Chapter 19-Injury
"Ang saya ng bakasyon, nakapagpahinga ako ng maayos pero parang kulang. Hayyy! Bakit kasi pasukan na ulit?" nagsusumamong sambit ni Paizel.
Andito kami ngayon sa cafeteria. Simula na ng klase namin bilang second year college. Okay na sa akin ang bakasyon ko dahil marami nang masasayang nangyari sa akin.
Sinubo ko na ulit ang burger na kinakain ko kanina pa. Hindi ko ito maubos-ubos dahil sa mga daldalan namin nina Paizel at Arielle.
"Narinig ko pumunta ka raw kina Kavez noong bakasyon?" biglang tanong ni Paizel.
Tumango na lang ako sa kaniya.
"Kayo na?" usisa niya pa.
"Oo;" pagsasabi ko ng totoo.
"Talaga?!" sigaw ni Arielle.
"Oo nga."
"Wahhh! Stay Strong," sabay tawa niya.
Narinig ko na lang ang biglang pag-uusap ng nasa kabilang table na kadarating lang.
"Nainjury raw si Kavez ah?" rinig kong sabi ng isang babae.
"Oo nga raw, tumutulong na naman daw 'yong isang babae. Alam ko nililigawan niya 'yon," tugon pa ng isa.
Dumapo ang mga mata ko kay Paizel at Arielle na nakatingin na din sa akin.
"Alis muna ako ha!" 'yon lang ang sinabi ko at lumabas ng cafeteria.
Naalala ko hindi ko nga pala alam kung nasaan si Kavez. Injury? Siguro naglalaro ng basketball? Punta muna akong court!
Dali-dali akong nagtatakbo sa court. Tumambad sa akin ang mga tao na may hawak na flowers. Wait? Ano na namang kabaduyan 'to? HAHAHA
Isa-isa nilang binigay ang flowers. Nalaman kong sa huli ay si Kavez ang magbibigay ng boquet of roses at cake. Unti-unti siyang lumapit sa akin,
"You like it?"
Hinampas ko ang braso niya.
"Akala ko nainjury ka na! Akala ko rin totoo 'yong may iba kang nililigawan!"
Tumawa siya, "Sinabi lang 'yon para mapapunta ka, Do you like it?"
"Oo, nababaduy ka na naman," humagalpak ako sa tawa.
Tumawa na lang din siya.
Malaki ang ngiti ko pagpasok sa susunod kong klase hanggang sa mag-uwian.
"Yexie? Diba ikaw 'yon? Si Kavez kasi nainjury," sambit ng isang babaeng kalalapit lang sa akin.
"Huh? Diba isa lang yan sa pakulo niya? Kanina pa 'yong umaga ah, nahuli ka lang ata?" tugon ko na medyo nag-aalala dahil baka totoo ang sinasabi niya.
"Hindi, iba na ngayon. Naglalaro kasi sila ng basketball tapos ayon natulak siya no'ng i-"
Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi niya. Mabilis na akong pumunta sa court para tingnan ang lagay ni Kavez.
"Asan si Kavez? Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko kay Alvin, basketball player din at kaklase ko sa ibang subject.
"Dinala siya sa clinic, doon ka na lang pumunta."
Wala akong sinayang na oras, pumunta agad ako sa clinic.
"Yung pasyente po?" tanong ko sa nurse ng aming school.
"Nasa loob na po nagpapahinga," sagot niya.
Pumasok agad ako sa room, nakita ko si Kavez at ang isang babae, hindi ko ito kilala. Maganda siya, mahaba ang buhok, morena at matangkad . Tumingin siya sa akin at ngumiti ngunit halata ang inis sa mukha.
"Alis na ako Kavez," saad niya at lumabas ng room kung nasaan si Kavez.
"Anong nangyari sayo?" tanong ko pagkalabas ng babae, ipinagsawalang-bahala kung sino ba iyon.
"Natulak lang, wala namang pilay, medyo sumakit lang ang katawan ko."
"'Yan mag-ingat ka kasi," pangangaral ko sa kaniya.
"Kaya mo na bang magdrive?" tanong ko kay Kavez ng pwede na siyang umuwi.
"Oo naman, I'm okay. Thank you!"
"Sige."
"May gagawin ka pa ba?" tanong niya sa akin.
"Oo eh, gusto mo bang samahan na kita pauwi?"
"'Wag na kaya ko naman, gawin mo na lang yung kailan mong gawin," nakangiti niyang ani.
Pagkaalis ni Kavez ay pumasok na ulit ako sa school. Dumiretso ako sa library, may pag-aaralan pa kasi kami nina Paizel.
"Okay na raw ba si Kavez?" tanong ni Arielle.
"Oo, umuwi na siya."
"Dapat sinamahan mo," saad naman ni Paizel.
"Nalaman niya kasi na may gagawin pa ako eh kaya hindi na niya ako pinasama, okay na rin naman daw siya."
Kumuha ako ng libro sa bookshelf. Pagkaupo ko sa mesa namin ay dumaan sa harap namin ang babaeng nakita ko sa clinic kanina. Nilipat ko ang tingin ko kay Paizel at tinanong siya,
"Paizel, kilala mo kung sino iyon?" sabay turo ko sa babaeng morena.
"Ah 'yon? Si Kyline. Bakit?"
"Nakita ko kasi siya sa clinic kanina kasama si Kavez. Hindi ko naman tinanong kay Kavez kung sino iyon"
"Uhmm. Wait... before kang magtransfer noong grade 11 tayo, If I'm not wrong, naging sila ata? Hindi ako sure kasi sabi-sabi lang 'yon," ani Paizel na parang hindi naman mahalaga ang sinabi niya.