Chapter 27 Athalia's Confession
Luke'sPOV
Hindi ko akalain na sasang-ayon si Athalia sa sinabi ko. Mahal din ba niya ako? Hindi siya sasang-ayon sa sinabi ko kung hindi kami parehas ng nararamdaman. Kanina noong umalis ako dahil gusto ko siyang mapag-isa. Sinubukan ko na hindi siya makita at makasama pero niloloko ko lang ang sarili ko.
Dahil sa bawat oras na dumaraan mas lalo akong nahihirapan. Uminom ako eto hindi ako lasing. Kaya nagpapasalamat ako kanina nang makitang bukas pa ang bintana niya. Natutunan kong umakyat noong nag-aaral ko dahil madalas ginagabi kami ng uwi.
Madami akong naging babae noon. Madami akong nai-kama at napagsawaan, pero ngayon magiging tapat ako sa nararamdaman ko para kay Athalia. Ikinulong ko ang kaniyang mukha sa aking mga palad at pinakatitigan ko siya.
"Mahal mo rin ba ako?" tanong ko. Napakagat-labi siya na parang nahihiya habang tumatango.
"Oo, mahal kita. Noon pa man, noong mga bata pa tayo may gusto na ako sa i'yo Luke. Pasensiya na kung naging mahina ako. Pero ngayon ko napagtanto na hindi ko kayang nakikita kang nahihirapan lalo at alam ko ang mga pinagdaanan mo. Mahal na mahal kita Luke, noon at hanggang ngayon." aniya habang titig na titig sakin.
"F*ck!" ani ko at tuluyang inangkin ang kaniyang labi.
Wala akong masabi sa mga kundi siilin siya ng mapusok na halik at iparamdam sa kaniya kung gaano ako kaswerte pagdating sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapangiti ng ikawit niya ang mga kamay sa aking leeg. Pinipilit nitong gayahin ang ginagawa ko pero hindi niya magawa. So innocent. Humiwalay ako sandali at tinitigan siya.
"Sorry, hindi ako marunong humalik." aniya. Ngumiti ako at pinisil ang pisngi.
"It's okay baby, i understand. Tuturuan naman kita." aniya at kinindatan ito.
Namula ng pisngi nito at nagbaba ng tingin. Iginiya ko siya sa kama at hinawakan ang kaniyang chin para magtagpo ang amingha paningin. Tinitigan ko siya ng matiin.
"Makipaghiwalay ka na kay Charles, sabihin mo na ako talaga ang mahal mo. At magplaplano ako kung kaylan natin sasabihin sa inay mo ang relasyon natin." ani ko. Tumango-tango siya.
"Okay. Mag-uusap kami bukas. Baka magalit sakin si inay, pero handa ko iyon harapin para sayo, Luke. Siguro, tama na ang maraming taon na paglilihim ng nararamdaman ko sa i'yo. Pagod na ako magpanggap na wala akong pakielam sa i'yo.
Pagod na pagod na ako Luke, siguro ngayon na ang tamang panahon para ipaglaban kita haha ng paglaban mo sa pagmamahal mo para sakin. Patawarin mo ako kung naging mahina ako." aniya habang masuyong nakatitig sakin. Muli kong hinaplos ang kaniyang pisngi.
"Ayos lang iyon. Atleast ngayon okay na ang lahat. Anuman ang mangyari hindi kita bibitawan, Athalia. Ipaglalaban kita kay mom." ani ko at dahan-dahan siyang hinalikan sa labi. Masuyo iyon at punong-puno ng pagmamahal. Bumaba ang aking halik sa kaniyang leeg at dinila*n iyon. Napasabunot si Athalia sa aking ginawa.
"Luke! Uhm!" aniya habang mariin na nakapikit at nakatingala sa kisame. Itinigil ko ang ginagawa na naging dahilan para napatingin sakin si Athalia
"Gusto kitang angkinin ngayon, pero ayaw kitang madaliin, Ath. Gagawin natin iyon sa tamang panahon at pagkakataon. At kapag ginawa na natin iyon—" ibinitin ko ang iba kong sasabihin at inilapit ang bibig sa kaniyang taenga. Naramdaman ko na napapansin siya. Napangiti ako dahil dun, ibig sabihin ganun ang epekto ng presensiya ko kay Athalia."maghanda ka, dahil aangkinin kita ng paulit-ulit hanggang hindi ka napapagod at sisiguraduhin ko mabubuntis kita para wala kang kawala." ani ko at tiningnan siya. Nanlaki ang mga mata at namumula ang kaniyang mukha. Natawa ako sa reaksiyon niya.
"Luke naman eh!" aniya sakin at inirapan ako.
"Bakit ayaw mo ba?" tanong ko sa kaniya. Napalabi siya.
"Gusto, pero sigurado ka na ba na gusto mo akong buntisin?" tanong nito."Omg! Hindi ko akalain na sinasabi ang mga bagay na iyan. Bata pa kasi tayo, sa tingin mo oras na para magkaroon tayo ng anak?" tanong nito.
"Anong masama? Mag-22 ka na at mag-24 na ako. Bata man tayo pero kaya naman na natin buhayin ang magiging anak natin. Diba?" pilyo kong tanong sa kaniya.
"Okay. Sabi mo eh." aniya. Natawa ako.
"Speechless?" tanong ko sa kaniya. Natawa siya.
"Dito ka ba matutulog?" tanong niya.
"Yup." sagot ko.
"Baka makita ka ni inay." aniya at nasa mga mata ang pangamba.
"Don't worry, aalis ako ng mga madaling araw." ani ko at iginiya siya pahiga sa kama at niyakap siya tsaka pinisil ang kaniyang dibdib.
"Luke!" ani Athalia at tinampal ang aking braso. Sumimangot ako.
"Ito lang naman, please?" ani ko with puppy eyes.
"Okay." aniya at inuman sa aking braso.
"Kung hindi ka ba nag-aral sa ibang bansa, sa tingin mo magiging tayo ba ng maaga?" biglang tanong niya. Napatingin ako sa kaniya at nagtagpo ang aming mga mata.
"Oo naman, liligawan kita syempre at dahil may gusto ka rin sakin siguradong sasagutin mo agad ako." ani ko na may pilyong ngiti sa mga labi.
"Ang lakas ng hangin! Mukhang liliparin ako!" aniya na may kasamang pag-irap.
Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. Sasagot na sana ako ng tumunog ang cellphone ni Athalia. Kinuha ko iyon sa bedside table dahil ako ang malapit roon tsaka ibinigay iyon sa kaniya. Email pala nag natanggap niya. Hindi ko maiwasang mainis at magselos sa nabasa sa email. Tiningnan niya ako.
"Okay lang ba na sunduin ko siya sa airport sa susunod na linggo?" tanong nito. Hindi ko itinago ang inis at selos.
"Ayaw ko. Kaya naman niyang umuwi mag-isa bakit magpapasundo pa sa iyo?" tanong ko at iniwas ang tingin sa kaniya. Kinurot niya ang aking ilong.
"Awts!" ani ko at tginingnan siya ng masama. Pinanlakihan niya ako ng mga matan.
"Seloso ka masyado! Kung gusto mo pwede ka naman sumama eh, para hindi ka na magselos." biglang nagliwanag ang aking mukha dahil sa sinabi niya.
Mas mabuti nga na sumama ako para mabantayan ko si Athalia. Mas niyakap ko pa siya. ramdam ko ang pang-ibabang bahagi ng aking katawan na lumapat sa pag-aari nito. Nakaramdam ako ng pag-iinit pero pinigilan ko ang aking sarili.
"Luke, ano yun?!" tanong ni Athalia habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin sakin. Ngumisi ako.
"Alam mo na yun." ani ko. Pilit niya akong itinutulak pero hindi ako nagpapigil, mas lalo kong idinikit ang sarili sa kaniya.
"Sige, sasama ako. Hindi ko hahayaan na mag-isa kang pupunta roon samantalang narito ako at iniisip ang mga posibilidad na mangyari. Baka mabaliw ako, Athalia." ani ko habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Nakipagtitigan siya sakin.
"Wala ka bang tiwala sakin?" tanong niya. Naramdaman ko ang sakit na kalakip ng mga sinabi niya.
"Baby, may tiwala ako sa i'yo. Sa mga lalaking mapapalapit sayo ang wala." ani ko. Hinalikan ko siya sa noo. "Matulog na tayo, may pasok ka pa bukas." ani ko. Tumango siya.
"Goodnight. I love you.." aniya.
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa sinabi niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na sinasabihan ka ng mahal kita ng babaeng iniirog mo. Kaytagal kong pinangarap ito, ngayon ay nangyari na. Mabilis ko siyang hinalikan sa mga labi.
"I love you too. Matulog ka na, babantayan kita. Matutulog din ako kapag nakatulog ka na." ani ko.
"Okay." aniya at ipinikit ang mga mata.
Ilang minuto ng natutulog si Athalia pero heto pa rin ako, nakatitig sa maganda niyang mukha. Iniangat ko ang aking kanang kamay at hinaplos ang kaniyang makinis at malambot na pisngi.
"Huwag lang silang magkakamaling agawin ka nila sakin, handa gkong gawin ang lahat para sayo Athalia. Lahat lahat." ani ko at dinampihan ng halik ang kaniyang naka-expose na balikat dahil nalilis iyon. Pinikit ko na rin ang aking mga mata para matulog.
Alas kwatro ng madaling araw ng magising ako. Dahan-dahan akong kumawala sa pagkakayakap ni Athalia at bumaba ng kama. Bago tuluyang lumabas ay kinintalan ko muna siya ng halik sa noo at tuluyang bumaba ng bintana. Hindi iyon gaanong kataasan kaya kayang-kayang lundagin.
Nang tuluyang makababa sumakay ako ng aking motor at pinasdibad iyon patungo sa mansiyon. Napakunot-noo ako ng makitang may sasakyan sa bakuran. Ipinarada ko ang motor sa tabi, umalis sa pagkakaangkas at pumasok sa loob. Nadatnan kong natutulog si Mickaela sa sofa.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kaniya ghabang nakatitig dito. Pero wala eh, sinubukan ko naman na ibaling sa kaniya ang nararamdaman ko pero wala talaga eh. Iba talaga yung pagmamahal ko para kay Athalia. Nagmulat ito ng mga mata at agad na napabalikwas ng bangon ng makita ako.
"Luke!" aniya at tuluyang tumayo.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang matalim na nakatitig sa kaniya.
"Gusto kitang makausap." aniya at dahan-dahang lumapit sakin. ubalit pinigilan ko na siya.
"Diyan ka lang!" ani ko. Kitang-kitang ko ang pagluha sa kaniyang mga mata pero hindi ako nagpadala roon.
"Ano ba ang wala sakin? Binigay ko naman ang lahat sa iyo, Luke. Lahat-lahat, kung pagdating sa kama wala ka namang masasabi sakin, Luke!" sigaw niya.
Biglang bumukas ang pintuan ng kusina at sumilip roon si Manang Daisy. Tinanguan ko siya kaya bumalik na sa loob. Muli kong ibinalik ang tingin kay Mickaela na pinupunasan ang luha sa mga mata.
"Kaya mo man lahat iyon. Hindi iyon basehan para manatili ako sayo, Mickaela. Noon pa man, alam mo na ang tunay na dahilan kung bakit pumayag ako na maging kasintahan mo. Dahil sa kagustuhan ni mom. Pero ngayon, hindi na ako papayag na paikutin niyo pa ako." ani ko na may diin ang bawat mga salita. Suminghot-singhot siya.
"Umalis ka na, Mickaela. Sinasayang mo lang ang oras mo sakin. Darating din ang lalaking mamahalin at tanggap kung sino ka." aniya.
Lulugo-lugong umalis si Mickaela sa salas at nang marinig ko ang ugong ng sasakyan niya ay napaupo ako sa sofa. Nagtaas ako ng tingin ng makitang may naglapag ng baso ng tubig sa center table, si Manang Daisy. Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang tubig tsaka ininom iyon.
"Maraming salamat po." ani ko. Umupo siya sa tabi mko at hinawakan ang aking balikat.
"Ayos ka lang?" tanong niya. Tiningnan ko siya at nginitian.
"Sobrang saya ko po dahil nagkaaminan na kami ni Athalia, Manang Daisy. Walang pagsidlan ang aking katuwaan dahil sa wakas malaya na kami. Kailangan lang namin maging matatag para sa aming pagmamahalan dahil sigurado ako na may mga taong gustong sirain pa ito." tumango-tango si Manang Daisy.
"Kaya niyo yan. Kayo pa ba?! Pasensiya ka na, pinatuloy ko si Mickaela kasi ang ingay niya kanina. Bilang respeto inalok ko sa kaniya ang isang silid sa itaas pero tumanggi siya. Mas mainam na dito nalang daw siya sa sofa matulog para madatnan mo siya." paliwanag niya.
"Okay lang po iyon, manang. Akyat na po ako. Kailangan ko pa pong matulog para may lakas ako bukas sa pagbisita sa abakahan." ani ko tsaka tumayo at naglakad patungo sa hagdan.