Chapter 25 Avoidance
Athalia's POV
Lumingon ako ng marinig ang boses ng isang babae sa aming likuran. Nagulat ako ng makitang si Mickaela iyon.
"Mickaela." ani Luke na may pagtataka at gulat sa mukha. Pero bigla din iyon nawala at sumeryuso ang mukha.
"Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka." ani Luke na hindi man lang humingi ng permiso sa nangyari. Tumawa si Mickaela ng may pang-uuyam.
"Kung magpapaalam ako, edi sana hindi ko matutuklasan ang relasyon na mayroon kayo ni Athalia!" sigaw ni Mickaela na halos lumabas anfg litid sa leeg.
Lumapit siya sakin at akmang sasampalin ako kaya napapikit ako para tanggapin ang sampal niya. I deserved it. Pero wala akong natanggap na sampal. Nagmulat ako ng mga mata at nakita si Luke na hawak-hawak ang palapulsuhan ni Mickaela.
Nagtatakang tiningnan ko si Luke na matalim ang mga matang nakatingin kay Mickaela samantalang si Mickaela ay parang maiiyak na dahil sa ipinapakita ni Luke rito.
"Ako na ang saktan mo, huwag lang si Athalia. Wala siyang kasalanan. Ako ang lumapit sa kaniya."
Dahan-dahang ibinaba ni Mickaela ang kamay at tumulo ang mga luha sa mga mata. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya, alam ko ng mga sandaling iyon na sobra siyang nasasaktan dahil sa ipinapakita sa kaniya ni Luke.
"Bakit mo ginagawa sakin ito, Luke?" tanong ni Mickaela at bumuhos ang luha sa kaniyang mga mata. Tiningnan ako ni Luke, alam ko na ibig sabihin ng tingin na iyon. Muli ibinalik ang tingin kay Mickaela.
"Noon pang mga bata kami, may paghanga na akong nararamdaman para kay Athalia. Oo, minahal kita Mickaela pero hindi kasing lalim ng pagmamahal ko para kay Athalia. I'm breaking up with you, Mickaela. Tapusin na natin ito." aniya at hinawakan ang aking kamay tsaka hinila ako pababa sa burol. Naiwan doon si Mickaela. Ipiniksi ko ang aking kamay dahilan para mabitawan niya.
"Hindi mo dapat iniwan si Mickaela doon. Hindi mo dapat ginawa iyon! Hindi ka nalang naawa sa kaniya. Sana naman tinaymingan mo ang pakikipaghiwalay sa kaniya Luke. Kawawa naman yung tao." ani ko sa kaniya. Ngumisi si Luke.
"Bakit ko pa tataymingan, Athalia? Ganun din naman ang gagawin ko diba?" tanong ni Luke na nakakunot-noo.
"Eh nasaktan mo siya! Babae ako at ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya, Luke!" ani ko.
"So kailangan damdamin niyo parati ang isasaalang-alang namin, Ath? Paano ang nararamdaman namin? Ikaw, mas pinili mo si Charles kaysa sakin at ginagalang ko iyon kaya sana igalang mo rin ang desisyon ko." ani Luke at iniwan ako.
Pumasok ako sa loob ng bahay at nagtungo sa opisina ni Luke, nadatnan ko siyang naninigarilyo sa may balkonahe. Napakunot-noo ako, kailan pa siya natutong manigarilyo?
Hindi ko nalang siya pinansin at naupo sa mesa tsaka ipinagpatuloy ko ang ginagawa. Nakarinig ako ng ugong ng sasakyan na papalabas, marahil kay Mickaela iyon. Naramdaman kong papalapit si Luke sa direksyon ko.
"Aalis ka na ba?" biglang tanong ni Luke.
Tiningala ko siya na nasa aking harapan. Wala na rin ang sigarilyo na hinihithit niya, marahil itinapon na niya kanina noobng nasa balkonahe siya. Hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Saan ka natutong manigarilyo?" tanong ko sa kaniya.
Titig na titig siya sakin. Nakaramdam ako ng pagkaasiwa sa paraan ng pagtitig niya. Gustong-gusto kong umiwas ng tingin pero minabuti kong salubungin ang tingin niya. Huminga siya ng malalim at nag-iwas ng tingin.
"Natuto ako noong nasa Canada ako, kapag nasstress ako, naninigarilyo lamang ako at nawawala kahit papaano ang stress ko lalo na kapag pressure ako sa pag-aaral." sagot ni Luke na nakatanaw sa may balkonahe, pakiramdam ko napadkabigat ng kaniyang dinadala. Bigla kong naalala ang nangyari kanina, kailangan kong humingi ng paumanhin sa mga nasabi ko. Tinitigan ko siya, bumalik ang tingin niya sakin.
"I'm sorry sa nangyari kanina, Luke. Nasaktan lang ako sa nangyari pero alam kong ikaw ang nasaktan ko." ani ko. Lumapit siya sakin at nang kahibla nalang ang layo namin sa isa't-isa, hinawakan niya ang aking pisngi at pinakatitigan ako.
"Ayos lang, naiintindihan ko. Ath, siguro kailangan ko nang dumistansiya muna sayo. Don't worry, iguguide pa rin kita pero sa ngayon kailangan muna kitang iwasan hanggang sa makarecover ako. Siguro naman mawawala rin ito. Okay lang ba? I am still your bestfriend?"
Bigla akong nakaramdam ng sakit sa sibnabi niya. Pero kailangang gawin eh, pero bakit ang bigat? kailangan ko na bang hiwalayan si Charles? Pero unfair iyon sa kaniya. Tumango ako at pilit na ngumiti.
"Sige, naiintindihan ko. Syempre, i'm still ypur bestfriend." ani ko at ipinakita sa kaniya ang aking hinliliit. Idkinawit ni Luke ang hinliliit nito.
"Bestfriend forever."
"May problema ba?" tanong ni Charles habang nasa byahe kami pauwi ng bahay.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Luke ay umalis ito, gagawin na daw niya ang pag-iwas sakin. Sa katunayan, hindi ko natapos ang iba ko pang gagawin dahil okupado ang isip ko sa pag-iwas sakin ni Luke. Lumingon ako kay Charles, kitang-kita sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Umiling ako.
"Wala, pagod lang siguro ako." sagot ko at nag-iwas ng tingin. Ayaw niyang makita sa aking mga mata ang tunay na dahilan. Ayaw ko siyang mag-alala. Huminga ng malalim si Charles.
"Is it about Luke?" tanong niya. Napatingin ako sa kaniya. Bakit yun ang nasa isip niya?
"Bakit mo nasabi?" tanong ko na nakakunot-noo. Hinihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at tsaka binalingan ako at tinitigan.
"Hindi mo man sinasabi sakin, pero ramdam ko Athhalia na hindi ako ang gusto mo na hindi ako ang mahal mo. Bakit mo nga ba ako sinagot, Athalia?"
"Charles.." ani ko.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Halata pala niya ang lahat. Halata pala ni Charles. Nagbaba ako ng tingin, hindi ko kayang salubungin ang mapang-usig niyang tingin. Hainawakan niya ang afking mga kamay. Napatingin ako sa kaniya.
"Hindi mo naman kailangang pilitin ang sarili mo, Athalia. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, kung siya ang mahal mo. Handa kong tanggapin iyon." aniya at ngumiti ng matamis pero kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Pinisil ko ang kaniyang kamay at mabilis na kinintalan ng halik sa pisngi. Nagulat siya sa ginawa ko, hinawakan niya ang pisnging hinalikan ko.
"Oo, inaamin ko. Gusto ko si Luke" pero hindi lang gusto ang nararamdaman ko, kundi mahal ko siya. "Pero natututunan namang kalimutan iyon, Charles. Sabi nga nila, natututunan ang pagmamahal. Pwede bang humingi ng isang buwan, Charles?" tanong ko. Ngumiti ng matamis si Charles at kinintalan ako ng halik sa noo tsaka muli akong tinitigan.
"Sure, masaya ako kapag kasama kita ath, nawawala ang mga problema ko dahil kapag kasama kita. May kaibigan at kapatid ako." aniya. Kitang-kita sa kaniyang mga mata ang sinseidad sa mga binitawang salita.
"Me too. So, tara na?" tanong ko.
Tumango siya tsaka hinarap ang manibela na hawak ang aking kaliwang kamay. Napatingin ako sa magkawak naming kamay. Biglang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagkakahawak ng aming kamay. Bakit kaya?
Pagdating namin sa labas ng gate ng bahay, nagulat ako ng makitang may Montero sa aming harapan.
"Mukhang may bisita ata kayo?" tanong ni Charles matapos maipark ang sasakyan sa gilid ng kalsada at nakatanaw sa Montero.
"Hindi ko rin alam kung kanino iyan." ani ko.
"Mabuti pa'y pumasok na tayo." ani Charles at bumaba ng sasakyan tsaka umikot patungo sa kinaroroonan ko at pinagbuksan ako ng pintuan. Kinuha ko ang tatlong box ng pizza na binili namin sa isang binili sa nadaan naming sikat na Pizza Parlor. Inilahad niya ang kaniyang kamay.
"Salamat." ani ko at ngumiti.
"My pleasure." aniya.
Sabay kaming pumasok sa loob. Good thing, nakabukas ang gate kaya madali kaming nakapasok. Pagkapasok namin, binuksan ko ang pintuan. Nagulat ako ng makita ang aming bisita. Katulong ni inay sa pagluluto ng hapunan.
"Mr. Lereño?" tanong ni Charles na nasa tabi ko. Lumingon samin sina inay at Mr. Lereño.
"Anak." anang kaniyang ina na may maaliwalas na mukha.
Napatingin ako sa aming bisita, May nakapaskil na matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Anong ginagawa dito ni Sir Lereño? Bakit narito siya at parang matagal na silang magkakilala ni inay?
"Ano pong ginagawa niyo dito, Sir Lereño?" ani ko.
"Binibisita ko ang iyong ina at syempre ikaw." aniya. Nakita ang longing sa mga mata nito, pananabik na makita kami. Pero bakit?
"Halika na kayo rito. Charles, Athalia. Kain na tayo para makapaghapunan na tayo." anang kaniyang ina na may masayang ngiti sa mga labi.
Hindi na lamang ako umimik. Kailangan kong tanungin ang inay rito. Kinuha ni Charles ang dala kong pizza box at hinawakan ako sa siko. Napatingin ako sa kaniya.
"Tara na, kain na tayo." aniya. Tumango ako at sabay kaming nagtungo sa kusina.
Gulong-Gulo na ako. Ano ba talaga ang namamagitan kina inay at Mr. Lereño?