Chapter 18-Meet the parents

"Ikaw Yexie, bakit ka napunta rito sa Quezon?" tanong sa akin ni Arielle matapos naming mapagkwentuhan ang aming mga nakaraan.

Nandito kami sa bahay nina Arielle, ako, si Arielle at syempre si Paizel. Kanina lamang ay napagkwentuhan namin ang nakaraan ni Arielle. Si Paizel ay hindi nagkwento, ayaw niyang magkwento pero okay lang 'yon dahil alam naman namin na narito na siya noon pa man.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa, sinimulan ko ang pagkwekwento sa aking nakaraan. Pinipigilan ko ang mga panginginig ng aking boses. Si Paizel ay nakatingin lang dahil alam na niya ang karanasan kong ito samantalang si Arielle ay tutok na tutok sa aking kwento.

"Oww, pero okay lang yan Yexie, pinagsisihan mo naman ang nangyari eh," sagot niya sa akin pagkatapos kong magkwento.

Tumango-tango na lang ako sa kaniya. Dumapo ang mga mata ko sa aking relo, alas-sais na pala ng gabi, kailangan ko nang umuwi.

"Arielle, Paizel, uuwi na ako ha? Mamaya ka pa Paizel?"

"Oo, dito muna ako wala pa namang tao sa bahay namin eh."

"Sige bye!" kaway ko sa kanila habang palabas ng bahay.

"Ingat!" pahabol nilang dalawa.

Dire-diretso ako palabas at naghintay ng masasakyan. Pinara ko ang taxi na paparaan. Binuksan ko ang pinto ng mabilis at sumakay.

"Manong, Brgy. Karhan po."

Habang pauwi ay binuksan ko muna ang aking cellphone. Nakita ko ang text ni Kavez. Kanina pa ito, dalawang oras na ang nakalilipas.

Kavez:

Hi Lar! Where are you

Iyon lang ang nakalagay sa mensahe niya.

You:

Hello, pauwi na. Galing ako kina Arielle.

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto. Nagbihis ako at bumaba na sa aming dining room para kumain ng hapunan.

Mag-isa lamang ako habang kumakain sa hapag dahil wala ang parents ko.

Tumunog ang cellphone ko, pagbukas ko nito ay bumugad agad sa akin ang mensahe ni Kavez na siyang dahilan ng pagkakasamid ko.

Kavez:

Iimbitahan nga pala kita. Can you go here in our house? My parents wants to meet you.

Kumuha agad ako ng tubig para uminom. Ilang saglit ko pang tinitigan ang text niya bago napagdesisyunang sagutin ito,

You:

Uhmm... okay, When?

Agad siyang nagreply.

Kavez:

If you are free tomorrow, then tomorrow morning.

You:

Okay, tomorrow morning, then.

Kinakabahan ako ngayon habang nasa sasakyan ni Kavez. Hindi ko alam kung magugustuhan ba ako ng pamilya niya.

"Are you nervous?" tanong ni Kavez sa akin.

Marahan kong itinaas-baba ang aking ulo. Hinawakan niya bigla ang kamay ko.

"Don't be nervous, alam kong magugustuhan ka ng parents ko," saad niya sabay ngiti.

Mas lalong bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko nang tumigil na ang kotse sa tapat ng isang bahay, ay hindi, mansyon ito!

Nakita ko ang isang kotseng lumabas sa gate nila, hindi ko alam kung sino ang nasa loob no'n. Tumingin na lamang ako kay Kavez, hinahabol din ng kaniyang tingin ang kotseng umalis. Nang makalayo na ito ay niyaya na niya akong pumasok sa loob ng kanilang mansyon,

"Let's go," nakangiti pa ring aniya.

Tuloy-tuloy ang paglakad namin hanggang sa makarating na kami sa tapat ng pinto nila. May lumapit sa aming isang kasambahay.

"Good morning po, nasa hapag na po ang daddy niyo," ani nito.

Nagpatuloy kami sa pagpasok. Tumambad sa mga mata ko ang ganda ng kanilang bahay, mayroon itong mga muwebles na talagang nakakaakit. Ginala ko ang mga mata ko sa paligid ng bahay hanggang sa marating na namin ang dining room.

Nakatayo ang daddy ni Kavez sa tabi ng mesa, nakangiti ito.

"Good morning miss?" patanong na bati ng daddy ni Kavez.

"Yexie Arabelle po," saad ko, hindi pinapahalata ang kaba.

"Ow, I'm Louie Zerantie, Kavez dad and his mother's name is Alyza Zerantie," pagpapakilala niya sa kaniyang sarili at sa asawa. Naglahad din siya ng kamay sa'kin.

Tinaggap ko naman ito ng walang pag-aalinlangan.

"Nice meeting you po, Mr. Zerantie"

"Don't call me that, tito na lang iha," saad niya sa akin.

Tumango ako ng nakangiti, "Sige po tito."

"Dad, where's mom?" biglang singit ni Kavez sa amin.

"She needs to go to our company. May emergeny meeting sila kaya ako na lang muna rito."

"Upo na kayo," dagdag na sambit ni tito.

Tumingin ulit si tito sa akin, "Arabelle? So, your dad is Basty Arabelle? The engineer?"

"Yes po."

Tumango si tito at nagsimula na kaming kumain. Medyo gumaan na rin naman ang pakiramdam ko nang tumagal. May mga tanong si tito na nasasagot ko naman kaagad.

Dahil may pupuntahan pa raw si tito ay umalis na agad siya pagkatapos naming kumain. Pumunta naman kami ni Kavez sa garden nila at umupo sa damuhan.

"I want to get know you well, can you share some of your experience, past or anything?" saad niya nakatingin sa ulap.

Gusto ko rin siyang makilala pa. Kinuwento ko sa kaniya ang nakaraan ko. Natagalan ako sa pagkwekwento sa parte ng madilim kong nakaraan, sa pagkwekwento ko rin ng parteng 'yon ay mas naging tutok siya.

"At least you are here now, siguro 'yan ang binigay sayong dahilan para tumigil sa pangbubully at sa akin naman ang binigay na dahilan ay ikaw," nakangiting sagot niya.

Ilang oras din kaming nananatili sa kanilang bahay hanggang sa niyaya ko na siyang ihatid na ako.

"Pasok ka, dito ka na maglunch," ani ko sa kaniya nang nasa bahay na kami.

Pumayag siya at sumunod na sa akin papasok ng bahay, dumiretso kami sa dining room. Napatingin si mommy at daddy sa amin nang nakita kaming dalawa. Hindi ko alam na narito pala sila ngayon, kaninang umaga pag-alis ko ay wala sila rito.

Hindi ako naglilihim kay mommy at daddy ng kahit na ano kaya sasabihin ko sa kanila kung ano na ba kami ni Kavez.

"My, dy, si Kavez po. Boyfriend ko," muling pagpapakilala ko na parang hindi pa nila nakilala noon si Kavez.

"Sinagot mo na?" tanong ni daddy na parang hindi narinig ang sinabi ko kani-kanina lang.

"Opo dy."

"Kain kayo!" anyaya naman ni mommy.

Sa hapag kainan ay ramdam ko ang paninitig ni daddy kay Kavez. Si mommy naman ay mukhang natuwa sa ibinalita ko kanina.

"Promise me, you will not hurt my daughter," saad ni daddy na parang nagbibigay ng isang batas.