Chapter 20 Shocked
MichaelLereño'sPOV
"So, may balak kang magpatayo ng mini pizza dito sa tabi ng Canteen, Mr. Aryante?" tanong ko kay Mr. Rean Aryante habang ineeksamin kung ano kaliwang ang kailangan para sa balak niyang mini Pizza.
Narito kami ngayon sa bakanteng lupa na katabi ng Canteen at pinag-uusapan ang balak na pagpapatayo ng mini pizza ni Mr Aryante, na ang kapatid daw niya ang mangangasiwa at mamahala.
Maganda na rin iyon para kung sakali na gusto ng mga empleyado ko na bumili ng pasalubong sa kanilang pamilya ay pwedeng-pwede ang pizza ni Mr. Aryante. Nasa humigit limang daan rin ang aking mga tauhan. Nasa kabila ang mga tauhan ko na gumagawa ng garments.
"Opo, Mr. Lereño, kung inyo po sanang mamarapatin. Para dagdag kita rin po." ani Mr. Rean Aryante. Matagal na rin si Mr. Aryante sakin kaya kilala ko na siya. Mapagkakatiwalaan siya at talagang nagbabayad ng renta buwan-buwan.
Tumango-tango ako. Sabagay, tama nga naman siya. Mas malaki at malawak na negosyo, mas malaking kita. Bakit ko naman iyon ipagkakait sa taong gustong kumita at gustong umasenso? Nakaka-proud din kapag nalaman mo na umasenso sila dahil sa iyon. Isang malaking karangalan iyon.
"Okay. Mr. Ayante, ako na ang bahala sa construction. Basta pag-usapan nalang po natin kung paano ang bayad at renta kapag natapos na ang pagpapatayo." ani ko at nginitian siya. Kitang-kita ko ang saya sa mukha ni Mr. Aryante.
"Maraming-maraming salamat po. Kung hindi po dahil sa kabutihan niyo, hindi ko po mapagtatapos ang aking tatlong anak. Sobrang laki ng utang na loob namin sa inyo." aniya at lumapit sakin tsaka hinawakan ang kamay ko bilang tanda ng pasasalamat.
"Walang anuman. Ikinagagalak ko na ako ang dahilan ng mga nangyayaring maganda sa buhay niyo. Masaya ako dahil hindi lang kayo ang natutulungan ko kundi ang ibang tao na nagtratrabaho sa Canteen niyo." ani ko.
"Opo. Kaya, maraming-maraming salamat po. Pagpalain nawa kayo ng Diyos at marami pang biyaya ang dumating sa inyo." sagot niya.
"Wala iyon. Mauna na ako, Mr. Aryante." pamamaalam ko sa kaniya.
Umalis na ako sa bakanteng lote na iyon at naglakad patungo sa parking area sa kanang bahagi ng gusali. Bale, madadaanan ko ang Canteen bago makarating roon. Habang naglalakad napatingin ako sa halaman nang makitang may babaeng nakasandal sa haligi ng Canteen at mukhang pinapakalma ang sarili at mukhang hindi ako napansin.
Nang medyo malapit na ako, namukhaan ko kung sino ang babae. Si Athalia Patricia Ramos, ang isa sa mga empleyado ko sa Marketing Department. Ano ginagawa niya rito? May tinataguan ba siya? Nang medyo malapit na ako. Kinibo ko siya.
"Athalia?" tanong ko. Lumingon sakin si Athalia at kitang-kita sa kaniyang mukha ang pagkagulat.
"Mr. Lereño." aniya.
Hindi ko alam, pero simula ng makilala ko si Athalia, magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit. Marahil ay dahil masipag at masigasig siya sa trabaho. Ngumiti ako sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito sa labas ng Canteen at mukhang balisa ka?" tanong ko.
"Ahm, wala po. Napatambay lang po." aniya pero ramdam ko na nagsisinungaling siya pero hinayaan ko nalang. Tiningnan ko ang oras sa relong-pambisig.
"Ganun ba. Alas-sais y medya na ng hapon. Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko.
"Uuwi na po sana. Mag-cocommute lang po ako, Sir. May biglaang lakad kasi si Luke kaya hindi na niya naihatid." sagot ni Athalia.
Napatangu-tango. Speaking of Luke, talagang ramdam ko kung paano niya pinapahalagahan si Athalia. Natutuwa ako sa kaalamang iyon. In-email pa nga niya ako kagabi para ipaalam na mala-late si Athalia. Sabagay, bakit hindi ko siya ihatid? Anong oras na rin kasi, para makatipid na rin siya at mas komportable siya dahil ako ang kasama niya.
"Ihatid nalang kita, iha para less hassle na rin." aya ko sa kaniya na dahilan para manlaki ang kaniyang mga mata.
"Naku, huwag na po Sir Lereño, okay lang po ako. Huwag niyo po akong alalahanin." aniya at matamis na ngumiti.
Bakit parang may kamukha si Athalia? Kamukha niya ang babaeng minahal ko noon pa man at hanggang ngayon nasa puso ko pa rin. Asan na kaya siya ngayon? Kamusta na kaya siya? May anak na kaya siya? Sino ang napangasawa niya? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko na hindi ko alam kung paano masasagot.
"Mr. Lereño?" ang tanong na iyon ni Athalia ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
"Ha? May sinasabi ka ba iha?" tanong ko. Hindi ko maiwasang mahiya sa sarili. Ang isang CEO nawawala sa sarili. F*ck! Ngumiti siya.
"Sabi ko po, huwag niyo na po ako ihatid. Mag-cocommute nalang po ako." aniya. Ah, yun pala yun.
"Nope. I will take no for an answer. Ngayon lang kita niyaya, tatanggihan mo ba ako?" tanong at pangongonsensya ko. Sana pumayag na siya.
"Sige po, wala pong problema Sir para ma-meet niyo rin po si Inay." aniya habang may matamis na ngiti sa mga labi.
"That's good to hear. So, tara?" ani ko na ikinatango niya.
Sabay na kaming naglakad patungo sa parking lot. Yung ibang mga empleyado na naroon pa at papalabas ng gusali ay pinagtitinginan kami. Alam nila ang rules sa kompanya kaya safe si Athalia. Pero, hindi ko iyon inalintana, isa sa ibinigay kong rules ang 'Bawal pakielamanan ang buhay ng may buhay'.
In short, mind your own business. Ayaw ko na magkaroon ng tsismis sa kompanya tungkol sa mga bagay na walang kinalaman sa kompanya at kung sinoman ang makita o mahuli na gumagawa ng ganung bagay ay iteneterminate ko o binibigyan ng kaukulang parusa base sa kasalanang nagawa. Maayos ang kompanya kapag ganun at walang alitan na namamagitan sa bawat empleyado.
NANG marating namin ni Athalia ang parking lot, ipinagbukas ko siya ng pintuan ng passenger's seat. Nagtatakang tiningnan ako ni Athalia na parang nahihiya.
"Hindi niyo naman po kailangan gawin yun, Sir Lereño." aniya at nagbaba ng ulo. Hindi ko maiwasang mapangiti sa inasta niya. Ganiyan na ganiyan ang babaeng minahal ko, napakamahiyain. Minsan nga namumula siya kapag tinatrato ko siyang parang reyna sa harap ng maraming tao.
"Ayos lang, iha. Get in, para makauwi ka na at para makapagpahinga ka na rin." ani ko habang matamis na nakangiti. Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ako at masuyong ngumiti.
"Maraming salamat po, Sir." aniya at pumasok na sa loob ng sasakyan.
May ilang mga napapatingin sa direksyon namin pero agad din nag-iiwas ng tingin kapag nakikita ako. Takot lang nila sakin. Sino ba naman ang hindi matatakot sakin? I'm the CEO. Umikot ako patungong driver's seat. Nang makapasok ay agad kong pinausad ang sasakyan palabas ng parking lot at ng gusali.
Habang binabagtas namin ang daan patungo sa bahay nina Athalia. Hindi ko maiwasang ma-curious sa kaniyang mga magulang. Tiyak na mabubuting tao ang kaniyang mga magulang dahil base sa nakikita ko sa dalaga, tiyak na pinalaki siya ng maayos ng mga ito. Sinulyapan ko si Athalia na abala sa pagtingin sa mga nadadaanan namin.
"Kamusta naman ang mga magulang mo? Anong trabaho ng iyong, ama?" kuryos kong tanong. Mula sa pagtingin sa mga establishemento na aming nadadaanan. Sinulyapan ako ni Athalia.
"Patay na po si itay dalawang taon pa lamang po ako noon. Sa pagkakaalam ko po may sakit sa bato si itay, na nagkakomplikasyon na nauwi sa kamatayan. Walang sapat na pera sina inay at itay para pangpagamot sana." ani Athalia na kababakasan ng lungkot ang boses. Bakit pakiramdam ko parang ako ang nasasaktan para sa dalaga? Huminga ako ng malalim.
"I'm sorry to hear that, Athalia." ani ko.
"Okay lang po, Sir. Ganun po talaga ang buhay, bigla nalang kukunin ng Diyos ang isang mahal mo sa buhay na di mo namamalayan." ani Athalia na naging dahilan para mabaling ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang mapangiti, napaka-open minded niya sa mga bagay-bagay.
"Eh ang ina mo? Nagtratrabaho pa?" tanong ko.
"Opo, pero paminsan-minsan lang po. Hindi ko na po hinahayaan na lagi siyang magtrabaho lalo at malaki po ang sahod ko. Sa Hacienda Sebastian po siya nagtratrabaho, na pag-aari ng Pamilya ni Luke Sebastian na kaibigan ko po." aniya.
Napatango-tango nalang ako. Bakit parang biglang naging curious ako sa ina niya? Bakit parang pakiramdam ko konektado siya sakin. Hindi! Imposible. Matagal na siyang wala, matagal niya na akong iniwan. Kaya, imposible na magkita ulit kami. Malabong mangyari iyon.
"Kayo Sir? Hindi ko po nakikita ang asawa niyo na pumupunta sa kompanya. Ilan na po anak niyo?" kuryos na tanong ni Athalia.
Siguro naman, walang dahilan para maglihim ako sa kaniya. Malakas ang loob ko na mapagkakatiwalaan si Athalia. Mas maganda na rin iyong maibahagi ko sa kaniya ang nakaraan ko gaya ng pagbabahagi niya ng nakaraan ng kaniyang ama at nakakaraan iyon ng loob.
"Simula ng umalis at iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko, hindi na ako nag-asawa pa o nakipag-nobya. Itinuon ko ang sarili sa pag-aaral at sa pag-sasanay na maging CEO ng Heirwone Enterprise na dating Ronero's Garments Bldg. na pag-aari ni Dad.
Ginugol ko ang buong panahon ko sa pagpapalago sa kompanya, baka sakali kapag nagkita kami ay makita niya kung gaano ako ka-successful. Pero, malabo ng mangyari iyon dahil ilang taon na ako 40. Napaka-imposible na kaming magkita pang muli. Kung magkikita man kami, baka may pamilya na siya at mga anak at malabong maging kami." ani ko at hindi maiwasang malungkot.
Sobrang sakit ang nangyari, plinano ko na ang buhay ko kasama siya pero wala, iniwan pa rin ako. Pero ganun talaga. May taong iiwan ka at may mga taong mananatili sayo. Pero, kung iiwan ka man. Kailangan mong tanggapin na hanggang doon lang talaga ang samahan niyo pero bakit hindi ko iyon matanggap? Hanggang ngayon masakit pa rin?
Naramdaman ko na hinawakan ni Athalia ang aking kamay na nasa manibela. Napatingin ako sa kaniya. Pakiramdam ko, ang hawak niya ay hawak ng isang anak na nawalay sa kaniyang ama. Ngumiti siya.
"May mga bagay at tao na talagang hindi nag-sstay sa atin. May mga taong dumaan lang sa buhay natin para bigyan tayo ng leksyon o aral at ? ay mga taong nandiyan para iparamdam ang di magkamayaw na pagmamahal nila satin. Pero, ganunpaman. Kung sakali man na nalaman niya at nakita ka ng babaeng yun, Sir.
Sobrang proud na proud siya sayo. Kailangan mo lang siyang i let go para mawala ang sakin na nararamdaman mo ngayon para tuluyan ka ng makapag-move-on. Kasi, kapag hindi mo iyon ginawa tiyak na hindi mo siya makakalimutan at baon-baon pa rin sa dibdib mo ang sakit na dulot ng pananakit niya sayo." sinserong pahayag ni Athalia.
"Salamat iha." ani ko. Ngumiti lang siya at tumingin sa labas.
"Malapit na po tayo sa bahay, sa may tapat po ng street light. Yung gate na bakal ang bakod na kulay asul po." ani Athalia. Nang maihinto ko ang sasakyan. Lumabas na kami ni Athalia ng kotse. Nang maihatid ko siya sa gate ay kinibo ko siya.
"Mauna na ako, iha. Baka nakakaistorbo ako kung sakali man na ipakilala mo pa ako sa inay mo." paalam ko sa kaniya. Kahit curious ako sa itsura ng kaniyang ina ayaw ko namang ipahalata na interesado ako.
"Huwag muna po, ipapakilala ko po kayo sa aking inay. Tiyak na matutuwa siya kapag nakita niya kayo at para maipakilala ko po sa kaniya kung gaano kabait ang Boss ko." aniya na naging dahilan para matawa ako.
"Mapagbiro ka pala, Ath." ani ko at nagtawanan kami. Naputol ang aming tawanan ng may narinig kaming boses. Boses na pamilyar sakin.
"Athalia, ikaw na ba yan?" tanong niya.
Tumingin ako sa loob ng compound at nanlaki ang aking mga mata ng mamukhaan kung sino ang nasa aking harapan. Paano ko naman makakalimutan ang mukhang iyon? Mukhang naging dahilan para maging bitter sa pag-ibig. Anong ginagawa niya rito? Tumingin ako kay Athalia na masayang nakangiti rito.
"Inay! Pakibuksan po. Nandito po ang Boss ko. Ipapakilala ko po siya sa inyo." ani Athalia.
What?! Si Carmen na babaeng minahal ko sa mahabang panahon ay ang ina ni Ath?! Ano ba itong nangyayari. Naguguluhan ako! At, isang tao lang ang makakapagpaliwanag sakin.
Ang babaeng nasa aking harapan na si Carmen Caminez. Ang babaeng nang-iwan at nagpiraso-piraso sa aking puso. At ang babaeng hanggang ngayon ay mahal ko pa.