Chapter 17 Repentance
Note : slanting sa part na nagpadala ng mensahe si Charles kay Athalia, yung message niya slanting.
Athalia'sPOV
"SALAMAT sa paghatid, Luke." ani ko nang iparada niya ang sasakyan malapit sa gate ng kompanya at akmang lalabas na ng kaniyang sasakyan ng pigilan niya ako. Napabaling ako sa kaniya at Nagtatakang tiningnan ko siya.
"Bakit?" tanong ko.
"Susunduin kita mamayang 6pm. Hintayin mo ako. Kung may balak si Charles na sunduin ka, sabihin mo may susundo sayo." ani Luke at matiim na nakatitig sakin. May choice ba ako?
Tumango ako bilang pagsang-ayon. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at mabilis na hinalikan sa labi. Dahil sa gulat hindi agad ako nakaiwas. Nang lumayo siya sakin, tiningnan ko siya ng masama.
"Bakit mo iyon ginawa?" tanong ko na kababakasan ng galit sa boses. Nangako ako sa sarili ko na hindi na mauulit ang nangyaring halikan kagabi. May kasintahan si Luke ay may balak na akong sagutin si Charles. Biglang malungkot si Luke.
"Hindi ba pwede?" tanong niya.
"Hindi, dahil mali ito. Maling mali ito Luke. May kasintahan ka Luke at may nanliligaw sakin. Hindi tama itong ginagawa natin. Nagawa mo na akong halikan kagabi, at huwag mo na iyon uulitin pa. Kung anuman ang mayroon satin, yun ay ang pagiging magkaibigan. Yun lang ang kaya kong ibigay sa ngayon." sabi ko na may determinasyon sa boses.
"Makikipaghiwalay ako kay Mickaela pagbalik nila, para maging tama ang ginagawa natin. At, liligawan kita Athalia. Hintayin mo ako." ani Luke habang buong pagsuyo akong tinititigan at hinawakan ang aking kamay.
Umiling-iling ako. Gusto ko man ang desisyon niya, pero hindi dapat ako maging makasarili. Hindi ko kayang saktan si Charles lalo at nangako na ako sa kaniya. Babae ako, alam ko ang pakiramdam ng pinagtataksilan at ayaw kong gawin sakin iyon.
"Hindi mo kailangan gawin iyon, Luke. Masasaktan si Mickaela at nangako na ako kay Charles." ani ko at hindi na hinintay ang sagot niya. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at saglit na lumingon sa kaniya."Mag-iingat ka, Luke." ani ko at tuluyan ng lumabas ng sasakyan.
Nang makalabas ako, pumasok na ako sa gate at naglakad papasok sa entrance ng building. Nang makapasok, tumigil ako sandali sa may gilid at bumuntong-hininga. Tama ba itong ginagawa kong pakikipaglapit kay Luke? Nagiging mas komplikado kasi ang sitwasyon. Pero hindi ko naman pwedeng iwasan siya lalo at Sekretarya niya ako, nakapirma na ako ng Kontrata.
"Si Luke Sebastian iyon diba?" tanong sakin ng babaeng papalapit sakin. Kilala ko siya sa mukha pero sa pangalan hindi. I think nasa Finance Department siya. Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Matangkad siya, balingkinitan ang pangangatawan at maganda. Tumango ako.
"Oo, bakit? Paano mo nalaman na si Luke Sebastian iyon?" tanong ko. Tumawa ng nakakaloko ang babae. Hindi ko maiwasang mainis sa paraan ng kaniyang pagtawa. Mabuti nalang walang gaanong empleyado sa lobby. Merong mangilan-ngilan pero malayo sa kinaroroonan namin.
"Nabanggit samin kahapon ni Mr. Lereño, na Luke Sebastian ang isa sa mga nagsusupply sa kaniya ng mga prutas na gagamitin niya sa paggawa ng juice, sa pagbubukas niya ng PJC at sinabi niya rin na kaibigan mo siya." aniya habang nakataas ang kilay. Sino ba any babaeng ito at kung sinong tarayan ako?
"Okay. Yun lang ba ang itatanong mo? Kailangan ko na kasing pumunta sa opisina. Excuse me." ani ko at naglakad na patungo sa may elevator. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng magsalita siya kaya napalingon ako sa kaniya.
"Mamili ka ng isa, Athalia. Huwag kang mamangka sa dalawang ilog, hindi maganda iyon, mahirap na baka may magalit at may makaaway ka." aniya at naglakad na patungo sa kabilang direksyon. Napakunot-noo ako, ano ibig sabihin ng sinabi niya? Mamangka sa dalawang ilog at baka may magalit, ano ba ang alam niya?
HABANG nasa opisina, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ng babae. Na parang may alam siya sa sitwasyon namin ni Luke. Kaibigan ko si Luke kaya natural lang na maging malapit kami sa isa't-isa. Ano bang iniisip niya? Na may something samin ni Luke?
Oo meron, naghalikan nga kayo diba? Pero wala siyang alam sa kung anong namagitan samin. Hinilot ko ang aking sintido dahil biglang sumakit iyon dahil sa labis na pag-iisip. Bumalik ang aking diwa mula sa malalim na pag-iisip ng biglang may magsalita sa tabi ko.
"Athalia, pwede ba ako makisuyo sayo?" tanong ni Reena na isa ring Marketing Staff. Tiningala ko siya at nakitang may hawak siyang folder. Tumayo ako para magpantay ang aming mukha.
"Hindi naman, patapos na rin naman ako sa ginagawa ko. Bakit?" tanong ko. Iniabot niya sakin ang folder.
"Pwede bang pakibigay ito sa Finance Secretary natin si Ms. Anallene Onillo. Mag-lulunch na kasi ako eh, kailangan niya na yang mga list ng mga pasok natin para sa payroll." aniya. Si Reena ang nag-aasikaso ng attendance naming para sa payroll sa Department nila. Inabot ko ang hawak niyang folder at nginitian siya.
"Sure, Reena. Ako na ang magbibigay." ani ko at nginitian siya.
"Salamat, Athalia." aniya.
Ngumiti rin pabalik tsaka naglakad palabas ng opisina kasama sina Ruth at Edelyn. Naglakad na ako palabas ng opisina. Gumamit nalang ako ng hagdan tutal nasa itaas na palapag lang naman ng Marketing Department ang Finance Department. Nasa dulong hagdanan na ako ng may marinig akong nag-uusap sa telepono.
"Huwag kang mag-alala, Mickaela. Binalaan ko na si Athalia, tiyak na iniisip na niya ngayon ang mga sinabi ko." ani ng isang tinig.
Kilala ko ang tinig na iyon! Nanlalaki ang mga mata ko ng marinig ko ang aking pangalan at mapagsino kung sino ang nagsalita. Sumilip ako sa haligi na nakakonekta sa hagdan para tingnan kung tama ang hinala ko. Agad kong tinakpan ang aking bibig para mapigilan ang pagsinghap ng makita ang babae na nakausap ko kanina sa lobby.
Tama nga ako isa siyang Finance Staff. Pero sino ang kausap niya? Inilabas ko ang aking cellphone sa aking suot na coat at pinindot ang record button. Para kung sakaling nagka-engkwentro magsinungaling siya ay may panlaban ako.
"Oo, titingnan ko ang magiging kilos niya. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko agad sayo kapag nakita kong magkasama ulit sila." aniya. Mukhang nakikinig siya sa sinasabi ni Mickaela dahil tumango-tango siya.
"Gagawin ko ang lahat mapasakin lang si Charles, kapag nalaman ni Charles na kaladkarin siyang babae. Tiyak na aayawan na siya at ako na ang mapapansin ni Charles." aniya na may ngisi sa mga labi.
Gustong-gusto ko siyng sugurin at sabunutan nang mga sandaling iyon dahil sa mga pinagsasasabi niya. Tinawag akong kaladkarin?! Pero pinakalma ko ang sarili, hindi tama na magpadala ako sa emosyon ko. Mas lalong lalala ang sitwasyon.
"Okay. Balitaan kita kapag may nalaman pa ako na ginagawa ni Athalia kay Luke. Bye." aniya at pinatay na ang tawag.
Agad akong nagkubli para di niya ako makita. Narinig ko ang tunog ng heals na suot niya at ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Huminga ako ng malalim, mabuti nalang at ako lang ang narito, kapag nagkataon na may empleyadong napadaan dito tiyak na malalaman niya na narito ako.
Pinakalma ko ang aking sarili bago nagpasyang maglakad patungo sa Finance office. Titiyakin ko na mag-uusap kami mamaya at haharapin ko siya ng taas-noo.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto, saktong may nagbukas niyon. Si Sir Alden na siyang Head ng Finance Department. Nakilala ko siya ng minsang makasabay kong kumain ng pananghalian. Ngumiti siya sakin.
"Ms. Ramos, nandiyan ka pala. May kailangan ka ba sa Department?" tanong niya. Tumango ako.
"Opo, Sir. Ibibigay ko lang po kay Ms. Onillo ang attendance for payroll namin, pinasuyo po kasi sakin ni Reena kasi manananghalian na po siya eh kailangan na daw po kasi ni Ms. Onillo." paliwanag ko.
Nakita ko sa sulok ng aking kaliwang mata na napatigin sa gawi ko ang mga empleyado na nasa loob. Napatango-tango si Sir Alden.
"Ganun ba." aniya at niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan at gumilid tsaka inilahad ang kamay sa kanang bahagi ng opisina. "Nasang dulong bahagi ang mesa ni Ms. Onillo." aniya na masuyong nakangiti.
"Sige po. Salamat po." ani ko at pumasok na sa loob ng opisina at nagtungo sa mesa ni Ms. Onillo, hindi ko maiwasang macuncious sa mga tingin ng mga nasa finance. Nang naroon na ako, wala sa mesa niya si Ms. Onnillo.
"Nasa CR si Ms. Onillo, hintayin mo nalang baka patapos na iyon." ani Ms. Arzon na siyang nakalagay sa Glass Name Plate niya.
Sasagot na sana ako ng bumukas ang pinto ng CR at lumabas ang babaeng nakausap ko kanina sa lobby at mukhang may galit sakin. Siya pala si Anallene Onillo.
Kinalma ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko sasabog ako sa galit. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. Tinitigan niya ako at ngumiti siya, ngiting may kaplastikan. Kung hindi ko alam na may galit siya sakin, iisipin kong tunay ang ngiti na iginawad niya sakin.
"Ms. Athalia Ramos, nandito ka. Ako ba ang sadya mo?" tanong niya at naglakad patungo sa kaniyang mesa.
"Oo, ibibigay ko lang sana itong folder, narito ang attendance ng Marketing Department para sa payroll. Mag-lulunch na kasi si Reena kaya pinasuyo niya sakin." ani ko at ibinigay sa kaniya ang folder. Inabot niya iyon at binuklat. Tumango-tango siya.
"Okay. Baka bukas ko na gawin ito. Madami pa aking inaayos." aniya at nag-angat ng tingin.
"Okay. Salamat." ani ko at naglakad na palabas sa opisina.
Pagkalabas na pagkalabas ko napasandal ako sa dingding at huminga ng pagkalalim-lalim. Grabe ang pagpipigil ko kanina habang kaharap ko siya. Naglakad na ako patungo sa hagdan, nasa bukana na ako ng hagdan ng mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa coat at tiningnan kung sino ang nag-text. Napangiti ako ng si Charles ang nag-text. Inopen ko ang mensahe at binasa iyon.
Lunch with me? It's already 11:45 am.
Tinawagan ko agad siya para makausap. Baka bigla nalang siyang pumunta rito, lalo at 2pm pa lunch break ko. Hindi ko nagawang magpaalam sa kaniya dahil naging busy ako kanina. Ilang ring lang ay sinagot na niya iyon.
"Ath, good morning. Kamusta? So, lunch with me, later?" bungad agad sakin ni Charles.
"Sure, pero mamayang 2pm pa ako mag-lulunch. Okay lang ba?" tanong ko. Nakuu. Tiyak na magtatanong si Charles kung bakit 2pm ako mag-lulunch, dahil ang alam niyang oras ko sa lunch ay 12:30 pm.
"Huh? Bakit late ka na mag-lulunch?" Nagtatakang tanong niya. Napakagat-labi ako. Sabi na eh.
"Na-late kasi ako ng gising kaya nakisuyo muna ako kay Mr. Lereño na ma-lalate ako ng pagpasok na pumayag naman." ani ko.
Kahit papaano may katotohanan naman ang sinabi ko. Biglang tumahimik sa kabilang linya, kaya napatingin ako sa cellphone kung nasa kabilang linya pa si Charles. At, naroon pa rin siya.
"Charles, nandiyan ka pa ba?" tanong ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga.
"Ah, oo nandito pa ako. Sige, mga 1:30 nandiyan na ako. I miss you, Athalia." aniya.
Ramdam ko sa boses niya ang pangungulila. Totoo, namimiss ko rin si Charles, masaya siyang kasama at may sense of humor. Hindi ka maboboring kapag kasama mo siya.
"Namiss din naman kita eh. Sige, hihintayin kita mamaya. Bye, narito kasi ako sa Finance Department, pabalik na ako sa Department namin." ani ko.
"Okay, Bye. See you later." aniya.
Pinatay ko na ang tawag at bumaba ng hagdan. Nakapagdesisyon na ako, sasagutin ko na ngayon si Charles. Deserve niya ang "YES" ko at para hindi umasa si Luke na magiging kami at hindi na ituloy ang pakikipaghiwalay kay Mickaela. Kahit may nalaman akong hindi maganda patungkol kay Mickaela, hindi yun dahilan para maghiganti. Kailangan pa rin maging mabuti kang tao.