nina Kavez kaya nagkulay asul na rin ako. Wala lang, gusto ko lang HAHAHAHA.

Lumapit ako sa table na siyang pinaggagawan ko ng banner para sa team ni Kavez. Siyempre mas malaki name niya, boyfriend ko iyon eh. Tinapos ko ang paglelettering, hindi talaga ako marunong sa ganito ngunit kaya ko naman pagandahin kahit kaunti para kay Kavez.

Inikot ko ang banner tsaka iniligay sa bag na dadalhin ko. Sa court pa rin ng school namin ang laro. Pumara agad ako ng taxi nang makalabas sa aming bahay, kailangan kong makarating kaagad doon. Ayokong mahuli sa panonood sa kaniya habang nagbabasketball.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag para tawagan si Paizel at Arielle. Gusto rin kasi nilang manuod, sa school na lang kami magkikita-kita.

"Paizel, nasaan ka na?" bugad ko nang sinagot niya na ang tawag.

"Paalis pa lang ng bahay, hintayin niyo na lang ako sa may gate."

"Okay, ingat," pinatay ko na agad ang tawag.

Hinanap ko naman ang number ni Arielle sa aking contacts at tinawagan na rin siya.

"Nasaan ka na?"

"Nandito na ako sa may gate, dalian niyo! Malapit na atang magstart!"

Nilayo ko ang tenga ko sa aking cellphone dahil sa lakas ng sigaw ni Arielle.

"Oo na, malapit na!" sagot ko sa kaniya, pasigaw rin. Parehas dapat tayong mabibingi!

Palibhasa player din ang love of her life kaya pinagmamadali kami. Lumabas kaagad ako ng sasakyan nang makarating na sa school. Sinalubong agad ako ni Arielle, nakabusangot ang mukha.

"Ang tagal niyo!"

"Hoy! 9am usapan natin, wala pang 9 oh."

"Ay wala pa ba," sagot niya sabay tawa ng mahina.

Hay nako, wala ata 'tong relo.

"Hintayin na muna na--, ayan na pala si Paizel" saad ko nang makitang pababa na ito ng sasakyan.

"Start na ba?" salubong na tanong niya.

"Hindi pa naman ata."

Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob, mabilis kaming nakarating sa court ng aming school.

"Do'n na lang tayo oh!" sabi ni Paizel nang makakita siya ng bakanteng upuan na kitang-kita ang kabuuan ng court.

Dali-dali na kaming pumunta dahil baka maunahan pa kami kaso....... nasa harap na kami ng upuan ng biglang sumulpot din ang barkada ni Kyline at umupo sila roon na parang wala kami sa harapan.

"Sasapakin ko yan," bulong sa amin ni Arielle.

"'Wag na, magkakagulo pa, sa iba na lang tayo," pagpigil ko sa kaniya.

Humanap na lang kami ng ibang upuan, okay rin naman dito sa nakuha namin kaso mas maganda talaga sa pwesto nina Kyline. Natanaw ko mula sa kinauupuan namin ang malayong bench nina Kavez. Nandoon siya, nakatingin siya sa akin at nakangiti. Nginitian ko rin siya at winagayway ang kamay ko.

Kumunot ang noo ko ng nilabas niya ang kaniyang cellphone at nagtipa roon. Napatalon ako sa kinauupuan ko nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Binuksan ko ito agad,

Kavez:

Cheer for me, Lar :)

Walang pag-aalinlangang nagtipa ako nang isasagot.

You:

I will!

Iniangat ko ang tingin sa banda niya. Nagflying kiss siya sa akin, tinawanan ko na lamang iyon.

Nagsimula ang game. Ang sakit ng tainga ko sa mga sigaw nila. Kinuha ko ang banner at binuksan ito.

"Go Kavez!" malakas na sigaw ko para sa kaniya.

Tumingin siya sa akin, para akong maiihi ng bigla niya akong kindatan. Kire HAHAHA.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay lumamang agad ang team nina Kavez.

"Go! Team Lozano!" sigaw ko pa.

Pagkarating ng second quarter ay nakaramdam ako ng pagkaihi, literal na naiihi na ako. Isinuot ko ang aking bag sa balikat.

"Paizel, ihi muna ako," ani ko kay Paizel dahil si Arielle ay tutok na tutok sa panonood.

"Nagiging tabla na, hindi mo ba kayang pigilan muna?" tanong niya.

"Hindi na eh," sambit ko habang umiling-iling.

"Sige, bilisan mo ha."

Agad na akong bumaba sa upuan namin at naglakad na papunta sa comfort room.

Mabilis din akong umalis sa banyo, atat nang mapanood ulit ang game. Dumating ako sa court na umuunti na ang tao.

"Bakit umuunti ang tao?" nakakunot-noong tanong ko kay Paizel.

"Tingnan mo ang scoreboard, mataan mo rin si Kavez."

Sinunod ko ang sinabi niya, tinignan ko ang scoreboard. Nagulat ako nang makita ang score, lamang na ang kabilang team! Dumako naman ang mata ko kay Kavez. Mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita si Kavez na nakaupo lang sa bench nila.

"Bakit 'yan nakaupo?! 'Di pa tapos ang game ah!" napasigaw kong tanong kay Paizel.

"Eh kasi naman umalis ka, 'yan tuloy nawalan ng ganang maglaro," wala sa sariling sabi ni Arielle, ang mga mata ay nasa laro pa rin.

Hindi ko na napigilan ang pagtayo ko. Sinigawan ko si Kavez kahit na anlayo-layo ko sa kaniya,

"Kavez? Bakit ka nandyan!? Pasok ka na sa game!"

Umangat ang tingin niya sa akin galing sa pagkakayuko, para siyang nabalikan ng lakas nang makita niya ako.

"Oo, babalik na ako!" sigaw niya sa akin pabalik.

Tumakbo siya ng mabilis papunta sa court, hindi man lang nagpasabi na papasok na ulit siya sa laro.

"Kavez kaya mo yan!" pagchicheer ko dahil nawawalan na sila ng pag-asang manalo.

Sampung segundo na lang at tatlong puntos pa rin ang lamang ng kalaban. Tinakpan ko ang mukha ko, sana manalo sina Kavez!

Nabalot ng katahimikan ang court, hindi pa rin ako tumitingin sa laro. May narinig akong isang bagsak ng bola at umingay na ang lahat. Dahan-dahan kong tinanggal ang aking kamay at minulat ang mata. Dumako ang mata ko sa scoreboard, nanlaki ang mata ko at napatalon-talon. Malalakas na sigaw ang naririnig ko sa kabuuan ng court.

"Whoaaaaa! Team Lozano, I'm so proud of y'all!" malakas ding sigaw ko.

Naramdaman ko na lang bigla na may yumakap sa akin galing sa likoran, haharap na sana ako dahil alam kong si Kavez iyon ngunit sinakop na ng malambing niyang boses ang aking tainga,

"Are you proud of me? We win because of me."

"Yabang mo naman," sabay tawa ko habang nakayakap pa rin siya.

"But without you I can't win the game."