Chapter 29 Forgiveness

Michael'sPOV

Sinasabi ko na nga ba na magugulat si Athalia kapag inalok ko siyang maging isang Bise Presidente. Pero kailangan kong gawin ito dahil sa nalalapit na panahon siya ang magmamana lahat ng ari-arian na mayroon ako. Muling napaupo si Athalia.

"Pero bakit po ako? May mga ibang empleyado po na mas karapat-dapat po sa posisyon na iyon kaysa sa akin." aniya na naroon pa rin ang pagkalito sa mukha.

"Hindi naman dahil dun, Ath." dahil ikaw ang magmamana ng lahat ng ito. gusto kong idugtong pero pinigilan ko ang sarili. "Ikaw ang gusto ko dahil nakita ko ang kasipagan ko sa trabaho. You deserved it. Mr. Marquez will guide you by next week." ani ko. Huminga ng malalim si Athalia at tsaka tinitigan siya.

"Tinatanggap ko po, para kay inay at para sa sarili ko." aniya sa determinadong boses.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Namana niya sakin ang katangian na iyon, determinado sa mga bagay na gustong gawin. Anak ko nga talaga siya.

Tumayo ako at inilahad ang kanang kamay sa kaniya pero ang totoo iba ang gusto kong gawin. Gusto ko siyang yakapin pero darating din iyon sa tamang pagkakataon. Tinanggap niya ang pakikipagkamay ko.

"Salamat po, Sir Lereño." aniya at bahagyang yumukod tsaka tumalikod at lumabas ng opisina.

Agad kong tinawagan ang naka-assign sa cctv para sa kilos at mga nakakasalamuha ni Athalia rito sa kompanya. Gusto kong malaman kung may mga taong gustong kumalaban sa kaniya at sinisiguro ko na ako ang makakalaban nila.

Lalo na yung kanina, yung tingin na ipinupukol ni Anallene at ng kaibigan niya. Hindi ako mangingiming tanggalin sila rito sa kompanya ko kapag ginawan nila ng issue si Athalia.

"Mr. Denriz, kamusta ang ipinapagawa ko sayo?" tanong ko nang masagot niya ang tawag.

"Hello, Sir. Actually may nakita po ako now, izozoom ko po ng mabuti para makita niyo at isesend ko po yung video sa inyo mamaya." aniya. Tumango-tango ako na para bang nasa harapan ang kausap.

"Okay." ani ko at pinatay ang tawag.

Tatapusin ko muna ang mga dapat tapusin dahil kina Carmen ako manananghalian. Sobrang namimiss ko na siya. Walang oras, segundo at araw na hindi siya sumasagi sa isip ko.

Sana kung hindi siya umalis noon, malamang buong pamilya kami ngayon. Huminga ako ng malalim at iwinaksi ang mga negatibo sa aking isipan. Nangyari na, at napatawad ko na rin siya. Wala ng dahilan para balikan pa ang nakaraan.

Bumalik siya sa kasalukuyan ng marecieve ang video na naglalaman ng cctv footage ni Athalia. Inopen niya iyon at hindi maiwasang makaramdam ng galit kung paano siya itulak ni Ms. Onillo. Kinalma ko ang sarili, hindi dapat ako basta-basta nagpapadalos-dalos.

Mag-aalas onse na ng umaga ng makaramdam ako ng gutom. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa mesa at idinial ang cellphone number ni Carmen at iniloud speaker iyon. Hindi ko maiwasang mapangiti sa isiping magkikita kami ngayon. Napapitlag ako ng magsalita si Carmen.

"Hello, Michael?" tanong niya. Bakit parang musika iyon sa aking pandinig? Tumikhim muna ako bago sumagot.

"Anong ulam natin?" tanong ko.

Sa katunayan, gusto ko sana imbitahan si Athalia pero tumutol si Carmen. Mas mainam nalang na kaming dalawa muna para makapag-usap ng maayos. Bakit bigla akong nakaramdam ng pag-iinit sa kaalamang kami lamang dalawa ni Carmen mamaya? Ipinilig ko ang aking ulo at itinuon sa isipan sa kaniya.

"Kaldereta at Tinola, okay na ba yun?" tanong niya. Napangiti ako, alam na alam niya talaga ang paborito ko.

"Oo naman, basta luto mo. Nagluluto ka na ba? Pupunta na sana akpo ngayon." ani ko ng hindi naiwasang malagyan ng bahid ng excitement ang boses. Natawa si Carmen.

"Excited lang? Pwede ka na pumunta, niluluto ko na ang tinola. Dalian mo para mainit-init pa." aniya. Napangiti ako sa biro niya.

"Oo naman, excited akong makita ka eh. Ikaw hindi ka ba excited? Dalawang araw tayong hindi nagkita. Hindi mo ba akop namiss?" tudyo ko sa kaniyaf.

"Michael!" aniya na parang nahihiya at tsaka biglang pinatay ang tawag.

Napailing-iling ako habang nakatitig sa cellphone. Tumayo na ako at tinungo ang pintuan. Nadatnan kong abala si Randon sa computer. Tinapik ko siya sa balikat. Tumigil siya sa ginagawa at tiningala ako tsaka binigyan ng matamis na ngiti.

"Maglulunch na po kayo, Sir?" tanong niya sakin. Tumango ako.

"Yes. Keep up the good work, Randon." ani ko.

"Salamat po." aniya. Muli kong tinapik ang kaniyang balikat at naglakad patungo sa elevator na magdadala sa akin sa basement.

Agad kong ipinarada ang sasakyan sa tabi ng gate ng bahay nina Carmen ng makarating ako roon. Bumaba ako ng sasakyan at nagtungo sa gate, bumukas iyon at lumabas si Carmen na mababanaag ang aliwalas ng mukha. Ngumiti siya sakin ng makita ako kaya ginantihan ko rin siya ng matamis na ngiti.

"Hi." ani ko. F*ck! Bakit ba pakiramdam ko para akong teenager na binabati ang crush niya. Lumapit siya at binuksan ang gate.

"Mabuti nalang at luto na ang ulam para makakain ka na." aniya habang binubuksan ang gate.

"Tiyak na mabubusog ako dahil masarap ang ulam na niluto mo." puri ko.

Hinihila na niya pabukas ang gate at pumasok na rin ako. Ngunit, kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi dahil sa sinabi ko. Agad siyang tumalikod at naglakad patungo sa loob ng bahay.

Agad ko siyang sinabayan, at ng magpantay ang aming lakad pinagsiklop ko ang aming mga kamay at hinigpitan ang pagkakahawak roon. Napatingin siya sa magkahawak naming kamay. Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay at isarado iyon ni Carmen. Ipinaharap ko si Carmen.

"Michael.." aniya at nagbaba ng tingin.

"Look at me, Carmen." utos ko na kaagad naman niyang sinunod. Nang mag-angat siya ng tingin. Tinitigan ko siya at dahan-dahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Napapikit siya sa ginawa ko.

"I miss you." ani ko. Nagmulat siya ng mga mata.

"I miss you too." aniya. Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sakaniya pero iniiwas niya iyon.

"Kain muna tayo. Diba gutom ka na?" aniya pero kitang-kita ang pamumula ng kaniyang pisngi. Natawa ako sa sinabi niya.

"Oo nga pala, naalala ko gutom pala ako." ani ko.

Nauna nang naglakad si Carmen patungo sa kusina, sumunod naman ako tsaka umupo sa upuan sa mesa. Nagprepare na siya ng mga plato at nilagyan iyon ng kanin at ibinigay iyon sakin.

"Salamat." ani ko.

Umupo na rin siya sa katapat kong upuan. Nagsimula na kaming kumain, habang kumakain hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Biglang may pumasok sa aking isipan nang maalala kapag ipinagtapat na namin kay Athalia ang buong katotohanan.

"Gusto ko kapag nalaman na ni Athalia ang totoo, sa bahay na kayo titira Carmen. Hindi na dito, at hindi na rin kita papahintulutan na magtrabaho pa sa mga Sebastian." ani ko sa seryusong tinig. Nag-angat siya ng tingin at tumango.

"Sige, pero tutol ako sa huli mong sinabi. Magtratrabaho pa rin ako sa mga Sebastian, Michael." aniya.

Napabuntong-hininga ako. Hindi talaga nagbabago ang ugali niya, kapag gusto niya ang isang bagay ipinagpipilitan niyang mangyari iyon.

"Okay, hahayaan kita pero may limitasyon. Okay lang ba?" tanong ko sa kaniya.

"Thank you. Napakamaunawain mo." aniya. Lumambot ang ekspreksiyon ng aking mukha dahil sa sinabi niya.

"Sa totoo lang, ayaw ko pero dahil mahal mo ang mga Sebastian, hahayaan kita pero may limitasyon. Gusto kong iparanas sayo ang maging reyna ng aking mansiyon Carmen, yung mga bagay na dapat na natamasa niyo sa loob ng labing-isang taon." nakita ko ang paglambot ng ekspresiyon sa mga mata niya.

"Patawarin mo ako sa pagiging duwag ko na ipaglaban ka at ipagpatuloy ang relasyon natin, sana maganda ang buhay na tinatamasa ni Athalia ngayon." aniya. Punong-puno ng guilt ang bakas ng kaniyang mukha. Ginagap ko ang kamay niya na nakapatong sa mesa at bahagyang pinisil.

"Tapos na iyon, Carmen. Oo, inaamin ko na hindi ko maiwasang magalit sa paglilihim at pagtatago mo sakin. Pero, tapos na iyon, Carmen. Kalimutan na natin ang nakaraan. Kapag nakakulong pa rin tayo sa nakaraan hindi tayo magigng masaya." ani ko.

Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata. Lumapit ako sa kaniyang tabi at pinunasan ang kaniyang luha sa pamamagitan ng aking hinlalaki.

"Sshh.. Don't cry." ani ko.

"Bakit ang bakit mo sakin, Michael? Bakit sa kabila ng mga ginawa ko sa iyo heto narito ka at handang patawarin ako?" tanong niya. Tinitigan ko siyang maiigi.

"Dahil mahal kita, walang taong perpekto, Carmen. Lahat tayo nagkakamali. Pero kailangan natin magpatawad, dahil mnahirap mabuhay ng may galit sa kapwa mo." ani ko habang titig na titig sa kabniya.

"Mahal na mahal kita, Michael. Noon hanggang ngayon walang nagbago." aniya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Mahal na mahal kita." ani ko at sinakop ang kaniyang mga labi na kaagad naman niyang tinugon.