Chapter 13 Temptation
Athalia'sPOV
"HALIKA NA, sasamahan kita sa kwarto, Luke." ani ko at nagpatiuna ng maglakad patungo sa hagdan.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Luke. Anong ibig sabihin niyon? Galit ba siya sakin dahil sa nangyari kanina? Dahil mas pinili ko si Charles kaysa sa kaniya? Napipilitan lang ba siyang pumunta rito? Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa aking dibdib, ni hindi man lang niya pinakinggan ang eksplanasyon ko kanina. Basta nalang siya umalis.
Nang marating ko ang silid na katabi ng aking silid. Pinihit ko ang door knob para buksan iyon. Tumambad sa aking harapan ang hindi kalakihang silid, pinasadya talaga ito ni itay noong nabubuhay pa siya para sa mga kamag-anak o bisita na punta rito sa bahay. Dangan nga lamang, hindi ko na siya nasilayan pa. Pumasok ako sa loob at sumunod naman si Luke na iginagala ang paningin sa loob ng kwarto.
Malinis ang kwarto, dahil dalawang beses sa isang linggo kung linisan ito ni Inay. May isang kama sa kaliwang bahagi ng kwarto at isang durabox sa kanan. At may CR rin sa gilid ng durabox, para di na kailangang bumaba ng taong uukupa nito.
"Pasensya ka na, simple lang itong kwarto. Alam mo namang uulan, bakit ka pa pumunta rito? Baka hindi ka makatulog niyan?" nag-aalala kong tanong.
Mula sa ginagawang paglibot sa kabuuan ng kwarto dumako ang paningin ni Luke sa akin at matiim akong tinitigan. Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang intensidad ng kaniyang titig. Napalunok ako. Bakit ganun siya makatitig? May mali ba sinabi ko? Tama naman yun ah?
Mayaman siya, kaya mahihirapan siyang makatulog dahil sanay siya sa isang napakalambot na kama at magarang kwarto na may aircon. Hindi rin siya sanay makitulog sa ibang bahay. Lumakas ang kabog ng aking dibdib ng unti-unti siyang lumapit sakin. Pakiusap puso, umayos ka! Baka himatayin ako neto. Huminto siya sa paglalakad ng ilang dangkal nalang ang layo niya sakin at matiim pa ring nakatitig sakin.
"Ayaw mo ba ako makasama, Ath?" tanong niya.
Nabanaag ko sa boses niya ang lungkot at pagtatampo. Hindi ko mawari pero nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Ganun talaga siguro ang bond kapag magkaibigan. Lalo at matalik na magkaibigan. Umiling ako.
"Hindi naman sa ganun, Luke. Nahihiya lang ako kasi ganito yung kwarto ipapagamit namin sa iyo." ani ko at nagbaba ng tingin, hindi ko na kayang salubungin pa ang titig niya. Pakiramdam ko hihimatayin ako sa bilis ng tibok ng aking puso.
"Look at me, Athalia." utos niya.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinabi niya kahit na mabilis pa rin ang tibok ng aking puso kaya nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang titig niya. Napalunok ako ng dumako ang kaniyang mga mata sa aking labi, pero agad din iyon tumaas patungo sa aking mga mata.
"Wala akong pakielam kahit sa sahig pa ako matulog ngayong gabi o kahit magdamag akong hindi makatulog. Kahit nasa kwarto ako, kung ganito ang sitwasyon nating dalawa. Tiyak na hindi rin ako makakatulog. Titiisin ko lahat maging ayos lang tayong dalawa." aniya.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng saya sa mga sinabi niya, na handa siyang magsakripisyo para lang maging maayos na kami. Napakagat-labi ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata dahil sa emosyon na aking nararamdaman.
Hindi ko akalain na ganito ka-sweet si Luke. Kung pwede lang hilingin na sana sakin siya sweet, wala naman akong magawa dahil kaibigan lang lang niya ako at may kasintahan siya. Nagbaba ako ng tingin.
"Bakit kasi umalis ka kanina nang hindi mo man lang pinakinggan ang buong paliwanag ko? Oo, nagpaliwanag ako, pero isinawalang-bahala mo lang iyon. Masakit Luke kasi iniisip mo na mas mahalaga si Charles kaysa sayo. Dahil kung sa inyong dalawa, mas matimbang ka kaysa kay Charles." ani ko at nag-angat ng tingin.
Nakangiti siya ngayon, mas lalong naging kaakit-akit siya sa aking paningin dahil sa ngiti na nakaukit sa kaniyang mga labi. Hinaplos niya ang aking pisngi.
"I'm sorry, hindi ko lang maiwasang magselos. Kaya umalis muna ako para pakalmahin ko ang sarili ko dahil ayaw kong may masabing hindi maganda sayo. Hindi kita kayang saktan, Athalia. Mas gustuhin Kong saktan ko nalang ang sarili ko kaysa ikaw. Dahil yun ang hinding-hindi ko gagawin." aniya. Napangiti narin ako.
"So, kalimutan na natin yung kanina. Babawi naman ako sa mga susunod na araw, diba magiging Sekretarya mo ako? Kaya sisiguraduhin ko na makakabawi ako." ani ko.
Tumango siya at mas lalong lumapit sakin. Magkadikit na magkadikit na ang aming katawan. Mas lalong lumakas ang tibok ng aking puso sa pagkakalapit naming dalawa. Pakiramdam ko naririnig iyon ni Luke sa sobrang lakas.
"Aasahan ko yan." aniya at inilapit ang labi sa aking noo at kinintalan ako ng mabilis na halik sa mga labi. Napapikit ako dahil sa ginawa niya.
Nagbaba ako ng tingin at napadako ang aking paningin sa kanan niyang kamay at napansin na may benda iyon. Kanina pa kami magkasama pero bakit ngayon ko lang napansin ang benda niya? Dahil ba mas nagfocus ako sa inis, tampo at galit na nararamdaman ko sa kaniya na hindi ko man lang napansin ang kanang kamay niya?
"Anong nangyari sa kanang kamao mo? Bakit may benda?" tanong ko. Nagyuko siya ng ulo para tingnan ang kaniyang kamao. Iniangat niya iyon.
"Nagdamo kasi ako kanina sa ba--kuran gamit ang-- ahm, kulawit, a--yun aksidenteng dumulas sa kamay ko kaya napuruhan ang kamay ko." aniya na hindi makatingin sakin ng diretso at nauutal din siya.
Ibig sabihin, nagsisinungaling siya. Bakit naman siya magdadamo kung pwede naman niya iyon iutos sa iba? Hinawakan ko ang kaniyang pulsuhan at hinila siya patungo sa kama at pinaupo.
"Dyan ka lang, kukunin ko lang ang first aid kit sa kwarto ko para malinisan ko ang sugat mo bago ka matulog." ani ko. Akmang ibubuka niya ang kaniyang labi para magsalita, pero inunahan ko na siya.
"Huwag ka na umangal, dahil ramdam ko at alam ko na nagsisinungaling ka lang." ani ko at tiningnan siya ng masama. Huminga siya ng malalim.
"Okay." aniya.
Napangiti ako dahil hindi na niya ipinagpilitan pa ang gusto. Naglakad na ako palabas ng silid at tinungo ang kwarto ko na nasa kaliwang bahagi ng silid. Nang makapasok ako, agad kong kinuha ang first aid kit na nasa bed side table at nagtungo sa silid na inookopa ni Luke.
Nang makapasok ako, nagtama ang aming mga mata ni Luke. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paghagod ng kaniyang mga mata sa aking kabuuan. Hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha sa ginawa niya. Sino ba naman ang hindi?
Kung hindi ko lang siya kaibigan, iisipin ko na nabibighani siya sa hubog ng aking katawan. Pero imposible iyon, dahil kaibigan lang ang turing niya sakin at walang ibig sabihin ang ginawa niya. Nang makalapit ako kinuha ko ang monoblock chair na nasa tabi ng kama at pupwesto sa harapan ni Luke.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay at idinantay sa aking hita. Nakaramdam ako ng boltahemg kuryente dahil sa pagdantay ng kaniyang kamay sa aking hita. Sh*t! Isinawalang-bahala ko iyon at ipinako ang atensiyon sa kamay ni Luke na may benda.
"Ano ba talagang nangyari dito?" tanong ko habang tinatanggal ang gauge sa kaniyang kamao. Nang hindi siya sumagot, nagtaas ako ng paningin at tiningnan siya.
"Sasabihin mo ba sakin ang totoo, o magagalit ako sayo?" tanong ko.
Napakagat-labi siya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniyang mga labi na kaypupula. Isang beses ko lang nahalikan iyon pero bakit parang gusto kong halikan ulit iyon? Ipinilig ko ang aking ulo at itinuon ang pansin kay Luke na ngayon ay nakatingin sakin. Nagbaba ako ng tingin at itinuon and paningin sa gauge para tuluyan ng matanggal.
"Sinuntok ko ang semento sa teresa kaya nasugatan ang kamao ko." aniya.
Napakunot-noo ako sa sinabi niya, kaya nagtaas ako ng tingin para tingnan kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Nahuli ko siyang nakatitig sakin. Katunayan na nagsasabi siya ng totoo. Ginawa ba niya iyon dahil sa selos na nararamdaman kay Charles?
Kadalasan, sa mga teleserye napapanood ko iyon na kapag ang isang lalaki ay galit at walang mapagbalingan ang galit na nararamdaman. Sinusuntok nila ang alinmang bagay para doon ilagak ang kinikimkim na galit.
Bakit? Bakit mo ginawa iyon?" nagmamaang-maangan kong tanong.
"Ath, ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit ko ginawa iyon?" balik-tanong niya habang matiim na nakatitig sakin na wari'y binabasa ang laman ng aking isipan. Napalunok ako.
"Ahm, dahil nagseselos ka kay Charles?" ani ko habang kagat ang labi. Kailangan ko ba talagang sagutin? Pwede naman niyang sabihin e! Tumaas ang sulok ng kaniyang labi.
"Hindi ko akalain na maiisip mo iyon, Ath."
"Hindi mo dapat ginawa yun. Tingnan mo, ang laki ng nasugatan sa kamao mo!" singhal ko sa kaniya. Ngumisi lang siya.
"Malayo sa bituka." aniya. Napairap ako sa sinabi niya. Masaya ako dahil sa kaalamang nagseselos siya kay Charles. Pero bakit?
"Bakit ka nagseselos kay Charles?" tanong ko at sinalubong at titig niya. Nag-iwas siya ng tingin.
"Dahil inaagaw niya ang atensiyon ng matalik kong kaibigan na dapat ay para sakin." aniya.
Napangiti ako ng mapait. Ano pa ba ang aasahan ko? Kaibigan lang naman talaga ang turing sakin ni Luke at wala ng iba. Iba ang gusto kong marinig sa kaniya kaya heto hindi ko maiwasang masaktan. Umasa na naman kasi ako. Tumango nalang ako sa sinabi niya. Sinimulan ko nang linisin ang kaniyang sugat, napapiksi siya nang pasadahan ko ng alcohol ang kaniyang sugat.
"F*ck! Ath, dahan-dahan ang sakit!" aniya. Nag-angat ako ng tingin at natawa ako ng makitang nakapikit siya habang nakangiwi.
"Akala ko ba malayo sa bituka? Tapps ngayon masasaktan ka pala? Bakit ba naman kasi sinuntok mo ang semento! Ayan ang nangyayari, kapag masyadong seloso!" ani ko at idiniin ko pa lalo ang bulak sa kaniyang sugat.
Hinila ni Luke ang kaniyang kamay. Ipinalibot niya ang kaniyang mga braso sa aking bewang at hinila ako paupo sa kandungan niya. Hindi ko maiwasang mapasinghap sa ginawa niya. Magkadikit na magkadikit ang aming katawan. Napakabilis narin ng tibok ng aking puso. Tinampal ko ang kaniyang balikat.
"Luke, ibaba mo ako!" singhal ko sa kaniya. Umiling siya.
"Ayaw ko. Dito ka lang. Ito ang parusa mo dahil sa ginawa mo sa sugat ko." aniya. Sinalubong ko ang kaniyang matiim na titig.
"Ginagamot kita, diba? Malamang ganun ang gagawin ko! Bakit mo naman kasi ginawa iyon? Pwede mo naman ako kausapin, paano nalang kung mas higit pa diyan ang gawin mo kapag magselos ka ulit?" ani ko pero ang totoo, sinasadya ko iyon dahil naiinis ako sa mga narinig mula sa kaniya.
Hindi naman niya kailangan gawin iyon, paano kung dumating ang pagkakataon na magselos ulit siya at mas malala pa sa nangyari sa kamay niya ang gawin niya? Hindi ko ata kakayanin iyon. Sobrang mag-aalala ako.
"So, nag-aalala ka para sakin?" tanong niya sakin habang titig na titig sa aking mga mata. Mga matang punong-puno ng emosyon na hindi ko mabasa kung ano ang mga emosyon na iyon.
"Syempre mag-aalala ako dahil best friend kita. Natural lang na mag-alala ako Luke. Ibaba mo na ako para magamot ko na ang sugat mo, at makatulog ka na." ani ko. Subalit hindi nakinig si Luke sakin. Nakatitig lang siya sakin hanggang dumako iyon sa aking mga labi.
"Luke... Ibaba mo ako." paanas ko. Nag-iinit ang aking katawan dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa aking labi.
"Pwede ba kitang halikan, Ath?" biglang tanong niya sakin.
Nagpanting ang aking pandinig dahil sa tanong niya. Tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya? Himihingi siya ng permiso na halikan niya ako? Bakit?
"Tama ba ang narinig ko? Bakit? Luke, magkaibigan tayo mali na halikan mo ako, tama na ang halik na namagitan satin noong kadarating mo lang. May girlfriend ka Luke at mali ang gagawin natin."
Tinitigan ko siya. Kitang-kita ko ang pagkislap ng lungkot sa kaniyang mga mata. Nagbaba ako ng tingin. Maling mali talaga. Bukod sa may kasintahan siya, magkaibigan lang kami. Meron bang magkaibigan na naghahalikan? Walang ganun.
"Kahit ngayon lang, Ath. Please. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Pagdating sayo nagiging mahina ako, pagdating sayo nakakalimutan ko kung ano ba ang mayroon tayo."—hinaplos niya ang aking pisngi.—"Please, Ath." aniya.
Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang kaniyang titig. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata. Wala naman masama kung pauunlakan ko ang sinabi niya, gusto ko rin naman na halikan niya ako. Gustong-gusto. Dala na rin ng bugso ngdamdamin, natagpuan ko nalang ang aking sarili na tumatango.
Lumiwanag ang mukha ni Luke dahil sa tugon ko. Sinapo niya ang aking pisngi, at sa isang iglap lang siniil niya ako ng mapusok na halik na kaagad kong tinugon. Ipinalibot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg at mas pinalalim pa ang halikan naming dalawa. Napaungol ako ng mas pinalalim din ni Luke ang halik.
Kahit ngayong gabi lang, maranasan ko ang bagay na gusto kong maranasan sa piling ni Luke. Bahala na kung anong mangyayari. Tsaka ko nalang iisipin iyon, sa ngayon nanamnamin ko muna ang halik na aming pinagsasaluhan.