Chapter 24 Mickaela's Advent

Note : Slanting as may *

Athalia'sPOV

Hindi ko maiwasang mapatitig sa salamin habang inaayos ko ang aking sarili. Ngayon ang araw na magiging sekretarya na naman ako ni Luke. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan, lalo at alam niya na kasintahan ko si Charles.

Kitang-kita ko kagabi sa kaniyang mga mta ang sakit na nadarama. Akala ko, magiging okay na ang lahat pero himdi pa pala. Akala ko kapag sinagot ko si Charles, magbabago ang deaisyon niya. Hindi pala. Huminga aki ng malalim.

Naalala ko ang sinabi niya kagabi na *Bakit naman ako mag-sstay sa isang relasyon na hindi ako masaya? Para saan? Niloloko ko na nga siya pati sarili ko niloloko ko pa* Pakiramdam ko natamaan ako sa sinabi niya. Sapul na salul ajo doon. Iwinaksi ko iyon sa aking isipan at pilit na ipinapaintindi sa sarili na tama nag naging desisyon ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa vanity mirror at kinuha ang bag tsaka isinukbit iyon sa aking balikat. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Nadatnan ko si inay na nagpupunas ng bintana. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Athalia." ani inay at bumaling sakin.

"Mauna na po ako, inay." ani ko.

"Mag-iingat ka." aniya.

Tumango ako naglakad palabas ng bahay patungo sa tabi ng daan para maghintay ng sasakyan na masasakyan. Bukas pa magtratrabaho si inay sa mansiyon ng mga Sebastian. Nagtext kanina si Charles na hindi ako maihahatid dahil pupunta raw siya sa Hongkong para kamustahin ang branch nila doon.

Nang may humintong tricycle sa aking harapan ay sumakay agad ako. Nang marating namin ang aking destinasyon, bumaba na ako ng tricycle at ibinigay ang bayad sa tricycle driver matapos magpasalamat. Lumapit ako sa gate at pinindot ang doorbell. Ilang sandali pa ay binuksan na iyon ni Manang Daisy.

"Oh, Athalia. Ikaw pala!" aniya.

"Opo."

"Halika pasok ka." paanyaya sakin ni Manang Daisy.

Niluwangan niya ang pagkakabukas ng gate para makapasok ako. Tumalikod na si Manang Daisy at nauna nang naglakad. Pumasok na rin ako sa loob at sinundan siya. Nang makapasok ako sa loob ng mansiyon. Umupo muna ako sa sofa.

"Sandali lang at ipapaalam ko kay Sir Luke na nandito ka." ani Manang Daisy. Hindi naman lingid kay Manang Daisy ang trabaho ko ngayon dito, bilang isang sekretarya. Ilang sandali pa akong naghintay bago may narinig akong boses. Boses ni Luke.

"Athalia." aniya. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Luke na parang bagong gising.

"Pasensya na, kagigising ko lang kasi." hinging-paumangin ni Luke.

"Ayos lang." ani ko.

"Halika, at may ipapagawa ako sayo." ani Luke at nauna nang naglakad patungo sa hagdan.

Dali-dali aking tumayo at sinundan siya. Pumasok kami sa opisina niya. Umupo muna ako sa sofa na naroon. Samantalang may kinuhang papel naman si Luke tsaka iniabot yun sakin.

"Ayan ang bilang kung gaano kadami ang napitas na prutas. Nandiyan na rin ang mga pangalan prutas na napitas. Ngayon, kailangan mong gumawa ng report patungkol diyan at sa computation ng total payment. Ipapasa mo iyon kay Mr. Lereño." ani Luke. Tumango-tango ako.

"Pagkatapos niyan may ipapagawa pa ako. Maliligo lang muna ako." ani Luke at pumasok sa isang pintuan sa bandang kanan na konokonekta sa kaniyang kwarto.

HUMINGA ako ng malalim dahil hindui ako makapag-focus sa ginagawa ko. Narinig kong bumukas ang pintuan na pinasukan kanina ni Jarred. Hindi ko siya pinansin bagkus itinuon ang pansin sa monitor.

"Ano ba ang wala sakin nang meron kay Charles, Athalia?" tanong sakin ni Luke na nasa aking likuran. Natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"Ahm. Ah.." hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Luke sa aking batok. Napakapit ako sa computer desk para duon kumuha ng lakas dahil nanghihina ang aking mga tuhod.

"Luke, tigilan mo iyang ginagawa mo. Please. May kasintahan ako, trespeto mo naman sana iyon." ani ko.

Mabuti nalang at tumigil na siya sa ginagawa. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan, mukhang lumabas na si Luke. Huminga ako ng malalim para pakalmahin any sarili at itinuon ang atensyon sa ginagawa.

TANGHALI na ng matapos ako sa ginagawa. Napasandal ako sa swivel chair at hinilot ang batok. Tumayo ako at lumabas ng opisina. Nagtungo ako sa kusina at nadatnan si Manang Daisy na abala sa pagluluto. Ngumiti siya ng makita ako.

"Athalia, ikaw pala yan. Patapos ko na itong niluluto ko. Kunain ka na pagkatapos." aniya.

"Si Luke po?" tanong ko.

"Naku. Di ko alam kung nasaan ang batang iyon, umalis kanina eh. Sabi niya, mauna ka na daw kumain." napatango-tango ako at umupo sa upuan sa mesa. Ipinaghanda ako ng tanghalian ni Manang Daisy. Parang alam ko na kung nasaan si Luke.

Pagkatapos kumain, lumabas ako ng mansiyon at tinungo ang hardin di kalayuan sa mansiyon. Mabuti nalang may spare na tsinelas kaya yun ang ginamit ko. Tama nga ang hinala ko naroon si Luke sa maliit na burol na nasa gilid niyon at nakatanaw sa hardin. Magsasalita sana ako nang maunahan ako ni Luke.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya at lumingon sakin. Lumapit ako sa kaniya at tinabihan siya.

"Para samahan ka. Im sorry, Luke. Im sorry for hurting you. Im sorry for choosing Charles over you. Akala ko kasi yun ang tama, Luke. Im really really sorry." ani ko at tuluyan na akong napaiyak. Naramdaman ko ang pagyakap ni Lume sakin.

"Sshh, don't blame yourself Athalia. Alam ko naman na hindi mo ako kayang mahalin gaya ng pagammahal ko sayo. Sabi nina Ate Melissa, kailangan ko na daw magmove-on. Pero paano? Hindi ko kaya, ikaw ang hinahanap-hanap ko. Ayos lang kahit nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong magkasama ni Charles, pero titiisin ko iyon. Ath. Titiisin ko iyon makasama lang kita." niyakap ko siya pabalik at isinubsob ang ulo sa kaniyang dibdib.

Kung alam mo lang Luke ang nilalaman ng aking puso. Pero, mas magiging komplikado kapag ipinagtapat ko na mahal din kita. Nagtagal ang ganoon ang aming posisyon hanggang sa ako na ang kumalas. Pinunasan ni Luke ang aking mga luba sa pamamagitan ng kanjyang hintuturo.

"Huwag ka na umiyak. Papangit ka niyan." ani Luke na ikinatawa ko.

"Maghihintay ako, Athalia. Maghihintay ako hanggang sa matuyunan mo din akong mahalin."

"Akala ko masosorpresa kita, Like. Pero, nagkamali ako, ako pala ang nasorpresa. HAHAHA. Kelan niyo pa ako niloloko?" tinig na mula sa aming likuran.

Nanlaki ang mga mata ko na napalingon sa pinanggalingan ng boses at nagulat ng makita si Mickaela na nakatayo di kalayuan samin at masama ang pukol ng tingin sakin. Anong ginagawa niya dito? Bakit hindi sinabi ni Luke na darating si Mickaela?

"Mickaela." yun lang ang lumabas sa aking bibig.

Mickaela'sPOV

Tinawagan ko kagabi si Anallene kagabi para malaman kung ngayon ba ang araw na nakatoka si Athalia na maging Sekretarya ni Luke at sinabi niya na ngayon daw. Gusto kong surpresahin silang dalawa. Hindi lingid sa aking kaalaman ang ginagawa nilang dalawa dahil sinasabi iyon sakun ni Anallene, iba talaga kapag pera ang pinag-uusapan.

Huminto ako sa tapat ng gate ng mansiyon at bumaba ng sasakyan tsaka lumapit sa gate at pinindot ang doorbell. Ilang sandali lang ay binuksan iyon ni Manang Daisy na katiwala ng mansiyon. Namutla siya ng makita ako.

"Ma'am Mickaela." aniya. Napakunot-noo ako.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" tanong ko.

"Wala naman po. Nagulat lang po ako sa inyong pagdating." ani Manang Daisy na parang balisa.

"Okay, asan si Luke?" tanong ko. Hindi umimik si Manamg Daisy.

"Manang Dausy, asan si Luke?" ulit ko ng hindi siya magsalita. Bahagyang natigilan si Manang Daisy.

"Ahm. Nasa hardin po." aniya.

"Okay." ani ko at naglakad patungo sa sasakyan at sumakay.

Pinausad iyon papasok sa compound tsaka ipinark sa garahe. Hindi ko na kailangang tanungin kung kasama ba niya si Athalia dahil matic na yun. Bumaba ako ng sasakyan at nagtungo sa hardin di-kalayuan sa mansiyon.

Nang marating ko iyon. Napatingin ako sa burol at di maiwasang makaramdam ng galit ng makitang magkayakap sina Athalia at Luke. Oo, at magkaibigan sila pero nagseselos pa rin ako kay Athalia!

Dahil ramdam ko noong nasa Canada kami ni Luke, madalas niyang ikwento si Athalia. Ramdam ko ang pagpapahalaga na iniuukol niya sa kaibigan. Lumapit ako sa kanila ng maghiwalay sila mula sa pagkakayakap.

""Akala ko masosorpresa kita, Luke. Pero, nagkamali ako, ako pala ang nasorpresa. HAHAHA. Kelan niyo pa ako niloloko?" ani ko. Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Athalia.