Chapter 12 The Picture
Luke'sPOV
Pagdating ko sa mansiyon, dumiretso ako sa kwarto at tinungo ang terasa. Kumuha ako ng dalawang stick ng sigarilyo sa cabinet at sinindihan ang isa niyon tsaka isinubo at humithit, samantalang yung isa ay ibinulsa ko. Nagtungo ako sa dulong bahagi ng teresa at nilanghap ang sariwang simoy ng hangin. Tiningnan ko ang kabuuan ng Hacienda na natatamnan ng palay. Malapit na ang anihan.
Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Ayaw kong may masabing hindi maganda kay Athalia kaya umalis ako dahil ayaw ko magkaroon kami ng hindi pagkakaintindi, pero parang ganoon na rin ang nangyari.
Nakaramdam ako ng sobrang pagseselos sa nakita kanina. Napaka-sweet nila sa isa't-isa. Kung hindi pa ako nagsalita hindi nila malalaman na naroon ako at nakatayo. Ganun na ba sila kaabala para hindi mapansin ang presensya ko? F*ck! Sino ba naman ang hindi magseselos? Inaasahan kong makakasama ko siya ngayon pero hindi pala! Gustong-gusto kong sugurin kanina ng suntok si Charles, pero pinigilan ko ang sarili ko.
Ayaw kong matakot sakin si Athalia, at baka iyon pa ang maging dahilan para layuan niya uli ako. Lalo ngayon, nagsisimula palang maging maayos ang relasyon naming dalawa bilang magkaibigan. F*ck! Napasuntok ako ng ilang ulit sa hamba ng terasa, gusto kong ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Nagdulot iyon ng sugat sa aking kamao. Tumulo ang dugo niyon, pero wala akong nararamdamang sakit.
Mas masakit ang nararamdaman ko sa aking dibdib. Parang binayo iyon ng isang malaking palakol! Humithit muli ako ng sigarilyo, at ng maubos iyon kinuha ko ang isang stick na nasa aking bulsa at inilagay iyon sa bibig. Sidindihan ko na sana ang sigarilyo ng may magsalita sa aking likuran.
"Mukhang stress na stress ka ah, pinsan na pati kamao mo ay dumudugo." anang tinig na nagmula sa aking likuran.
Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang nagsalita. Alam niya na kapag naninigarilyo ako sobrang stress ako, dahil nabanggit ko iyon sa kaniya noong makita niya akong naninigarilyo. Iyon yung pagkakataon ng malaman ko na manliligaw ni Athalia si Charles. Inalis ko ang sigarilyo sa aking bibig at ibinulsa iyon tsaka humarap kay Ate Melissa.
"Ate, anong ginagawa mo rito? Hindi ko man lang narinig ang pagpasok mo." ani ko. Nginisihan niya ako.
"Sandali at kukunin ko ang first aid kit sa kwarto mo, para magamot ki ang sugat mo." aniya at tumalikod na at pumasok sa kwarto.
Ilang minuto pa ang lumipas, bumukas ang sliding door at may dala ng first aid kit si Ate Melissa. Tumabi siya sakin at hinarap ako. Inabot niya ang kamay ko na dumudugo at sinimulang linisin iyon. Napapikit ako sa sakit na dulot ng alcohol.
"Paano mo mapapansin ang pagdating ko kung naglalayag ang isipan mo? Tell me, is it about Athalia?" tanong niya sakin habang abala pa rin sa paggamot sa aking sugat.
Tumango ako. Wala ng dahilan para maglihim pa, Wala namang dahilan para ilihim ko pa sa kaniya. Mas maganda na rin iyon mailabas ko ang hinanakit ko para kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.
"Oo ate, siya ang nasa isip ko kanina at hanggang ngayon. Hindi ko maiwasang magselos dahil nakita ko silang magkasama ni Charles kanina noong pumunta ako sa bahay nila Athalia. May usapan kami na ililibot ko siya sa prutasan, pero nung susunduin ko na siya. Magkasama silang dalawa ni Charles at masayang nag-uusap. Ni hindi man lang nila napansin ang pagdating ko! Nasasaktan ako, Ate. Nagseselos! Sobrang nagseselos ako. Gusto kong angkinin si Athalia, gusto ko siyang ipagdamot pero paano? Dahil hindi ko naman siya pag-aari." ani ko.
Mula sa ginagawa nag-angat ng tingin si Ate Melissa at tiningnan ako. Nag-iwas ako ng tingin, ayaw kong makita niyang mahina ako. Pero, kailangan ko ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Bumuntong-hininga si Ate Melissa.
"Real talk ah, Luke. Oo, naiintindihan ko na nagseselos ka at nasasaktan sa nakikita mong sweetness nilang dalawa. Pero, accept it. May kasintahan ka, Luke at hindi alam ni Athalia na may nararamdaman ka para sa kaniya. O kung meron man, hindi yun dahilan para iwasan niya si Charles dahil nga sabi ko, may kasintahan ka at may posibilidad na hindi siya maniwala sayo.
Bakit? Paano siya naniniwala na may naramdaman ka para sa kaniya? Eh umuwi ka na may kasintahan ka na diba? Hindi mo masisisi si Athalia na magpaligaw dahil karapatan niya iyon. Dalaga siya at binata si Charles. Siguro nahiya lang si Athalia na hindi paunlakan si Charles. Knowing Athalia, sobrang bait niya.
Huwag lagi emosyon mo ang iniisip mo, Luke. Isipin mo rin ang damdamin ni Athalia, don't be selfish. Kung gusto mong manatili si Athalia sayo bilang kaibigan, dapat alam mong kontrolin ang emosyon mo. Huwag kang magpadalos-dalos." aniya na punong-puno ng sensiridad ang kaniyang boses. Binabalot na niya ng gauge ang aking kamao. Napatawa ako ng mahina.
"Kaibigan? Hanggang doon nalang ba talaga kami, Ate? Wala ba kaming happy ending?" tanong ko sa kaniya.
Hindi ko maiwasan ang pagbalatay ng lungkot sa ekspreksiyon ng aking mata dahil lumungkot din ang ekspreksiyon ng mukha ni Ate Melissa. Huminga siyag muli ng malalim na para bang nahihirapan sa mga naririnig.
"Isa lang ang dapat mong gawin, Luke. Break up with Mickaela, hangga't magkasintahan kayo, hinding-hindi magiging kayo ni Athalia at hindi siya mappasayo. Huwag kang mamangka sa dalawang ilog."—aniya at tinapik ang aking balikat."Aalis na ako, baka magtaka si Sir Lereño dahil napatagal ako rito. Nasa kama mo ang envelop na naglalaman ng kasulatan patungkol sa kung magkano ang bayad sa serbisyo mo sa kompanya. Basahin mo nalang, at kapag may katanungan ka, e-email mo nalang si Mr. Lereño." ani Ate Melissa at naglakad patungo sa sliding door ng kwarto.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Masyado ba akong nagpadala sa emosyon ko at hindi ko inisip ang mararamdaman ni Athalia? F*ck! Kailangan ko siyang makausap! Hindi pwedeng magtagal itong hindi pagkakaunawaan namin. Tiningnan ko ang aking kanang kamao na nababalutan ng gauge, siguradong magtataka si Athalia. Bahala na, bahala na akong magdahilan.
MAGDODOOR-BELL na sana ako nang bumukas ang pintuan ng bahay nina Athalia at lumabas roon si Tita Carmen na may dalang garbage bag. Tiningnan niya akong maigi, inaaninag ang aking mukha. Biglang umaliwalas ang kaniyang mukha at agad na binitawan ang dala tsaka lumapit sakin.
"Luke ikaw ba yan?" paniniguro niya.
"Opo, Tita Carmen. Ako nga." ani ko. Kinuha niya sa bulsa ang susi at binuksan ang gate.
"Pasok ka. Anong sadya mo rito, iho? Gabi na ah? Madilim ang kalangitan, baka abutan ka ng ulan." ani Tita Carmen. Pumasok ako sa loob ng bakuran. Naunang naglakad si Tita Carmen, patungo sa loob ng bahay.
"Gusto ko po sana makausap si Athalia, Tita. Pag-uusapan lang namin ang tungkol sa report na gagawin niya sa makalawa." pagdadahilan ko.
Madilim talaga ang kalangitan, pero hindi ko na dapat ipagpabukas pa ang pakikipag-usap sa kaniya. Hindi rin ako makakatulog ng maayos. Hindi ko pwedeng sabihin ang totoong sadya ko dahil wala namang alam si Tita Carmen sa nararamdaman ko para kay Athalia.
"Okay. Kung abutan ka ng ulan, dito ka na matulog. Magpaalam ka nalang kay Ate Daisy, para hindi siya mag-alala sayo." aniya at kinuha ang garbage bag na binitawan niya kanina, pero kinuha ko iyon sa kaniyang kamay at ako na ang nagbitbit. Tiningnan ako ni Tita Carmen at kitang-kita ko mula sa ilaw na nagmumula sa loob ng bahay ang kaniyang pagngiti.
"Salamat, iho."—aniya. Napatingin siya sa aking kanang kamay.—"Anong nanyari sa kamay mo?" tanong niya na kababakasan ng pag-aalala Ang mukha.
"Wala pong anuman. Ah, nagdamo po ako kanina, eh. Bigla nalang po ako nasugatan, ganun po talaga siguro kapag hindi sanay." sagot ko at ngumiti. Tumango-tango si Tita Carmen. Mabuti nalang may naisip akong dahilan. Mukhang kapani-paniwala naman.
"Ganun ba. Sa susunod, mag-iingat ka ah." aniya.
"Opo. Tita. Salamat po sa pag-aalala." ani ko.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay, iginiya ako ni Tita Carmen sa may kusina at inalis ang takip ng isang drum. Nilagay ko roon ang basura.
"Sandali lang at tatawagin ko si Athalia at ipapaalam ko na narito ka. Maupo ka muna sa sofa sa sala." ani Tita Carmen at nagtungo sa kwarto ni Athalia.
Tinungo ko ang salas at umupo sa sofa na naroon. Napadako ang tingin ko sa isang picture frame na nasa ibabaw ng may kalakihang speaker. Tumayo ako at tinungo iyon, kinuha ko ang litrato at tinitigan iyon. Si Athalia iyon kasama ang isang lalaki, nakasuot sila ng itim na toga.
Mukhang katatapos ang ng seremonya ng kunan ang litrato. Base iyon sa background ng litrato kung saan may mga nakasuot ng toga. Hindi ko maiwasang makaramdam ng selos.
Kung titingnang maigi ang litrato, mapaghihinuhang malapit sila sa isa't-isa. Syempre, hindi naman ilalagay ni Athalia iyon sa picture frame kung hindi importante sa kaniya ang lalaki. Nagseselos ako, dahil nakasama niya si Athalia noong nag-aaral palang ito. Samantalang ako, kulang nalang hilahin ko ang oras at araw makuwi lang para makasama ko na siya. Umiiwas ako sa mga kababaihan dahil si Athalia lang talaga ang gusto kong lumalapit sakin.
Well, except noong makilala ko si Mickaela. Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sari dahil sa emosyon na kumakalat na naman sa sistema ko. Hindi iyon makakabuti sakin, kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil kakausapin ko pa si Athalia. Ibabalik ko na sana ang picture frame sa speaker nang may magsalita sa aking likuran.
"Luke? May kailangan ka raw sabi ni inay." aniya.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang kaniyang tinig. Pakiramdam ko bigla tumigil ang pag-inog ng mundo ko. F*ck! Huminga ako ng malalim at ibinalik muna ang larawan sa kinalalagyan nito tsaka humarap kay Athalia.
Nagtama ang aming mga mata. Hindi ko maiwasang suyurin ng tingin ang kaniyang kabuuan. Nakasuot siya ng ternong pajama. Pero kahit simple lang siya, lumilitaw parin ang angkin niyang kagandahan. And I like it, mas gusto ko na ganito siya. Simple lang. Bumalik ang tingin ko sa kaniya, nakatingin siya ibang direksyon pero kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Marahil dahil sa ginawa kong pagsuyod ko ng tingin sa kaniyan. Tumikhim ako.
"Oo, pero bago ko sabihin ang totoong sadya ko. Gusto kong itanong kung sino ang lalaki na nasa picture frame na kasama mo?" —ani ko, sabay turo sa picture frame na nasa ibabaw ng speaker.—" Kaibigan, ex-boyfriend o baka pinsan na hindi ko kilala?" tanong ko.
Pinilit kong kalmahin ang sarili ko, pero sa loob-loob ko nadudurog ang puso ko ng banggitin ko ang salitang Ex-boy-friend. Pero umaasa ako, na hindi niya Ex-boyfriend ang lalaki sana kaibigan nalang—
"Matalik na kaibigan slash Ex-boyfriend noong nasa Kolehiyo ako." aniya na ikinagulantang ko. Sh*t!
Naging boyfriend niya ang kaibigan niya! Hindi ko maiwasan ang pagkuyom ng aking kamay. Nakita kong napatingin doon si Athalia kaya naman inunat ko ang aking kamay. Tumango-tango ako sa sinabi niya. Walang lumabas na salita sa aking bibig.
"Maupo muna tayo. Nakakangawit tumayo." aniya at tumawa ng mahina. Ang sarap pakinggan ng kaniyang pagtawa. Kaysarap sa pandinig.
"Okay." ani ko at tinungo ang sofa na naroon tsaka umupo.
Naupo naman si Athalia sa pang-isahang sofa. Napakunot-noo ako, ang luwang ng espasyo sa sofa na kinauupuan ko. Bakit doon pa siya naupo? May sakit ba ako na nakakahawa?
"Ang layo mo, Ath. Dito ka sa tabi ko." ani ko at umusog ng kaonti para bigyan siya ng espasyo. Kagat ang labing tumango siya. Nang makaupo siya sa tabi ko. Nagtanong ako.
"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko.
Pero, nagpapasalamat ako dahil naghiwalay sila. Dahil kung umuwi ako na kasintahan ni Athalia ang lalaki may posibilidad na baka hindi ko siya mapaibig. Nag-iwas siya ng tingin at isinandal ang katawan sa sofa.
"Huwag na natin siyang pag-usapan. Anong kailangan mo, Luke? Baka abutan ka ng ulan." aniya.
So, ayaw niya pag-usapan, Bakit? May nakaraan ba sila na ayaw na niyang balikan? Siguro nga mas mabuti ng huwag ko ng malaman. Ngumiti ako sa kaniya.
"Kung sakali daw na abutan ako ng ulan, dito nalang daw ako matutulog, ani Tita Carmen." ani ko. Nanlaki ang mga mata ni Athalia.
"Ayos lang sayo? Hindi kasing-lambot ng kama mo ang kama sa kabilang silid. Diba, hindi ka sanay makitulog sa ibang-bahay? Kwenento mo pa nga sakin noon nung inihabilin ka ni Tita Olivia kina Ate Melissa, hindi ka nakatulog." tanong niya sakin.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Umusog ako palapit sa kaniya at inakbayan siya. Bahala na! Gusto ko siyang akbayan ngayon. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko, pero hindi naman niya inalis ang aking kamay na nasa kaniyang balikat. Mas lalong lumapad ang aking ngiti ng ihilig niya ang ulo sa aking balikat.
"Natatandaan mo pa pala iyon." ani ko at tiningnan siya.
"Syempre naman, kaibigan kita— naputol ang kaniyang sasabihin ng bigla nalang siyang nag-angat ng tingin at kahibla nalang ang layo ng mukha namin sa isa't-isa. Nahigit ko ang aking paghinga sa pagkakalapit naming iyon.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang mapupulang labi na kaysarap halikan. Ganun din ang ginawa niya, tumingin siya sa aking labi pero agad ding nag-iwas ng tingin. Tumayo siya sa pagkakaupo at huminga ng malalim.
"Inaantok na ako, Luke. Pwede na ba ako matulog? May pasok pa ako bukas. Bukas nalang natin pag-usapan ang sadya mo rito. Ihahatid nalang kita sa labas." aniya na nakatalikod sakin at nagpatiuna nang maglakad patungo sa pintuan. Wala akong nagawa kundi ang tumayo na rin at sumunod kay Athalia. Nang buksan niya ang pinto. Biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"Shit!" ani Athalia at isinara agad ang pintuan. Dahil pumapasok ang ulan sa bahay. Humahangos na bumaba ng hagdan si Tita Carmen.
"Athalia, asan si Luke? Nakauwi ba siya bago umulan?" tanong niya habang bumaba ng hagdan. Nang makababa si Tita Carmen, dumako ang tingin niya sakin.
"Mabuti nalang hindi ka pa umalis. Mahihirapan ka nakauwi, kung naabutan ka ng ulan. Alam mo naman madulas ang daan. Dito ka na matulog."—ani Tita Carmen at tiningnan si Athalia na nasa tabi at nakatingin samin. Pinanlakihan niya ito ng mata.—"Ihatid mo siya sa ikatlong kwarto, anak. Para makapagpahinga na rin siya." ani Tita Carmen.
"Sige po, inay." sagot ni Athalia. Tumango si Tita Carmen.
"Osige matutulog na ako. Gigising pa ako ng maaga bukas, kailangan ko pang mamalengke bukas ng stock sa mansiyon." ani Tita Carmen at nagpatiuna ng umakyat ng hagdan.