Chapter 16-Bakasyon

"Bye anak, eat your breakfast okay?" paalam at bilin ni mommy pagkapasok ko pa lang ng dining room ngayong umaga.

"Aalis na po agad kayo my?"

"Kailangan Yexie, may duty pa ako eh," malungkot na saad ni mommy.

"Ah, okay lang po my. Ingat po kayo."

Hinalikan na niya ako sa pisngi at lumabas na.

Bakasyon na ngayon ngunit nandito lang ako sa bahay. Bored na bored na ako! Sana man lang makapag-swimming ako sa ibang lugar.

Nanonood lamang ako ng isang comedy movie ng biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang mensahe.

Kavez:

Can I call?

Nagtipa ako ng isasagot sa kaniya habang nanonood pa rin ng movie.

You:

Sure

"HAHAHAHA"

Tawa ko matapos makita ang isang senaryo sa palabas. Tumunog ang cellphone ko, tumatawag na si Kavez.

"Hello"

"Kamusta?" 'yon ang paunang salita niya.

"Okay lang naman, ikaw?"

"I'm okay too."

Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Buntong hininga niya lamang ang aking naririnig.

"Ahm, gusto ko lang sanang tanungin ka if gusto mo sumama sa amin? Pupunta kami ng Boracay next week," biglang sambit niya.

"Family mo ba kasama mo? Na-" hindi ko natapos ang sasabihin.

"Hindi, barkada ko. You can also bring your friends if you want."

Nag-isip muna ako ng ilang saglit. Alam kong papayagan ako nina mommy at daddy. Sasama kaya si Paizel at Arielle? Ayoko namang sumama na ako lang baka maout of place ako.

"Ahmm... Pag-iisipan ko muna Kavez. Okay lang ba?"

"Oo naman," may halong saya ang tono niya.

Matapos ang usapan naming iyon ay tinawagan ko na agad si Paizel.

"Sino ito?" mukhang bagong gising na tono ni Paizel.

"Si Yexie 'to."

"Oh, bakit ka napatawag?"

"Gusto ko lang tanungin kung gusto mo kong samahan, niyaya kasi ako ni Kavez na magBoracay kasama ang barkada niya. Pwede raw akong magsama ng kaibigan kaya tinatanong kita," pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Oo naman, gusto ko na ring maka-alis man lang dito sa bahay. 'Di kami makapagbakasyon dahil busy parents ko eh" masayang saad niya.

"See you Paizel, Salamat!"

"See you!"

Pinatay niya na ang tawag.

Tatawagan ko kaya si Arielle para imbitahan?

Kahit na may pag-aalinlangan ay hinanap ko pa rin ang numero ni Arielle sa aking cellphone at tinawagan ito. Nang nakalimang ring na ay tsaka niya palang ito sinagot.

"Hello?"

"Arielle, kamusta?"

"Okay lang," walang ganang sagot niya.

Gusto ko sanang kausapin siya tungkol sa pag-iwas niya ngunit mas gusto ko itong kausapin ng personal kaya sinabi ko na lang ang talagang sadya ko.

"Gusto mo bang sumama sa amin ni Paizel? Sasama kami kina Kavez sa Boracay eh."

"Hindi," 'yon lamang at binaba na niya ang tawag.

Nagtataka na talaga ako sa mga inaasta niya ngunit sa ngayon ay hindi ko na lamang muna ito iintindihin baka may problema lamang siya at kailangan ng panahon para rito.

"Okay na ba lahat ng gamit mo?" tanong ni Kavez sa akin pagkatapos niyang ilagay lahat sa likod ng kaniyang sasakyan ang mga dala kong gamit.

"Okay na," excited na tugon ko.

"Sige, sina Werald na ang susundo kay Paizel at doon na rin siya sasakay. Tara na!" mas excited niyang tono.

Pagbubuksan na sana niya ako ng pinto nang muli siya humarap at tumingin sa akin.

"Nakapagpaalam ka na ba kina tita at tito?" nakakunot noong tanong niya salungat sa itsura niya kanina.

"Oo naman, 'di naman ako sasama kung 'di nila ako pinayagan," mabilis na sagot ko.

Ngumiti siya at pinagbuksan na ako ng pinto. Sumakay naman ako kaagad. Umikot na siya para makaupo na sa drivers seat habang ako naman ay nag-seat belt na. Mabagal lamang ang pagpapatakbo niya sa sasakyan.

"Okay lang na matulog ka kung gusto mo, maya-maya pa tayo makakarating sa airport."

"'Di naman ako inaantok. Wait, saan niyo ipaparada itong sasakyan niyo? Ilang araw tayo sa Boracay ah?"

"May kukuha ng mga kotse namin mamaya sa airport."

Napatango-tango na lamang ako. Sa kalagitnaan ng biyahe ay nakita ko ang cellphone niya sa dashboard.

"Pwede ba akong magpatugtog?" tanong ko sa kaniya.

"Oo naman. Pumili ka ng kantang gusto mo."

Kinuha ko na ang cellphone niya at naghanap na ng magandang kanta. Nakakita ako ng Taylor Swift song kaya pinatugtog ko agad ito.

"Taylor Swift?"

"Oo, kilala mo pala 'yon?" medyo gulat na tanong ko.

"Favorite ni mommy," sabay tawa niya ng mahina.

"Oww, parehas pala kami ng mommy mo," sambit ko sa kaniya.

Nang makarating kami sa airport ay ilang minuto rin kaming naghintay upang makasakay sa eroplano. Pagkasakay sa eroplano ay tumabi na agad sa akin si Paizel.

"Hay! Kakapagod 'tong biyahe na ito."

"Oo nga pero mag-eenjoy naman tayo sa pupuntahan natin," saad ko sa kaniya.

Medyo mabilis lang ang biyahe namin sa eroplano ngunit hapon na nang makarating kami sa aming paroroonan.

Pagtapak pa lamang ng paa ko sa may bukana ng Boracay ay namangha agad ako sa ganda nito. First time ko pa lang pumunta rito dahil wala naman time sina mommy at daddy para samahan akong magbakasyon o magswimming kung saan.

Langhap na langhap ko ang simoy ng hangin.

"Punta na muna tayo sa hotel, nakapagpareserve na ako. Yexie, magkasama kayo ni Paizel sa isang room and then 'yong isa pa ay para sa aming tatlo," sabi ni Kavez sa amin.

Tumango-tango ako sa kaniya. Ang trip naming ito ay gastos lahat ni Kavez. Ganon talaga marami siyang pera eh.

Maging ang hotel ay maganda, buti na lang talaga at sumama ako sa trip na ito, maeexperience ko ang Boracay.

"May dala kang two piece?" tanong sa akin ni Paizel ng nasa kwarto na kami at nagliligpit ng aming mga gamit.

"Oo naman," saad ko sabay tawa.

"Ako rin, nagdala ako ng tatlo para sure," sabay tawa rin niya.

Nang matapos kong ligpitin ang aking mga gamit ay humiga muna ako sa malambot na kama. Ang kwartong kinuha sa amin ni Kavez ay kumpleto, may TV, ref, bathroom, two beds, closet at iba pang kakailanganin namin.

"Magsiswimming ka ba mamaya?"

"Hindi na muna, bukas na lang siguro, pagod pa ako eh," sagot ko sa kaniya.

"Oh sigee, basta ako maliligo ngayon. Bibihis na ako tapos lalabas na. Dito ka na muna?"

"Oo."

Pumasok na sa banyo si Paizel samantalang binuksan ko muna ang TV para makapanood. Lumabas si Paizel ng naka red two piece.

"Alis na muna ako," sabi niya at mabilis na nawala sa paningin ko.

Habang nanonood ng TV ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Yexie! Kakain na tayong hapunan!" rinig kong sigaw ni Kavez sa labas ng aming kwarto.

Kinusot ko ang mga mata ko at nakita kong alas-syete na pala kaya dali-dali akong nagpalit ng damit at nag-ayos bago binuksan ang pinto.

"Hi! Good evening! Tara na!" maligayang sambit ko.

Nagsimula na akong maglakad at sumunod naman siya. Pagkarating namin sa resto ay nandoon na sina Paizel. Mga nakapanligo sila at basang basa pa, kami lang ni Kavez ang hindi.

Pagkaupo namin ay agad na nagkwento si Werald ng nangyari sa kanila kanina.

"Nagjetski kami kanina! Ang saya! Muntikan pa ngang malaglag si Deros eh! Diba Paizel?" tawang-tawang kwento ni Werald.

"Oo," sagot ni Paizel na tumatawa rin.

Napuno ng tawanan ang mesa namin dahil sa mga kwento ni Werald at Deros.

Sinerve ang pagkain sa harap namin. Ang sasarap! Katang, hipon at kung ano-ano pang sea foods.

Kumain na kami agad pagkaserve nito. Kung hindi kami kumain agad ay siguradong magtutulo na ang laway namin nito!

Habang sarap na sarap ako sa pagkain ay nagtanong si Deros,

"Bakit ba kasi 'di kayo magswimming dalawa?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, "Ayoko na muna, bukas na lang ako, pagod pa," agarang sagot ko.

"Ikaw Kavez?" si Werald.

"Bukas daw siya eh, bukas na rin ako," normal lang naman ang sagot na 'yon ni Kavez pero pumula pa rin ang pisngi ko. Tiningnan ko na lamang ulit ang plato ko para lang makita ang mga hipon at katang na himay na. Tumingin ako kay Kavez, nakangiti siya sa akin.

"Kamain ka ng marami."

Kinabukasan ay maaga kaming nagising, naligo na muna ako kahit magsiswimming naman kami mamaya dahil hindi ako magiging komportable kung hindi ako maliligo. Nagbihis ako ng two piece pagkatapos, ginawa ko muna itong panloob at pinatungan ng isang croptop at short. Sa pag-aalmusal namin ay panay ang kwento ni Deros kung gaano siya kaexcited. Nagpahinga muna kami pagkatapos, at tsaka sumakay ng bangka para dalhin sa medyo malalim na parte ng dagat.

"Arghhh! Ang ganda talaga!" sigaw ni Paizel habang pinagmamasdan at kinukuhanan ng litrato ang paligid.

"Hoy! Tama na yang picture mapupuno na yang cellphone at camera mo!" sigaw ni Werald sa kaniya.

"Hoy ka rin! Malaki gigabytes nito!" pabalik niyang sigaw.

Gusto kong matawa sa kanilang dalawa ang cute nilang mag-away.

Pinagmasdan ko ang tubig na napakalinaw, mula rito sa bangka ay kitang-kita ko ang mga coral reefs na nasa ilalim ng dagat at kitang-kita rin ang mga isda!

Rinig na rinig ko ang bawat pag-click ng camera ni Paizel.

"Pwede na po kayong maligo rito," sabi ng bangkero nang tumigil na kami.

Mabilis akong naghubad ng croptop at short. Buti na lang marunong akong lumangoy.

"Marunong ka bang lumangoy?" panunuyang tanong ni Kavez sa akin.

"Oo naman!" pagmamayabang ko sa kaniya.

"Sige nga, sabay tayong tumalon."

"Sige ba!" paghahamon ko pang sagot sa kaniya.

"1, 2, 3, Go!" sigaw niya.

Unti-unti kong naramdaman ang lamig ng tubig sa aking katawan. Umahon ako upang makahinga, pinunasan ko muna ang aking mukha at tsaka iminulat ang mata. Kita ko na naliligo na rin sina Paizel, Werald at Deros sa malayo-layong parte.

Hinanap ng mga mata ko si Kavez. Nilibot ko ito ngunit wala akong makitang kahit anino niya. Maglalangoy na sana ako pabalik ng bangka ng may naramdaman akong humawak sa aking baywang. Humarap ako para makita kung sino ito, tumambad sa harapan ko si Kavez. Nakangiting-aso siya. Hinampas ko siya sa braso,

"'Wag ka ngang manggulat!"

Tumawa siya at sinabuyan ako ng tubig sa mukha.

"Ano ba?!" naiinis ngunit natatawa kong sigaw sa kaniya.

"Lumaban ka!" patuloy na pagsasaboy niya ng tubig sa mukha ko at hindi tumitigil sa pagtawa.

Nilabanan ko siya hanggang sa lumapit siya sa akin at hinuli ang mga kamay ko.

"Tama na! Suko na ko!" sambit niya sabay tawa.

"Susuko ka rin naman pala eh!"

"Thank you for coming here with me. I'm really happy because you are here" biglang seryoso niyang sambit.

Nangapa ako ng isasagot sa kaniya noong una ngunit kalaunan unti-unti ring sumilay ang ngiti sa aking labi sabay sabing,

"You're welcome"

Sa pangatlo naming araw ay nagjetski kami, inulit nina Paizel, Werald at Deros ang pagmamaneho nito. Namili rin kami ng souvenirs at nang maghapon na ng araw ring iyon ay umuwi na kami sa Quezon.

Ang saya ng bakasyong 'yon sa Boracay. Hinding-hindi ko iyon makalilimutan.