Chapter 30 The Truth

Athalia'sPOV

Pagkatapos kong mananghalian kasama si Ate Melissa at masabi kay Charles na guasto ko siyang makausap mamaya, pagkatapos ng office hours. Nagtungo ako sa Rest Room para magretouch, hindi ko kasi nagawa kanina dahil napahaba ang kwentuhan namin ni Ate Melissa. Nang nasa entrance na ako, nakarinig ako ng mga mga pamilyar na boses na nag-uusap sa loob. Mas lalo akong lumapit para mas marinig ko pa ang pinag-uusapan nila.

"Sipsip masyado! Gumagawa talaga ng paraan para itaas ang rangko. Nakita mo yun kanina? Hindi man lang tumanggi, at talagang nakisabay pa sa boss natin! Pabida!"

Napasinghap ako ng marinig ang pamilyar na boses na iyon, buti nalang mabilis kong natakpan ang aking bibig. Si Anallene! Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis, ano ba ang nagawa ko sa kaniya at ganun nalang siya kagalit sakin?

Paano nalang kung nalaman cniya na soon magiging VP na ako ng kompanya? Napailing-iling nalang ako. May mga tao talagang hindi kayang maging masaya sa achievement ng iba. Nilulukob sila ng inngit, imbes na mainggit bakit hindi nalang sila magsikap?

"Oo nga, masyadong pabibo nga. Halika na nga! Huwag na natin stresin ang sarili natin sa kaniya!" ani Rachelle.

"Mabuti pa nga!" ani Anallene.

Hihintayin ko sila rito! Magalit na sakin si Sir Michael, wala akong pakielam! Hindi ako papayag na pinagsasalitaan ako. Hindi naman warfreak ako, gusto kong ipagtanggol ang sarili ko. Dahil kung hahayaan mo lang sila, uulitin nila. Nang makalabas sila ay nagsalita ako.

"Ano ang pakiramdam na pinagsasabihan niyo ng hindi maganda ang kapwa niyo empleyado?" tanong ko na nagpatigil sa kanila sa tuluyang pag-alis.

Bale nasa labas kami ngayon. Mabuti nalang at wala nang masyadong empleyado dahil anong oras na rin kasi at last batch kami. Kitang-kita ang gulat sa mukha nila at pagdaka'y napalitan iyon ng ngisi. Dahan-dahan lumapit sakin si Anallene na may ngisi sa mga labi. Taas-noo siya nitong tinitigan.

"So narinig mo lahat ng mga sinabi ko? Diba totoo naman? Sipsip ka?" aniya at inirapan ako.

"Anallene wala akong balak makipagtalo sa iyo. Pero huwag mong sasagarin ang pasensiya ko dahil marunong akong magalith. Baka nga ikaw rin ang may kagagawan kung bakit nalaman ni Charles na magkasama kami ni Luke! Imbes na pakielamanan mo ang buhay ng ibang tao bakirt hindi ang buhay mo ang pagtuunan mo ng pansin?" tanong ko at nilampasan sila. Hindi pa ako nakakadalawang hakbang ng maramdaman mo ang mabigat na kamay ni Anallene na hinihila ang buhok ko.

"Anallene! Bitawan mo ang buhok ko! Wala akong balak makipag-away sayo!" ani ko at pilit na tinatanggal ang pagkakahila niya sa buhok ko. Ang sakit!

"Akala mo kung sino ka ah?! Sino ka ba para pagsalitaan ako ng ganiyan?!" aniya at mas lalong hinila pa ang aking buhok. Pakiramdam ko matanggal na ang buhok ko sa anit ko dahil sa lakas ng pagkakahila niya!

"Anallene! Bitawan mo si Athalia!" ang malakas na sigaw na iyon ang naging dahilan para bitawan ni Anallene ang buhok ko.

Muntik na akong napasubsob kung hindi lang may lalaking umalalay sakin. Nagtaas ako ng noo at nakita si Sir Michael na siyang umalalay sakin. Lumayo agad ako sa kaniya tsaka tiningnan ang dalawa na tinakasan ng kulay ang mukha. Muling ibinalik ang tingin kay Sir Lereño na madilim ang mukha na nakatingin sa dalawa.

"Come to my office!" aniya at tiningnan siya.

"Come to my office also Ms. Ramos, para masabi mo kung ano ang nangyari." aniya at nauna ng naglakad. Sumunod kami sa kaniya, maging sina Anallene at Rachelle ay sumunod na rin, bale nasa likuran ko sila. Biglang huminto si Sir Lereño at sinabayan ako sa paglalakad.

"Ayos ka lang?" tanong niya sakin. Naroon ang concern sa mga mata niya habang hinahaplos ang aking buhok.

"Ayos lang po ako, medyo masakit nga lang po ang aking anit dahil sa pagkakasabunot sa aking buhok." ani ko. Nag-igting ang panga nita na para bang pinipilit na amgalit. Tumango lamang siya.

Nang marating namin ang opisina. Binuksan ni Sir Lereño ang pintuan at nauna ng pumasok kasunod ako, sina Anallene at Rachelle. Nang makapasok kami, iwenestra niya ang kamay sa sofa.

"Maupo kayo. Kailangan natin pag-usapan ang nangyari kanina." aniya na nakatiim-bagang at madilim ang mukha na nakatingin kina Anallene at Rachelle.

Napatingin ako sa kanila na nakaupo di-kalayuan sa aking tabi. Kitang-kita ko ang pagpapawis ng batok niya, samantalang si Rachelle naman ay nanginginig ang mga kamay habang nakapatong iyon sa hita niya. Bumaling ako kay Mr. Lereño ng magsalita siya.

"Bakit mo sinabunutan si Athalia?" martigas nityang tanong.

Kitang-kita ang paglabas ng ugat ng kaniyang leeg at pag-igting ng panga. Tumaas ang balahibo ko sa nakita at napakagat-labi tsaka nagbaba ng tingin.

"Dahil kasalanan po niya. Masyado po siyang pabida, Sir na parang siya ang boss!" ani Anallene. Napatingin ako kay Anallene na may pagkakunot-noo.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko na hindi maiwasang maikuyom ang kamao at matalim ang matang napatitig sa kaniya.

So ako pa ang may kasalanan? Umirap siya at muling ibinalik ang tingin kay Mr. Lereño. Napasinghap si Anallene kaya nabaling ang tingin ko kay Mr. Lereño kung bakit napasinghap si Anallene. At parang pinagsisihan ko ang ginawa dahil kitang-kita na nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin kay Anallene.

"Sir? Galit po ba kayo sa--kin?" tanong ni Anallene na may bahid ng pagkatakot ang boses niya.

Bumuntong-hininga si Mr. Lereño at tumingin sakin. Mapungay ang kaniyang mga mata. Nababanaag ko ang pag-aalala sa kung paano niya ako tingnan. Bakit? Dahil ba sa anak ako ng babaeng mahal niya?

"Ayos ka lang?" tanong niya sakin.

Nakita ko sa sulok ng aking mata ang pagkalito at pagtataka sa mukha nina Anallene at Rachelle. Nakabuka ang bibig ni Anallene habang may panlalaki ang mga mata. Tiyak na iba na naman ang iniisip niya.

"Ayos lang po ako." kimi kong sagot at nagbaba ng tingin. Naroon na naman ang lukso ng dugo na lagi kong nararamdaman sa kaniya.

"Kung anuman ang malalaman kong tsismis rito sa kompanya na patungkol kay Athalia at may kinalaman kayo roon, sisiguraduhin ko na mawawalan kayo ng trabaho at wala na kayong trabahong mapapasukan pa!" sigaw ni Mr. Lereno na dumagundong sa kabuuan ng opisina.

Napaangat ako ng ulo dahil sa sigaw na iyon ni Sir Lereno. Nagngangalit ang mga ngipin, nag-iigting ang mga paa at nakakuyom ang kamao na nakatingin ng matalim kina Anallene at Rachelle.

"Opo, Sir. Makakaasa po kayo." sagot nila na nanginginig ang mga labi at tuhod.

Napatingin ako kay Sir Lereño. Ang daming tanong na pumapasok sa aking isipan. Kung bakit ganito siya sakin? Dahil ba sa gusto niyang makuha ang loob ko para kung sakali man na maghkaroon sila ni inay? Gulong-gulo na ako! Huminga ako ng malalim.

"Makakaalis na kayo!" pagtataboy ni Sir Lereño. Dagling tumayo sina Anallene at Rachelle at yumukod kay Sir Lereño at dali-daling lumabas. Tumayo na rin ako para lumabas pero ihahakbang ko pa lang ang aking kanang paa ng magsalita si Sir Lereño na siyang nagpatigil sakin.

"You stay. Mag-uusap tayo, Athalia." aniya sa mahinahong boses.

Kunot-noong bumaling sa kaniya. Sa totoo lang ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero nahihiya ako. He's my boss at walang dahilan para mag-demand ako ng sagot sa kaniya.

"Bakit po? Kailangan ko na pong pumunta sa opisina, madami pa po akong gagawin.

"Madami akong sasabihin sa iyo. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para malaman mo ang katotohanan kung sino ka." aniya. He got my interest. Umupo ako ulit sa sofa at nagtatanong ang mga matang nakatitig sa kaniya.

"Sa tingin ko, si inay nalang po ang magsasabi sa akin ng katotohanan. Oo nalilito ako, pero sino po kayo? Hindi po tayo magkaano-ano para sa inyo ko po malaman ang katotohanan. Boss po kita, pero sapat na ba ang mga pinakita mo para pagkatiwalaan kita?" nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata.

Pero totoo naman diba? Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng sasabihin niya o pumapabor lang iyon sa gusto niya para matanggap ko siya? Pero bakit nasasaktan ako na pinag-iisipan ko siya ng masama. Napakagat-labi ako at sinalubong ang malamlam niyang mga mata na nakatitig sakin. Huminga ako ng malalim.

"Ayaw kong maging bastos. Pero sana naiintindihan niyo ako kung bakit ko sinabi iyon. Pero sino ba kayo sa buhay ni inay? Niloko ba ni inay si i--tay at ikaw ang dahilan?"

Tumulo ang luha sa aking mga mata at nanginig ang aking labi habang sinasabi ko iyon. Bakit nasasaktan ako na pinagsasabihan ko siya ng masasakit na salita? Tumulo ang luha sa mga mata ni Sir Lereño. Dumausdos iyon sa kaniyang pisngi.

"Ang sakit pala sa dibdib na marinig ang mga bagay na iyon sa iyo, Athalia. Ang sakit marinig na pinagsasalitaan ka ng masasakit na salita ng iyong anak." aniya at tuluyan ng umiyak. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. Nanlalaki ang mga mata na napatitig ako sa kaniya at napatayo.

"Anak?!" naguguluhan kong tanong. Nang matapos siya sa ginagawa. Tumingin siya sakin ng buong pagsuyo. Namumula ang kaniyang mga mata. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at namamawis na rin ang aking palad kasabay ng pangangatog ng aking tuhod.

"Oo, ako ang tunay mong ama Athalia." aniya na naging dahilan para mawalan siya ng urirat.