Chapter 28 Promotion
Note : slanting sa part ng message
Athalia'sPOV
Nagising ako na wala na sa tabi ko si Luke. Napatingin ako sa bintana na bahagyang nakabukas. Bumangon ako at tiningnan ang orasan sa dingding. Alas singko y medya na ng umaga. Kinuha ko ang cellphone sa bedside table para tingnan kung may mensahe ba akong natanggap. Napangiti ako ng makitang may isang mensahe galing kay Luke. Binuksan ko iyon at binasa ang nasa mensahe.
Ihahatid ka ni Manong Amboy. Gustuhin ko man sana na ihatid ka ngunit, kailangan ako sa abakahan. Don't hesitate to call me if you have a problem regarding to your work. I love you. Keep your cellphone open during lunchtime, i will call you.
Napangiti ako sa sinabi ni Luke. Hindi ako akalain na ganito pala siya ka-sweet. Nagpadala nalang ako ng i love you too. Ibinalik ang cellphone sa bedside table at bumaba na ng hagdanan. Nadatnan ko si inay na nagpreprepara ng pagkain. Lumapit ako sa kaniya ng tahimik at hinalikan siya sa pisngi.
"Good morning, nay." bati ko sa kaniya. Lumingon siya sakin.
"Mukhang masarap ang tulog mo anak, ah?" biro ni inay na tinawanan ko lang.
Sino ba naman ang hindi gaganda ang gising, lalo at ayos na kami ni Luke. Anuman ang pagdaanan namin, sisiguraduhin ko na malalampasan namin iyon at hinding-hindi ako bibitaw. Ipaglalaban ko siya anuman ang mangyari, kahit sa ina pa niya. Ngumiti ako kay inay.
"Syempre masaya ako kasi kasama kita. Ikaw ang nagbibigay liwanag sakin inay. Salamat sa lahat." ani ko niyakap siya. Hindi ko tuloy maiwasang maguilty dahil pinapatuloy ko si Luke sa kwarto nang wala siyang alam.
"Sus! Nambola ka pa! May kailangan ka siguro nu?" tanong niya sakin. Umiling ako.
"Wala po." ani ko at tinulungan siya sa paghahanda sa mesa.
Biglang pumasok sa isip ko si ir Lereño. ino nga ba ito? At anong koneksiyon mayroon sila ni inay? Napatingin ako kay inay na maganang nagsasandok ng kanin. Mas umaliwalas ang kaniyang mukha kaysa sa mga nagdaang buwan at taon ng kaniyang buhay. May kinalaman ba rito si Sir Lereño?
Sabagay, sasabihin naman ni inay sa tamang panahon ang lahat. Umupo na kami sa uppuan at bago kumain, nag-usal muna ako ng simpleng pananalangin para magpasalamat sa Manlilikha sa mga biyayang binibigay Niya araw-araw. Pagkatapos, ay pinagsaluhan na namin ang agahan.
"Natanong ko si Ate Daisy kung kamusta na si Kuya Adan. Sabi niya, hindi daw nila nakokontak si Kuya Adan dahil hindi daw nagriring ang cellphone number nito. Sobrang nag-aalala na kami. Kasi imposible na iwan ni Kuya Adan ang pamilya niya rito, diba? Hindi mo ba natatanong si Luke tungkol sa dad niya?" tanong ni inay at tiningnan ako ng makahulugan. Linunok ko muna ang pagkain na nasa aking bibig bago nagsalita.
"Tinanong ko siya nay pero ang sabi niya ay baka wala daw oras si Tito Adan para tumawag sa mansiyon." ani ko.
Pero maski ako ay kinakabahan na rin. Nakita ko rin ang uneasyness sa kilos at mukha ni Luke nang mga sandaling iyon. Hindi kaya may tinatago siya sakin at may kinalaman si Tita Olivia?
Manipulative si Titta Olivia at ang gusto niya lagi ang nasusunod. Kailangan ko siyang tanungin mamaya kapag sinundo niya ako. Siguro naman pwede niya na ako pagkatiwalaan.
"Tatanungin ko mamaya si Luke, nay." ani ko.
"Mabuti pa nga, dahil sobrang nag-aalala na kami sa kaniya." ani inay. Tumango lamang ako bat ipimagpatuloy na ang pagkain. Malamang, kung may masamang nangyari kay Tito Adan, may kinalaman rito si Tita Olivia.
"Salamat po, Manong Amboy sa paghatid po sakin." ani ko ng iparada niya ang sasakyan sa tapat ng kompanya. Ngumiti siya sakin.
"Mag-iingat ka iha. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko ikaw ang maging kasintahan ni Luke lalo at sinabi sakin ni Manang Daisy na hiwalay na raw sila ni Mickaela." ani Manong Amboy.
Napakunot-noo ako. Paano niya nalaman? At paano nalaman ni Manang Daisy? Wala pa naman sinasabi sakin si Luke na sinabi niya na sa mag-asawa ang tungkol sa paghihiwalay nila.
"Ganun po ba. Sinabi mismo ni Luke kay Manaang Daisy?" tanong ko dahil curious na curious na talaga ako. Umiling siya.
"Pumunta kasi si Mickaela kaninang madaling araw sa mansiyon at nagkausap sila ni Luke, nakikipag-ayos si Mickaela pero ayaw na talaga ni Luke at tsaka pinalayas na siya ni Luke. Kaya walang nagawa si Mickaela kundi ang umalis." paliwanag ni Manong Amboy.
Hindi ko maiwasang maawa kay , Mickaela, alam ko na ayaw din maging bastos ni Luke rito pero kailangan niyang gawin para tuluyan ng umalis si Mickaela. Ngunit, hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba na baka magsumbong si Mickaela kay Tita Olivia.
Hindi ompisible iyon, lalo at botong-boto si Tita Olivia kay Mickaela. Pero hindi dapat ako matakot! Haharapin ko si Tita Olivia ng buong tapang. Hindi dapat ako magpadaig sa takot ko. Tumango ako bilang pagsagot sa sinabi ni Manong Amboy. Binuksan ang pintuan tsaka binalingan siya.
"Mauna na po ako, salama po ulit. Pakikamusta po ako kay Luke, pakisabi na huwag magpapagutom." ani ko. Tumawa siya.
"Kung hindi ko lang alam na magkaibigan kayo ni Luke, iisipin ko na may relasyon kayong dalawa eh. Ramdam ko yung concern mo sa kaniya, iba eh." aniya na nangingiti. Kung alam niyo lang, Manong Amboy. Tiyak na magagalak kayong tunay. Ngumiti ako sa kaniya.
"Ganun lang po talaga kami." ani ko at tuluyan ng lumabas ng sasakyan niya. Naglakad ako patungo sa loob, tatahakin ko na sana ang daan patungo sa glass door ng gusali ng may tumawag sakin.
"Athalia!" nagpalinga-limga ako.
Boses ba iyon ni Sir Lereño? Nang mapadako ang tingin ko sa isang sasakyan sa parking area. Nakita ko si Sir Lereño na isinasara ang pintuan ng sasakyan niya. Dagli siyang lumapit sakin habang may nakapaskil na ngiti sa mga labi.
"Good morning." bati niya na may malapad na ngiti sa mga labi. Nang tuluyan siyang makalapit. Binati ko rin siya na may masuyonmg ngiti sa mga labi.
"Good morning din po, Sir Lereño." bati ko.
"Halika, samahan mo ako sa opisina. May mahalaga akong sasabihin sa iyo. Tiyak na matutuwa ka." ani Sir Lereño.
"Sige po." ani ko at sumunod ako sa kaniya patungong elevator.
Nadaanan ko sina Anallene Onilio at ang kaibigan nito na si Rachelle na kung makatingin ay parang nakagawa ako ng pagkakamali. Pero hindi ko nalang sila pinansin. Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng elevator, doon lang ako nakahinga ng maluwang.
"May hindi ba kayo pagkakaunawaam ni Ms. Onillo at nang kasama niya?" tanong niya sakin.
Tiningnan ko siya na naging dahilabn para magtama ang aming mga mata. Iba ang tingin na ipinupukol niya sakin. Tingin na punong-puno ng pag-aalala.
Hiniling ko na sana, si Sir Lereño nalang ang aking naging ama, iba yung pag-aalala na ipinaparamdam niya sakin pero malabong mangyari iyon dahil ganun lang siya sakin dahil empleyado niya ako. Umiling ako.
"Wala po." ani ko. Parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko dahil kumunot ang kaniyang noo.
"Okay lang po ako, Sir." ani ko.
Tumango si Sir Lereño. Biglang bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas. Tinungo ang opisina niya at pumasok.
"Please have a seat, Ms. Ramos." aniya at inilahad ang kamay sa visitor's chair. Tinungo ko iyon at naupo. Umikot naman siya patungo sa swivel chair at naupo. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa mesa at tinitigan ako.
"You look exactly your mother." aniya. Kimi akong ngumiti.
"I'll take that as a compliment, Sir. Thank you."
"Marahil naguguluhan ka kung bakit ganun kami ka-sweet ng inay mo. Naging magkasibntahan kami wayback in high school." aniya. Tumango-tango ako.
"Yes po. Sinabi po niya sakin. Handa po akong maghintay kung kailan niyo po sasabihin sakin ang totoo." ani ko at ngumiti.
"Thank you, Athalia. Napakamaunawain mo sa iyong ina. Napakaswerte niya dahil nagkaroon siya ng anak na kagaya mo." aniya habang titig na titig sakin.
Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang pangungulila. Siguro, pdahil sa pangarap niya din magkaroon ng pamilya at anak subalit hindi nangyari.
"Ako po ang maswerte sa kaniya. Alam niyo naman na po iyon." ani ko. Tumango-tumango siya.
"Pinapunta kita rito dahil may maganda akong balita sa iyo." aniya. Biglang lumakas ang tibok ko. Ano kayang magandang balita iyon?
"Ano po iyon, Sir?" tanong ko.
"Gusto kitang maging Bise-presidente ng aking kompanya, Athalia." Napatayo ako sa gulat habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa boss namin. Totoo ba ang narinig ko o kathang isip lamang iyon ng aking pandinig?
"Totoo po? Pero bakit?" tanong ko.
"Oo, tama amg narinig mo Athalia."
Hindi ko akalain na ibibigay ni Sir Lereño sakin ang ganoong posisyon. Pero bakit? May kinalaman ba ito kay inay?