Chapter 20-Bring back the past
"My, bye na po. Pasok na ako," sabi ko kay mommy pagkababa ko galing sa aking kwarto.
"Okay, take care," tugon niyang hindi tumitingin sa akin, ang mga mata ay nasa papel lamang sa harap niya.
Sinimulan ko na ang paglakad ko palabas ng bahay namin. Sumakay ako ng taxi. Pagkarating sa school ay binagalan ko lamang aking paglalakad dahil hindi pa naman ako late. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Kita ng dalawa kong mga mata ang mga estudyante na halos mabali ang leeg para lamang makita akong mabuti. Anong meron sa mga 'to? Hindi naman sila ganito sa akin dati.
Nasa pinto pa lang ako ng room namin ay tumakbo na agad palapit sa akin si Paizel at Arielle.
"Yexie! Yexie! Panoorin mo ito! Ikaw 'to?" nag-aalalang tanong ni Paizel.
Iniharap sa akin ni Arielle ang cellphone niya. Itinutok ko naman ang mata ko roon, may video rito. Pinindot na ni Arielle ang play button.
Nanginig at nanghina ang katawan ko sa nakita. Napahawak ako ako sa hamba ng pintuan, nagsimula ring tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang video na 'yon.
Kitang-kita ng dalawang mata ko ang isang Yexie na hindi ko na kilala ngayon. Nagbagong-buhay na ako! Bakit naungkat pa ito?!
"Tingnan mo rin 'to, kailan ito?" tanong sa akin Arielle.
Dahil sa sinabi niya ay napatingin ako sa isa pang video na kaniyang ipinapakita.
"Paizel? Bakit lumabas din 'tong video na 'to. Hindi ba ito yung para sa kasunduan namin ni Kavez?" mas lalong dumami ang tumutulong luha sa mga mata ko.
"Naipasa ko na kay Kavez 'yan noon, yung apat na navideohan mo. Hindi ko alam kung bakit kumalat din yan," pagpapaliwanag niya.
"May iba ka pa bang pinagsabihan nang nangyari sayo dati?" tanong pa ni Paizel sa akin, bakas ang pag-aalala sa mukha.
"Si Kavez lang at kayo," tugon ko habang tumutulo ang luha at nakatingin sa kanilang dalawa.
"Hindi ba? Magkagalit kayong dalawa noon? Baka naman siya ang may kasalanan nito?"
"Hindi, Paizel boyfriend ko siya hindi niya magagawa sa akin ito," saad ko, umiiling-iling.
"Nakipagrelasyon ba talaga siya kasi mahal ka niya o nakipagrelasyon siya para sa ibang motibo?" sambit ni Paizel.
Pagkatapos niya itong sabihin ay parang may punyal na tumama sa aking puso, nanikip din ang dibdib ko.
Hindi niya 'yon magagawa diba? Hindi!
"'Wag ka na lang papatama Yexie, hindi nila alam ang buong kwento kaya hindi ka dapat mahabag sa sarili mo," tugon ni Arielle.
Tinaas-baba ko na lang ang aking ulo. Nagpatuloy ako sa pagpasok sa room, kasunod ko ay si Paizel at Arielle. Bumungad sa akin ang mga blockmates ko na iba-iba ang tingin. Kita ko ang awa, galit, poot at kung ano-ano pang negatibong reaksyon. Dumako ang mga mata ko kay Sercide na nakatingin sa akin nang malungkot. Nginitian ko siya, isang mapait na ngiti.
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang aming professor.
Tulala ako sa klase, bakas pa rin ang luha ngunit hindi naman ito napansin ng aming professor. Iniisip ko kung sino ang nagpakalat ng video na 'yon at pinapatatag ko rin ang aking sarili para sa kahaharaping isyu.
Mag-isa akong naglalakad palabas ng school. Sasabayan sana ako ni Paizel at Arielle ngunit halata sa kanila na mayroon pa silang gagawin kaya tinanggihan ko sila. Ramdam ko ang matinding paninitig ng bawat estudyanteng nadadaanan ko ngunit hindi na lang ako nagpapaapekto.
"Hoy! Manloloko ka! 'Yong boyfriend ko noon kaya pala nakipagbreak sa'kin nang dahil sayo! Tapos ganun lang pinaggagawa mo?! Mahiya ka naman!" magkakasunod na sigaw ng isang babae sa akin.
Nangilid ulit ang luha ko, hindi ko alam na may girlfriend pala ang isa sa mga nasaktan ko dati. Wala akong makapa na salita.
"Mey, tama na yan. 'Wag mo na lang pansinin, ang tagal na no'n" sabi ng kasama niya na pumipigil sa kaniya.
"Alam na namin pinaggagawa mo! Karmahin ka sana!" sigaw niya sa akin bago nagpatianod sa kaniyang kasama.
Pinunasan ko ang kaunting luha sa aking mata at nagsimula na ulit maglakad, nang makalayo-layo na ay kumuha muna ako ng panyo sa aking bag.
"Okay, Salamat!" rinig kong sambit at halakhak ng isang pamilyar na boses.
Iniangat ko ang tingin kung saan iyon nanggaling. Tumambad sa mata ko si Kavez na nakikipagtawanan kay Kyline. Si Kyline ay palayo na sa direksyon niya, siguro'y paalis na. Nag-init ulit ang gilid ng mga mata ko, luha na naman? Hindi ba mauubos ang masasakit na pangyayari sa akin? Siguro tama nga si Paizel, may iba talagang motibo si Kavez sa pakikipagrelasyon sa akin.
Tumungo ako at nagpakawala muna ng isang mabigat na hininga bago nagpatuloy sa aking pag-uwi, pinipigilan ang pagpatak ng luha.
"Yexie!" tawag sa akin ni Kavez. Napansin na siguro ako.
Hindi ako tumingin, nagpatuloy ako sa paglalakad. Kailangan ko muna ng panahon para makapag-isip pero hindi ko siya bibitawan. Pumara agad ako ng taxi at sumakay nang hindi siya tinitingnan, patuloy ang siya sa paghabol sa akin.
"Brgy. Karhan po."
Pinatakbo na ni manong ang sasakyan, hindi ako naabutan ni Kavez. Pagkarating sa bahay ay agad akong nagkulong sa kwarto. Gusto ko munang mapag-isa ngayon pero hindi ako magtatagal ng ilan pang mga linggo, ayoko ng maibalik pa ang mga pangyayari noon.
"Yexie!" tawag sa akin ni manang.
"Bakit po?" tanong ko sa kaniya, hindi ako bumangon sa aking kama.
"Lumabas ka riyan, nasa baba si Kavez!"
Kumunot ang noo ko, gusto ko mang puntahan siya pero mas gusto kong magpahinga para sa ikabubuti ko. Hindi ko pa nga alam kung sino ang may kagagawan no'n, baka mamaya ay siya pala at may galit siya sa akin kaya niya nagawa 'yon.
"Manang, pakisabi umuwi na siya."
"Yexie, naghihintay yung tao!"
"Manang! Sabihin mo umuwi na siya!" pagsigaw ko kay manang dahil hindi ko na ito napigilan.
Narinig kong tumahimik na kaya ipinikit ko na ang mata ko.
"Manang alis na po ako, papasok na. Wala na ba sina mommy at daddy?"
"Wala na, hindi ka ba kakain?" tanong ni manang.
"Nope, sa school na lang po ako magbebreakfast."
"Sige, nga pala, kaninang umaga paggising ko nakita kong nasa labas pa rin 'yong kotse ni Kavez pero ilang minuto nakalipas umalis din. Hindi ko alam kung kagabi pa 'yon pero kasi dumating ang mommy mo ng ala-una ng madaling araw nakita ko na ang kotse."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni manang. Naghintay ba siya doon magdamag?