Chapter 17-Yes

Hayss! Isang linggo na lang pasukan na ulit, Second year na kami as a college student.

Narito ako ngayon sa sala nanonood lang ulit ng mga movies, ganun talaga busy kasi parents, minsan lang magkatime.

Bigla akong nilapitan ni mommy at hinalikan ang aking pisngi.

"Malapit na ang birthday mo anak, may gusto ka ba?"

Gusto ko sanang magkasama-sama kami ngunit alam kong may iniintindi silang trabaho kaya hindi ko na lamang sila iistorbohin.

"Wala naman po my," 'yon na lang ang sinabi ko.

"Oh sige, if may gusto ka or kailangan, wag ka mahiyang magsabi sa amin ng daddy mo. Okay?"

"Yes mommy."

"Okay, bye. I have duty."

Sabi na nga ba busy talaga sila. Ngayon wala agad si daddy rito sa bahay, alas-otso pa lang ng umaga.

"Okay my, Take care!"

Pinagpatuloy ko ang aking panonood nang tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ko lamang.

Kavez:

Are you free this saturday?

Nagreply ako sa kaniya ng walang pag-aalinlangan dahil alam kong wala naman akong gagawin ng mga panahong iyon.

Yexie:

Ahmm... Yes Why?

Mabilis siyang nakasagot, siguro'y walang ginagawa at hinihintay talaga ang reply ko.

Kavez:

Ugh? Can we have a date?

Napaisip ako sa sinabi niya. Biglang sumagi sa aking isipan na araw pala 'yon ng birthday ko!

You:

Oo naman :)

Sumagi rin sa isipan ko ang isang ideya na alam kong magpapasaya sa kaniya. Gawin ko kaya?

Nandito ako sa harap ng bahay nina Arielle, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na kausapin siya. Ang hirap kapag umiiwas ang isang kaibigan.

"Sino po sila?" tanong ng kasambahay.

"I'm Yexie, hanap ko lang sana si Arielle."

"Ay, pasok po kayo. Tawagin ko lang po sa taas si Arielle," sambit ng kasambahay.

Binuksan niya ang gate sa akin at iginaya ako papasok sa malaking bahay nina Arielle. Ang kasambahay ay dumiretso sa hagdan upang tawagin si Arielle, umupo naman ako sa sala.

Unti-unti kong narinig ang mga mahihinang yapak kaya napatingin ako sa hagdan. Nakita ko si Arielle na walang ganang naglalakad papunta sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa isang malamig na tono.

"Gusto ko sanang makausap ka."

"Bakit?"

Namataaan kong lumabas ng bahay ang kasambahay, siguro para bigyan kami ng privacy.

"Bakit parang umiiwas ka nitong mga nakaraang araw sa akin?"

"Hindi ako umiiwas," agarang sagot niya.

Tumango ako, "Akala ko kasi eh."

"Oh? Tapos na? Ano pang kailangan mo?"

"Wala na pero if may problema ka you can share with us, kami ni Paizel, handa ka naming tulungan," saad ko sa kaniya.

"Tutulungan mo talaga ako?" kumikislap ang mga mata niya ng sabihin iyon.

"Oo naman kaibigan kita eh," nakangiti kong tugon.

Nagbago ang mukha niya galing sa saya na naging malungkot, "Kaso ayoko namang masaktan ka."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ang unang pumasok sa isip ko ay gusto niya rin si Kavez.

"U-uh, Arielle. Gu-usto-o mo si Ka-ave-ez?" nauutal kong tanong sa kaniya.

Nanlaki naman ang mata niya at nag-alab ang galit.

"Gusto mo si Kavez?! Pero sinagot mo si Sercide?! Two timer ka ba?! Napakasama mo naman! Manloloko!" nagpupuyos sa galit na sigaw niya na parang gusto na akong sabunutan ngunit pinipigilan niya lamang.

Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit niya ito nasabi, hindi ko naman sinagot si Sercide.

"Huh? Anong sinagot? Si Sercide? 'Di ko naman siya sinagot ah?"

Natulala siya sa sinabi ko at ilang saglit ay nagsalita siya,

"Binasted mo si Sercide?"

"Oo, hindi mo ba alam?"

"Akala ko sinagot mo siya," medyo mahinang sagot niya.

"Hindi ah, nilinaw ko na sa kaniya na hanggang magkaibigan lang talaga kami, kahit tanungin mo pa siya."

Pero nakapagtataka, bakit siya nagalit sa akin at natulala kanina, kung ganoon? Ang gusto niya ay si Sercide at hindi si Kavez?

"Bakit ka nagalit? Sorry ha," sabi ko sa kaniya.

Nagkamot muna siya ng ulo at bumuntong hininga.

"Honestly Yexie, umiiwas talaga ako sayo. Akala ko kasi sinagot mo na si Sercide. Nakikita ko kayong magkasama tapos sinasamahan mo rin si Kavez, kaya ko nasabi 'yong kanina," pag-amin niya.

"Okay lang naman Arielle pero, gusto mo ba si Sercide?"

Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya, dahan-dahan siyang tumango. Ngumiti ako sa kaniya,

"Ang galing mong mamili, mabait si Sercide. Hindi ko nga lang alam kung bakit hindi ko siya magustuhan romantically."

Papunta na ako ngayon sa Italian Restaurant na pagkikitaan namin ni Kavez. Dala ko ang isang maliit na kahon ng regalo, ang laman nito ay ang isang wrist watch. Binili ko ito pagkatapos kong makausap si Arielle. Alam kong magugulat siya dahil kapag nakuha na niya ang orasan ay makikita niya ang salitang 'yes', nasa ilalim ito ng kahon. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang ideya ko pero hahayaan ko na dahil sa palagay ko kahit ano namang paraan magugustuhan niya.

Pagpasok ko palang sa restaurant ay nahanap ko na si Kavez. Nasa gilid ang nakuha niyang mesa. Napakagwapo niya sa ayos niya ngayon.

"Lar," sambit niya, tumayo at pinaghila ako ng upuan.

"Thank you."

Lumapit ang waiter sa amin para makuha ang order naming dalawa,

"What do you want?" tanong ni Kavez sa akin.

Tinignan ko ang menu.

"Minestrone, bruschetta and aperitivo," 'yon ang napili kong orderin.

"Risotto Milanese, carpaccio ang bellini," naman ang kay Kavez.

Umalis ang waiter sa harapan namin.

Nakangiting bumaling si Kavez sa akin,

"Happy birthday!" bati niya sabay bigay sa akin ng isang paper bag. Kita pa lang sa tatak nito na ang laman ay mamahalin.

"Alam mo pala ang birthday ko?" medyo gulat kong tanong.

"Oo naman," malaki ang ngiti niya.

Nilagay ko ang paper bag sa ibaba, sa gilid lamang ng aking upuan. Naalala ko ang regalo ko sa kaniya. Naisipan kong mamaya ko na lang ito ibibigay sa kaniya.

"May pupuntahan pa ba tayo after nito?"

"I want to go the Lerte's Beach," maligayang sagot niya.

Kumunot ang noo ko, "Saan 'yon?"

"Hindi mo na tanda? Dinala na kita roon, kasisimula ko pa lang atang manligaw that time."

Naalala ko na mayroon kaming pinuntahang isang dagat na mayroong magandang tanawin, ang ganda roon, napaluha pa nga ako eh.

"Oww, tanda ko na. Hindi ko kasi alam ang pangalan ng dagat na iyon kaya naguluhan ako kanina."

Hinain sa aming harapan ang mga pagkaing inorder namin kanina.

Kumain kami habang nagkukwentuhan ng kung anu-anong bagay.

"Tara na?" tanong sa akin ni Kavez matapos naming kumain at makapagpahinga ng ilang minuto.

"Sige," nakangiting tugon ko.

Sa biyahe ay patuloy ang pagkukwentuhan namin. Pagkarating namin sa Lerte's Beach ay lumabas agad ako ng sasakyan niya para makita kaagad ang ganda nitong tinataglay.

"Ang ganda talaga 'no?"

"Oo nga," sagot niya.

Umupo ako sa buhangin, hindi pinansin kung may dumi ba ito. Bigla kong naalala ang regalo ko kaya tumayo akong muli, nasa loob kasi ng kotse ang bag ko at naroon ang aking regalo.

"Oh? Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Kavez sa'kin.

"May kukunin lang ako sa sasakyan."

Tinakbo ko ang distansya papunta sa kotse. Mabilis kong kinuha sa loob ng bag ko ang regalo at nilagay sa aking likod. Naglakad na ako patungo kay Kavez na nakatitig naman sa akin. Nang makarating ako sa harap niya ay ipinakita ko ang regalo.

"Gift? For me?" nakaturo pang aniya.

"Oo."

"Alam mo pala ang birthday ko?"

Nagulat ako sa sinabi niya, gustong manlaki ng mga mata ko ngunit pinigilan ko ito. Ayokong makita niya na gulat ako sa sinabi niya. Tumango na lamang ako sa tanong niya.

Dahan-dahan niyang kinuha sa aking kamay ang regalo. Pabalik-balik pa muna ang tingin niya sa akin at sa kahon bago ito tuluyang binuksan.

"A watch? Oww, Thank you so much Yexie. Sakto at nasira ang relo ko noong nakaraang araw," masayang saad niya.

Kinuha ko sa kahon ang relo at sinuot sa kaniya. Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang pagbalik ng tingin niya sa kahon, napansin ang nakasulat dito.

"Yes?"

Tinapos ko ang pagsusuot sa kaniya ng relo at tumango ng nakangiti.

"Yes? Anong Yes?"

"Yes, Oo, sinasagot na kita."

Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagkalaglag ng panga niya ng sandaling iyon. Nakita ko ring pinagsasampal niya ang kaniyang sarili matapos magulat ng ilang saglit.

"Totoo nga, so tayo na?" medyo gulat pa rin niyang tanong.

Tinaas-baba ko ang ulo ko. Siya naman ay lumaki ang ngiting namumutawi sa labi.

"Yowwww! Its my lucky day! August 29! Girlfriend ko na si Yexie!" sigaw niya, nakatingin sa dagat.

Natawa ako sa ginawa niya.

Pagkatapos ng kalahating minuto ay umuwi na kami. Sa biyahe ay hindi matanggal ang ngiti niya. Nang nasa tapat na kami ng aming bahay ay dali-dali siyang bumaba samantalang ako ay tinaggal ang seatbelt. Pinagbuksan niya ako ng pinto at bumaba naman ako kaagad. Huminto ako sa harapan niya.

"Thank you for this day."

"Thank you so much too, ang saya ko," saad niya, malawak ang ngiti.

Sinuklian ko ang ngiti niya at hinalikan ang pisngi niya nang mabilis, naestatwa siya sa aking ginawa.

Umalis ako sa harapan niya habang siya ay nakatigil pa rin. Patakbo akong pumasok sa aming bahay dahil sa kaunting kahihiyan na naramdaman.