Chapter 19 The Confrontation

Athalia'sPOV

NOTE : Planting sa message ni Charles kay Athalia at sa mensahe ni Athalia kay Charles.

Pagsapit ng alas-sais ng gabi. Lumabas na ako opisina at nagtungo sa lobby para doon hintayin si Anallene Onillo. Nagulat ako ng madatnan ko si Luke na naghihintay. Oo nga pala, susunduin pala niya ako ngayon. Nang makita niya ako ay tumayo siya at lumapit sakin.

"Ath, ihahatid na kita." aniya.

Bago pa man ako makasagot ay biglang nag-ring ang cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone sa kaniyang pantalon na suot at tiningnan ang screen. Napasimangot si Luke nang makita kung sino ang tumatawag at sinagot ang tawag. Inilagay niya ang cellphone sa kaniyang taenga.

"Sir Antonio Alegre. Napatawag ka?" tanong ni Luke sa kausap. Si Antonio Alegre ang kausap niya?

Diba isa siyang negosyante? Ang pagkakaalam ko, siya ang may-ari ng kompanya ng papel sa bayan. Ang Alegre Sunn Production. Ang Sunn ay tatak ng Notebook, Papel, textbook at iba pang klase ng papel. Baka naman kasosyo ni Luke si Antonio Alegre sa pagsupply ng gagamitin ni Antonio Alegre sa paggawa ng papel? May mga empleyado na papalabas na napapatingin samin. Pero, wala silang pakielam.

Dahil isa sa rules ng kompanya ay huwag pakielamanan ang buhay ng bawat isa na magdudulot ng kasiraan sa kompanya at pagmulan ng away ng bawat isa. Kapag may nasumpungan na gumagawa ng ganun ay iteneterminate. Alam naman siguro iyon ni Anallene, wala lang siyang pakielam dahil ang gusto niya ng mga sandaling iyon ay ang nasusunod. Iba talaga nagagawa ng pagmamahal, nagiging makasarili ang isang tao.

"Ah ganun po ba." —ani Luke at sumulyap sakin. Kitang-kita ko ang pagbalatay ng lungkot sa kaniyang ga mata.— "Okay po. Pupunta na po ako dyan sa Chechu Restaurant." ani Luke at ibinaba ang tawag tsaka humarap sakin.

"I'm sorry, Athalia kasi hindi kita maihahatid ngayon dahil biglang tumawag si Mr. Alegre para pag-usapan ang tungkol sa kontrata sa pagsupply ko sa kaniya ng mga punong gagamitin para sa paggawa ng papel." aniya habang masuyong nakatitig sakin.

May mga tanim na puno ang Pamilya Sebastian sa kabilang bayan malayo ng kaonti sa abakahan. Sobrang yaman talaga ng mga Sebastian, kaya nanliliit ako sa sarili.

Ngumiti ako sa kaniya, kahit naman hindi tumawag si Mr. Alegre. Hindi ako magpapahatid sa kaniya dahil kailangan ko pang kausapin si Anallene Onillo, gusto ko siyang makausap ng masinsinan dahil sa mga narinig ko at hindi ko na pwedeng ipagpabukas pa.

"Ayos lang, Luke. May kakausapin pa kasi ako baka pa-out na siya. Mag-iingat ka." ani ko. Hinaplos niya ang aking pisngi. Huminga siya ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata tsaka dahang-dahan na binawi ang kamay ng nakakuyom.

"Babawi ako, Athalia. Magkikita naman tayo bukas. Mag-iingat ka rin sa pag-uwi mo. Anong sasakyan mo? Mag-commute ka?" tanong ni Luke. Tumango ako.

"Oo, wala namang ibang pagpipilian kundi ang mag-commute." ani ko.

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Luke. Kitang-kita ko ang pagbalatay ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Magsasalita na sana si Luke dahil bumuka ang kaniyang bibig pero inunahan ko na. Alam ko na ang gusto niyang sabihin.

"Ayos lang ako, Luke. Huwag mo ako alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Mauna ka na, baka hinihintay ka na ni Mr. Alegre sa Chechu Restaurant." ani ko at ngumiti sa kaniya. Ngiting nagpapaalam na kaya ko ang sarili ko. Tumango siya at masuyong ngumiti.

"Okay. See you tomorrow, Ath." aniya tsaka tumalikod at ikinaway ang kamay bilang pamamaalam habang lakad takbo na tinungo ang exit ng lobby.

Huminga ako ng malalim at umupo sa single sofa na malapit sa Information Desk habang hinihintay si Anallene. Habang naghihintay, binuksan ko ang Hobo Bag ko at inilabas ang cellphone. Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Charles.

Still there at H. E.?

Nireplayan ko siya.

Yes, I'm still here. May kakausapin pa kasi ako.

Pagkatapos maipadala ay biglang bumukas ang elevator at lumabas ang mga empleyado na marahil nasa Finance Department dahil kasama nila si Anallene Onillo at ang kaibigan niya na nakausap ko kanina para itanong ang oras ng out ni Ms. Onillo.

Napatayo agad ako at pasimpleng pli-nay ang record botton para mairecord ang anumang pag-uusapan namin para kung sakaling hanapan ako ng ebedensiya may ipapakita ako. Oo, matalino at tuso si Anallene, pero mas matalino at mas tuso ako. Mali siya ng kinalaban.

Lumapit ako nang tuluyan nang makalabas si Anallene na kasama yung nakausap ko kanina na kaibigan niya. Napatingin sakin si Anallene at ang kaibigan niya, nang makita akong papalapit.

"Oh, hayan na pala siya. Kung pwede nga lang na samahan kita, gagawin ko eh." anang babae na kasama ni Anallene.

"Don't worry, Besh. I can manage." ani Anallene Onillo habang nakatingin sakin.

"Okay. Mauna na ako, Anallene. Bye!" ananh babae at nakipag-beso-beso pa kay Anallene bago tuluyang umalis.

Tumango si Anallene at nagba-bye sa kasama. Nanunuring tiningnan ako ni Anallene.

"Nasabi nga sakin ni Rachelle na may sasabihin ka raw sakin?" tanong niya na nakakunot ang noo.

"Oo, pwede bang sa Sago Restaurant nalang tayo mag-usap?" tanong ko.

"Pwede namang sa Canteen nalang eh, bukas naman yun para sa lahat. Para hindi na tayo lumayo pa, at tsaka baka wala kang pan-treat sa gusto ko? Especially, Restaurant ang pupuntahan natin at dahil ikaw ang may kailangan, dapat may pagkain diba?" aniya na pang-iinsulto at may ngisi sa mga labi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilin ang inis at galit na nararamdaman. Anong karapatan niyang insultuhin ako?!

"Hindi mo ako kailangang insultuhin, Anallene. Oo, mahal ang mga pagkain sa Sago Restaurant pero kaya ko naman bilhin ang mga pagkain doon." ani ko habang matiim na nakatitig sa kaniya. Tumawa ng malakas si Anallene na naging dahilan para napatingin sa gawi namin ang ibang empleyado na naroon.

"Masyado kang seryuso, Ath. I'm just kidding. Tara na, para masabi mo na ang mga gusto mong sabihin at makauwi na rin ako, alam mo naman na bawat segundo at oras ay mahalaga sakin. Nakakapagod itong araw na ito." maldita niyang pahayag at nagpatiuna na sa paglakad.

Sumunod naman ako. May pagkamaldita pala si Anallene, isa yan sa mga katangian na ayaw ng lalaki. Kaya imposibleng magkagusto sa kaniya si Charles. Huminga ako ng malalim, hindi ko na dapat pinoproblema iyon at sinundan siya.

UMUPO kami sa pang-dalawahang mesa nang makarating kami sa Canteen. May mangilan-ngilan rin na empleyado na naroon para hintayin ang kanilang sunod. Masyado na kasing crowded kapag sa lobby lahat tatambay.

Inilapag ko ang dalang cellphone sa mesa kung saan nakaplay ang pinag-usap at pag-uusapan namin at tiningnan siya tsaka ngumiti.

"So, anong kailangan mo? Spill it." tanong ni Anallene sakin. Tumikhin ako.

"May kinikimkim ka bang galit ka ba sakin, Ms. Onillo?" tanong ko naging dahilan para matawa siya ng malakas na naging dahilan para mabaling samin ang ilang mga empleyado na naroon at tumatambay.

"Bakit naman ako magagalit sayo? For your information, we barely know each other. No, we don't know each other. That's the exact word for that. So bakit ako magagalit sayo? Anong rason para magalit ako sa iyo? Dahil kung posisyon naman, mas di-hamak na mas mataas ang posisyon ko kaysa sayo." tanong niya na nakataas ang kilay. Ang maldita at ang plastic talaga! Ang sarap sabunutan! Pero, dahil sa mabait ako, kakalmahan ko ang sarili ko at hindi ko siya papatulan. Dapat maging Professional.

"Yes, we don't know each other kaya nagtataka ako bakit mo ako sinisiraan sa iba at nagbibigay ka ng impormasyon sa taong iyon na hindi mo muna inaalam kung tama ba ang impormasyon na nalaman mo." prangkang pahayag ko. Nanliit ang kaniyang mga mata at kumuyom ang kamao niya na nasa ibabaw ng mesa. Pagdaka'y mapait na napangiti.

"Mukhang hindi mo ata alam mga pinagsasasabi mo, Ath. Watch your words. You don't me. Hindi maganda na nagbibitang ka! Bawal sa kompanya ang nagsisiraan, so bakit ko gagawin yun sayo, Ath. Mag-isip isip ka." mahina pero may diin niyang saad at kitang-kita sa kaniyang mukha ng tinitingnan galit.

"Yun na nga eh, alam mo naman pala. Pero bakit mo ginagawa yun sakin? Ano ba ang makukuha mo sakin, kapag nasiraan mo ako? At kung gawa-gawa ko lang ito. Bakit ako mag-aaksaya ng panahon na kausapin ka, Ms. Onillo kung wala kang ginagawang masama, diba? Mataas ang posisyon mo pero pare-parehas lang tayong empleyado at sinasahuran ng may-ari kaya hindi ako natatakot sayo." ani ko habang matalim na nakatingin kay Anallene.

Kitang-kita ko ang pagbalatay ng galit sa kaniyang mga mata, pero hindi niya ako maaaring sugurin dahil may mga mga empleyado sa Canteen. Tiyak na magdudulot iyon sa kaniya ng eskandalo. Huminga ng malalim si Anallene na para bang pinapakalma ang sarili.

"Parehas talaga tayong empleyado pero sa tingin mo sino ang papanigan satin? Ako na inosente o ikaw na namimintang? Wala akong ginagawang—

"Nakisabwat ka kay Mickaela diba? Sinabi mo na magkasama kami ni Luke, at malamang sinabi mo rin na Sekretarya ako ni Luke. Dahil, alam mo na pinagseselosan ako ni Mickaela. Diba? Bakit? Para makuha mo ang atensiyon ni Charles? Maging iyong-iyo siya? Sa pinapakita mong ugali sakin, napaka-imposible na magkagusto siya sayo." sunod-sunod kong tanong na maging dahilan para mawalan ng kulay ang mukha ni Anallene. Pero pagdaka'y naging mailap ang kaniyang tingin.

"Dahil hindi ka karapat-dapat kay Charles! At paano ka nakakasiguro na hindi magkakagusto sakin si Charles? At isa pa, alam mong may kasintahan si Luke, pero nakikipaglapit ka pa rin sa kaniya? Hitting two birds in one stone, Ath? Mukhang hindi ata maganda iyon. Kung balak mong seryosohin si Charles, alisin mo sa sistema mo si Luke. Layuan mo si Luke." ani Anallene.

Biglang pumasok sa isip ko ang halikang namagitan samin ni Luke pero ginawa ko lang iyon para mapagbigyan ang sarili ko at hindi na iyon pa mauulit kapag naging kasintahan ko na si Charles. Pero hindi ako nagpatinag sa sinabi ni Anallene, hindi ko ipaparanas ang salitang "satisfaction" sa kaniya. Matamis akong napangiti sa kaniya.

"Kaibigan ko si Luke, noon pa man na hindi pa magkakilala sina Michaela at Luke. Pwes, kung pinagseselosan ako ni Michaela, problema niya na yun. Maybe, nai-insecure sa sakin o baka nag-aalinlangan siya sa pagmamahal ni Luke sa kaniya." ani ko at tumayo na tsaka kinuha at cellphone at naglakad palabas ng Canteen. Pero bago ako tuluyang makalabas lumingon ako kay Anallene na ngayon ay hindi maipinta ang mukha sa galit at inis.

"By the way, May balak na akong sagutin mamaya si Charles." ani ko at tuluyang lumabas ng Canteen at nagtungo sa isang may malaking halaman sa tagong bahagi ng Canteen at doon pinakalma ang sarili. Gusto kong palakpakan ang sarili dahil sa tapang kanina. Nagawa ko siyang kausapin! Salamat at walang nangyaring masama sakin. Kung hindi—

"Athalia?" isang boses ang pumutol sa aking pagmumuni-muni. Nang lumingon ako, nakita ko si Mr. Lereño sa aking harapan at matamang nakatitig sakin.

"Mr. Lereño." ani ko at nakatitig sa kaniya.

Hindi ko maiwasan maramdam ang lukso ng dugo na lagi kong nararamdaman sa kaniya. Madalang kaming magkita pero ni minsan hindi nawala ang nararamdaman kong iyon sa kaniya. At, hindi ko alam kung bakit.