Chapter 18 Molestation

Athalia'sPOV

PAGSAPIT ng ala-una y medya ng hapon, lumabas na ako ng opisina para mananghalian at nagtungo sa lobby gamit ang elevator. Palabas na ako ng gusali ng makatanggap ako ng text galing kay Charles na nagsasabing nasa canteen na daw siya at hinihintay ako.

Rules ng kompanya na bawal mag-lunch sa labas ang mga empleyado gaya ng Restaurant at iba pang kainan sa labas. Dahil ang may-ari ng Canteen ay nagbibigay ng renta kay Sir Lereño. Kaya obligado na ang mga empleyado na doon kumain nang tanghalian at magmeryenda.

Nang marating ko ang Canteen, iilan lang ang naroon at nag-lulunch. Karamihan ay mga nasa 10am ang pasok. Alas otso nagsasara ang kompanya. Madalang lang ang nag-oover time. Tiningnan lang ako at muli ipinagpatuloy ang pagkain. Iilan lang ang kakilala ko sa ibang Departamento.

Hindi rin kami nangingielam ng business ng iba. Ika nga, mind your own business. Ewan ko ba at hindi yun magawa ni Anallene, malaki ang sapantaha ko na kilala niya si Charles. Paano ka nga naman magkakagusto sa isang tao na di mo kilala?

Napakaimposible yun. Nang makita ko si Charles na nakaupo sa isang bakanteng mesa sa gilid na bahagi ng canteen. Nakatalikod siya. Lumapit ako kay Charles, na likod palang ay kilalang-kilala ko na.

"Charles." tawag ko sa kaniya ng tuluyan akong makalapit sa kaniya.

Mukhang nagulat siya sa presensya ko. Tiningala niya ako, at nakita kong umaliwalas ang kaniyang mukha nang makita ako. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nakangiting nilapitan ako.

Nakasuot siya ng white na polo shirt at jeans na tenernuhan ng gray rubber shoes na mas nagpadagdag sa kagwapuhan niyang taglay. Pero mas gwapo si Luke diba? Anang isang bahagi ng isip ko na kaagad kong iwinaksi. Itinuon ko ang atensiyon kay Charles.

"Athalia, you here. Dito ka muna ah, mag-oorder lang ako ng pagkain natin para makakain na tayo. Baka nagugutom ka na." aniya na punong-puno ng pag-aalala. Hindi ko maiwasang na-touch sa sinabi niya. Napakamaalalahanin talaga ni Charles. Ngumiti ako sa kaniya.

"Kanina ka pa ba rito?" tanong ko.

"Hindi, kani-kanina pa. Mga 10 minutes lang akong naghintay." aniya.

Tumango ako, nakakahiya naman kasi kung naghintay siya ng matagal. Isang Businessman si Charles, kaya mahalaga sa kaniya ang bawat oras na lumilipas. Nagpaalam na si Charles na pupunta sa counter para mag-order. Samantala, naupo naman ako sa bakanteng mesa na inuupuan niya kanina.

Natuon ang atensyon ko sa paper bag na nasa ilalim ng mesa, kinuha ko iyon at inilapag sa mesa tsaka tiningnan ang laman niyon. Isang dish iyon na nasa parisukat na tupperware. Hindi ko alam kung anong Dish ito. Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko.

"It's a Spanish Dish. Paella ang tawag diyan. Tiyak na magugustuhan mo yan." ani Charles.

Inilapag niya ang isang order ng Beef Caldereta at Beef Giniling sa mesa kasama ang tig-dalawang order ng kanin na nakalagay sa isang malaking tray. Parehas na beef ang inorder niya? Paborito ba niya ang beef? Umupo siya sa kaharap kong upuan.

"Paborito mo ba ang Beef at parehong beef ang binili mo?" tanong ko na medyo natatawa. Natawa na rin si Charles. Nakalimutan ko magbaon ng kanin, dahil siguro si Luke ang nasa isip ko kanina. Hays.

"Hindi naman. Namiss ko lang kumain ng Beef." ani Charles.

May lumapit na dalaginding samin at naglagay ng dalawang plato, dalawang basong tubig sa aming mesa.

"Salamat." ani ko.

Ngumiti ang dalagita at nagtungo sa kabilang mesa para asikasuhin ang ibang empleyado. Binubuksan na ni Charles ang Tupperware na may lamang paella.

"Ganun ba. Mukhang masarap iyang Paella." ani ko. Tumingin sakin si Charles at nilagyan ako ng isang kutsara Paella sa aking plato.

"Judge it." aniya. Gamit ang kutsara kumuha ako ng Paella sa aking plato at tinikman iyon. Napapikit ako ng malasahan iyon. Grabe! Ang sarap ng pagkakaluto.

"Ang sarap mo talaga magluto, siguro kung hindi ka Businessman ngayon malamang na isa ka nang matagumpay na Chef." ani ko at nginitian siya. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ni Charles.

"Salamat, Ath. Pero, kahit hindi man ako pinalad maging Chef, nagagawa ko pa rin naman ang passion ko sa bahay. Lalo na kapag may okasyon. Nagluluto rin ako kapag na-sstress ako o kaya kapag gusto kong libangin ang sarili ko mula sa trabaho. Hindi naman iyon hinahadlangan ni Dad ang Passion ko. Dahil alam niya kung ano talaga ang gusto ko." ani Charles.

Naramdaman ko ang pait sa boses ni Charles ng banggitin niya ang Ama niya. Kaya ba niyaya niya ako noong idinaos ang Welcome Party nina Luke na makasabay ako sa mesa dahil naiilang siya sa Ama niya? May problema ba sila ng Dad niya? Isiniwalang-bahala ko nalang iyon. Baka mali lang ako ng iniisip.

"Tiyak na sobrang proud ang Dad mo." ani ko.

Ngumiti lang si Charles at inalok akong kumain na. Parang ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa Dad niya. Bakit kaya? Gusto kong magtanong pero minabuti ko nalang manahimik dahil baka ayaw rin ni Charles pag-usapan iyon.

"SALAMAT sa lunch, Charles. Nabusog ako at nakatipid pa ako." biro ko. Natawa si Charles sa biro ko pagdaka'y ngumiti.

"Wala iyon, Ath. Basta para sayo. Salamat din kasi pinayagan mo akong makasama ka ngayon at makasabay ka sa pananghalian." aniya na titig na titig sakin. Magsasalita na sana ako ng may magsalita sa aking likuran.

"Charles? Ikaw ba yan?" tanong ng boses sa aking likuran.

Natigilan ako ng marinig ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses niya iyon. Lumingon ako at tama nga ang hinala ko. Sumulyap siya sakin at nginitian ako. Ngiting may halong kaplastikan. Pinanatili ko ang seryusong ekspreksyon, para ipaalam na Hlhindi ko siya gusto. Ayaw kong makipagplastikan sa kaniya.

Mula sa gilid ng aking mga mata, nakita kong tumayo si Charles at lumapit kay Annalene. Nabigla ako ng yakapin ni Anallene si Charles. Mukhang nagulat si Charles sa ginawa ni Anallene. Ibig sabihin magkakilala sila. Tama nga ang hinala ko. Kaya ba ganoon nalang kung gawan ako ng issue ni Annalene ay dahil malaki ang pagkagusto niya kay Charles. Base narin sa mga narinig ko.

Pero bakit wala akong maramdamang selos, na nakita kong may kayakap na iba si Charles? Dahil siguro hindi pay ganoon kalalim ang paghangang narardaman ko kay Charles.

Yun nga! So Charles ang kumalas sa pagyayakapan nila, at dumistansiya kay Anallene. Napakunot-noo ako. Iniiwasan ba niya si Anallene. Tumingin sakin si Charles at bumaling muli kay Annalene na kitang-kita ang pilit na ngiti sa mga labi.

"Athalia, si Annalene. Kababata ko, naging kaklase ko simula Elementarya hanggang Kolehiyo at kapitbahay namin." pagpapakilala ni Charles sa katabi.

Magiliw na ngumiti si Anallene sakin at inilahad ang kamay. Pinigilan ko ang sarili na mapasimangot. Napaka-plastic! Pero dahil sa mabait ako, at ayaw kong maging bastos sa harapan ni Charles. Kahit na napipilitan, tumayo ako at tinanggap ang pakikipagkamay ni Anallene.

"Hindi ko akalain na magkakilala pala kayo ni Charles." ani ko kay Anallene. Ngumiti lang siya.

"Oo naman, magkababata kami at magkaklase kaya kilalang-kilala namin ang isa't-isa. Pasensiya na hindi ko nasabi huh. Gusto ko kasing surpresahin ka." aniya habang matiim na nakatitig sakin.

Sinalubong ko ang titig niya. Hindi ako magpapasindak sa kaniya! Sino ba siya?! Tumikhim si Charles, kaya binitawan na namin ang kamay ng bawat-isa. Sumulyap si Charles kay Anallene.

"Kumain ka na?" tanong ni Charles. Umiling si Anallene, kitang-kita ko sa mga mata niya ang kislap at kasiyahan na marahil ay dahil nasa harapan niya si Charles.

"Kakain pa lang, madami kasi akong tinapos kanina kaya di ako nakapag-lunch agad. Mabuti nalang at pwede kumain ng snack kaya napunan gutom ko kanina." mahabang paliwanag ni Anallene habang titig na titig pa rin kay Charles.

"Ganun ba. Okay. Eatwell. Mauna na kami ni Athalia, ihahatid ko pa kasi siya sa gusali." paalam ni Charles kay Anallene. Lumingon si Charles sakin.

"Tara na, ihahatid na kita." ani Charles. Tinanguan ko siya.

Subalit, nakatuon pa rin ang atensiyon ko kay Anallene. Tiningnan ako ni Anallene, kitang-kita ko ang pagbalatay ng galit at selos sa kaniyang mga mata at tsaka naglakad paalis. Hindi ko nalang pinansin iyon.

"Tara na, para makaalis ka na rin. Nakakahiya kasi naiistorbo na kita." ani ko. Kinuha na ni Charles ang aking bag at ang paper bag na dala at naglakad na kami patungong entrance ng gusali. Gentleman.

"Nope. Hindi ka nakakaistorbo, Athalia. Kahit anong ginagawa ko, handa kong ihinto yun para sayo, para makasama ka." aniya.

Lumingon ako sa kaniya, wala talaga akong maramdaman na kilig sa mga binibitawan niyang matatamis na salita. Napansin ko na hindi na niya ako tinatawag na Ath, dahil ba ito sa sinabi noon ni Luke na dapat si Luke lang ang tumatawag sa akin ng Ath? Para makaiwas na rin ba sa gulo? Gustong-gusto kong itanong pero huwag nalang at baka sumama pa ang mood ni Charles, at ayaw kong mangyari iyon.

"Salamat." yun lang ang nasabi ko at nagpatuloy kami sa paglakad hanggang sa marating namin ang entrance. Hinarap ko siya.

"Salamat sa lunch Charles. Pwede ba kitang imbitahin sa bahay mamaya? May sasabihin ako." ani ko.

Balak ko sana na sabihin sa kaniya ang magandang balita kanina kaso naudlot iyon dahil kay Anallene, kaya mamaya papupuntahin ko siya sa bahay para doon na sabihin ang magandang balita at para makapag-usap kami ng masinsinan. Tumango si Charles.

"Yun din ang balak ko, pero dahil niyaya mo na ako. Sure, punta ako mamaya sa inyo at para makilala na rin ako ni Tita at malaman niya na seryuso ako sayo." ani Charles. Ngumiti ako sa kaniya.

"Sige. Asahan kita. Mauna na ako Charles, mag-iingat ka." ani ko at naglakad papasok sa loob.

"Oo naman, magkikita pa tayo mamaya kaya talagang mag-iingat ako." Biro niya na ikinatawa ko.

Nagpaalam na si Charles at ako maman ay tuluyan ng pumasok sa loob. Oo, may paghanga akong nararamdaman para kay Charles, pero hindi kasing-lalim ng paghangang nararamdaman ko para kay Luke.

Pero sana, magawa ko ng makalimutan si Luke sa pamamagitan ni Charles. Hindi ko maiwasang maguilty dahil parang ginagamit ki so Charles pero ito lang ang tanging paraan na alam ko para tuluyan ng mawala sa sistema ko si Luke.

Speaking of Luke. Bukas ko nalang sasabihin sa kaniya ang gagawin kong pagsagot kay Charles. Dahil, kapag sinabi ko iyon sa kaniya mamaya baka hindi siya pumayag. Alam ko na masasaktan siya, pero kailangan ko itong gawin para sa mga taking nakapaligid samin. Napabuntong-hininga ako ng malalim, bakit ba ganito kakomplikado ang sitwasyon namin ni Luke?

Akala ko magiging masaya kami ngayong umuwi siya pero kabaligtaran pala ang mangyayari. Pakiramdam ko masisira any pagkakaibigan namin na pinipilit ko nang buying. Iwinaksi ko ang mga samut-saring pumapasok sa aking isipan. Bahala na kung anong mangyari. Sigurado akong hindi ako pababayaan ng Diyos sa mga desisyon ko sa buhay.

Nang nasa tapat na ako ng elevator, nakita ko ang isang kasamahan ni Anallene sa Finance Department na palabas ng elevator. Agad kong tinawid ang distansiya naming dalawa. Tatanungin ko lang kung anong oras uuwi si Anallene para makapag-usap kami ng masinsinan at masabi ang lahat ng mga gusto kong sabihin.

Pakiramdam ko, siya rin ang nagsabi kay Charles noong bumisita siya sa bahay na magkasama kami ni Luke noong naglasing siya kaya nalaman iyon ni Charles. Pero ang tanong, paano niya nalaman iyon? Kami lang nina Sir Lereño at Luke ang nakakaalam nun. Malalaman ko iyon mamaya.

"Ms. Sandali!" tawag ko sa babae. Tumigil ang babe at lumingon sa gawi ko.

"Ako ba ang tinatawag mo?" tanong niya na itinuro pa ang sarili. Tumango ako.

"Oo, ikaw nga. May tatanungin lang sana ako." ani ko. Naningkit ang mga mata niya at kumunot ang noo.

"Anong itatanong mo? Pero hindi ko masisiguro na masasagot ko ang tanong mo." mataray niyang saad. Hindi ko maiwasang mainis sa inasta niya, kung wala lang akong kailangan sa kaniya nungkang kakausapin ko siya.

"Tatanungin ko lang kung anong oras ang out ni Ms. Onillo. May sasabihin lang kasi ako sa kaniya." tanong ko. Tinaasan niya ako ng kilay at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Mukhang mabait ka naman at Wala kang balak na masama kay Lene. We're friend, by the way. 6 pm ang out niya." aniya at naglakad na palayo patungo sa Information Desk. Mukhang may kailangan siya doon.

Huminga ako ng malalim, mabuti nalang hindi siya nagduda sa tanong ko. Mukhang may alam rin siya sa akin dahil iba ang pakikitungo niya sakin. Pero, wala na akong pakielam roon dahil ang mahalaga sakin ngayon ay ang makausap si Ms. Onillo. Hindi ko mapapalampas ang sinabi niya kanina kay Mickaela tungkol sakin.

Oo, mahirap lang kami pero hindi yun dahilan para hamak-hamakin ako. Makikita niya kung paano magalit ang isang Athalia Ramos. Makikita niya.